You are on page 1of 1

ABSTRAK 3

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa saloobin ng mga mag-aaral sa relasyong bisexual. Naglalayon

ang pagaaral na ito na malaman ang saloobin ng mga mag-aaral tungkol sa relasyong bisexual upang

maimulat sila at makamit ang malawak na kaalaman tungkol sa relasyong bisexual. Ang napiling

respondante sa pagaaral na ito ay ang mga mag-aaral sa Ika-labing isang baitang mula sa General

Academic Strand (GAS) sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Makapuyat na may kabuoang bilang na

animnaput limang (65) mag-aaral. Ang pagaaral na ito ay limitado lamang sa saloobin ng mga mag-aaral

sa ikapitong baitang ukol sa relasyong bisexual, dahilan kung bakit pumapasok ang mga mag-aaral sa

ganitong relasyon at kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng relasyong bisexual. Ang naisagawang

pag-aaral ay deskriptibong pananaliksik na gumamit ng talatanungan partikular na e-sarbey na

ginamitan ng teknolohiya upang malikom ang mga datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na ito ang

pinaka angkop na disenyo para sa pagaaral na isinagawa sapagkat mas napadali ang pagkalap ng mga

datos mula sa mga napiling respondante. Nakapaloob sa talatanungan ang mga katanungan inihanda ng

mga mananaliksik upang mabigyang kasagutan ang naturang pagaaral. Sa pagkalap ng datos ay humingi

ng pahintulot sa mga respondante ang mga mananaliksik sa pamamagitan ng pagsagawa ng liham ng

pahintulot .Ang nakalap na datos ay sinuri ng mag mananliksik at inenterpreta gamit ang Descriptive

Statistical Analysis kung saan gumamit ng mga talaan upaang suriin ang mga datos. Base sa mga nakalap

na datos napagalaman na para sa mga mag-aaral sa ikapitong baitang ang relasyong bisexual ay hindi

isang pagkakamali dahilan na sinusunod lamang nila ang kanilang nararamdaman ayon natuklasan din ng

isinagawang pagaaral na ang dahilan sa pagpasok ng mga mag-aaral sa relasyong bisexual ay dahil ditto

nila nakikita at nararamdaman ang tunay na pagmamahal anf saloobbin nmn ng mga mag-aaral na hindi

interesado sa ganitong relasyon ay nagsasabing iwasan nlamang ang mga taong kabilang sa naturang

grupo na may kasariang bisexual.

You might also like