You are on page 1of 1

Ang papel na ito ay Tungkol sa maaring maging epekto ng kanilang pagigigng homosekswal sa

lipunan kung mayroon. Pati na rin malaman kung ano- ano ang manipestasyon ng kanilang
pagiging homosekswal. . At ang huli ay para malaman nga ba kung paano sila tinatrato ng isang
taong kabilang sa ibang kasarian sa loob ng kanilang tahanan at paaralan.Ang Pilipinas ay kilala
bilang konsirbatibong bansa na binubuo ng mga konserbatibong mamayan nito kaya ang LGBT
Community (Groupo na inuuri ang mga lesbian, gay, bisexual, at transgender) ay may mahirap
na sitwasyon. Mas mahirap ang sitwasyon ng isang kabataan lalo na ang pag amin sa kanilang mga
magulang sapagkat hindi nila alam ang magiging reaksyon ng mga ito, kung ikamumuhi ba sila o
tatangapin na kanilang mga mgulang. napag-alaman na mas madaming miyembro ng LGBT ang
mas pinipiling umamin pagtungtong sa tinatawag na adulthood kumpara sa mga umaamin habang
sila ay kabataan pa lamang, at ito ay dahil nga sa takot na sila ay hindi matanggap.Ang mga
mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Maraming uri ng
deskriptibong pananaliksik ngunit napili ng mga mananaliksik ang “Descriptive Survey Research
Design”, na gumagamit ng talatanungan o sarbey upang makalikom ng datos. Ang mga
mananaliksik ay gagamit ng sarbey upang mas mapadali makakuha ng mga datos sa mga
tagatugon. Ginamit ang simple random sampling upang makakuha ng impormasyon ang mga
mananaliksik tungkol sa paksa. Ginamit ang written questionnaire kung saan ang mga tagasaliksik
ay gumawa ng mga tanong na ibibigay sa mga tagatugon. Ang mga mananaliksik ay nagbahagi ng
apatnapung survey questionnaires na kanilang hinati sa walong pangkat upang makamit ang nais
na bilang ng mga kasagutan. Sa pananaliksik na ito kung saan ang karamihan ng mga respondente
ay nasa labing anim na taong gulang na nabibilang sa STEM strand, napagalaman ng mga
mananaliksik na malaking bahagi ng mga respondente ay nagsasabing tanggap nila ang mga
miyembro ng LGBT. Ngunit ang lagpas kalahati din ang nagsasabing mayroong pa ding
diskiminasyon o panlalait sa mga miyembro ng LGBT kahit ayon sa sarbey na isinagawa lagpas
kalahati din ang nagsasabing walang adbantahe ang pagiging “straight”.

You might also like