You are on page 1of 1

Problems Encountered by the LGBTQIA+

HUMSS Student to their Integration in the institution

Ang papel na pananaliksik na ito ay idinisenyo upang matulungan ang mga


mag aaral ng LGBTQIA + na nakakaranas ng mga problema ng kanilang
pagsasama sa institusyon o pakikisalamuha sa Ibang tao. Ang problemang
gustong tugunan ng mga mananaliksik ay ang problemang nararanasan ng mga
LGBTQIA+ students sa kanilang pagsasama sa institusyon o paaralan. Ang
research paper ay gagawa ng isang Advocacy Campaign upang hikayatin at
magbigay ng karagdagang impormasyon sa lahat tungkol sa Kung paano dapat
igalang ang mga LGBTQIA+ dahil bahagi rin sila ng lipunan. Ang
metodolohiyang ginamit naman ng mga mananaliksik upang makuha ang
datos na kanilang kinakailangan mula sa mga respondente ay sagutang papel
at ang kanilang pananaliksik ay tinatawag na kwantitatibong pananaliksik.
Siyam sa dalawampung tao na tumugon sa survey ang nagsabing sila ay
nakakaranas ng pambubully bilang miyembro ng LGBTQIA+ community.
Apatnapung porsyento ng mga sumasagot ang nagsabing ang pananakot na ito
ay kadalasang pisikal, habang tatlumpu't anim na porsyento ang nagsasabi na
ito ay pasalita. Mas ligtas din ang pakiramdam ng mga LGBTQIA+ kapag may
patakaran ang kanilang paaralan Laban sa pambu-bully. Ang Pinagkawitan
Integrated National High School ay maaaring magpaunlad ng mas ligtas, mas
suportadong kapaligiran sa pamamagitan ng pagbuo at pagpapatupad ng mga
patakaran na nagpoprotekta sa mga kabataang LGBTQ+ mula sa dikriminasyon,
karahasan, at pananakot. Ang lokal na pamahalaan ay maaari ding lumikha ng
mga batas at patakaran para sa proteksyon ng mga miyembro ng LGBTQIA+
mula sa dikriminasyon, karahasan, at pananakot.

You might also like