You are on page 1of 1

KASAGUTAN NG MGA MAG-AARAL NG SHS SA MGA OPISYAL NG SUPREME

STUDENT GOVERNMENT:
PSUSI PARA SA PAGPAPABUTI NG KALIDAD NG SERBISYO.

Mark P. Importante, John Wayne Saludo, Jonald A. Sungahid,


Jericho Y. Balbinta, Jenny Grace Barcelona, Angelyn Q. Tabios

Science Technology Engineering and Mathematics

ABSTRAK

Sa kasalukuyan, nahaharap ang mga mag-aaral sa mababang pamantayan sa


edukasyon dahil sa mababang kalidad ng mga guro, pangangasiwa ng paaralan, at
kalidad ng kapaligiran sa pag-aaral.

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang antas ng kasiyahan ng mga
mag-aaral sa mga opisyal ng Supreme Student Government sa pagpapatupad ng mga
patakaran ng paaralan.

Ang disenyo ng pag-aaral na deskriptibo ay ginamit sa pag-aaral na ito at naglahok ang


100 mga mag-aaral mula sa senior high school departments ng Valencia National High
School sa pamamagitan ng Quota random sampling method.

Bukod dito, nagpakita ng resulta na hindi nasusunod ng SSG ang mga


pangangailangan sa pagbuo ng mga valores, pagpapalaganap ng karapatan at
kagalingan ng mga mag-aaral, at pagpapalaganap ng child-friendly na kapaligiran. Ang
data ay nagpakita na mayroong malaking kaugnayan sa pagitan ng edad, kasarian,
grado, at strand ng mga mag-aaral ng SHS sa mga serbisyo ng SSG sa pagpapatupad
ng mga patakaran ng Valencia National High School.

Bukod dito, dapat mas nakatuon ang SSG sa mga pangangailangan, mga alalahanin, at
mga interes ng kanyang mga miyembro. Dapat itong mag-organisa ng regular na forum
kung saan makakakuha ito ng mga pananaw tungkol sa mga pangangailangan ng mga
mag-aaral. Ang mga natuklasan ng pag-aaral na ito ay maaaring magamit bilang
pundasyon sa pagpapabuti ng mga serbisyo na ibinibigay ng Supreme Student
Government ng Valencia National High School."

You might also like