You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V
TANGGAPAN NG MGA PAARALANG PANSANGAY NG CAMARINES SUR
PUROK NG HILAGANG LIBMANAN
MABABANG PAARALAN NG BAHAY
Bahay, Libmanan, Camarines Sur

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


SA ARALING PANLIPUNAN 6
SY 2022-2023
TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

COGNITIVE PROCESS DIMENSIONS

Understanding
Bahagdan

Remembering
Bilang Bilang
Pamantayan sa Pagkatuto ng ng

Evaluating
Analyzing
Applying

Creating
Araw Aytem

Nasusuri ang uri ng pamahalaan at 5 14% 7 1,2,3, 7 6 4 5


patakaran na pinatupad ng mga
Amerikano
Uncoded
Naipaliliwanag ang mga 5 12% 6 8,11 10 9,12 13
pagsusumikap ng mga Pilipno
tungo sa pagtatag ng nagsasariling
pamahalaan
Uncoded
Natutukoy ang mga dinaanang 5 12% 6 14,15 19 18 17 16
proseso tungo sa pagpapatibay ng
Saligang Batas ng 1935
Naibibigay ang mahahalagang
naisagawa ng mga Pilipino sa
pagkamit ng adhikaing pagsasarili
Nailalarawan ang balangkas at
layunin ng Pamahalaang
Komonwelt at naisa-isa ang mga
nagawa ng mga Pilipino sa
Pamahalaang Komonwelt
Uncoded
Natatalakay ang Sistema ng 5 14% 7 20,21, 25,26 23 24
edukasyon na ipinatupad ng mga 22
Amerikano
Natutukoy ang kahalagahan ng mga
pagbabago sa edukasyon
Pagtalakay sa kalagayang
pangkalusugan ng mga Pilipino
Pagtukoy sa kahalagahan ng mga
pagbabago sa edukasyon
Uncoded
Natatalakay ang mga layunin at 5 12% 6 27,28, 32 30 31
mahalagang panyayari sa 29
pananakop ng mga Hapones
a.Pagsiklab ng digmaan
b. Labanan sa Bataan
c. Death March
d. Labanan sa Corregidor
AP6KDP -IIe - 5
Nasusuri ang mga patakaran at 5 12% 6 34 36 33,35
resulta ng pananakop ng mga ,37,3
Hapones 8
Uncoded
Naipaliliwanag ang paraan ng
39,40,
pakikipaglaban ng mga Pilipino
5 14% 7 41,42, 45
para sa kalayaan laban sa Hapon
43,44
Uncoded
Napahahalagahan ang iba’t ibang
paraan ng pagmamahal sa bayan 46,47
ipinamalas ng mga Pilipino sa 5 10% 5 ,48,4
panahon ng digmaan 9,50
Uncoded
TOTAL 40 100% 50 20 10 7 8 5 0
30 15 5

Prepared by: Checked by:

LIEZL ANNE S. TENDERO JOCELYN C. BRILLANTES


Teacher I Master Teacher I

Noted by:

MARIA ELIZABETH O. NERVA


Principal I
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V
TANGGAPAN NG MGA PAARALANG PANSANGAY NG CAMARINES SUR
PUROK NG HILAGANG LIBMANAN
MABABANG PAARALAN NG BAHAY
Bahay, Libmanan, Camarines Sur

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


SA ARALING PANLIPUNAN 6
SY 2022-2023
KEY TO CORRECTION

1. B 26.D
2. D 27.A
3. A 28.C
4. C 29.A
5. D 30.D
6. A 31.B
7. B 32.C
8. A 33.D
9. C 34.D
10. A 35.A
11. C 36.C
12. B 37.C
13. D 38.B
14. A 39.B
15. B 40.B
16. A 41.A
17. C 42.C
18. B 43.D
19. D 44.B
20. A 45.C
21. B 46.B
22. C 47.A
23. C 48.A
24. C 49.A
25. B 50.B
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V
TANGGAPAN NG MGA PAARALANG PANSANGAY NG CAMARINES SUR
PUROK NG HILAGANG LIBMANAN
MABABANG PAARALAN NG BAHAY
Bahay, Libmanan, Camarines Sur

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 6


SY 2022-2023

Pangalan: _____________________________________ Petsa: _______________ Iskor: __________


Baitang at Seksyon: ____________________________ Lagda ng Magulang: ____________________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin at isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

________ 1. Sino ang nagsilbing kumakatawan sa pangulo ng Estados Unidos sa pamahalaang militar?
A. Pangulo C. Pangalawang Pangulo
B. Gobernador-Militar D. Gobernador Sibil
________ 2. Kailan naitatag sa pamahalaang militar ng mga amerikano sa bansa?
A. Pebrero 6, 1901 C. Disyembre 23, 1900
B. Mayo 7, 1899 D. Agosto 14, 1898
________ 3. Sino ang kauna-unahang gobernador-militar ng Pilipinas sa ilalim ng Estados Unidos?
A. Wesley Merritt C. William Mckinley
B. William H. Taft D. Jacob Schurman
________ 4. Anong uri ng pamahalaan na ipinalit sa Pamahalaang Militar?
A. Pamahalaang Taft C. Pamahalaang Sibil
B. Pamahalaang Militar D. Pamahalaang Schurman
________ 5. Ang gobernador-militar ay may kapangyarihang maliban sa isa. Ano ito?
A. Tagapaghukom C. Tagapagtibay ng batas
B. Tagapagpaganap D. Tagapagpahayag
________ 6. Ipinag-utos ni Pangulong McKinley ang pagpapairal ng Pamahalaang Militar sa Pilipinas sapagkat ito ang
hinihingi ng pagkakataon dahil hindi pa mapayapa ang panahon. Kung ikaw, sang-ayon ka ba sa desisyon ni Pangulong
McKinley?
A. Oo, para sa kapayapaan, kaayusan at katahimikan ng bansa
B. Hindi, dahil sunud-sunuran na ang mga Pilipino sa mga militar
C. Oo, para sa katahimikan ng mga mayayaman lamang
D. Wala sa nabanggit
________ 7. Unti-unting pinalitan ng mga Pilipino ang mga Amerikanong nanungkulan sa bansa sa bisa ng patakarang
_______________?
A. Pilipinisasyon C. Pasipikasyon
B. Kooptasyon D. Asimilasyon
________ 8. Sa ilalim ng batas na ito ay libre ang pag-aaral sa mga paaralang bayan.
A. Batas Blg. 74 ng Komisyong Taft C. Wala sa nabanggit
B. Batas Jones D. Lahat ng nabanggit

1
________ 9. Matapos ang mahigit sa tatlong daang pagkaalipin sa mga Espanyol, dumating ang mga Amerikano sa ating
bansa. Ano kaya ang nangyari kung sakaling hindi dumating ang mga Amerikano sa ating bansa?
A. Patuloy ang pagkaalipin ng mga Pilipino sa kamay ng mga Espanyol
B. Maraming pagbabago ang nangyari na kailanman ay hindi naranasan ng sa pamahalaang Espanyol
C. Lahat ng nabanggit
D. Wala sa nabanggit
________ 10. Anong uri ng Asamblea ang nagbigay ng pagkakataon sa mga Pilipinong makisali sa pamamalakad sa
pamahalaan?
A. Asamblea ng Pilipinas C. Asamblea ng Saksi
B. Asamblea ng Estados Unidos D. Wala sa nabanggit
________ 11. Nahalal bilang Ispiker ng Mababang Kapulungan.
A. Manuel L. Quezon C. Sergio Osmenia Sr.
B. Jose Rizal D. Manuel A. Roxas
________ 12. Inihanda ang pamahalaang militar bilang pundasyon ng pamahalaang sibil, isa sa mga ito ay ang
pagbubukas ng mga paaralang pampubliko na ang unang guro ay mga sundalong Amerikano. Kung sakaling ikaw ang
tumayong guro noong panahon na iyon, magsisilbi ka bang tunay sa mga Pilipino na hindi mo naman kadugo?
A. Hindi, dahil hindi ko naman sila kadugo
B. Oo, dahil bukas sa kalooban ko ang tumulong bagamat hindi ko sila kadugo
C. Gugustuhin ko kung may pera na ibibigay.
D. Hindi, wala akong pakialam.
________ 13. Ang Estados Unidos ay inihanda ng pamahalaang militar bilang pundasyon ng pamahalaang sibil maliban
sa isa. Ano ito?
A. pagtatag ng mga hukuman
B. pagbukas ng mga paaralang pampubliko
C. pagtatag ng bagong pamahalaan sa bansa
D. pagpatayo ng mga pribadong gusali
________ 14. Sino ang napiling Pangulo ng Kumbensyong Konstitusyonal at pinamunuan niya ang pagbuo ng Saligang
Batas ng 1935?
A. Claro M. Recto C. Manuel Roxas
B. Franklin Delano Roosevelt D. Manuel L. Quezon
________ 15. Kailan nabuo ang Saligang Batas ng 1935?
A. Hulyo 10, 1934 C. Mayo 13, 1945
B. Pebrero 8, 1935 D. Pebrero 13, 1935
________ 16. Ang mga nilalaman ng Saligang Batas ng 1935 ay halos mula sa Saligang Batas ng Estados Unidos maliban
sa pagkakaroon ng isang ______________.
A. Kapulungan sa Lehislatura (Unicameral National Assembly)
B. Kumbensyong Konstitusyonal
C. Mataas na Kapulungan
D. Wala sa nabanggit
________ 17. Paano nabuo ang Saligang Batas ng 1935?
A. Sa pamamagitan ng probisyon ng Batas Tydings-McDuffie na magkaroon ng pagsasarili ang bansa
B. Sa pamamagitan ng pag-sang ayon ng sambayanang Pilipino
C. Sa pamamagitan ng proseso na dapat mangyari upang makalaya ang Pilipinas
D. Lahat ng nabanggit
________ 18. Ano ang magiging epekto kung patuloy ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga dayuhang produkto o
stateside?
A. Pag-angat ng produkto ng mga Pilipino
B. Pagbagsak ng ekonomiya at industriya ng bansa
C. Wala sa nabanggit
D. Lahat ng nabanggit
2
________19. Pangunahing simulain ni Pangulong Quezon sa kanyang pamamahala ang pangunguna ng pamahalaan kaysa
pulitika; at patakarang walang mamamayan na mula sa punong tagapagpaganap hanggang sa pinakamaliit na mamamayan
ang mas mataas kaysa batas. Bakit kaya ito ang unang simulain na ipinatupad ni Pangulong Quezon. Ano sa palagay
ninyo?
A. Mas mahalaga ang kapakanan ng mga mamamayan kaysa sa pulitika.
B. Mahirap man o mayaman walang mas nakakataas sa batas.
C. Ang pamamahala niya sa mga tao ang naging sentro ng kanyang programa o adhikain.
D. Lahat ng nabanggit

________ 20. Kailan pinatayo ang Pamantasan ng Pilipinas? (paaralang pangkolehiyo)


A. Hunyo 18, 1908 C. Hunyo 12,1898
B. Hulyo 19, 1909 D. Wala sa nabanggit
________ 21. Ano ang tawag sa mga gurong Amerikano?
A. Buddist C. Wala sa nabanggit
B. Thomasites D. Lahat ng nabaggit
________ 22. Ano ang simbolo ng pananakop ng Amerikano?
A. relihiyon C. paaralan
B. Ingles D. pambayan
________ 23. Ilang taon ang kinakailangan upang makapagtapos ng sekondarya sa panahon ng mga Amerikano?
A. Pitong taon C. Apat na taon
B. Walong taon D. Anim na taon
________ 24. Ang sumusunod ay ipinatupad sa panahon ng Amerikano maliban sa isa.
A. Libre ang pag-aaral sa mga paaralang pambayan.
B. Ipinagamit ang mga aklat na isinulat sa Amerika.
C. Itinuro ang relihiyon at wikang Tagalog/Filipino.
D. Ipinagamit ang wikang Ingles bilang wikang panturo.
________ 25. Kung ikaw ay mabigyan ng pagkakataon na maging isang pangulo ng bansa. Pagtutuunan mo rin ba ng
pansin ang pagbabago sa tranportasyon at komunikasyon tulad sa panahon ng mga Amerikano.?
A. Hindi, mas kailangan unahin ang tungkol sa pagkain.
B. Oo, sapagkat isa ito sa mga kinakailangan sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.
C. Oo, dahil naayon ito sa makabagong teknolohiya.
D. Wala sa nabanggit.

________ 26. Isang malaking suliranin sa panahon ng mga Amerikano ang paglitaw ng kolera at bulutong sa Maynila at
iba pang karatig pook, na kung ihahalintulad sa ngayon na nararanasan ang pandemya sa buong mundo. Ano kaya ang
mangyayari kung hindi magpapatupad ang mga kawani ng Kalusugan upang hindi ito kumalat?
A. Unti- unting mamatay ang mga tao.
B. Mawawalan ng trabaho ang lahat ng mga tao.
C. Babagsak ang ekonomiya at industriya ng buong bansa.
D. Lahat ng nabanggit

________ 27. Kailan idineklara ni Hen. MacArthur ang Maynila bilang Open City?
A. Disyembre 26, 1941 C. Mayo 4, 1941
B. Pebrero 20, 1941 D. Mayo 6, 1941

________ 28. Ano ang hiniling ni Pangulong Franklin Roosevelt ng Amerika kay Pangulong Manuel Quezon pagkatapos
masakop ng mga Hapones ang Maynila?
A. Ipagpatuloy niya ang pamumuno sa pakikipaglaban.
B. Sumuko na siya sa mga Hapones.
C. Ilikas niya ang pamahalaang Commonwealth at kanyang pamilya sa Amerika.
D. Wala sa mga nabanggit.
________ 29. Sino ang naatasan bilang kapalit ni Heneral MacArthur na labanan ang mga Hapones?
A. Heneral Jonathan Wainwright C. Heneral Luke Edward Wright
B. Heneral William Howard Taft D. Heneral Henry Clay Ide
________ 30. Paano naranasan ng mga sundalo sa Corregidor ang bagsik ng mga sundalong Hapones? 3
A. pagpaparanas ng Martsang Kamatayan
B. pagsunog sa mga kuta nila
C. walang tigil na pagbobomba sa kanila
D. Lahat ng nabanggit.
________ 31. Noong Mayo 5, 1942, ibinuhos ng mga sundalong Pilipino at Amerikano ang lahat ng makakaya sa
pagtatanggol sa Corregidor. Ano resulta ng pakikibaka nila sa mga sa Hapones?
A. Umurong sila sa labanan upang hindi mamatay.
B. Tumakas sila at nagtago sa kabundukan.
C. Ipinagpatuloy nila ang pakikipaglaban.
D. Nagapi pa rin sila ng mga Hapones.
________ 32. Sa iyong tingin, bakit kaya nagtatag ng pangkat gerilya ang mga sundalong Pilipino sa labanan sa
Corregidor?
A. Upang humiwalay sila sa pangkat ng Amerika.
B. Upang maisalba ang sarili sa kamatayan.
C. Upang makamit ang hinahangad na kalayaan.
D. Upang makakuha ng pagkain.
________ 33. Alin sa mga sumusunod ang motibo ng mga Hapones sa pagsakop sa Pilipinas?
A. Upang may paglagyan ng kanilang lumalaking populasyon.
B. Upang magkaroon ng pamilihan ang kanilang mga kalakal.
C. Upang may makukuhanan ng mga likas na yaman.
D. Lahat ay tama.

________ 34. Ano ang kahulugan ng pakikialam ng mga bansang Kanluranin sa mga Asyano?
A. pagmamaliit ng mga Kanluraning sa kakayahan ng mga Asyano
B. pagbabalewala sa kapakanan ng mga Asyano
C. pagmamalasakit sa Asyano ng mga Kanluranin
D. A at B

________ 35. Ang Ikalawang Republika ng Pilipinas ay tinatawag na Puppet Republic dahil sa ___________________.
A. Ang pangulo ay napasailalim ng kapangyarihan ng mga Hapones.
B. Pinamamahalaan ng mga Hapones ang buong bansa.
C. Pilipino lahat ang namumuno.
D. Laruang Puppet ang paborito nilang laro.
________ 36. Alin ang tama?
A. May higit na kapangyarihan ang Pangulo ng Republika.
B. May posisyon para sa Pangalawang Pangulo.
C. Mga Hapones ang nagpatakbo ng pamahalaan.
D. Walang pakialam ang mga Hapones sa pamahalaan.
________ 37. Ano ang naging epekto ng ekonomiyang pandigmaan sa panahon ng mga Hapones?
A. Nagkaroon ng kasaganaan sa pamumuhay ng mga Pilipino.
B. Maraming trabaho ang ipinatupad ng mga Hapones.
C. Nagkaroon ng kakulangan sa mga pangunahing produkto.
D. Umunlad ang aspetong agrikultura sa Pilipinas.
________ 38. Ang mga sumusunod ay mga kontribusyon o ambag ng mga Hapones sa Ikalawang Republika maliban sa
isa. Alin dito?
A. bukas sa kamalayan sa pagtangkilik sa teknolohiya
B. pagtatag ng mga Simbahang Katoliko
C. pagtayo ng mga Paaralang Bokasyonal
D. pagpapagamit ng Wikang Tagalog sa mga Pilipino
4
________ 39. Ang heneral ng Amerika na bumalik kasama ang mga hukbong Amerikano na lulupig sa mga Hapon.
A. Heneral Hideki Tojo C. Heneral Edward King
B. Heneral Douglas MacArthur D. Heneral Jonathan Wainwright
________ 40. Kailan bumagsak ang Bataan at Corregidor sa kamay ng mga Hapon?
A. 5 Mayo 1942 C. 7 Mayo 1942
B. 6 Mayo 1942 D. 8 Mayo 1942
________ 41. Sila ang pulisyang militar ng mga Hapones na kinakatakutan ng mga Pilipino.
A. Kempei-tai C. Hapones
B. Gerilya D. Hen. MacArthur
________ 42. Isang kilusang may katulad na simulain ng mga gerilya na binuklod ng mga magsasakang labis na naghirap.
A. KKK C. HUKBALAHAP
B. Gerilya D. USAFFE
________ 43. Ang pinuno sa kilusang HUKBALAHAP na itinatag laban sa mga Hapones.
A. Luis Taruc C. Jose Banal
B. Jesus Lava D. Lahat ng nabanggit ay tama
________ 44. Ang mga sundalo o sibilyang namundok at patuloy na nakipaglaban sa mga Hapones.
A. HUKBALAHAP C. Makapili
B. Gerilya D. KALIBAPI
________ 45. Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga Hapones?
A. Pamahalaang Parlamentaryo C. Pamahalaang Totalitaryan
B. Pamahalaang Demokratiko D. Pamahalaang Komonwelt

46-50. Suriin ang angkop na katangiang ipinamalas ng mga Pilipino na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan sa
panahon ng digmaan.

________ 46. Pagsisilbi bilang espiya ng mg Hapones upang mapadali ang buhay.
A. Tama B. Mali C. Ewan ko D. Hindi ko alam
________ 47. Pagbubuwis ng buhay para sa Kalayaan.
A. Tama B. Mali C. Ewan ko D. Hindi ko alam
________ 48. Pagtulong sa mga nasugatan at pagbibigay ng pagkain sa mga sundalong nakikipaglaban.
A. Tama B. Mali C. Ewan ko D. Hindi ko alam
________ 49. Pagtaguyod at pakikiisa sa mga adhikain ng mga samahang naglalayong makamit ang Kalayaan.
A. Tama B. Mali C. Ewan ko D. Hindi ko alam
________ 50. Pagsang-ayon sa mga nais ipatupad ng mga banyagang mananakop ng ating bansa.
A. Tama B. Mali C. Ewan ko D. Hindi ko alam

--------------------------------------------------------------
GOOD LUCK & GOD BLESS! 😊

You might also like