You are on page 1of 1

SAMAHAN NG MGA MAGULANG (PTA)

GRADE FOUR- LAWIN CLASS

PUYPUY ELEMENTARY SCHOOL


BAY, LAGUNA

Ika-9 ng Oktubre, 2022

Hon. RAMIL HERNANDEZ


Gobernador
Lalawigan ng Laguna:

Mahal naming Gobernador Ramil Hernandez:

Ang Samahan ng mga Magulang o PTA mula sa Puypuy Elementary School, Puypuy
Bay, Laguna ay lumalapit po sa inyong tanggapan upang matugunan ang aming pangangailangan sa
loob ng silid-aralan ng aming mga anak. Ang Grade Four-Lawin Class po ay nangangailangan ng
television na magagamit ng aming mga anak sa kanilang silid-aralan upang mas higit na makatulong
at karagdagang alam sa kanilang pag-aaral.

Dahil po dito kami po ay humihiling sa inyong tanggapan na kami ay tulungan upang ito
ay maisakatuparan. Humihiling po kami sa inyo ng isang pirasong (1 pc.) Flat Screen Television
para sa aming silid-aralan.

Nawa po ay inyong positibong tugunan ang aming kahilingan

Maraming salamat po.

Gumagalang,

AMPARO LERUM TORALBA


PTA PRESIDENT

ERICK LLANTO MARK DELOS SANTOS

MARY JANE PALERMO SHANNA BADAYOS

ANALYN CONDE IVY ALGUARAS

GINA BACULBAS

REYMAR VALENCIA

SARAH JANE V. ROGAS


Class Adviser
Binigyang-pansin:

ALEJANDRO M. PEREZ
Brgy. Chairman

You might also like