You are on page 1of 4

Department of Education

Region VI - Western Visayas


Division of Bacolod City
LUIS B. PUENTEVELLA ELEMENTARY SCHOOL

FILIPINO V
LESSON PLAN

l. Layunin:
Nabibigyang kahulugan ang bar graph, pie, talahayan at iba pa.

II. Paksang-Aralin
A. Iba’t-ibang Uri ng Graph
B. Kagamitan: larawan ng uri ng graph, tarp papel, larawan
C. Sanggunian: Teachers guide, pp. 72-76, slideshare.net

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain

Pagganyak
“Puzzle Game”
 Itanong: Anu-ano ang nabuo ninyong larawan?
 Ano ang tawag sa mga ito

B. Paglalahad

Ang graph ay isang pagsasalarawan ng mga nakalap na datos o impormasyon. Nagiging mas
madali ang pagbibigay ng interpretasyon sa mga nakalap na impormasyon dahil sa anyong palarawan.

Mga Uri ng Graph

1. Line Graph (Talangguhit)


- Ito ay gumagamit ng mga linyang nagkakabit sa mga tuldok na kumakatawan sa bawat
bahagdan ng datos

2. Bar Graph
- ito ay gumagamit ng mga guhit na pahalang o pataas sa paglalarawan sa bawat bahagdan ng
mga datos.

3. Pie Graph
- ito ay gumagamit ng bilog na hugis na pinaghati-hati sa iba’t ibang bahagi upang kumatawan
sa kabuuan. Ang bawat hati nito ay kumakatawan sa bawat bahagdan ng mga datos.

4. Picture Graph o Pictograph


- Ito ay gumagamit ng iba’t ibang larawan sumisimbolo sa isang bilang

C. Paglinang ng Kasanayan

Napansin ni Aling Pining na mahina sa matematika at pumayat ang anak


niyang si Lea. Tuwing may eksamen sa Matematika mababa ang nakukuha nito. Dahil dito, pinatingnan ni Aling
Pining ang kanyang anak sa doktor. Si Lea pala ay mahina ang resistensya dahil mahina siyang kumain bukod
pa sa pagpupuyat. Binigyan ng bitamina si Lea at hindi na rin siya nagpuyat.
90
88
86
84
82
80
78
HUNYO HULYO AGOSTO SETYEMBRE OKTUBRE

1. Sa anong buwan pinakamababa ang marka sa pagsusulit ni Lea?


2. Anong marka ang nakuha ni Lea sa pagsusulit noong Oktubre?
3. Ano ang pinakamataas na markang nakuha ni Lea sa pagsusulit sa Matematika?
4. Mula Agosto hanggang Oktubre, ilang puntos ang itinaas ng marka ni Lea sa pagsusulit?
5. Sa anong buwan nakuha ni Lea ang markang 90%?

D. Pangkatang Gawain
 Bawat grupo ay may kanya kanyang graph na sasagutan

E. Paglalahat
 Ang graph ay isang pagsasalarawan ng mga nakalap na datos o impormasyon.
Nagiging mas madali ang pagbibigay ng interpretasyon sa mga nakalap na
impormasyon dahil sa anyong palarawan.

IV. Pagtataya
Basahin at pag-aralan ang tsart. Isulat pagkatapos ang sagot sa mga tanong na kasunod ng tsart.

1. Ano ang pamagat ng graph?


2. Anong uri ng graph ang ipinakita?
3. Anong taon ang may pinakamaraming inaning palay?
4. Anong taon ang may pinakakonting inaning palay?
5. Ilang sakong palay ang inani ng pamilyang Reyes sa taong 2009?

V. Takdang-Aralin
Gumawa ng isang Pictograph na aayon sa mga datos na nasa ibaba. (10 puntos)
Mga isdang inani sa loob ng limang buwan:

Agosto – 50 basket
Setyembre – 70 basket
Oktubre – 50 basket
Nobyembre – 80 basket
Disyembre – 100 basket

Prepared by:
EDITH MAE N. BACOLOR
Grade V Teacher
Department of Education
Region VI - Western Visayas
Division of Bacolod City
LUIS B. PUENTEVELLA ELEMENTARY SCHOOL

FILIPINO V
LESSON PLAN

l. Layunin:
Nabibigyang kahulugan ang bar graph, pie, talahayan at iba pa.

II. Paksang-Aralin
A. Iba’t-ibang Uri ng Graph
B. Kagamitan: larawan ng uri ng graph, tarp papel, larawan
C. Sanggunian: Teachers guide, pp. 72-76, slideshare.net

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain

Pagganyak
“Puzzle Game”
 Itanong: Anu-ano ang nabuo ninyong larawan?
 Ano ang tawag sa mga ito

B. Paglalahad

Ang graph ay isang pagsasalarawan ng mga nakalap na datos o impormasyon. Nagiging mas
madali ang pagbibigay ng interpretasyon sa mga nakalap na impormasyon dahil sa anyong palarawan.

Mga Uri ng Graph

1. Line Graph (Talangguhit)


- Ito ay gumagamit ng mga linyang nagkakabit sa mga tuldok na kumakatawan sa bawat
bahagdan ng datos

2. Bar Graph
- ito ay gumagamit ng mga guhit na pahalang o pataas sa paglalarawan sa bawat bahagdan ng
mga datos.

3. Pie Graph
- ito ay gumagamit ng bilog na hugis na pinaghati-hati sa iba’t ibang bahagi upang kumatawan
sa kabuuan. Ang bawat hati nito ay kumakatawan sa bawat bahagdan ng mga datos.

4. Picture Graph o Pictograph


- Ito ay gumagamit ng iba’t ibang larawan sumisimbolo sa isang bilang

C. Paglinang ng Kasanayan

Napansin ni Aling Pining na mahina sa matematika at pumayat ang anak


niyang si Lea. Tuwing may eksamen sa Matematika mababa ang nakukuha nito. Dahil dito, pinatingnan ni Aling
Pining ang kanyang anak sa doktor. Si Lea pala ay mahina ang resistensya dahil mahina siyang kumain bukod
pa sa pagpupuyat. Binigyan ng bitamina si Lea at hindi na rin siya nagpuyat.

D. Pangkatang Gawain
 Bawat grupo ay may kanya kanyang graph na sasagutan
E. Paglalahat
 Ang graph ay isang pagsasalarawan ng mga nakalap na datos o impormasyon.
Nagiging mas madali ang pagbibigay ng interpretasyon sa mga nakalap na
impormasyon dahil sa anyong palarawan.
IV. Pagtataya
Basahin at pag-aralan ang tsart. Isulat pagkatapos ang sagot sa mga tanong na kasunod ng tsart.

1. Ano ang pamagat ng graph?


2. Anong uri ng graph ang ipinakita?
3. Anong taon ang may pinakamaraming inaning palay?
4. Anong taon ang may pinakakonting inaning palay?
5. Ilang sakong palay ang inani ng pamilyang Reyes sa taong 2009?

V. Takdang-Aralin
Gumawa ng isang Pictograph na aayon sa mga datos na nasa ibaba. (10 puntos)
Mga isdang inani sa loob ng limang buwan:

You might also like