You are on page 1of 6

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION III
SCHOOL S DIVISION OF BULACAN
DISTRICT OF BULACAN

STA.ANA ELEMENTARY SCHOOL


Sta.AnaBulakan,Bulacan

Banghay Aralin sa Filipino V


First Quarter

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan.
B. Pamantayan sa Pagganap
Nakagagawa ng grap o tsart tungkol sa mga ibinigay na datos.
C. Tatas
 Nakikinig at nakatutugon nang angkop at wasto.
 Nasasabi ang sariling interpretasyon sa bawat graph
 Nabibigyang-kahulugan ang bar graph, pie, talahanayan at iba pa.

I. Layunin
1. Nakakasagot tungkol sa kwentong napakinggan
2. Nakapagtatanong tungkol sa impormasyong inilahad sa isang graph.
3. Nasasagot ang mga datos na inilahad sa grap.

II. Paksang Aralin : Ibat-ibang uri ng grap.


Batayan : Alab Filipino 5 ( p. 38 )
Code : F5EP-If-g-2

III. Mga Gawain sa Pagkatuto.


a. Balik Aral
Ano ang Panghalip panao? Anu- ano ang mga kailanan nito?
Pagsamasamahin ang mga panghalip panao ayon sa kailanan nito.

b. Pagganyak
Itanong:
Sino sa inyo ang may pera sa bangko?
Sino ang naghuhulog sa alkansya?
Gusto nyo bang marinig ang isang kwento tungkol sa “Ang Susi sa Pag-unlad”?
Pagpapakita ng larawan ng manukan, magtanong.

A. (Activity) Paunang Gawain:

Panuto: Ilista ang kabuuang bilang ng mga Itlog sa Bawat Linggo at sagutin ang mga tanong.

Pangalan Bilang ng Unang Pangalawang Ikatlong Kabuuan


ng Bata Alaga Linggo Linggo Linggo
Carlos 10 32 22 33 87

Cristine 10 28 15 32 75
Ricardo 10 36 20 31 77
Ilan ang kabuuang bilang ng itlog ng magkakapatid?

Pag-aralan ang tsart‘

a. Ilan ang alaga ng bawat bata?


____________________________________________________________________
b. Sino ang may pinakamaraming itlog noong unang lingo? Pangalawang linggo? Ikatlong linggo?
____________________________________________________________________
c. Sino ang may pinakamaraming naging itlog sa loob ng tatlong linggo?
____________________________________________________________________
d. Ilang itlog lahat ang naani ng tatlong bata?
____________________________________________________________________

B. Paglalahad

Pagkukwento:’ “Ang Susi sa Pag-unlad.”

Bata pa ang mga anak ni Ginoong Aramil ay mulat na sa pagpapaunlad ng kabuhayan.


Dahil ito sa kaisipagan ng kanilang magulang. Laging tumutulong ang magkakapatid sa manukan
ng kanilang ama.
Marami na rin silang alagang inahin. Araw-araw, nakikita nila ang paggawa ng kanilang
ama paglabas nito sa trabahong pinapasukan. Paglilinis, pagpapatuka, at pagkuha ng mga itlog
ang ginagawa ng magkakapatid. Tuwang-tuwa ang mga magulang sa nakikitang pagsisinop ng
mga anak sa kabuhayan.
Isang araw, narinig ni G. Aramil ang pag-uusap ng kaniyang mga anak.
“Mas maraming mangitlog ang mga alaga ko kaysa sa inyo,” wika ni Carlos, ang bunso. “Aba,
masipag yata ang mga alaga ko. Hindi kami magpapatalo sa inyo.” Sabad ni Cristine, ang
pangalawan.
“Siguro, pare-pareho lang,” sagot ni Ricardo, ang panganay.
“Masisipag naman palang mangitlog ang mga alaga ninyo. O sige, para malaman kung aling
alaga ang mas magaling mangitlog, magpaligsahan kayo sa paramihan ng itlog. Mula ngayon, itatala
ninyo ang bilang ng mga itlog na manggagaling sa kulungan ng inyong mga alaga. Ipapaskil ninyo rito sa
talaan ang bilang ng itlog na inyong makukuha para Makita ng lahat. Sang-ayon ba kayo?” ang tanong ni
G. Aramil sa mga anak.
“Sang-ayon po ako tatay. Masipag pong mangitlog ang aking mga alaga. Sina Kuya Ricardo at
Ate Cristine ang tanungin po ninyo,” ang wika ni Carlos.
“Payag po ako,” ang sagot ni Cristine.
“Payag din po ako,” ang tugon naman ni Ricardo.
“O sige, magsisinula tayo bukas. May premyo ang mananalo,” ang tuwang-tuwang wika ng ama.
Kinabukasan, lalong sumipag ang tatlong magkakapatid sa paggawa sa manukan. Nangingiting
pinagmamasdan ng ama ang mga anak lalung-lalo na sa pagbibilangan ng mga itlog.
“Hoy manok, huwag kang tutulug-tulog. Lagi kitang binubusog,” wika ni Carlos habang
pinatutuka ang mga alaga.
Panay naman ang linis ni Cristine sa manukan. Naniniwala siya na mahalaga ang kalinisan para
higit na lumaki at lumusog ang kaniyang mga alaga. Sa gayon, higit na marami ang itlog ng mga manok.
Alam ni Ricardo na nagsisikap talaga ang kaniyang mga kapatid upang mahigitan ang dami ng itlog na
nakukuha sa araw-araw.
Hindi mapakali ang bawat isa tuwing sasapit ang bilangan ng mga itlog.
Huling araw na ng bilangan. Kinuha ni Tatay ang tsart, kung saan naksulat ang bilang ng mga
itlog. Ganito ang nakatalasa tsart.
Bilang ng mga Itlog sa Bawat Linggo

Pangalan Bilang ng Unang Pangalawang Ikatlong Kabuuan


ng Bata Alaga Linggo Linggo Linggo
Carlos 10 32 22 33 87
Cristine 10 28 15 32 75
Ricardo 10 36 20 31 77

Ang tatlong magkakapatid ay may tig sasampung alaga. Sa unang Linggo, nakalamang si
Ricardo, dahil siguro siya ang unang naturuan ng ama.
Sa ikalawang Linggo, nakalamang si Carlos, dahil siguro nagbunga ang pakikipag-usap niya sa
kaniyang mga alaga.
Mababa lamang ang bilang ng mga itlog ni Cristine, pero kapansin-pasin ang kalinisan ng
kaniyang kulungan. Pinagsama-sama na ang bilang ng mga itlog at si Carlo ang nagwagi at siyang
bibigyan ng premyo.
Kinabukasan, nagpunta ang mag-aama sa mall. Ipinasyal sila ni G. Aramil bilang premyo sa
kanilang kasipagan. Bago umuwi, dumaan sila sa bangko.
“Tatay, bakit po tayo dadaan sa bangko? Magdedeposito po ba kayo?” tanong ni Carlos sa ama.
“Kayong lahat, ihuhulog ninyo sa inyong libreta ng bangko ang napagbilhan sa mga itlog,” ang
sabi ni G. Aramil sa mga anak. “Laging tandaan na ang kasipagan ay susi sa pag-unlad at tagumpay,”
dagdag pa niya.
C. (Abstraction) Talakayin ang Kwentong “Ang Susi sa Pag-unlad”

1. Tungkol saan ang inyong binasa?


______________________________________________________________________
2. Anong ginawa ng magkakapatid upang matulungan ang kanilang ama?
_______________________________________________________________________
3. Anong paraan ang naisip ni G. Aramil upang lalong ganahan ang mga ito?
_______________________________________________________________________
4. Paano ginantimpalaan ng ama ang mga anak?
_______________________________________________________________________
5. Tama bang ihulog ang pera sa bangko? Bakit?
______________________________________________________________________
6. Anong aral ang natutunan mo sa pagbasa ng kuwento?
_______________________________________________________________________
Ang tsart o graph ay paglalarawan na nagpapakita ng ugnayan ng mga bahagi o bilang sa
kabuuan. Bar graph, line graph at picto graph ang mga uri ng grap.
Halimbawa ng Pie Graph

Paglilibang

10%

15% Pahinga
Pag-aaral
30%

25%
Pagtulong sa Magulang
20%

Paglinang ng Talento Badyet ng Oras ng Isang Mag-aaral

Pie Graph

Tanungin ang mga bata tungkol sa mga datos na nasa pie grap, Pictograph, at bar graph. (pagpapalalim)

Halimbawa ng Pictograph.

70

60

50

40

30 Punong naitanim

20

10

0
2010 2011 2012 2013 2014 2015

Naitanim na Puno ng mga Mag-aaral sa Paaralang Elementarya ng Virac Central

Pictograph

Halimbawa ng Bar Graph.


Porsyento ng Kabataang Pumapasok sa Paaralan at Nagtatrabaho nang Delikado at Base sa Edad.

(Bar Graph)

5--9 91.0
9

10--14 86.7
13.3

15-17 52.7
47.3

0 10 20 30 40 50 60 70 80 90 100
. Pumapasok sa paaralan Hindi pumapasok sa paaralan
D. Application (Paglalapat)
Gawain: Humanap ka ng kapareha. Pumili ng tsart sa ibaba at magtulungan sa pagbuo ng limang
tanong batay rito. Isulat sa inyong kuwaderno ang mga tanong.

350,000 Bilang ng Kabataang Nagtatrabaho nang


300,000 Delikado sa mga Rehiyon
Bil 250,000
an 200,000
g
ng 150,000

ka 100,000
ba
50,000
ta
an 0
g
Rehiyon
Na
gt
atr IV. Takdang Aralin
ab Sagutin ang mga tanong sa grap.
ah
o Bilang ng mga mag-aaral
80
70
60
50
40
30
20
10
0
1 2 3 4 5 6 7 8

Bilang ng mga mag-aaral

Bilang ng mga mag-aaral sa ikalimang baitang sa Pangkat 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8 (halimbawa lang)

1. Alin sa mga pangkat ang may pinakamaraming mag-aaral? _______________________


2. Aling pangkat ang may pinakakaunting bilang ng mga mag-aaral? _______________________
3. Alin ang halos pareho ng bilang? _______________________
4. Alin ang may maraming bilang ng mga mag-aaral, ang pangkat ______ o ang pangkat _________?
Ilan ang karamihan? __________
5. Ilan ang karamihan ng pangkat ____ sapangkat _____________?
6. Ano pa ang natutunan mo sa grap na ito? _____________________________

You might also like