You are on page 1of 20

Filipino 5

Nagagamit ang magagalang na


pananalita sa pagsasabi ng hinaing o
reklamo, sa pagsasabi ng ideya sa isang
isyu, at sa pagtanggi
Layunin
1. Natutukoy ang mga magagalang na pananalita na
ginamit sa pangungusap.
2. Napahahalagahan ang paggamit ng magagalang na
pananalita.
3. Nagagamit ang magagalng na pananalita sa
pagsasabi ng hinaing o reklamo, sa pagsasabi ng
ideya sa isang isyu, at sa pagtanggi.
Balik-Aral
A. Ang anomang nais sabihin ay pakapitong beses na pakaisipin,
sapagkat anomang salita ang mamutawi sa bibig natin, hindi na
ito maibabalik pa lalo na’t nakasakit na ito ng damdamin.
B. Karapatan ng bawat tao, bata man o matanda, na magpahayag
ng kaniyang mga kaisipan, opinyon at pananaw—kahit na ito ay
taliwas o hindi katulad ng opinyon o pananaw ng ibang tao.
C. “Mag-isip muna nang maraming beses bago magsalita.”
D. Ang isang anak na lumaking may paggalang sa kapwa ay yaman ng
kanyang mga magulang at kinagigiliwan ng lahat.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Lagyan ng tsek ( / ) kung
nagtataglay ito ng paggalang at ekis (X) kung hindi.

Mas maganda ang naisip ko.


1.

2. Kailangan ko ba magpaalam kung kami ay lalabas?


3. Hindi masarap ang niluto mo bakit sobrang alat?
4. Maaari ko ba hiramin ang pangkulay mo?
5. Nauunawaan ko po ang nais ninyong sabihin.
Panuto: Gamitin ang mga sitwasyon sa ibaba na masabi
ito sa magalang na pagtanggi.
 
1. Mali ka hindi ganiyan ang paggawa nito.
_________________________________
2. Nabasa ko sa libro na hindi iyan totoo.
_________________________________
3. May naisip ako na mas maganda.
__________________________________
4. Hindi ako naniniwala sa iyo.
__________________________________
5. Hindi ko ito kailangan.
__________________________________
__________________________________________________________________.
Panuto: Isulat ang magagalang na pananalita na iyong sasabihin sa mga
sumusunod na sitwasyon.
 
1. Binati ka ng iyong guro sa iyong kaarawan
______________________________.
2. Nauna ang iyong kaklase sa iyo na tumayo para kumuha ng hallway
pass__________________________________________
3. Nakasalubong mo ang iyong guro sa
daanan______________________________.
4. Gusto mong dumaan sa gitna ng dalawang taong nag-
uusap__________________.
5. Kailangan mo umalis ng bahay para tumulong sa proyekto ng iyong ka grupo
____
Pakinggan Natin
Sagutin Natin
1. Bakit naisipan ng ama na ipagawa sa anak ang paglalagay ng mga
pako sa pader?
2. Bakit nabawasan ang bilang ng pako na nadaragdag sa pader araw-
araw?
3. Ano ang nangyari nang matanggal na ang lahat ng pako mula sa
pader?
4. Ano kaya ang mangyayari kapag may nagawa ulit na mali ang
kaibigan ng bata?
5. Ano ang mensahe ng kuwento para sa iyo?
6. Ano pang ibang kuwento ang nabasa mo na may magandang paksa
o mensahe?
Panuto: Ayusin ang mga letra para
mabuo ang salita, ipaliwanag ang ibig
sabihin nito.

LAGNAGPGA
PAGGALANG
 Sa pamamagitan ng pagiging magalang napapanatili ang pagiging
maayos na pag-uusap, naitataguyod ang magandang samahan at
naiiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan.
Panuto: Ayusin ang mga letra para
mabuo ang salita, ipaliwanag ang ibig
sabihin nito.

SASAPAGIB GN AYEID
Pagsasabi ng Ideya
Mga Halimbawa:

Sa aking Pananaw
Sa tingin ko
Sa palagay ko
Kung ako ang tatanungin
Panuto: Ayusin ang mga letra para
mabuo ang salita, ipaliwanag ang ibig
sabihin nito.

PASGANG - NOYA
Pagsang-ayon
Mga Halimbawa:

Naniniwala ako na……


Sang-ayon ako na…..
Totoo na……
Panuto: Ayusin ang mga letra para
mabuo ang salita, ipaliwanag ang ibig
sabihin nito.

TAGNIPGGA
Pagtanggi
Mga Halimbawa:

Paumanhin subalit hindi ko po tinatanggap na……


Hindi po ako sang-ayon……..
Iba po ang aking pananaw…..
Pangkatang Gawain
Rubriks
Puntos Lebel Pamantayan
5 Mahusay Mahusay na naipakita ng bawat pangkat ang
kahalagahan ng pagiging magalang sa sa pagsasabi ng
sariling ideya,opinion o reaksyon lahat ng
pagkakataon.

3 Katamtaman Nakapagpakita ng ilang kahalagahan ng pagiging


magalang sa pagsasabi ng sariling ideya, opinion o
reaksyon.

1 Nangangailangn pa Nakapagsagawa ng pangkatang Gawain ngunit hindi


ngpantulongnapags naipakita ang pagpapahalaga ng pagiging magalang sa
asanay pagsasabi ng ideya, opinion o reaksyon.
Pangkat I
Panuto: Bumuo ng islogan na nagpapahayag ng kahalagahan ng pagiging magalang sa pagsasabi ng sariling ideya,
opinion o reaksyon.
 
Pangkat II
Panuto: Bumuo ng isang maikling tula na nagpapakita ng kahalagahan ng pagsasabi ng magagalang na pananalita,

Pangkat III
Panuto: Gumuhit ng simbolo na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagsasabi ng sariling ideya,opinion o reaksyon.
 
Pangkat IV
Panuto: Umisip ng isang sitwasyon sa loob ng silid aralan na nagpapakita ng hindi pagkakaunawaan.Isadula ito at
Ipaliwanag kung paano ito malulutas sa pamamagitan ng magalang na paglutas sa suliranin.
Paglalapat
Panuto: Bigyan ng kasagutan ang sumusunod na hinaing o
reklamo gamit ang magagalang na pananalita.

1. Ang guro ay nagbigay ng gawain sa pagbuo ng Slogan


sa Filipino, nakita mo na magandang gamitin panulat
ang gamit ng iyong kaklase ano ang gagawin mo?

2. Habang nagtuturo sa harapan ang guro ay hinagisan ka


ng papel ng kaklase mo, ano ang iyong gagawin?
.
Tandaan
Mahalaga na magamit natin ang magagalang
na pananalita sa pang-araw-araw na buhay,
Kapag nagamit natin ang magagalang na
pananalita ito ay magiging daan sa mabuting
pakikipag kapwa.
Ang paggamit ng paggalang sa pagsasalita
ay tanda ng kabutihan at respeto sa kapwa.
Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Lagyan ng (/)
kung nagtataglay ito ng paggalang at (X) kung hindi.

___1.Maganda po ang inyong sinabi,ngunit mas makabubuti po


siguro kung marinig ninyo din ang aking naiisip.
___2.Kailangan ko ba magpaalam kung kami ay lalabas?
___3.Hindi masarap ang niluto mo bakit sobrang alat?

Panuto: Gamitin ang mga sitwasyon sa ibaba na masabi ito sa


magagalang na pananalita.

4. Mali ka hindi ganiyan ang paggawa nito.


______________________________________
5.May naisip ako na mas maganda.
______________________________________
Karagdagang Gawain
Panuto: Magmasid sa inyong komunidad,
isulat ang mga sitwasyon na nagpakita ng
magagalang na pananalita sa pagsasabi ng
hinaing o reklamo,sa pagsasabi ng ideya sa
isang isyu at sa pagtanggi.

You might also like