You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Division of Nueva Ecija
District of Guimba East

Daily Lesson Plan in MAPEH V


(MUSIC)
School: Guimba East Central School Quarter 1st
Teacher: Rosalie R. Andres Week __9 Day ___
Grade/Section: V-Magsaysay Date:
Subject: MAPEH Time 9:45-10:45

(2 araw)
I. MGA LAYUNIN
 Natutukoy ang iba't ibang simbolo ng musika
 Natutukoy at maaawi ang mga so-fa syllable gamit man o hindi ang mga hand sign
 Naaawit ang mga note na may mga accidental

II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: Simbolo ng Musika: (staff; F-clef; sharp, flat, natural, pitch name, so-fa syllable)
B. Mga Gamit sa Pagtuturo: flashcard ng mga simbolo ng musika; mga flashcard ng mga pitch
name, flashcard ng mga so-fa syllable, flashcard ng mga senyas-kamay ng mga so-fa syllable,
piano/keyboard o dummy keyboard, pitch pipe, mga larawan ng iba't ibang logo ng mga kompanya
(hal. Starbucks, Jollibee, Dove at bp.), LCD projector
C. Sanggunian: Halinang Umawit at Gumuhit 5
D. Pagpapahalaga: Flexibility, confidence

III. MGA PROSESO NG PAGKATUTO


A. Pagganyak
 Magpalaro ng pahulaan. Hatiin sa dalawang pangkat ang klase. Magpapaunahan ang
dalawang pangkat na makahula ng pangalan ng kompanyang gumagamit ng larawan ng
logo na ipapakita.
 Balik aralan ang mga simbolo ng musika na tatalakay sa na unang yunit.
1. Ano-ano ang mga simbolo na kumakatawan o maiuugnay sa musika?
2. Ano-ano ang kahulugan ng bawat simbolo?
3. May mga simbolo pa ba sa musika na nais ninyong mapag-aralan?

B. Paglalahad
 Pag-usapan ang kahalagahan ng mga logo bilang simbolo ng isang ideya.
Tatalakayin ang kahulugan at gamit ng sumusunod na mga simbolo sa musika
1. staff at grand staff
2. clefs - G-clef at F-clef
 Kung may hinandang mga video/sideshow tungkol sa pagbabasa ng mga note sa staff ng F-
clef, ipanood ito sa mga mag-aaral. (MU5ME-IIa-z)

C. Pagpapalalim
 Bumuo ng apat na pangkat na may 7-10 kasapi na mag-uulat tungkol sa sumusunod:
(Ibigay ang gawaing ito isang linggo bago mag-ulat)
Pangkat Blg. 1- Mga ngalang pantono sa G-Clef
Pangkat Blg. 2- Mga ngalang pantono sa F-clef
Pangkat Blg. 3- Mga so-fa syllable at mga hand signs
Pangkat Blg. 4- Mga Simbolo ng Accidental: sharp, flat, natural
Mga Panuntunan sa Pag-uulat
1. Ipakita ang mga larawan ng simbolo
2. Ibigay ang kahulugan ng bawat simbolo at ipaliwanag ang gamit nito sa musika.
 Magbigay ng karagdagang kaalaman o detalye na nakalimutan o kailangang bigyang pansin
tungkol sa mga paksang tinalakay ng bawat pangkat.

D. Paglalahat
 Itanong ang sumusunod:
1. Ano ang isang pinakapangunahing simbolo na mahalaga nating matutunan sa pagbabasa o
pagsusulat ng musika?
2. Ano ang isang simbolo sa musika na matatagpuan o makikita sa pinakakaliwang bahagi ng staff?
3. Saan hango ang pitch names?
4. Ano ang mga simbolo na maaaring gamitin upang maitaas o maibaba ang pitch name ng isang
note?
5. Ano ang ginagamit upang tanggalin ang epekto ng simbolo ng sharp o flat sa isang note?

Susi ng Pagwawasto:
1. Staff
2. Clef
3. Hango ang pitch names sa unang pitong titik ng alpabeto
4. Accidental
5. Natural sign
 Kung may hinandang video/slideshow tungkol sa paghahanap ng tamang tono sa piyano o
keyboard, ipanood ito sa mga bata. (MU5ME-IIc-5)

E. Paglalapat
 Gawaing Pampangkat
Bumuo ng mga pangkat na may 5-10 kasapi. Pumili ng isa sa mga staff na may
accidentals. Magsanay sa pag-awit nito gamit ang mga so-fa syllables. Maghanda sa
pagtatanghal sa klase. Gamitin ang rubrik bilang pamantayan sa pagtatanghal.

RUBRIK
Kailangan
Bahagyang
Napakahusay Mahusay pang
Pamantayan Mahusay
(4) (3) paunlarin
(2)
(1)
1. Maayos ang
pagkakaawit ng awiting
may gamit na accidentals.
2. Angkop ang paggamit
ng kilos at tinig sa
pagtatanghal.
3. Masining ang
pagkakatanghal.

 Gawaing Pang-isahan
Ipagawa ang gawain sa bahagi ng aklat Balikan Natin, pahina 29.

Susi ng Pagwawasto:
IV. PORMATIB NA PAGTATAYA
 Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa bahagi ng aklat na Isagawa Natin, pahina 29.
 Isulat ang pangalan ng simbolo na tinutukoy sa ibaba.
1. Ito ay binubuo ng limang guhit at apat na puwang
2. Ito ang simbolong ginagamit upang itaas ang pitch ng note ng half step.
3. Ito ang ginagamit kapag binabasa ang mga note sa staff.
4. Ito ang simbolo na inilalagay sa harap ng mga note kapag nais na ibalik sa orihinal pitch
ang note na itinaas o ibinaba ng half step.
5. Ito ang simbolong ginagamit upang ibaba ang pitch ng note ng half step.

Susi ng pagwawasto:
1. Staff
2. Sharp
3. So-fa syllable
4. Natural sign
5. Flat sign

V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Isulat ang mga pitch name ng sumusunod na mga note sa staff.

Susi ng Pagwawasto:
1. Bee
2. Deaf

3. Café

4. Bag

5. Facade

Annotation:

You might also like