You are on page 1of 17

Edukasyong Pantahan at

Pangkabuhayan

Modyul 5:
Pag-aalaga ng Hayop

1
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikalima na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Pag-aalaga ng Hayop
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rose Benny Riza P. Villar
Editor: Maya P. Sabiniano
Tagasuri: Roger S. Tamondong
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala:
JENILYN ROSE B. CORPUZ CESO VI
Schools Division Superintendent

MARIA TERESA A. NAMORO Ed.D


Assistant Schools Division Superintendent

JUAN C. OBIERNA
Chief, Curriculum Implementation Division

LEARNING RESOUCE MANAGEMENT SECTION

HEIDEE F. FERRER Ed.D


Education Program Supervisor, LRMDS

BRIAN SPENCER REYES LIZA J. DE GUZMAN


Project Development Officer Librarian

Inilimbag sa Pilipinas ng Placido Del Mundo Elementary School

Department of Education – Region NCR-Quezon City

Office Address: Quirino Highway Brgy. Talipapa Novaliches, Quezon City

Telefax: (02) 89363404


E-mail Address : es.placidodelmundo@deped.ph/pdelmundo_es@yahoo.com

2
5
Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan

Modyul 5:
Pag-aalaga ng Hayop

i
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan (EPP) 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Pag-aalaga ng Hayop!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K
to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
pantulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5


(Agriculture) ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol Pag-aalaga ng Hayop!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan o tahanan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa upang matulungan kang matutunan ang mga
kabutihang maidudulot ng pag-aalaga ng mga hayop.

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matutukoy mo ang mga
sumusunod:
1. Naipapaliwanag ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop na may dalawang
paa at pakpak o isda:
2. Natutukoy ang mga hayop na maaring alagaan gaya ng manok, pato, itik pugo,
tilapia; at
3. Nakakagawa ng talaan ng mga kagamitan at kasangkapan na dapat ihanda upang
makapagsimula sa pag-aalaga ng hayop o isda

Subukin

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Iguhit ang masayang


mukha kung totoo ang sinasabi at malungkot na mukha kung hindi
totoo.
______1. Isang kapaki-pakinabang na libangan ang pag-aalaga ng hayop.
______2. Nagsisilbing pang-alis ng stress o pang-therapy ang pag-aalaga ng
hayop.
______3. Kailangan ang maka-agham na pamamaraan upang maparami ang
mga hayop.
______4. May kaakibat na responsibilidad ang pag-aalaga ng hayop.
______5. Maraming mahalagang bagay ang kailangang isaalang-alang sa
pagpili ng hayop na aalagaan.
______6. Mahalagang tuyo at malinis ang tirahan ng mga hayop.
______7. Pabakunahan ang mga alagang hayop laban sa peste at sakit.
______8. Pagsamasamahin ang mga alagang hayop kahit na may sakit.
______9. Maraming produkto ang nakukuha sa mga hayop.
______10. Ang mga alagang hayop ay pwede rin ipagbili o ibenta.

1
Aralin
Pag-aalaga ng Hayop
1
Balikan

Panuto: Isulat ang tamang salita na hinihingi sa bawat bilang. Buuin ang mga
pinaghalo-halong letra at isulat ang tamang sagot sa loob ng kahon.

1. Ito ay isang paraan ng pagtatanim ng halaman na magkakasama sa iisang


taniman.
GNIPPORCRETNI
2. Ito ay isang paraan ng pagsugpo na kung saan pagpapalit-palit ng tanim tuwing
magkaroon ng anihan sa isang taniman.
PORC NOITATOR
3. Ito ay isang sitema ng agrikultura na taliwas sa kaparaanang ginagamit ngayon.
BIO INTENSIVE GARGNINDE

4. Ito ay isang paraan ng pagsugpo sa mga peste gamit ang lambat o pagputol ng
mga sanga o bahagi ng halaman na may sakit.
MECHANCALI LORTNOC
5. Ito ay isang paran ng paggamit na mga masamyong tanim bilangpagsugpo sa
mga peste sa halaman.
BIOCALLOGI CONTLOR

2
Mga Tala para sa Magulang

Inaasahan po ang masusing paggabay sa inyong


mga anak sa pagsagot sa modyul na ito. Hanggad po
naming ang inyong pakikiisa upang lalong matuto
ang iyong mga anak

Tuklasin

Maraming hayop ang pwede mong alagaan!

Paghambingin ang mga larawan may pagkakaiba ba? Alin sa mga ito ang
maaring alagaan upang pagkakitaan?

3
Suriin

Aralin 1: Maraming pamilyang Pilipino ang kinagigiliwan ang pag-aalaga ng


hayop. Karaniwang inaalagaan ay mga hayop na may dalawang paa at pakpak o isda
na maaring paramihin o pagkakitaan. Isa sa pangunahing pinagkakakitaan sa bansa
ang paghahayupan. Ang pag-aalaga ng hayop ay isang kapaki-pakinabang na
Gawain na maaaring gawin ng mag-anak kung may kapirasong lugar sa bakuran o
likod-bahay. Ito ay maaaring gawing libangan at mapagkakakitaan pa kung labis sa
pangangailangan ng mag-anak. May mga kabutihang dulot ang pag-aalaga ng mga
hayop.

Manok
Madaling mag-alaga ng manok. May iba’t-ibang uri at laki ang manok may
kanya-kanyang katangian ang bawat lahi. Ang manok ay nabibigay ng karne at
sariwang itlog Ang lahi ng manok na maaaring alagaan ay ang mga sumusunod:

1. Maraming mangitlog (Egg Type Breed)


2. Mabilis lumaki (Meat Type Breed)
3. Maraming mangitlog at mabilis lumaki (Dual Type Breed)

Tilapya

Ang tilapya ay isang isda na madaling alagaan at masarap kainin. Karaniwang


pinalalaki ito sa mga anyong tubig. Maaari rin itong alagaan sa likod-bahay.

4
Itik

Ang pag-aalaga ng itik ay isang gawaing makatutugon sa pangunahing


pangangailangan sa pagkain at makapagpapaunlad sa kabuhayan ng pamilya.Higit
na matagumpay ang pag-aalaga kung naihandang mabuti ang mga kakai-langanin
ng mga alaga. . Karani wang inaalagaan ang mga itik sa mga lugar na malapit sa
tubig kung saan may mga suso at tulya para sila ay maipastol at makatipid sa
pagkain. Ang itik ay inaalagaan para sa paggawa ng balut. Maaari natin silang
pakainin ng mga pag-kaing kinakain ng mga manok at mabigyan sila ng angkop na
kulungan at na paliguan. Gumamit ng batya o kaya isang putol na bariles na
magsisilbing paliguan ng mga itik. Masarap ding gawing resipi ng ulam ang karne
ng itik gaya ng estopado, adobo o pritong bibe.

Pugo

Ang karne at itlog ng pugo ay maaaring kainin. Ang dumi at balahibo nito ay
mahusay na napagkukunan ng pataba a organikong abono. Ang produksiyon at
pagpaparami ng pugo ay nagbibigay ng dagdag na kita sa mga naninirahan sa mga
lugar. Ang pagpupugo ay nagsimula sa Bulacan noong 1980. Magandang alagaan
ang pugo dahil hindi ito napepeste.

Aralin 2: Mga kabutihang dulot ang pag-aalaga ng mga hayop na may


dalawang paa at pakpak o isda:

1. Napagkukunan ito ng pagkain gaya ng karne, itlog at gatas.


2. Nagbibigay ng dagdag kita sa mag-anak o pamilya.
3. Nagdudulot ito ng kasiyahan sa pamilya at nagsisilbing libangan ng mag-
anak.

5
4. Natutugunan ang problema ng bansa sa kakulangan ng pagkain at kawalan
ng hanap buhay ng tao.
5. Nakakatipid sa gastusin ng pamilya.
6. Nagkakaroon ng tiwala sa sarili at nagiging responsible at maalalahanin.

Aralin 3: Mga Talaan ng Kagamitan at kasangkapan na dapat Ihanda upang


makapagsimula sa pag-aalaga ng hayop:

1. Sapat na ilaw at bentilasyon.


2. Kailangang maglagay ng lalagyan ng inumin.
3. Kailangan ng lalagyan ng patuka o pagkain
4. Kailangan ng matibay na kulungan.

Pagyamanin
Sa mga sumusunod na gawain gamitin ang iyong sagutang papel
para sa iyong mga kasagutan.

Unang Gawain
A. Panuto: Pangkatin at isulat sa kahon ang uri ng hayop ayon sa kanilang pangkat

Hito Itik Kambing Kuneho


Ostrich Kalapati Pugo Kangaroo
Pato Manok Bangus Karpa
Gurami Tilapia Broiler

May Dalawang May Pakpak Isda


Paa

6
Pangalawang Gawain
B. Panuto: Punan ang patlang ng wastong sagot.

1. Ang manok ay mainam alagaan dahil


_____________________________________________.
2. Ang mga itik at bibe ay kapaki-pakinabang alagaan dahil
_____________________________________________.
3. Kasiya-siya ang pag-aalaga ng isda sapagkat
_____________________________________________.
4. Ang mga bakanteng lugar sa bakuran, ay maaring pag-aalagaan ng iba’t-
ibang hayop na makatutulong upang magkaroon ng
_____________________________________________.
5. May mabuting naidudulot ang pag-aalaga ng pugo sapagkat
_____________________________________________.

Isaisip

Tunay na kasiya-siya at kapaki-pakinabang na gawain ang pag-aalaga ng mga


hayop tulad din ng paghahalaman. Ang pag-aalaga ng mga hayop ay maraming
kabutihang naidudulot.
Maraming kabutihan ang naidudulot ng pag-aalaga ng hayop sa tahanan. Ito ay
nakabubuti sa ating kalusugan dahil naka-aalis ito ng stress at nakapagpapababa
ng dugo. Ang alagang hayop sa tahanan ay maituturing na isang magandang kasama
sa bahay. Kung ang mga alagang hayop ay pinararami, ito ay maaaring maipagbili
upang makadagdag kita sa pamilya.

Isagawa

Panuto: Sagutin at isulat sa iyong kwaderno

Gumupit o gumuhit ng mga larawan ng mga hayop na na maaaring alagaan sa


bahay o bakuran. Isulat ang mga mabubuting naidudulot nito sa pamilya at
pamayanan sa ilalim ng larawan.

7
Tayahin

Panuto: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto at Mali kung ang pahayag ay
hindi wasto.

_______1. Ang pag-aalaga ng hayop ay nagpapalala ng problema sa kakulangan ng


pagkain.
_______2. Bukod sa pagkakakitaan, ang pag-aalaga ng hayop ay maaring maging
libangan.
_______3. Nakadaragdag kita sa mag-anak ang pag-aalaga ng mga hayop.
_______4. May mga kabutihang dulot ang pag-aalaga ng hayop na may dalawang
paa, pakpak o isda.
_______5. Ilan sa isinasaalang-alang sa pag-aalaga ng manok at iba pang hayop ay
ang pagtatapunan ng dumi, suplay ng malinis ng tubig, at pagkaing
madaling matagpuan.

Panuto:

Itala ang mga kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop na may dalawang paa,
pakpak o isda.

1.

2.

3.

4.

5.

8
Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng maikling talata.

Paano nakatutulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ang pag-aalaga ng mga


hayop? Ano ang kabutihang dulot nito sa sarili mo, pamilya at sa pamayanan?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

9
10
Tayahin
1. Napagkukunan ito ng Balikan
pagkain gaya ng karne, itlog 1. Intercropping
at gatas. 2. Crop Rotation
3.Bio Intensive Subukin
2. Nagbibigay ng dagdag kita
Gardening
sa mag-anak o pamilya 4.Mechanical
3. Nagdudulot ito ng Control 1.
kasiyahan sa pamilyang at 5.Biological Control
2.
nagsisilbing libangan ng
mag-anak. 3.
4. Natutugunan ang problema
4.
ng bansa sa kakulangan ng
Tayahin
pagkain at kawalan ng 5.
hanap buhay ng tao.
1. Mali 6.
5. Nakakatipid sa gastusin ng 2. Tama
pamilya. 3. Tama 7.
6. Nagkakaroon ng tiwala sa 4. Tama 8.
sarili at nagiging 5. Tama
responsible at 9.
maalalahanin. 10.
Pagyamanin Pagyamanin Pagymanin
Isda May Pakpak May Dalawang Paa
Ostrich
Hito Kalapati manok
Bangus Itik Pato
Karpa Pugo
Tilapia Broiler Kambing
Gurami
Kuneko
Kangaroo
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Gloria A. Peralta, EdD, et al2016 Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran


Quezon City, Philippines: Vibal Group, Inc ph: Inc ph 83-90

Gloria A. Peralta, EdD, et al2016 Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran


Batayang Aklat sa Ika-limang baitang Manual ng Guro, Vibal Group, Inc ph: 18-19

11

You might also like