You are on page 1of 32

Filipino sa Piling Larang

(Sining at Disenyo)
Unang Markahan – Modyul 5:
Katangian ng Mabisa at
Mahusay na Sulatin
Filipino sa Piling Larang (Sining at Disenyo) – Grade 11/12
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Katangian ng Mabisa at Mahusay na Sulatin
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Rosie L. Basilio
Editor: Eliza M. Bagtas
Tagasuri: Eliza M. Bagtas
Tagaguhit: Leo Espinosa
Tagalapat: Rosie L. Basilio
Cover Design: LRMDS-Bataan.
Mga Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
Asst. Schools Division Superintendent : Roland M. Fronda, EdD, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Filipino : Mila D. Calma
District Supervisor, Pilar : Teresita R. Ordiales
Division Lead Book Designer : Jenelyn D. Rivero
District LRMDS Coordinator, Pilar : Joseph Ralph S. Dizon, PhD
School LRMDS Coordinator : Lucky Antonio M. Antonio
School Principal : Cesar L. Valenzuela, EdD
District Lead Layout Artist, Filipino : Rhenn B. Songco
District Lead Illustrator, Filipino : Leo Espinosa
District Lead Evaluator, Filipino : Eliza M. Bagtas
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of
Bataan
Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
Filipino sa Piling Larang
(Sining at Disenyo)
Unang Markahan – Modyul 5:
Katangian ng Mabisa at
Mahusay na Sulatin
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang (Sining at


Disenyo) at Ikalabindalawang Grado ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Katangian ng Mahusay at Mabisang Sulatin!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Piling Larang (Sining at Disenyo) at


Grade 11/12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Katangian ng
Mabisa at Mahusay na Sulatin!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na

ii
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang maunawaan


at masuri ang iba’t ibang uri ng sulatin sa Filipino sa larangan ng sining at disenyo.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:


1. Nasusuri ang katangian ng mabisa at mahusay na sulatin batay sa binasang
mga halimbawang gaya ng iskrip, textula, blog at islogan (CS_FSD11/12PB-
0g-i=92).

a. naiisa-isa ang mga katangian ng mabisa at mahusay na sulatin


Subukin

Anong mga sulatin ang matagumpay mo ng nagawa? Lagyan ng Tsek () ang
mga sulating nagawa mo na, isulat kung wala sa pagpipilian.

Mga Sulatin

Sanaysay

Liham

Maikling kwento

Talumpati

Tula

Pananaliksik

Islogan

Iskrip

Pick-up Lines

At iba pa: __________________________


__________________________
A. Ano-ano ang iyong isinasaalang-alang sa pagsulat ng anumang sulatin
upang ito ay maging mahusay. Itala sa ibaba ang iyong kasagutan.

1. _______________________________________________
2. _______________________________________________
3. _______________________________________________
4. _______________________________________________
5. _______________________________________________

Aralin
Katangian ng Mabisa at
5 Mahusay na Sulatin

Mayroong iba’t ibang dahilan ang tao kung bakit sumusulat. Ang iba ay
sadyang may hilig sa pagsulat, at nagsisilbing libangan. Habang ang iba naman dito
nila nailalabas ang kanilang saloobin o nararamdaman. Maituturing ding
hanapbuhay ang pagsulat gaya ng lumilikha ng akdang maikling kwento, komiks,
balita at iba pa. Maging ang ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal ay
pinatunayang makapangyarihan ang pagsulat upang makamit ang kalayaan. Isa rin
ang pagsulat sa makrong kasanayan na nililinang sa mga mag-aaral.

Balikan

Pamilyar ka ba sa mga linya sa pelikula na sumikat at ginagaya ng marami?


Narito ang ilang halimbawa:

"Huwag mo akong mahalin dahil mahal kita. Mahalin mo ako dahil mahal mo
ako because that is what I deserve." - Mia (Kathryn Bernardo), Barcelona: A Love
Untold

"Yung sorry ba sa 'yo isang lisensya para paulit-ulit mo na akong lokohin,


ganun ba 'yon?" - Anne (Angelica Panganiban), The Unmarried Wife
"Kapag nahanap mo na yung taong sa palagay mo, para sa 'yo, huwag mo nang
pakakawalan, ipaglaban mo." - Chinggay (Jodi Sta. Maria), The Achy Breaky Hearts

"Mas tragic yung hindi mo man lang naranasang magmahal, mamamatay ka


nang hindi mo man lang nakikilala yung taong laan para sa 'yo." - Gara (Maine
Mendoza), Imagine You and Me

"I gave you everything, but you left me with nothing." - Nino (Gerald
Anderson), How to Be Yours!

“Siguro, kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin, dahil may darating pang
ibang mas magmamahal sa’tin – ‘yung hindi tayo sasaktan at paaasahin…’yung
magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin.” – John Lloyd Cruz, One More Chance
(2007)

“Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako o kailangan mo ako kaya mahal mo


ako?” – Claudine Baretto, Milan (2004)

“Hindi naman talaga tayo napapagod masaktan, eh, dahil sa totoo lang, hindi
rin naman tayo napapagod na magmahal.” – Angel Locsin, Unofficially Yours (2012)

“May mga masuwerteng tao na nahanap na ‘yung taong para sa kanila. May
mga taong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero ‘yung
pinakamasaklap, eh, ‘yung nasa’yo na, pinakawalan mo pa.” – John Lloyd Cruz, My
Amnesia Girl (2010)

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Alin sa mga sumusunod ang paborito mong linya? Bakit?


2. Sa iyong palagay bakit may mga linyang sumisikat at patuloy na binibigkas?
3. Paano mo masasabing mahusay ang pagkakabuo ng mga linya o pahayag na
sumisikat?

Pamantayan sa pagmamarka:

5 – napakahusay ng pagpapaliwanag (buo at malinaw)


4 – mahusay ang paliwanag (malinaw)
3 – bahagyang mahusay ang pagpapaliwanag
2 - hindi malinaw ang paliwanag
Balikan

Tuwing Agosto ay ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika at bilang paghahanda


sa nasabing programa ay nagdaos ang Departamento ng Senior High School sa Pablo
Roman National Hig School ng pagligsahan sa iba’t ibang larangan gaya ng pagbuo
ng islogan at tula na ang tema ay tungkol sa kahalagahan ng sining. Narito ang
halimbawa ng mga awtput na ipinasa ng mga mag-aaral.

Mga Islogan:

1. Sa pamamagitan ng sining
Maipahahayag mo ang iyong saloobin.

2. Ating sining ay palawakin


Sapagkat ito’y isa sa kayamanan natin.

3. Sining na siyang salamin ng kaisipan,


matatagpuan ang ating pagkakakilanlan.

4. Iba't ibang uri ng sining ay makikita


Sa pamamagitan ng pagsayaw, teatro, at pagkanta
Kaya't nararapat na pagyamanin
Pagkat ito'y sagisag ng ating pagkamalikhain.

5. "Kung nahihirapan ka ay magsimula ka lamang sa tuldok,


ito ang siyang tutulong upang makagawa ka ng obra
na magdadala sa iyo patungo sa tuktok."

6. Ang kakayahan ay tila ba salapi,


Kailangang mong ibayad sa iba
at asahan mong may mag-aabot sa iyo ng sukli.

7. Sa bawat galaw at gawa ng isang nilalang


Bukod sa sarili, dala niya ang bayan,
Kung kaya’t dapat isaalang-alang
Maganda at mabuti ang ipakita sa mamamayan.
Mga Tula:

Tula ni Ivan Kian Palma


Mag-aaral ng STEM 12- PRNHS

Ang sining ay paglikha, na sa isip nagmula


Nagpapakita ng paggawa, hatid sa mga mata'y tuwa
Bawat buka ng bibig, pag-awit ng may magandang tinig
sa pagsayaw ay may kisig, sapagkat matayog ang tindig.

Sa pagsulat at paghulma, gamit ang mga kamay at pluma


Ang sining na inilathala, gaya ng paa sa paggagala
Ang sining ay buhay, gaya ng syang lumikha nito
May damdamin na taglay, sapagkat ginagamitan ng puso.

Tula ni Gracielle Ahne Joaquin


Mag-aaral ng STEM 12 PRNHS

Pa'no ba patuloy na mapagyayabong?


Ang sining na hinubog na ng panahon
Na naipasa na sa mga henerasyon
At patuloy ang pagdaloy sa'ting nasyon

Iba't ibang uri ng pagpapakita


Mayro'ng pasayaw, patula, at pakanta.
P'wedeng napakikinggan o nakikita
Ating sining, napakalawak talaga.
Tula ni Jann Caine G. Tallorin
Mag-aaral ng STEM 12-PRNHS

Kay galing nating magtago,


Sa baul ng ating ulo,
Nahihiya't natatakot,
Bakit ganito kalungkot?

Hindi maibahagi sa ibang tao,


Baka mahusgahan lamang ang talento
Ngunit paano nga tayo aasenso?
Kung magpapaapekto tayo sa tukso?

'Yong iguhit ang nais ng iyong puso.


Kulayan mo, na ayon sa iyong gusto.
Ituloy mo lamang ang iyong paglukso,
Dahil ang tropeyo'y palaging nasa dulo.

Tula ni Patricia Nichole Reyes


Mag-aaral ng STEM 12-PRNHS

Bansang kay ganda,


Pinagyayaman din ng kultura,
Sining ang naging sandata,
Simula sa rebolusyon hanggang makabagong teknolohiya,

Nagsimula sa mga makabuluhang nobela,


Sumunod ang pagguhit at pagpinta,
At di naglaon ay mga tula,
Kung saan kaylangan tugma ang mga salita,

Hanggang sa magbago na ang timpla,


Pag-imbento, pag indak at pagkanta,
Hindi lang pala tula ang tugma,
Dahil sa tulong ng sining lahat tayo'y nakalilikha.

Gawain:

Kung ikaw ang hurado o pipili ng mananalo sa pagsulat ng islogan at textula


ano-anong pamantayan ang gagamitin mo sa pagpili?
Lagyan ng tsek at bilang upang mabuo ang isandaang porsyento.

Pamantayan Bahagdan o
Porsyento
_________ Mensahe
_________ Maayos na paggamit ng salita
_________ Napapanahon
_________ May sukat at tugma
100%
Suriin

Ang pagsulat ay isang sining. Ito ay isa sa limang makrong kasanayan na


nililinang sa mga mag-aaral. Ito ay mabisang paraan sa pagpapahayag ng saloobin,
damdamin at pananaw. Ayon nga sa isang batikang manunulat, Pat Villapuerte
(2012), ang pagsulat ay sumisibol sa diwa, pumipiglas sa puso at umaalumpihit sa
bawat pagkilos. Ito’y isang malikhain at makapangyarihang katas na bunga ng lungkot
at tuwa, ng kabiguan at tagumpay at ng pagsuko at pakikibaka.

Maraming uri ng sulatin na maaaring gawin sa iba’t ibang larangan. Sa sining


at disenyo mabibilang ang mga sumusunod:

1. Textula
2. Iskrip
3. Islogan
4. Awit
5. Fliptop
6. Pick-up lines
7. Rebyu
8. Flash Fiction
9. Blog
10. Dula at iba pa

Ating talakayin ang ilan sa mga sulating pangsining:

Ang pagtext o pagsulat ng mensahe gamit ang cellphone ang karaniwang


ginagamit ngayon ng mga tao. Ito ay isa sa mabilis na paraan ng komunikasyon. Sa
pamamagitan ng text ay maaaring sumulat ng iba’t ibang teksto gaya ng tinatawag
na textula.

Ang textula ay isang maikling tula gaya ng anyo ng tanaga, dalit, at diona na
ipinadala sa pamamagitan ng SMS (Short Message Service) gamit ang mobile phone.
Madalas na ipinapadala sa mga kaibigan, pamilya, mga mahal sa buhay, at ibang
netizens.

Katangian ng mabuting textula:

1. Madaling unawaan at basahin.

2. Konsistent ang sukat at tugma (wawaluhin o lalabindalawahing pantig).

3. Kasiya-siyang basahin at ibahagi sa iba.


Mga hakbang sa paglikha ng textula:

1. I-type sa cellphone ang ideya.

2. Gumamit ng sukat na (8 o 12 na pantig).

3. Tiyakin ang kaisahan sa tugma.

4. I-save kung hindi matatapos agad.

5. Ipadala sa nais bahaginan.

Mga halimbawa:

COVID 19
Biglang natakot ang lahat
Sa sakit na kumakalat
Di lamang sa Pilipinas
Buong mundo, dumaranas.

Tawag sa sakit ay covid


Mag-iingat kang mahagip
Buhay magiging kapalit
Oras na sa ‘yo kumapit.

Ayuda
Karamihan ay umasa
Sa sinasabing ayuda
Ibibigay daw sa masa
Bahala si kapitana.

Sa di maipaliwanag
Ayuda’y di mahagilap
Ang listahan ay hinanap
Pangalan ng tumanggap.

Kung sino pa ang mahirap


Hindi mga nakatanggap
Sino kaya ang lumasap
Sa ayudang pinangarap.
Bagong Bayani

Sa panahon ng pandemic
Maraming aral ang hatid
Kabayanihan ay batid
Ng mga tao sa paligid.

Namalas ang kabutihan


Kahit simpleng mamamayan
Ay tumutulong sa bayan
Mabuti ang kalooban.

Mga lider sa gobyerno


Naglilingkod nang totoo
Frontliners nagsakripisyo
Sila’y tunay na idolo.

Ano ang islogan?

Ito ay isang mailking pagpapahayag upang maipahiwatig ang kaisipan,


saloobin, ideya, pananaw, at iba pa.
Ayon naman sa Wikipedia, ang islogan ay isang kasabihan o motto ng isang
kompanya o ng mga aktibista na madali maalaala. Sa mga channel sa
telebisyon, isa sa mga pangagailangan nila ay ang mag-taguyod ng isang
islogan.

Mga Katangian ng Islogan:

1. Maikli ngunit malinaw


2. Malikhain at makulay
3. Nakahihikayat ng kaisipan, damdamin, at atensyon
4. Angkop ang ginamit na salita
5. Orihinal
6. Makabuluhan ang nilalaman
7. Madaling unawaan
8. Nakaaaliw

Mga halimbawa:

1. Ang pag-aaral ay parang banko,


pinaghahandaan dapat ang kinabukasan mo.

2. Huwag sumuko sa laban ng buhay,


nariyan ang Diyos na laging nakasubaybay
hindi tayo pababayaan, manalig ka lamang.
3. Tandaan lumilipas ang panlabas na kagandahan
ang mahalaga ay malinis na puso
kaya hindi itsura lang ang maging basehan
ng iyong pagmamahal.

4. Masarap ang maraming kaibigan lalo at tunay


bukod sa laging may karamay
nagdudulot rin ng kaligayahan.

5. Ang tunay na tagumpay ng pagiging guro


ay makita ang kanyang mag-aaral
bilang mabuting mamamayan.
at nakakatulong sa lipunang gianagalawan.

Ano ang Blog?

Ang Blog ay ang modernong pamamaraan ng pagsusulat kung saan


nagbibigay ng impormasyon sa pamamagitan ng internet sa mukha ng mga
artikulo na may iba't-ibang mga partikular na paksa.

Ito ay mula sa simpleng dyornal, naging tulay din ito upang mapadali
ang paghahanap ng impormasyon, konsepto, at iba't ibang bagay na gusto
nila. Ang blog ay galing sa salitang web at log.

Blogger naman ang tawag sa tao o grupong nangangalaga,


nagpapatakbo at gumagawa ng isang blog.

Mga iba’t ibang uri ng blog:

1. Fashion blog

Ito ang pinakasikat na uri ng blog. Ang tema ay tingkol sa damit o kung
ano man ang bago sa mundo ng fashion o anumang kasuotan.

2. Personal blog

Gusto lamang magbahagi ng kanilang buhay. Walang tema; kahit ano ay


puwede.

3. News blog

Nagbabahagi ng mga bagong balita sa mga mambabasa.

4. Humor blog

Layon magpatawa o mang-aliw sa mambabasa.


5. Photo blog

Naglalaman ng mga litrato hanggang sa mga typographics.

6. Food blog

Layunin magbahagi ng resipe at mga paraan sa pagluluto ng masasarap


at kakaibang pagkain.

7. Video blog

Naglalaman ng video mula sa blogger.

8. Educational blog

Nakakatulong sa pagpapaliwanag sa mga mag-aaral tungkol sa iba’t ibang


mga aralin.

9. Review blog

Naglalaman ng mga rebyu ng pelikula, musika, gadyet, at iba pa. Layunin


nito magbahagi ng mga maganda at di-magandang napansin sa naturang
palabas o produkto. Kadalasang ginagamit bilang advertisement.

10. Travel blog

Nagpapakita ng iba't ibang lugar na napuntahan ng mga blogger.


Hinihikayat nito ang mga mambabasa na bisitahin ang naturang lugar.

Ang pagiging isang blogger o manunulat sa internet ay nangangailangan ng


patuloy na paghahasa ng kasanayan sa pagsulat.

Upang maging isang mahusay na manunulat, kailangang maging masigasig


sa pagbabasa. Ang pagbabasa ay talagang isang pangunahing pag-aari para sa mga
blogger na lumikha ng mahusay na mga gawa. Sa pamamagitan ng pagbabasa, hindi
ka lamang makakakuha ng mga ideya sa pagsulat, ngunit higit sa magagawa mo
ring i-update at pagyamanin ang bokabularyo at mga termino para sa iyong materyal
sa pagsulat.

Huwag lamang tumuon sa pagbabasa na nababagay sa gusto mo. Ngunit


subukang basahin ang lahat ng mga pagbasa na maaari mong basahin sa isang
okasyon. Upang maging isang mahusay na manunulat, subukang magbasa ng kahit
isang libro sa isang buwan. Ang mas maraming mga libro at pagbabasa na iyong
nabasa, mas malaki ang iyong pagkakataon na maging isang mahusay na
manunulat.
Halimbawa ng blog:

SIMPLE COOKING
Pinoy Foods, Cakes, Coffees, Drinks
Sunday, Ju ne 7, 2020

Brazo de Mercedes | Meringue with Custard Filling | Pang Negosyo


Recipe
Brazo de Mercedes is a recipe under sweets and desserts and is a traditional
Filipino meringue roll with a custard filling typically dusted with confectioners'
sugar. It is a type of pianono which is also a popular Filipino bread. Brazo de
Mercedes is considered as one of the most popular Filipino favorites. It is usually
composed of eggs, cream of tartar, sugar, condensed milk, vanilla and butter.

Brazo de Mercedes
(Ang ipinakitang blog ay pag-aari ni Ginoong Angelo R. Basilio na kabiyak ng
manunulat ng modyul na ito.)

Gawain:
Punan ang talahanayan. Isulat sa tapat ng sulatin ang katangiang taglay.

Sulatin Katangiang Taglay


1. Ang perang pinaghirapan,
Iniisip mabuti ang paglalaanan.

2. Ang pamilya ang sandigan


Karamay kahit saanman
Palaging maaasahan
Hinding-hindi ka iiwan.

May pagsubok mang dumaan


Kapit-bisig, hawak-kamay
Sama-samang aalalay
Sa bawat isa’y dadamay.
Ang Bulakan ay isang lalawigan sa Gitnang
Luzon. Ito rin ang tinatawag na “Lupain ng mga
Bayani.” Dito nanirahan ang mga tanyag na bayani
tulad nina Francisco Baltazar, Marcelo H. Del
Pilar at Gregorio del Pilar.

Pinaniniwalaang mula sa salitang "bulak"


(kapok) o tinipil na salitang "bulaklak". Maaaring
tumutukoy noon ang "Bulakan" sa pook na may
maraming tanim na bulak o bulaklak.
Ang paglagda sa kasunduan sa Biyak-na-Bato
ang isa sa mga mahahalagang bahagi ng kasaysayan
ng Bulakan. Ang lalawigang ito ay isa sa mga
lalawigang nag-alsa sa mga Kastila. Ang Simbahan ng
Malolos at Simbahan ng Barasoain ang isa sa mga
naging punong himpilan ni Pangulong Emilio
Aguinaldo at ng kanyang batasan.

Kagandahan ng Bataan

Halina't mabighani sa tradisyon at pagkain ng Bataan!

Ang Bataan ay isang lalawigan ng Pilipinas na


sinasakop ang buong Tangway ng Bataan sa Luzon.
Bahagi ng rehiyon ng Gitnang Luzon ang lalawigan .
Lungsod ng Balanga ang kabisera nito at pinapaligiran
ng mga lalawigan ng Zambales at Pampanga sa hilaga.
Kaharap ng tangway sa kanluran ang Dagat ng Timog
Tsina at Look ng Maynila naman sa silangan.
Labing-isang bayan ang bumubuo sa lalawigan
ng Bataan. Sa labing isang bayan at isang lungsod,
hinati sa dalawang distrito ang mga ito. Ang unang
distrito ay binubuo ng Dinalupihan, Hermosa, Orani,
Samal at Abucay sa Hilaga ng tangway at Morong sa
hilagang kanluran ng lalawigan. And ikalawang distrito
ay binubuo ng Lungsod ng Balanga, Pilar, Orion, Limay,
Mariveles at Bagac sa timog bahagi ng tangway.
Isa sa mga tahimik na lalawigan ang Bataan.
Karamihan sa mga urban na sentral ng mga bayan ay
malapit sa anyong-tubig dahil hinihiwalay ng Bundok
Natib (Mount Natib) ang gitna ng Bataan. Dahil dito, ang
silangan ng Bataan ay nakahiwalay sa Kanlurang
bahagi. Ang silangang bahagi ay nakaharap sa Look ng
Maynila. Sa kabilang bahagi, ang mga bayan ng
Mariveles, Bagac at Morong ay nakaharap sa Dagat ng
Timog Tsina. Karamihan ng mga popular na
beach/tabing dagat sa Bataan ay nasa kanlurang
bahagi ng Bataan, nakaharap sa Dagat ng Timog Tsina.
Sa Silangan, ang Look ng Maynila ay kilala bilang sikat
na lugar pangisdaan ng mga mangingisda.
Pangingisda at pagsasaka ang pangulong
hanap-buhay ng mga taga-Bataan. Gayon man, sa
paglipas ng panahon, ang mabilis na pagiging popular
ng teknolohiya sa bansa ay nagbigay ng daan para
magtayo ng mga pabrika sa Mariveles. Sa ngayon, isa
ang Mariveles sa mga panguhaning pagawaan ng mga
produktong pangkalakalan sa Pilipinas at sa ibang
bansa. Isa rin sa mga sikat na lugar ang Bataan
pagdating sa mga gawaing-kamay (handicrafts).

Pagyamanin

Sa kasalukuyan, tayo ay nahaharap sa isang malaking pagsubok dahil sa


pandemya na Covid 19. Sa nakalipas na tatlong buwan ng iyong karanasan mula
nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sumulat ng 2 islogan
na may kaugnayan sa sitwasyong nararanasan mo ngayon.

Ang islogan na isusulat ay dapat nagtataglay ng mga katangiang nabasa sa


pagtalakay ng aralin.

Narito ang pamantayan sa pagbibigay ng marka sa pagsulat ng islogan:

10 7 4 1

Nilalaman Ang mensahe Di gaanong May Walang


ay mabisang naipakita ang kaguluhan mensaheng
naipakita mensahe ang mensahe naipakita
Kaugnayan sa May malaking Bahagyang Di gaanong Walang
Paksa kaugnayan sa may nagkaroon ng kaugnayan sa
paksa kaugnayan sa kaugnayan sa paksa
paksa paksa

Unang Islogan

______________________________________________

______________________________________________

______________________________________________

______________________________________________

Pangalawang Islogan

______________________________________________

______________________________________________

______________________________________________

______________________________________________

Isaisip
Gamit ang concept map, ano-anong mga katangian ang dapat isaalang-
alang upang maging mabisa ang mga sumusunod na sulatin?

Pamanatayan sa pagmamarka
5 –kumpletong naisulat ang lahat ng katangian
4- kalahati ng katangian lamang ang naisulat
3- wala pa sa kalahati ang naisulat na katangian
2- isa lamang ang naisulat na katangian

Textula

Blog Islogan
Katangian
ng

Sulatin
Isagawa

A. Batay sa iyong sariling karanasan, bumuo ng textula na binubuo ng


dalawang saknong at may sukat na wawaluhing pantig.

Narito ang pamantayan sa pagbibigay ng marka sa pagsulat ng textula:

15 10 5
Pagkakabuo Angkop at wasto Hindi gaanong Walang
ang ginamit sa angkop ang kaugnayan at
pagkakabuo saltang ginamit hindi angkop ang
mga salita
Nilalaman Mabisang Bahagyang Hindi naipahayag
naipahayag ang naipahayag ang ang mensahe ng
mensahe ng tula mensahe ng tula tula

Sukat at tugma Kumpleto ang Bahagyang may Walang sukat at


sukat at tugma sukat at tugma tugma

Halimbawa ng Pamagat: Ang Aking Pamilya

B. Bumuo ng isang islogan na nagpapahayag ng iyong pangarap.


Halimbawa:
Walang mahirap sa taong nagsisikap
Pagdating ng araw magiging isa akong alagad ng batas.

Tayahin

Basahin ang sumusunod na islogan at textula, suriin at lagyan ng tsek ang


kahon kung taglay nito ang mabisang katangian.

Islogan:

1. Maraming taon man ang gugulin sa pag-aaral,


matatapos din at makakamit ang tagumpay.

Maikli at malinaw
Orihinal
Makabuluhan ang nilalaman
Nakahihikayat ng kaisipan
Nakaaaliw

2. Gaano man kahirap


ang isang gawain,
kung magtutulong-tulong
ay matatapos din.

Maikli at malinaw
Orihinal
Makabuluhan ang nilalaman
Nakahihikayat ngn kaisipan
Nakaaaliw
Textula:

A. Tunay na Pag-ibig

Ang tunay na pagmamahal


Walang hinihintay na kapalit
Handang maghintay
Gaano man katagal.

Wagas ang pagmamahalan


Pati ang sumpaan
Na walang iibigin
Kundi ang kabiyak lamang.

Madaling unawain at basahin


Konsistent ang sukat at tugma
Kasiya-siyang basahin

B. Teknolohiya

Modernong teknolohiya
Kahit saan makikita
Sa mundo ay laganap na
Ginagamit ng balana.

Kasangkapan o gadget man


Mabilis napapalitan
Palaging may pagbabago
Hatid ng gamit na uso.

Madaling unawain at basahin


Konsistent ang sukat at tugma
Kasiya-siyang basahin
Karagdagang Gawain

A. Tukuyin ang uri ng blog na ipinapakita sa larawan, piliin ang tamang sagot
at isulat sa patlang.

Educational blog Travel blog News blog

Fashion blog Food blog

1. _______________________________

2. _____________________________
3. __________________________

4. _________________________

5. __________________________
Sa mga uri ng blog na tinalakay alin ang higit na iyong nagustuhan?
Sumulat ng 2-3 pangungusap na paliwanag kung bakit ito ang iyong pinili.

_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
Karagdagang Tayahin:
Gawain: Isagawa:
1.Lahat ng
1.Educational katangian lalagyan May
blog ng tsek
2.Food blog pamantayang
3.Travel blog 2. Lahat ng
4.News blog katangian lalagyan ibinigay depende
5.Fashion blog ng tsek
sa sagot ng mag-
B.1. Una at huli
B. Depende sa lamang ang may aaral
sagot ng mag- tsek
aaral
2.Lahat lalagyan ng
tsek
Pagyamanin: Suriin: Balikan:
May May May
pamantayang pamantayang Subukin:
pamantayang
ibinigay Depende sa
ibinigay ibinigay depende sagot ng mag-
depende sa depende sa aaral.
sa sagot ng mag-
sagot ng mag- sagot ng mag- aaral
aaral aaral
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
DepEd (2016). Filipino sa Piling Larang Sining at Disenyo. Patnubay ng Guro
(Tagalog). First Edition.

DepEd (2016). Filipino sa Piling Larang Sining at Disenyo. Kagamitan ng


Mag-aaral (Tagalog). First Edition.

DepEd (2016). K to 12 Curriculum Guide. Filipino sa Piling Larang Sining at


Disenyo

Claveria, Jhenric. “Quizlet.”


https://quizlet.com/249536067/pagsulat-q2-flash-cards/ (kinuha Hunyo
22, 2020)

Unknown. “IstoryaPinas.”
http://istoryapinas.blogspot.com/2016/12/ano-ang-blog.html (kinuha
Hunyo 23, 2020)

Karsten, Matthew. “How to Start A Travel Blog: An Easy Step by Step Guide.”
https://www.google.com/search?q=travel+blog&source=lnms&tbm=isch&sa
=X&ved=2ahUKEwixpeSptKDqAhXBfd4KHeffCZcQ_AUoAXoECA4QAw&biw=1348&
bih=628#imgrc=PDaSoB0v2CFqmM (kinuha Hunyo 24, 2020)
Acosta, Felix Angelo et.al. “Kagandahan ng Bataan.”
https://kagandahanngbataan.wordpress.com/about/comment-page-
1/?unapproved=22&moderation-
hash=828a1901cd9c6bbbb26913049edd5ece#comment-22 (kinuha Hulyo 13,
2020)
Ezez. 2020. "BULACAN". Filipino-bulacan.blogspot.com.
http://filipino-bulacan.blogspot.com/2013/02/angkasaysayan-ng-bulacan-
ang-isang.html.
Ezez. 2020. "Kagandahan ng Bataan". Kagandahan ng Bataan.
https://kagandahanngbataan.wordpress.com.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like