Professional Documents
Culture Documents
Lesson Plan For Co Araling Panlipunan
Lesson Plan For Co Araling Panlipunan
I. Layunin:
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1.Naipaliliwanag ang konsepto ng distansiya at ang gamit nito sa pagsukat
ng lokasyon.
2. Nagagamit ang iba’t ibang katawagan sa pagsulat ng lokasyon at
distansya sa pagtukoy ng mga gamit o bagay na nasa isang lugar (kanan,
kaliwa, itaas, ibaba, harapan at likuran) (malayo at malapit).
3. Nakasusunod sa mga nakasulat na panuto.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati ng guro.
3. Pagtatala ng lumiban sa klase.
4. Pag-awit ng awiting pampasigla.
5. Pagbabalik-aral
Panuto: Gawin ang isinasaad sa bawat bilang.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Ipalaro ang “Iguhit mo ang mga Bahagi ng Mukha ko”
2. Paglalahad
“Dice ng Karunungan”
Iitsa ang dice ng karunungan at ilalagay kung saang lokasyon makikita ang mga
larawan. Ibase ito sa larawan na ipapakita.
3. Pagtalakay
Halimbawa:
1. Suriin ang mga larawan sa ibaba.
Tindahan ni Mara
Itanong:
1. Anong paninda ang nasa kanan ng mantika?
2. Ano ang nasa kaliwa ng mantika?
3. Ano ang nasa itaas ng mantika?
4. Ano ang nasa ibaba ng mantika?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Tandaan:
Ang kaliwa, kanan, ibaba, itaas, harapan at likuran ay mga
salitang magtuturo o magsasabi sa lokasyon ng isang bagay. Distansiya naman ang
tawag sa lapit o layo sa pagitan ng dalawang bagay.
2. Paglalapat
Panuto: Tingnan ang mga larawan sa ibaba at sagutin ang mga tanong
tungkol dito.
_____1. Alin sa mga bagay ang mas malapit ang distansiya mula sa pisara?
A. halaman C. pisara
B. mesa D. upuan
A. aklat
B. bag
C. bola
D. lapis
_____3. Tingnan ang larawan ng mga hayop. Ilan sa mga ito ang nakaharap sa
kanan?
A. anim
B. apat
C. lima
D. tatlo
A. bahay
B. bangka
C. puno
D. mangga
3. Pangkatang Gawain
a. Hahatiin ang klase sa dalawang grupo at ibibigay ang kani-
kanilang gawaing nakahanda.
b. Bawat grupo ay pipili ng pinuno upang ilahad ang kanilang sagot
sa naturang gawain.
Pangkat 1:
Panuto: Tingnan ang mga larawan. Tukuyin ang mga bagay o lugar na
matatagpuan sa iba’t ibang direksyon sa pamamagitan ng pagtukoy sa wastong
salita na bubuo sa pangungusap.
Pangkat 2:
Panuto: Tingnan at suriin ang mga larawan sa bawat bilang. Kulayan ng
dilaw ang wastong larawang sumasagot sa bawat tanong.
IV. Tayahin
Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa ipinakikita ng larawan. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
V. Takdang Aralin
Iguhit at pag- aralan ang lokasyon ng mga hayop sa larawan at sagutin ang mga
katanungan sa ibaba. Isulat ang tamang sagot sa patlang.
Inihanda ni:
JESSICA S. DE JESUS
Teacher I