A. Piliin ang tamang sagot sa mga salita na nasa kahon.
1. Ang lalawigan at rehiyon ay umaasa sa ibang lalawigan at rehiyon ng
kanilang ___________ upang mapunan ang kakulangan nito sa kanila. 2. Ang mga kompanya na gumagawa ng bahay at gusali na nangangailangan ng marmol bilang isa sa mga materyales ay umaangkat sa lalawigang may mineral na _____________. 3. Ang mga palengke ng isang lungsod ay umaangkat ng mga palay at mais sa lalawigan na _____________. 4. Ang Maynila ay naging sentro ng kalakan dahil sa likas na yaman nito na siya ring nagpatanyag sa lungsod. Ito ay ang ____________. 5. Ang mga pangunahing produkto ng mga lalawigan na malapit sa dagat ay mga _____________. pangangailangan may mga produktong pang- agraryo marmol Manila Bay lamang dagat B. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ang isang lalawigan ay isang kapatagan na napapalibutan ng bulubunduking lugar. Saan ito mag-aangkat ng produktong dagat? a. sa karatig lalawigan na nasa tabing dagat b. sa karatig lalawigan na nasa tuktok ng bundok c. sa malayong lalawigan na nasa tabing dagat d. sa malayong lalawigan na nasa tuktok ng bundok 2. Maraming lungsod ang nag-aangkat ng mga produktong pang-agrikultura katulad ng palay at mais sa karatig na mga lalawigan. Alin kaya ang maaaring dahilan nito? a. Tamad ang mga taga-lungsod kaya hindi ito nagtatanim. b. Walang sakahan ang lungsod dahil pinatatayuan ito ng mga gusaling pangkomersyo. c. Maraming sakahan sa lungsod ngunit walang gustong magtanim ng palay at mais. d. Maraming anyong-lupa at anyong-tubig ang mga lungsod. 3. Saan maaaring mag-angkat ang mga taga-lungsod ng mga produktong tulad ng karne? a. Sa mga lalawigan na nasa tabing dagat b. Sa mga lungsod na madaming modernong opisina c. Sa mga lalawigan na maburol d. Sa mga lalawigan na maraming minahan 4. Saan maaaring iluwas ng mga lalawigan na sagana sa yamang dagat ang kanilang mga produkto? a. Sa mga lalawigan sa tabing dagat b. Sa mga malalayong lungsod c. Sa mga malalayong lalawigan sa kabundukan d. Sa mga karatig na lungsod 5. Ang mga taong naninirahan sa mga lalawigang mayaman sa produktong agraryo ay maaaring lumuwas sa mga… a. lalawigan na may malawak na sakahan b. lalawigan na kakaunti ang sakahan c. malalayong lalawigan sa kabundukan d. malalayong lungsod