You are on page 1of 31

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X - Northern Mindanao
Division of Misamis Oriental
MISAMIS ORIENTAL GENEREAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL

Magandang
araw!
Teacher Candy Claire Sabio
Guro sa Filipino
Paghahawan ng
Sagabal
1. SINURI - inalam
Halimbawa:
May nakitang pitaka si Nena,
pinulot at sinuri niya ito at
ibinalik sa may-ari.
Paghahawan ng
Sagabal
2. SAPANTAHA - duda, hula, akala
Halimbawa:
May sapantaha ang kapatid
ko na si Ben ang nakita niya
kahapon sa simbahan.
Paghahawan ng
Sagabal
3. GANID - sakim, abusado, gahaman
Halimbawa:
Kinuha ng ganid na lalaki
ang bag ni Anna.
Ano ang
GANSA?
isang uri ng ibon na kahawig ng bibi.
GANSA lumilipad sa himpapawid at
lumalangoy na nakalutang sa
ibabaw ng tubig
gansa, tawag sa babaeng gansa
ganso, tawag sa lalaking gansa
Ingles:
goose (isahan)
geese (maramihan)
Ang Gansang Nangitlog
ng Ginto
May isang matandang
babae na nag-aalaga
ng Gansa. Ang Gansa
ay nangingitlog
paminsan-minsan.
Isang araw ay nagulat ang
matanda nang mapansing
nangingintab ang itlog ng Gansa.
Dali-dali niya itong pinulot at sinuri.
Mabigat na mabigat ang itlog at
nagniningning na parang ginto.
"Gintong itlog!" tuwang-
tuwang nagsisisigaw ang
matanda. "Nangingitlog ng
ginto ang Gansa ko! Gintong
itlog! Gintong itlog!"
Masayang-masaya ang matanda sa gintong itlog
na bigay ng Gansa. Lalo siyang natuwa sapagkat
araw-araw nangingitlog ang alaga niya. Naging
mayaman ang matanda. Nakabili siya ng
malawak na lupa at nakapagpatayo ng malaking
bahay at nakapamuhay nang masagana.
Hindi naging lubos ang kaligayahan ng
matanda. Para sa kanya napakabagal
ng araw-araw na pangingitlog ng
Gansa. Malalim siyang nag-isip. May
sapantaha ang matandang tiyak na
marami ang gintong itlog sa loob ng
tiyan ng Gansa.
"Nakatitiyak ako," ngingisi-ngising hula ng
matanda, "na kung papatayin ko ang
Gansang ito at kukunin ko ang lahat ng
gintong itlog nito ay magiging
pinakamayaman ako sa komunidad na ito!"
Pinatay nga ng ganid na matanda ang
Gansa. Nanghinayang siya sapagkat
wala kahit isa man lamang na gintong
itlog siyang nakita.
Huli na ang lahat sapagkat hindi na niya
maibabalik pa ang buhay ng kaniyang
alaga na nagbigay sa kaniya ng yaman
at tuwa.
Aral:
Makuntento sa
biyayang sapat.
Ang sobra-sobrang
biyaya ay hindi dapat.
Source: https://www.pinoyedition.com/mga-pabula/ang-gansang-nangitlog-ng-ginto/
Pagsasanay
01
Anong hayop ang nasa kuwento?
a. bibi b. gansa c. manok d. pabo
Pagsasanay
01

b. gansa
02
Sino-sino ang mga pangunahing tauhan
sa kuwento?
a. Ang batang babae at ang Gansa
b. Ang matandang lalaki at ang Gansa
c. Ang matandang babae at ang Gansa
d. Ang batang lalaki at ang Gansa
02
c. Ang matandang babae at ang Gansa
03
May sapantaha ang matandang tiyak na marami
ang gintong itlog sa loob ng tiyan ng Gansa.
Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. samantala b. duda c. sapat d. siguro
03
b. duda
04
Pinatay nga ng ganid na matanda ang Gansa.
Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. mabuti b. mapagbigay c. masipag d. sakim
04
d. sakim
05
"Nakatitiyak ako, na kung papatayin ko ang Gansang ito at
kukunin ko ang lahat ng gintong itlog nito ay magiging
pinakamayaman ako sa komunidad na ito!"
Sa iyong palagay, mabuti ba ang ginawa ng matanda? Bakit?
a. Oo, dahil hindi pa lubos ang kaligayahan ng matanda at
kailangan pa niya ng maraming pera
b. Oo, dahil gusto pa niyang makuhat lahat ng gusto niya at
maging pinakamayaman sa kanilang komunidad.
c. Hindi, dahil sobra-sobra na ang biyayang natanggap ng
matanda at dapat tayong makuntento sa mga biyayang bigay
ng Diyos.
d. Hindi, ngunit kailangan pa rin niya itong gawin dahil pag-aari
naman niya ang gansa.
05
c. Hindi, dahil sobra-sobra na ang biyayang
natanggap ng matanda at dapat tayong makuntento
sa mga biyayang bigay ng Diyos.
06
Sa iyong palagay, dapat ba tayong maging makuntento sa kung
anong mayroon tayo ngayon?
a. Oo, dahil pinaghirapan ng ating mga magulang ang lahat ng
bagay na mayroon tayo ngayon upang mabigyan lang tayo ng
magandang kinabukasan
b. Oo, dahil binigyan tayo ng biyaya ngunit minsan hindi pa rin
ito sapat.
c. Hindi, dahil kailangan pa tayong mas makalamang sa ating
kapwa.
d. Hindi, dahil walang imposible kung gagawin mo ang lahat ng
iyong makakaya hanggang sa magiging gahaman ka sa pera.
06
a. Oo, dahil pinaghirapan ng ating mga magulang ang
lahat ng bagay na mayroon tayo ngayon upang
mabigyan lang tayo ng magandang kinabukasan
07
Kung ikaw ang nasa kalagayan ng matanda, pagsisisihan mo rin
ba ang nangyari sa iyong alagang gansa? Bakit?
a. Hindi, dahil marami pa naman akong alagang hayop.
b. Oo, dahil hindi ko na maibabalik pa ang buhay ng aking alaga
na nagbigay sa akin ng yaman at tuwa.
c. Hindi, dahil marami naman akong nakuhang ginto at matagal
pa naman itong maubos.
d. Oo, dahil hindi ko na siya makikita kahit kailan ngunit masaya
naman ako dahil marami na akong pera at hindi ko nakailangan
ang gansa.
07

b. Oo, dahil hindi ko na maibabalik pa ang buhay ng aking


alaga na nagbigay sa akin ng yaman at tuwa.
Maraming
Salamat!

You might also like