You are on page 1of 13

GURONG MAG-AARAL: Joseph C.

Sagayap
PETSA NG PAGTUTURO: February 14, 2024
GRADO & SEKSYON: Grade 7- Mabini
ORAS: 7:30-8:30 PM
MARKAHAN: Ikatlong Markahan

Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagpapahalaga at birtud

Pamantayan sa Pagganap

Naisasagawa ng mag-aaral ang pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga at birtud na magpapaunlad ng


kanyang buhay bilang nagdadalaga/nagbibinata

Kasanayan sa Pagkatuto (MELC-Based)

Napatutunayan na ang paulit-ulit na pagsasabuhay ng mga mabuting gawi batay sa mga moral na
pagpapahalaga ay patungo sa paghubog ng mga birtud (acquired virtues) EsP7PB-IIIb-9.3

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

I. LAYUNIN
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
A. Natutukoy ang mga uri ng birtud at mga disiplina nito.
B. Naipapahayag at naiuugnay ang kahalagahan ng paghubog ng birtud tungo sa pagkamit ng
pagpapahalaga.
C. Natutukoy ang mga birtud na isasabuhay at ang mga tiyak na kilos na ilalapat sa pagsasabuhay ng
mga ito upang maging isang tiyak na kabahagi ng lipunan.

II. NILALAMAN

A. PAKSA: Pagpapahalaga at Birtud


B. PINAGKUHANAN: -Edukasyon sa Pagpapakatao; Pahina:194-196

C. KAGAMITAN: ‘Power Point,’ at ‘LED TV’


III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. PANIMULANG GAWAIN

1. Panalangin
-Lahat ay tumayo para sa ating
panalangin.

-Sabay sabay nating bigkasin ang


‘Interfaith Prayer.
-Amen.

-Bago maupo, paki tingnan muna -Salamat po.


kung may mga basura sa ilalim ng
upuan at pakiayos ng inyong upuan.

-Magandang hapon sa inyo mga


mag-aaral. Kumusta ang inyong
araw?
-Magandang hapon din po sir.
-Mabuti naman! Ayos lang po!

2. Pagtatala ng Liban sa
Klase
-Kung may liban: Bakit liban sa
klase si ?
-(Maaari/posibleng maging sagot) May
Mayroon bang ibinigay na excuse sakit, may pinuntahan kasi po.
letter?
(Depende ang sagot)
(kung walang liban) Very good!

B. PAGLINANG NG ARALIN

PAGGANYAK
-Bago tayo tumungo sa ating aralin ay
may ipapakita muna akong imahe at
sagutin kung sino ang ipinapakita sa
larawan.

Ipinakita isa-isa ang


larawan.
1.

- Darna

2.

- Spiderman

3.

- Volta

4.

- Captain Barbel

5.

- Jose Rizal

Ano-ano ang ipinapakita sa larawan?

Bakit sila tinawag na superhero o


bayani?
- Tungkol sa mga superhero o bayani

Ano sa tingin ninyo ang kanilang


tinataglay o kakayanan upang
magampanan ang kanilang tungkulin o - Dahil po sila ay nagliligtas ng tao, sila
ang kanilang pagiging bayani o ay gumagawa ng mabuti sa kapwa.
superhero?

Sa tingin mo ba ay kaya mo ring maging - Kapangyarihan


bayani o hero kahit wala kang tinataglay
na kapangyarihan o super powers?

Tama! Kaya din nating maging isang - Opo (DEPENDE ANG


bayani kahit na wala tayong tinataglay EKSPLENASYON)
na superpower dahil may mga
kakayanan din tayo na maaring
makatulong sa iba na kailangan na
nating hubugin.

At mamaya ay ating malalaman kung


ano nga ba ang kailangan nating
malaman at mahubog upang tayo ay
maging ganap na matatag, malakas, at
maging tao.
Sa ngayon ay magkakaroon muna tayo
ng gawain.

C. TALAKAYAN
1. ACTIVITY (Gawain)

Gawain: Ipakita mo kung sino ka!

-Sa gawaing ito ay mayroong mga


kaugalian na ipapakita at tukuyin
kung para sa iyo ay itong katangian
ay green flag ba o red flag at
ipaliwanag kung bakit.

Green Flag – Magandang kasanayan


o kaugalian.
Red Flag – Hindi magandang
kasanayan o kaugalian.

1. Maagang pumasok kahit na


walang pasok.
2. Tumutulong ng may kapalit
3. Nagmamahal kahit hindi - Green Flag (iba-iba ang
minamahal eksplenasyon)
- Red Flag (iba-iba ang eksplenasyon)
- Green Flag (iba-iba nag
eksplenasyon)

2. ANALYSIS (Pagsusuri)
- Magtatanong ang guro ng mga
pamprosesong tanong

a. Ano ang inyong nahihinuha sa mga pag-


uugaling nabanggit? Magkatulad ba sila?

b. May kaugnayan ba ito sa inyong kilos-loob? - Ibat iba ang pag uugali

- Opo, sapagkat ang kilos-loob ang


nagtutulak upang gawin ang mga
c. Sa tingin niyo ba ay nakakaapekto ito sa bagay na sa tingin natin ay
inyong pagkatao? nakakabuti sa atin.
- Opo, sapagkat kung ano man ang
- Magaling! Ngayon naman ay tumungo na ating gawain ay ating nauugali.
tayo sa ating aralin

3. ABSTRACTION (Paghahalaw)

Pagpapahalaga at Birtud.

Nagpresenta ng powerpoint sa talakayan.

(Ipinabasa sa mag-aaral)

Ano nga ulit ang Birtud ayun sa tinalakay natin


noong nakaraang linggo? (pumili ng mag-aaral)

Ang virtue o ang birtud ay sinasabing galing sa


salitang latin na “Virtus” na nangangahulugang
pagiging tao, pagiging matatag at pagiging malakas,
ito ay nararapat lamang sa isang tao. Ang bawat
nilalang ay magkakatulad na may isip subalit
mayroong iba’t ibang kaalaman at kagalingang (Binasa)
taglay.

Sino nga ulit ang nagtataglayng birtud?

- Ang tao po
Ang birtud ay nahuhubog sa paulit-ulit na gawi o
habit.

Ang gawi ay bunga ng paulit-ulit pagsasagawa ng


kilos.

Mabuting gawi ay katumbas ng mabuting kilos o


birtud.

(Magpresenta ng larawan).

Pagiging Malakas
Pagiging Matatag
Pagiging Tao

Kagaya na lamang ng ipinapakita sa larawan.

Kilala niyo ba ang nasa larawan?

Magaling! Sa anong larangan kilala si hidilyn diaz?


- Si HIDILYN DIAZ po
Tama, Sa tingin niyo paano niya naabot ang ganyang
pangangatawan at lakas? - Weight lifting po

Magaling, at ang kanyang pagkapanalo ay ang - Sa pamamagitan ng paulit-ulit na pag


naging resulta ng kanyang paulit-ulit na pag eensayo.
eensayo.

Sa madaling salita ang birtud ay tumutukoy sa mga


mabubuting kilos na nagpapahayag ng ating
pagiging tao at natutunan sa pamamagitan ng gawi.
Ang birtud ay kailangan na paunlarin.

Ngayon ay tumungo naman tayo sa


MGA URI NG BIRTUD

Dalawang uri ng birtud ayon kay aristotle

1. Intelektuwal na Birtud – Tinatawag na gawi ng


kaalaman (habits of knowledge)
May kinalaman sa pagpapaunlad ng isip ng tao.
(Binasa)

1.1 Pag-unawa (Understanding).


- Ang pag-unawa ang pinakapangunahin sa lahat ng
birtud na nakapagpapaunlad ng isip. Ito ay nasa
buod (essence) ng lahat ng ating pag-iisip. Kung
hindi ginagabayan ng pag-unawa ang ating
pagsisikap na matuto, walang saysay ang ating isip. (binasa)
- Tinawag ni Santo Tomas de Aquino na ”Gawi ng
Unang Prinsipyo”

Halimbawa: Pag-intindi sa sitwasyon na kinakaharap


mo ngayon.

1.2 Agham (Science).


Ito ay sistematikong kalipunan ng mga tiyak at tunay
na kaalaman na bunga ng pagsasaliksik at
pagpapatunay (proof).
*Pilosopikong pananaw (Binasa)
Halimbawa: Pag-aaral sa tao, nature ng tao, tungkol
sa pinagmulan at patutunguhan. (Psychology, Social
Study)
*Siyentipikong pananaw
Halimbawa: Pag-aaral ng biolohikal, physiology.

1.3 Karunungan (Wisdom).


Masasabi lamang na naaabot na ng kaisipan ng tao
ang kaniyang kaganapan kung ito ay nagamit sa
paggabay ng birtud ng karunungan. Ito ang
pinakawagas na uri ng kaalaman. Ito ang
pinakahuling layunin ng lahat ng kaalaman ng tao
- Itinuturing itong huling layunin ng kaalaman (Binasa)
sapagkat kung may karunungan ay mas malawak
ang pag-intindi mo at mas magagamit mo ang
kaalaman at talino mo na mayroon ka.
- Itinuturing na agham ng mga agham
- Karunugan (wisdom) ay mas malalim sa pag
unawa o knowldege sapagkat ang karunungan ay
ang ang pag aaplika o application ng mga natutunan
mo.
Tandaan ang Karunungan ang nagtutulak sa tao
upang maunawaan ang bunga o consequence ng
lahat ng gagawin mo.

1.4 Maingat na Paghuhusga (Prudence).


Ang maingat na paghuhusga ay isang uri ng
kaalaman na ang layunin ay labas sa isip lamang ng
tao. Taglay natin ito hindi lamang upang tayo ay
makaalam, kundi upang mailapat ang anomang
nakalap na karunungan sa kilos. (Binasa)
- Pagtimbang sa kilos na isasagawa kung ito
ba ay tama at karapat-dapat.
1.5 Sining (Art).
Kung ang maingat na paghuhusga ay wastong
paghusga tungkol sa mga bagay na dapat isagawa,
ang sining ay tamang kaalaman tungkol sa mga
bagay na dapat gawin. Kung ang maingat na
(Binasa)
paghuhusga ay nagtuturo sa atin ng tamang asal,
ang sining ang nagtuturo sa atin upang lumikha sa
tamang pamamaraan. Ang sining ay paglikha, ito ay
bunga ng katuwiran.

2. Moral na Birtud.
- Kinalaman sa pag-uugali ng tao

Ang mga moral na birtud ay may kinalaman sa pag-


uugali ng tao. Ito ay ang mga gawi na nagpapabuti
sa tao. Ito rin ay ang mga gawi na nagtuturo sa atin
na iayon ang ating ugali sa tamang katuwiran. Ang
(Binasa)
lahat ng mga moral na birtud ay may kaugnayan sa
kilos-loob.

2.1 Katarungan (Justice).


- Upang magkaroon ng tunay na kabuluhan ang
isang kilos, ito ay nararapat na nagmula sa kilos-loob
o may pahintulot nito. Ang isang kilos ay maaari
lamang purihin o sisihin kung ito ay naisagawa nang (Binasa)
malaya.

2.2 Pagtitimpi (Temperance or Moderation).


- Nabubuhay ang tao sa isang mapanuksong
mundo. Maraming inihahain ang mundo sa ating
harapan na maaaring maging dahilan upang magtalo
(Binasa)
ang ating pagnanasa at katuwiran.

2.3 Katatagan (Fortitude).


- Ang buhay sa mundo ay puno ng mga suliranin at
pagsubok. Kung minsan, sa tindi ng ating mga
pinagdaraanan, nanghihina na ang ating loob at
nawawalan tayo ng pag-asa.
(Binasa)

2.4 Maingat na Paghuhusga (Prudence).


- Ito ang tinuturing na ina ng mga birtud sapagkat
ang pagsasabuhay ng ibang mga birtud ay
dumadaan sa maingat na paghuhusga. Ang birtud
na ito ay parehong intelektuwal at moral na birtud.
(Binasa)

May isa pang uri ng birtud na idinagdag ni Santo.


Tomas De Aquino ang

3. Teolohikal na Birtud
- Direktang ibinigay sa atin ng Diyos upang
magkaroon tayo ng ugnayan sa kanya. Angkop na
pakikiisa natin sa Diyos kung kaya ang birtud na ito
ay hindi nasusukat. (BINASA)

3.1 Pananampalataya
Ito ay ang personal na ugnayan ng Diyos na
nagbibigay sa atin ng tiwala na nsa kanya ang
katotohanan. Kahit hindi natin siya nakikita, mayroon (Binasa)
parin tayong paniniwala na sa ay kapiling natin.

3.2 Pag-asa
.- Ang pag—asa ay nananahan sa ating puso. Sa
pag-asa ta yo ay pinapatatag at hindi pinanghihinaan
ng loob.
(Binasa)
3.3 Pag-ibig
- Ang birtud na ito ay nagtutulak sa atin na higit na
mahalin ang Diyos at sundin ang kanyang mga
kautusan. Ang pagmamahal natin sa Diyos ay hindi
kailanman maaaring ihiwalay sa ating kapuwa. (Binasa)

Kaugnayan ng pagpapahalaga at birtud


Ang birtud ay ang mabuting kilos na ginagawa ng
tao upang isakatuparan ang pinapahalagahan. Ito rin
ang pinag-isipang paraan o hakbang upang makamit
(Binasa)
ang pagpapahalaga.

4. APPLICATION (Paglalapat)

Hahatiin sa apat na grupo ang klase at bubunot ng


pirasong papel na may kalakip na ibat-ibang gawain.
(Role playing, kanta, spoken word poetry at radio
broadcasting)

Ang bawat mabubunot ay may kalakip na birtud na


ipi presenta.(PAGMAMAHAL, PAG-ASA,
PAGPAPATAWAD, KASIPAGAN)

Palatuntunan:
1. Pumili ng lider na mamumuno ng grupo na
magbubunot para sa ipresenta ng grupo.
2. Pag usapan sa grupo ang napiling gawain
3. Ang bawat grupo ay may labing limang minuto
lamang upang makapag handa.
4. Ipresenta sa gitna nang lahat ng miyembro ang
napiling gawain.
5. Ibigay ang best

(MAKALIPAS ANG 15 MINUTO)

Okay mukhang handa na ang lahat magsimula na


ang unang grupo.
Unang Grupo
Napakahusay! Bigyan natin ng Woah, iba ka! ang
unang grupo.

Magaling, bigyan naman natin ng Esophagus Clap Ikalawang Grupo


ang pangalawang grupo.

Wow! Mahusay bigyan natin ang ikatlong grupo ng Pangatlong Grupo


You You Clap.

Yown, napakahusay bigyan natin ng Hoy! Grabe Apat na Grupo


clap ang pang-apat na grupo.

RUBRIK:
8-10 5-7 1-4
Mensahe Malinaw ang May mensahe Hindi malinaw
mensahe pero di gaano ang mensahe
kalinaw

Malikhain Masining ang Medyo Walang


ideyang masining ang masyadong
naipakita. ideya pero di sining.
gaano.
Presentasyon Maayos na Maayos na Hindi maayos
naipresenta naipresenta na
pero medyo naipresenta.
alanganin
C. PAGLALAHAT
- Ang virtue o ang birtud ay sinasabing
Ano nga ulit ang birtud? galing sa salitang latin na “Virtus” na
nangangahulugang pagiging tao,
pagiging matatag at pagiging
malakas, ito ay nararapat lamang sa
isang tao.

- Intelektuwal na birtud at moral na


Ano ang dalawang uri ng birtud ayon kay aristotle?
birtud

- Sa intelektuwal na birtud ay Pag-


Ano-ano naman ang disiplina ng intelektuwal na
unawa, Agham, Karunungan, maingat
birtud at moral na birtud?
na paghuhusga, at sining. Sa moral
na birtud naman ay katarungan,
pagtitimpi, katatagan at maingat na
paghuhusga.

- Ang Teolohikal na birtud ay


Ano naman ang birtud na idinagdag ni Sto. Tomas
pananampalataya, pag-asa, pag-ibig.
de Aquino at ang disiplina nito?

Magaling ngayon ay handa na kayo sa para sa ating


pagtataya.

IV. EBALWASYON

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.


1. Ito ang pinakapangunahin sa lahat ng birtud na nakapagpapaunlad ng isip
a.pag-unawa b.agham c.karunungan d.sining
2. Ito ay sistematikong kalipunan ng mga tiyak at tunay na kaalaman na bunga ng pagsasaliksik at
pagpapatunay.
a. pag-unawa b.agham c.karunungan d.sining
3. Ito ang itinuturing na ina ng mga birtud sapagkat ang pagsasabuhay ng ibang birtud ay dumadaan sa
birtud na ito. Ang birtud na ito ay parehong intelektwal at moral.
a.pag-unawa b.agham c.karunungan d.maingat na paghuhusga
4. May kinalaman sa pag-uugali ng tao. Ito ay mga gawi na nagpapabuti sa tao.
a. intelektwal na birtud b. moral na birtud
5. Ito ang pinakawagas na uri ng kaalaman.
a. pag-unawa b. agham c. karunungan d. maingat na paghuhusga
6. Ang ang nagtuturo sa atin na lumikha sa tamang pamamaraan.
a. pag-unawa b. agham c. sining d. maingat na paghuhusga
7. Ito ay isang birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang nararapat lamang para sa
kanya, sinuman o anuman ang kaniyang katayuan sa buhay.
a. katarungan b. pagtitimpi c. katatagan d. maingat na paghuhusga
8. Kinakailangan ang pagpipigil o pagkontrol sa sarili na maiwasan ang tukso o masamang gawain.
a. katarungan b. pagtitimpi c. katatagan d. maingat na paghuhusga
9. May kinalaman sa isip ng tao na tinatawag ding gawi ng kaalaman.
a. moral na birtud b. intelektwal na birtud
10. Ito ang birtud na nagpapatibay o nagpapatatag sa tao na harapin ang anumang pagsubok at
panganib.
a. katarungan b. pagtitimpi c. katatagan d. maingat na paghuhusga

V. TAKDANG ARALIN

Panuto: Gumawa ng venn diagram na nagpapakita ng pagkakaiba at pagkakatulad ng pagpapahalaga


at birtud.

Inihanda ni:

JOSEPH C. SAGAYAP
BSED Values Education

Sinuri ni:
Ibinanggit ni:

MARK ANGELO D. HEMPLO


Inaprubahan ni: VON MAYO G. SALURIO
SST-I/Cooperating Teacher
EsP Coordinator

ROMEO D. CASTANTE
School Principal III

You might also like