You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Commission on Higher Education


Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Captivating knowledge Through Education

MASUSING BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO SA


IKAWALONG BAITANG

Bolbok Integrated National


Paaralan Baitang 8
High School
Edukasyon sa
Guro Ms. Ziony L. Zabala Asignatura
Pagpapakatao
Petsa Markahan Ikatlong Markahan
Oras Bilang ng Araw 1

I. LAYUNIN
 Natutukoy ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang-loob ng kapwa at ang mga
paraan ng pagpapakita ng pasasalamat.
 Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos sa isang pangkatang gawain ng
pasasalamat.
 Nasusuri ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng pasasalamat o kawalan nito.
(EsP8PB-llla-9.2)
 Naipapaliwanag ang kahulugan ng pasasalamat at kaawalan nito.

II. NILALAMAN
Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng
A. Paksa Kapwa.
Modyul 9, EdukasyonsaPagpapakatao 8.
Pahina 227-255
B. Sanggunian
https://www.youtube.com/watch?
v=5jdbWi9CLQY
Pantulong na Biswal, Laptop, kartolina,
C. Mga Kagamitan
marker, Tape/Pandikit
III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa panalangin. Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Diyos
Espiritu Santo… Amen.

Panginoon po naming Diyos salamat po


nang marami tinipon mo kami nang
mapayapa sa dakong ito Upang patuloy na
mag-aral ng mga kaalaman Una sa lahat
basbasan mo po ng matalinong puso ang
aming mahal na tagapagturo upang
makapagturo siya nang mabuti at may
kahusayan. Basbasan niyo rin po kami na
mga mag-aaral ng matalas na pag-iisip Higit
sa lahat ng ng masunuring puso upang
sundin namin ang anumang ituturo ng
aming tagapagturo. Ibakod niyo po ang
kapayapaan at iyong patnubay sa buong
CTE
panahon ng aming pag-aaral. Sa inyo po
lahat ng kapurihan. Magalang naming
hinihiling ang lahat. Sa pangalan ni Hesus
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Captivating knowledge Through Education

2. Pagbati
na aming Dakilang tagapagligtas. Amen...
Magandang araw!

Magandang araw din po!


3. Pagsasaayos ng silid-aralan

“Bago kayo magsiupo ay inyo munang pulutin ang


mga kalat sa ilalim ng inyong upuan at pagkatapos
ay isaayos ang hanay ng inyong mga silya.”

4. Pagtala ng liban

Sekretarya ng klase, ilan ang liban ngayong araw?

Wala pong liban ngayon.


5. Balik-Aral

Bago tayo tumungo sa panibagong aralin ay balikan


muna natin ang ating naging huling paksang
tinalakay, ano ito?
Ang atin pong tinalakay noong nakaraan ay
tungkol sa paraan ng pagpapakita ng
Magbigay ng ilang pamamaraan na nagpapakita ng pasasalamat.
pasasalamat.

Mahusay, talagang may natutunan kayo sa huling (Pagsagot ng maa mag-aaral)


aralin na tinalakay.

B. Yugtong Pagkatuto

1. Pagganyak
Ngayon, bago tayo dumako sa susunod na talakayin,
mayroon akong inihandang video at nais ko ito ay inyong
unawain dahil may tanong ako pagtapos nito,
naiintindihan ba ako?

Matapos niyong mapanuod ang video, ano ang inyong


CTE
naramdaman?
Malungkot po Ma’am.

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Captivating knowledge Through Education

Tungkol saan ang iyong napanuod?

Tungkol po sa pagbibigay ng kanyang


pasasalamat sa kaniyang ina na nagtaguyod
at umalalay sa kanyang paglaki hanggang
makapagtapos ito.

Sa inyong palagay, patungkol saan kaya ang ating


tatalakayin ngayong araw na ito?

Tungkol po sa halimbawa ng pasasalamat.

Mahusay! Ang ating paksang tatalakayin ngayong araw ay


tungkol sa halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng
pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa.

2. Aktibiti
At para mas mapalalim pa natin ang inyong mga ideya sa
ating paksang tatalakayin ngayon ay magkakaroon tayo
ng pangkatang gawain.

“Pangkatang Gawain”
1.Papangkatin ko ang klase sa limang grupo.
2.Bawat grupo ay bibigyan ko ng activity cards na
naglalaman ng mga gawain.
3.May paalala ako sa pagsasagawa ninyo ng mga gawain.

“ISYU CHECK”

I-bilog ang inyong mga upuan ng walang ingay na


naririnig.
S-iguraduhing magagamit ng tama ang limang minutong
nakalaan sa gawain.
Y-akagin ang bawat miyembro na makiisa sa gawain.
U-nawaing mabuti ang nakaatang na gawain.

Unang Pangkat:
Isang traysikel drayber na si Jayson ang nakapulot ng
mahigit na ₱50,000 na cash at ₱340,000 na halaga ng
tseke mula sa upuan ng kaniyang traysikel. Sa panahon
na iyon, mahigpit ang kaniyang pangangailangan sa pera
dahil ang kaniyang bunsong anak ay nangangailangan ng
dagliang operasyon. Pinag-isipan niyang mabuti ang
kaniyang gagawin. Marami sa mga kasamahan niyang
nagtatraysikel ang nagsabi sa kaniya na huwag nang
ibalik at gamitin na lamang sa operasyon ng kaniyang
anak. Dahil nanaig pa rin ang turo ng kaniyang
magulang at dikta ng konsiyensiya, pinagpasiyahan
CTE
niyang ibalik ang pera at tseke sa may-ari sa tulong ng
isang istasyon ng radyo. Lubos ang kagalakan ngmay-ari
at pinasalamatan niya si Jayson. Pinangakuan si Jayson
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Captivating knowledge Through Education

na tutulungan siya sa pagpapaopera sa kaniyang anak.

Ikalawang Pangkat:
Parehong nagtatrabaho sa opisina ang dalawang
magkaibigan. Hindi sapat ang sinasahod ng mga ito para
matustusan ang mga pangangailangan ng kanilang
pamilya. Kaya napagpasyahan ng mga ito na sabay
silang mag-aaplay ng trabaho sa ibang bansa sa
pamamagitan ng online. Pinalad lamang na makuha si
Aira samantalang si Jenny naman ay na-promote sa
pinagtatrabahuan nito. Imbes na matuwa si Jenny, labis
ang nararamdamang lungkot nito dahil iniisip niya na
mas matagumpay ang kanyang kaibigan kaysa sa kanya.
Kailanman hindi ito nasiyahan sa kung ano ang mayroon
siya.

Ikatlong Pangkat:
Mahirap ang pamilya ni Jane. Hirap sila maging sa
kanilang mga pangunahing pangangailangan sa buhay.
Napilitan ang mga magulang ni Jane na pumunta saibang
bansa upang mabigyan siya ng magandang kinabukasan.
Naging masuwerte naman ang kaniyang mga magulang
sa kanilang trabaho. Naibigay nila kay Jane ang lahat ng
kaniyang kailangan. Maging mga mamahaling gamitay
kaya na nilang ibigay sa kaniya. Inaasahan ng kaniyang
magulang na lalaking maayos si Jane at mag-aaral nang
mabuti. Ngunit taliwas sa kanilang inaasahan, natuto si
Jane na sumama sa masamang barkada na naging
dahilan ngmaagang pagbubuntis. Iniwan pa siya ng
kaniyang kasintahan. Nabigo niya ang kaniyang mga
magulang na makapagtapos sa kaniyang pag-aaral.

Ikaapat Pangkat:
Magkapatid sina Jean at John. Pagdating sa mga
gawaing bahay, binibigyan lamang ni John ng magagaan
na mga gawain si Jean dahil hindi pa nito kaya ang ibang
gawain dahil maliit pa lamang ito. Sa kabila nito,
nagrereklamo pa rin si Jean. Pinagsabihan niya ang
kanyang kuya na dapat daw ay hindi siya bigyan ng
trabaho dahil siya ang bunso. Hindi nito ikinatuwa ang
pagtulong sa kanyang kuya bagkus nagdadabog siya
habang ginagawa ang kanyang gawain.

Ikalimang Pangkat:

Si Luis ay isang lumpong bata. Hindi siya nag-aaral dahil


sa kahirapan. Pangarap niyang makapaglakad, makapag-
aral at makapaglaro kasama ang mga kaibigan. Ngunit
dahil sa kaniyang kalagayan, alam niyang hindi niya
magagawa ito. lsang araw, isang social worker ang
CTE
nakaalam sa kaniyang sitwasyon. Inilapit niya ito sa
kakilalang orthopedic surgeon upang bigyan nglibreng
operasyon para siya ay makalakad. Laking tuwa ni Luis
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Captivating knowledge Through Education

nang siya ay makalakad. Bilang pasasalamat sa social


worker, ipinangako niya na gagamitin niya ang kaniyang
buhay nang may pasasalamat at tutulong din siya sa mga
taong nangangailangan.

Narito ang pamantayan sa pagmamarka. (see


attachment)

Bibigyan ko lamang kayo ng limang minuto para pag-


usapan at gawin ang nakaatas sa inyong grupo at tatlong
minuto para sa pagpresenta nito sa unahan.
(Ang mga mag- aaral ay gumagawa ng
Maaari na kayong pumunta sa kani- kanilang grupo. pangkatang gawain)

3. Analisis
Batay sa pinakitang gawain ng unang pangkat, ito
ba ay nagpapakita ng pasasalamat? Opo, ma’am.

Sa paanong paraan ito nagpakita ng pasasalamat?


Sa pamamagitan po ng pagtulong niya sa
pagpapaopera ng anak ni Jayson.

Kung ikaw si Jayson, gagawin mo din ba ang


ginawa nya? Bakit? Opo, dahil hindi po natin alam kung para
saan ang perang iyon at alam po natin sa
ating sarili na mali ang umangkin ng hind
isa atin.

Mahusay!

Batay naman sa pinakitang gawain ng pangkat


dalawa, ito ba ay nagpapakita ng pasasalamat? Hindi po ma’am.

Bakit hindi ito nakakitaan ng pasasalamat?


Dahil po sa ugaling pinakita niya, mas
nanaig po ang inggit niya sa kaibigan at
hindi din po siya nakukuntento sa anong
mayroon siya.

Tumpak!

CTE
Batay naman sa pinakitang gawain ng pangkat
tatlo, ito ba ay nagpapakita ng pasasalamat? Hindi po, ma’am.

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Captivating knowledge Through Education

Sa tingin ninyo, bakit hindi ito nakitaan ng


pasasalamat?
Dahil po hindi po siya nakinig sa kanyang
magulang at hindi ito nagpakita ng
magandang kilos sa kaniyang magulang na
nagtatrabaho sa ibang bansa.
Tama, sa madaling sabi hindi tumanaw ng utang
na loob si Jane sa kaniyang magulang na
nagtatrabaho sa ibang bansa.

Sa tingin ninyo, ano ang naramdaman ng kanyang


magulang sa sinapit ng kanyang anak sa
Malungkot po, dahil hindi ito ang
sitwasyong ito?
inaasahang buhay ng kanyang anak.

Tama!

Batay naman sa pinakitang gawain ng pangkat


apat, ito ba ay nagpapakita ng pasasalamat?
Hindi po ma’am.

Bakit hindi ito nakakitaan ng pasasalamat?


Dahil hindi nya po alam na inaalala siya ng
kanyang kapatid kaya maliliit lang na
gawain ang binibigay sa kanya pero
nagreklamo pa din po siya.
Magaling!

Batay naman sa pinakitang gawain ng pangkat


lima, ito ba ay nagpapakita ng pasasalamat?
Opo, ma’am

Sa paanong paraan ito nagpakita ng pasasalamat?


Sa pamamagitan ng pagtulong nya sa ibang
nangangailangan at paggamit ng kanyang
buhay ng may pasasalamat.
Mahusay!

4. Abstraksyon
Ano nga ba ang pasasalamat? Ang pasasalamat po ay ang paggawa ng
Sa inyong sariling pananaw, ano para sayo ang mabuti sa kapwa dahilan sa pagpapakita
pasasalamat? din nito ng mabuti.

Iba’t ibang kasagutan mula


CTEsa mag-aaral.

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Captivating knowledge Through Education

Mahusay!

Ang Pasasalamat sa salitang ingles ay gratitude,


na nagmula sa salitang latin na gratus
(nakalulugod), gratia (pagtatangi o kabutihan) at
gratis (libre o walang bayad).

Ang Pasasalamat ay isang gawi o kilos na kailangan


na patuloy na pagsasagawa hanggang ito ay maging
birtud.

Ang pasasalamat ay isa sa mga pagpapahalaga ng


mga Pilipino. Naipakikita ito sa utang-na-loob.
Nangyayari ang utang-na-loob sa panahong
ginawan ka ng kabutihan ng iyong kapwa. Ito ay
ang pagkilala at pagtugon sa kabutihang ginawang
kapwa sa iyo lalo na sa oras ng matinding
pangangailangan.

Ngunit ang utang-na-loob minsan ay nagagamit din


ng ilang tao sa maling paraan o pag-aabuso.
Tuwing halalan, may mga kandidato na kusang
tumutulong sa mga taong nangangailangan. Nais
ipakita ng mga kandidato na sila ay matulungin,
mabait at nararapat iboto sa eleksiyon. Bilang
pagtanaw ng utang-na-loob, ihahalal ng mga taong
natulungan ang mga kandidato kahit na hindi
karapat-dapat ang mga ito na maging opisyal ng
pamahalaan. Napakahalaga na magamit ang
pasasalamat o utang-na-loob nang may
pananagutan at sa tamang paraan.

Isang pagdiriwang po o festival.


Ano ang nakikita nyo sa larawan?

Tama!

Sa kulturang Pilipino, mayroon kani-kaniyang CTE


pamamaraan ng pasasalamat sa mga pagpapalang
natatanggap ng komunidad. Sa mga Muslim,

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Captivating knowledge Through Education

mayroong pagdiriwang na tinatawag na Shariff


Kabunsuan. Si Shariff Kabunsuan ay isang
Arabong Misyonaryo na ipinakilala ang relihiyong
lslam sa mga Pilipino sa Mindanao. Ipinagdiriwang
ito sa pamamagitan ng Kanduli, isang handaan
ngpasasalamat. Ang kanduli ay pasasalamat din sa
bawat mabuting nagagawa ngkapatid na Muslim
para sa kapwa.

Ano sa tingin nyo ang pinagdiriwang na nasa


larawan?

Ati-Atihan at Dinagyang Festival po.

Saan kaya ito ginaganap?

Ito ay pagpapakita nila ng kanilang pasasalamat


bilang pagkilala sa kabutihan ng Sto. Niño lalo na
sa oras ng kagutuman at tagtuyot. Mayroon ding
Sinadya sa Halaran

Visayas po.

CTE

Isang pagpaparangal sa Birhen ng Immaculate


visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Captivating knowledge Through Education

Concepcion dahil sa mga biyayang natatanggap ng


Probinsiya ng Capiz at Siyudad ng Roxas. Sa Luzon
naman, ilan lamang dito ay ang Pahiyas

Isang pagdiriwang na pasasalamat kay San Isidro


Labrador para samagandang ani.

5. Aplikasyon

CTE

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Captivating knowledge Through Education

Para po sa akin, ang kahulugan nito ay


Ano sa tingin nyo ang kahulugan nito?
dapat ay hindi lamang tayo magpasalamat
kundi dapat din nating tumanaw ng utang
na loob sa pamamagitan ng pagpapanatili
ng birtud ng pasasalamat sa ating mga
puso.

Pagsagot ng ibang mag-aaral.

Mahusay!

IV. PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod.


Isulat ang PAK kung ang isinasaad ay tama at
GANERN kung mali.

_________1. Ang Pasasalamat ay isang gawi o kilos


PAK
na kailangan na patuloy na pagsasagawa hanggang
ito ay maging birtud.

_________2. Ang utang na loob ay hindi kailanman


GANERN
magagamit sa abuso o maling paraan.

_________3. Ang pasasalamat sa ingles ay gratitude


GANERN
na nagmula sa salitang griyego.

_________4. Ang pasasalamat ay naipapakita


GANERN
lamang sa salita.

_________5. Ang paggawa ng kabutihan ay lagging


GANERN
mayroong kapalit.

V. TAKDANG-ARALIN
Alamin ang kahulugan ng Entitlement Mentality.

Inihanda ni: Inaprubahan ni:


CTE

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Captivating knowledge Through Education

IMEE BONIOR BANAWA ZIONY L. ZABALA


Gurong Nagsasanay Gurong Tagapagsanay

Kraytirya 4 3 2 1

Paghinuha ng Nahinuha ang Nahinuha ang Nahinuha ang Nahinuha ang


Batayang Konsepto batayang konsepto batayang konsepto batayang konsepto batayang konsepto
nang hindi ng may kaunting ngunit kailangan sa paggabay ng
gianagabayan ng paggabay ng guro ng labis na guro
CTE
sa kabuuan
guro paggabay ng guro nito

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Captivating knowledge Through Education

Pagpapaliwanag ng Malinaw na Mayroong isang Mayroong Mayroong tatlo o


Konsepto naipaliwanag ang konsepto na hindi dalawang higit pang
lahat ng malinaw na konsepto na hindi konsepto na hindi
mahahalagang naipaliwanag naipaliwanag naipaliwanag
konsepto

Paggamit ng Graphic Nakalikha ng Ginamit ang Ginamit anf Ginamit ang


Organizer sariling graphic graphic organizer graphic organizer graphic organizer
organizer na na nasa Modyul at ngunit hindi ngunit hindi
ginamit upang maayos na malinaw na naibigay o
maibigay o naibigay ang naibigay o naibahagiang
maibahagi ang batayang konsepto naibahagi ang batayanng
batayang konsepto gamit ito batayang konsepto konsepto gamit ito
gamit ito

CTE

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education

You might also like