You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V - Bicol
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ALBAY
Polangui North Central School
Polangui,Albay

I. LAYUNIN
Kasanayan sa Pagkatuto

 Nakatutukoy ng mga kilos at gawaing nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga kasapi ng paaralan at


pamayanan.

II. NILALAMAN
Paksa: Paaralan at Pamayanan, Tutulungan Ko!
Kagamitan: K to 12 Most Essential Learning Competencies (MELC) pg.67
Sanggunian: Self Learning Module , Kwarter 2, Modyul 7, Charts, at mga larawan
Integrasyon:

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Alamin

Ano ang pangalan ng ating paaralan? Polangui North Central School

Sino ang prinsipal o pinuno ng ating paaralan? Madam Joselyn N. Sampal

Maliban sa pinuno ng paaralan, sino-sino pa ang taong Mga magulang, mag-aaral, at mga guro.
makikita sa ating paaralan?

Gabayan ang mga bata kung kinakailangan upang


maisulat ng may tamang baybay ang pangalan ng
paaralan.

INTEGRASYON:
Alam nyo ba mga bata na ang paaralan ay bahagi ng Opo.
pamayanan. Bukod sa paaralan, ano pa ang ibang bahagi
ng ating pamayanan?

Ano ang gagawin mo kapag nakita mo ang iyong kaklase Tutulungang tumayo.
na nadapa sainyong paaralan?

Sa paanong paraan mo maipapakita ang pagmamalasakit Sa pamamagitan ng pagtutulungan at pakikipag-kapwa


sa mga kasapi ng paaralan at pamayanan. tao.

B. Isaisip

Ipabasa ang kuwento sa mga bata. “Kikay Matibay”. Sa


Kuwentong inyong babasahin alamin kong ano ang
ginawa ni Kikay habang wala ang kanyang guro.

Kikay Matibay
Sinurat ni: Francis Andrew P. Conde
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V - Bicol
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ALBAY
Polangui North Central School
Polangui,Albay

Tahimik ngunit masipag na estudyante ni Bb.


Sanchez si Kikay. Kapag wala ang kanyang mga kalaro,
nasa loob lamang siya ng klasrum at nagbabasa ng aklat.
Isang araw, "Kikay , pupunta muna ako sa
meeting na pinatawag ng ating punong guro. Marahil
matatagalan ako sa kanyang opisina . Ikaw na muna
bahala sa aking mga gamit dito sa klasrum." wika ng
kanyang guro.
" Opo Bb. Sanchez!" sagot ni Kikay. Pagkaalis ng
kanyang guro agad niyang inayos ang mga aklat sa
kabinet. Nagwalis din siya sa klasrum.
Pakatapos ay pinunasan niya ng malinis na trapo
ang mesa ng kanyang guro. Matapos ang lahat ay
binantayan niya ang bag at celphone ng kanyang guro na
naiwan lamang sa kanyang mesa.
Pakatapos ng pagpupulong ay bumalik na ang
kanyang guro. “Nako, ang linis at maayos na ang ating
klasrum, natutuwa ako sayo Kikay kasi ikaw ay may
pagkukusa.” wika ng kanyang guro. “Walang anuman po
Bb. Sanchez.” sagot ni Kikay. “Halika dito Kikay,
tanggapin mo itong dalawang lapis, regalo ko saiyong
kabaitan at kasipagan.” wika ni Bb. Sanchez. “Maraming
salamat po sa regalong ito. Gagamitin at iingatan ko po ito
araw– araw!” ang sabi ni Kikay.

Pag – usapan ang kuwento:


1. Ano ang ginawa ni Kikay habang wala ang kanyang 1. Habang wala ang kanyang guro, ginawa ni Kikay ang
guro? mga sumusunod:
2. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento? - Inayos ang mga aklat sa kabinet.
3. Anu- ano ang mga salitang nagsasabi ng - Nagwalis sa klasrum.
pagmamalasakit ni Kikay sa kanyang guro at silid aralan? - Pinunasan ang mesa ng kanyang guro.
4. Sa iyong palagay, ano ang naramdaman ni Kikay - Binantayan ang mga naiwang gamit ng guro tulad ng
habang ginagawa niya ang mga bagay na nasabi sa bag at cellphone sa mesa.
kwento? Bakit?
2. Ang pangunahing tauhan sa kwento ay si Kikay.

3. Ang mga salitang nagpapakita ng pagmamalasakit ni


Kikay sa kanyang guro at silid-aralan ay ang mga
sumusunod:
- "Opo Bb. Sanchez!" - Pagpapakita ng respeto at
pagsunod sa utos ng guro.
- "Nako, ang linis at maayos na ang ating klasrum,
natutuwa ako sayo Kikay kasi ikaw ay may pagkukusa." -
Pagpapahalaga ng guro sa pagmamalasakit at pagiging
masipag ni Kikay.
- "Maraming salamat po sa regalong ito. Gagamitin at
iingatan ko po ito araw–araw!" - Pasasalamat ni Kikay sa
regalo ng guro, ipinapakita ang kanyang pagpapahalaga
dito.

4. Habang ginagawa niya ang mga gawain na ito,


malamang na nararamdaman ni Kikay ang kasiyahan at
kasiyahan sa pagtupad ng kanyang tungkulin. Posibleng
nararamdaman niya rin ang malasakit at respeto sa
kanyang guro, na nagbigay sa kanya ng pagkilala at
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V - Bicol
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ALBAY
Polangui North Central School
Polangui,Albay

regalo. Ang pagtanggap niya ng regalo mula sa guro ay


maaaring nagdulot ng kaligayahan at pasasalamat dahil sa
pagpapahalaga ng guro sa kanyang mga ginawa.

C. Isagawa

Pangkatang Gawain
a. Hatiin sa tatlong pangkat ang klase.
b. Pamantayan sa pangkatang Gawain
c. Bawat pangkat magpapakita ng mga gawain na
nagpapakita ng pagmamalasakit sa paaralan at
pamayanan.

Rubriks sa pagtataya ng pamantayan sa pagganap


5 NAPAKAHUSAY
Napakamalikhain ng pagsasakilos at may
malaking kaugnayan sa tema
4 MAHUSAY
Malikhain ang pagsasakilos at may kaugnayan sa
tema
3 KAILANGAN NG PAGSASANAY
Nagkulang sa pagkamalikhain ang pagsasakilos
at bahagyang may kaugnayan sa tema

Gabayan ang mga bata na mabuo ang kaisipan sa tulong


ng mga tanong
Itanong:
a. Ano ang naibibigay sa atin kung tayo ay
nagmamalasakit sa ating kapwa?
b. Paano natin maipapakita ang pagmamalasakit sa mga
kasapi ng paaralan at pamayanan?
c. Ano ang maitutulong ng pagmamalasakit natin sa ating
paaralan at pamayanan?
d. Ipabasa sa mga bata ang PAGPAPALALIM/
TANDAAN

D. Isapuso

Lagyan ng kung ito’y nagsasabi ng pagmamalasakit


sa paaralan at pamayanan.
Itanong :
a. Ano ang iyong nararamdaman tuwing nagpapakita
ka ng pagmamalasakit sa iyong kamag – aral?
b. Kung ikaw naman ang nakatanggap ng
pagmamalasakit mula sa iyong kamag- aral, ano
ang mararamdaman mo?

E. Isabuhay

Pagsagot ng Pagsasabuhay sa modyul

IV. PAGTATAYA

Lagyan ng kung nagpapakita ng pagmamalasakit sa


Republic of the Philippines
Department of Education
Region V - Bicol
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ALBAY
Polangui North Central School
Polangui,Albay

kapwa ang pangungusap at X kung hindi.

_______________1. Sinisira ni Joseph ang mga nakalagay


na proyekto sa kabinet ng kanilang klasrum.
_______________ 2. Dinudumihan ni Ramon ang bagong
linis na palikuran ng kanilang taga linis.
_______________ 3. Iniingatan ni Chona ang bagong bag
na bigay sa kanya ng kanyang nanay.
_______________ 4. Nag - aaral ng mabuti si Pinay
bilang regalo sa pagmamahal ng kanyang lola.
________________5. Tumutulong sa pag igib ng tubig
sila Ken at Nick habang naghuhugas ng pinggan at baso si
Susan.

V. TAKDANG ARALIN

Magbigay ng tatlong gawaing nagpapakita ng


pagmamalasakit mo sa mga kasapi ng paaralan at
pamayanan.

You might also like