You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon VI-Kanlurang Visayas

Sangay ng Capiz

Pontevedra National High School

Tacas, Pontevedra, Capiz

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN BAITANG X (KONTEMPORARYONG ISYU )

GAIN B. BESA SELMA C. DENAGA

Gurong Nagsasanay Gurong Tagapagsanay

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag aaral ay inaasahang:

1. Nasusuri ang implikasyon ng Globalisasyong Teknolohikal at Sosyo-Kultural; at Globalisasyong


Politikal;
2. Napahahalagahan ang ibat ibang tugon sa pagharap sa epekto ng Globalisasyong Teknolohikal at
Sosyo-Kultural; at Globalisasyong Politikal
3. Nakakamungkahi ng mga solusyon sa mga suliraning dulot ng Globalisasyong Teknolohikal at
Sosyo-Kultural; at Globalisasyong Politikal

II. NILALAMAN

A. Paksa: Aralin 1: Anyo ng Globalisasyon: Globalisasyong Teknolohikal at Sosyo-Kultural; at


Globalisasyong Politikal

B. Sanggunian: Kontemporaryong Isyu, pp.174-178


C. Kagamitan:, Manila paper at Pentel pen
D. Pokus ng Pagpahalaga: Napahahalagahan ang ibat ibang tugon sa pagharap sa epekto ng
Globalisasyong Teknolohikal at Sosyo-Kultural; at Globalisasyong Politikal

III. PAMAMARAAN

GAWAING PANGGURO GAWAING MAG-AARAL

A. Panimulang Gawain
1.Panalangin
2.Pag-alam ng mga lumiban
3. Balik-Aral
Magandang umaga/hapon sa lahat?
Noong nakaraang pagkikita ay tinalakay natin ang
Magandang umaga/ hapon din po!
tungkol sa Unang anyo ng Globalisasyon, tama?
(Nakikinig)
Bilang pagbabalik-aral,ano ang unang anyo ng
- GLOBALISASYONG EKONOMIKO
globalisasyon ?
Ano nga ulit ang GLOBALISASYONG EKONOMIKO?
-Ito ay nakasentro o umiinog sa kalakalan ng mga produkto at
serbisyo.
Magaling! Alam kong lubos niyo nang nauunawaan
ang unang anyo ng Globasasyon, ang Globalisasyong
ekonomiko.

Ngayon ay tumungo na tayo sa ating bagong


aralin.Ngunit bago iyan, ay aalamin muna natin ang ating
mga layunin upang magabayan tayo sa ating talakayan.
Pakibasa ng malakas N.
LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag aaral ay inaasahang:
1. Nasusuri ang implikasyon ng Globalisasyong
Teknolohikal at Sosyo-Kultural; at Globalisasyong
Politikal;
2. Napahahalagahan ang ibat ibang tugon sa pagharap sa
epekto ng Globalisasyong Teknolohikal at Sosyo-
Kultural; at Globalisasyong Politikal
3. Nakakamungkahi ng mga solusyon sa mga suliraning
dulot ng Globalisasyong Teknolohikal at Sosyo-
Kultural; at Globalisasyong Politikal
(Ipinaliwanag ang layunin at nagbigay ng kunting
impormasyon)
B. Panlinang na Gawain

1. AKTIBITI
Bago natin simulan ang ating talakayan ay
magkakaroon muna tayo ng isang panlinang na aktibiti.
Ang tawag sa ating aktibiti ngayon ay “AYUSIN MO AKO
Simple lang ang mekaniks ng ating laro. May mga pahayag
o katanungan akong inihanda dito, tatanungin ko kayo
kung ano ang kasagutan sa pahayag. Ang tanging gagawin
ninyo ay alamin at ayusin ang mga letrang nagkagulo-gulo
sa katungan o pahayag na aking isasambit dahil ito ang
magiging kasagutan. Hahatiin ko kayo sa dalawang
pangkat. Bawat pangkat ay pipili ng representatib upang Opo!
sumulat ng kasagutan sa pisara. Maliwanag ba?
- TENRETNI SSECCA

1. Ang mga sikat na awitin, pelikulang, palabas sa


telebisyon, viral videos at pictures, hashtags, - ITNEEZN
memes at mga tulad nito ay ilan lamang sa
mga mabilis na kinokonsumo gamit ang
electronic device na may- (INTERNET
ACCESS). - SCOAIL NWTEOWIR KNG STEIS
2. Ang terminong ito ay ginagamit sa mga taong
gumagamit ng social networking site bilang - PORUSERMS
midyum o entablado ng pagpapahayag.
(NETIZEN)
3. Ang halimbawa nito ay facebook, twitter, - DIIGTIEZD FROM
instagram at Myspace ay ang pagbibigay
kakayahan sa mga ordinaryong mamamayan
na ipahayag ang kanilang saloobin sa iba’t
ibang paksa o usapin. (SOCIAL
NETWORKING SITES)
4. Ito ay nangangahulugan ng pagkonsumo ng
isang bagay o ideya habang nagpo-produce ng (Nagbigay ng iba’t-ibang kasagutan ang mga mag-aaral)
bagong ideya. (PROSUMERS)
5. Ito ay itinuturing na kaugnay sa pagdami ng
mobile phones at computer ay ang mabilis na
pagdaloy ng mga ideya at konsepto patungo sa
iba’t ibang panig ng mundo. (DIGITIZED
FORM)

GLOBALISAYSONG EKONOMIKO
2. ANALISIS GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT SOSYO-
KULTURAL
GLOBALISASYONG POLITIKAL
a. Tungkol saan ang mga salitang inyong
inayos?
b. May tuwirang ugnayan ba kayo sa mga
salitang inyong inayos?
-teknolohiya
-kultura
3. ABSTRAKSYON -social

Ang mga pahayag na inyong naayos at sinagutan ay


may malaking kinalaman sa ating tatalakayin ngayong GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT SOSYO-
araw. KULTURAL
Ang tatalakayin natin ay tungkol parin sa “MGA ANYO Mabilis na tinangkilik ng mga mamamayan sa developing
NG GLOBALISAYON”. Natapos na nating matalakay ang countries ang pagggamit ng cellular phones o mobile
unang anyo ng Globalisasyon, ngayon ay ating ng phone na nagsimula sa mauunlad na bansa. Partikular dito
tatalakayin ang tungkol sa Globalisasyong Teknolohikal ang mga bansang tulad ng Pilipinas, Bangladesh at India.
at sosyo-kultural at Globalisasyong Politikal. Nakatutulong ang teknolohiyang ito sa pagpapabuti ng
kanilang pamumuhay. Sa paggamit nito, mabilis na nakahihingi
Ngayon kapag narinig ninyo ang salitang ng tulong sa panahon ng pangangailangan tulad ng kalamidad.
Teknolohikal at sosyo-kultural, ano ang sumasagi sa Isa rin dito ang mabilis na transaksiyon sa pagitan ng mga tao.
inyong malalawak na kaisipan?
Sa Pilipinas, talamak ang paggamit ng mobile phones. Sa
Tama ang inyong mga isinagot! katunayan, ang pagte-text ay naging bahagi na ng pang-araw-
araw na pamumuhay ng marami. Ayon sa pag-aaral ni Dr.
Ano nga ba ang Globalisasyong teknolohikal at Pertierra, marami sa mga cellphone users ay hindi lamang
sosyo-kultural? itinuturing ang cellphone bilang isang communication gadget,
ito ay nagsisilbi ring ekstensiyon ng kanilang sarili kaya naman
hindi madaling maihiwalay ito sa kanila.
Kung mabilis na binago at binabago ng mobile phone ang
buhay ng maraming gumagamit nito, higit na pagbabago ang
dinala ng computer at internet sa nakararami.

Ang mga sikat na awitin, pelikulang, palabas sa


telebisyon, viral videos at pictures, hashtags, memes at mga
tulad nito ay ilan lamang sa mga mabilis na kinokonsumo
gamit ang electronic device na may internet access.
Kalakip nito ang pagtangkilik sa mga ideyang
nagmumula sa ibang bansa partikular ang mga nagmumula sa
United States.
Sa kasalukuyan, dama rin sa Pilipinas ang
impluwensiyang kultural ng Koreans sa anyo ng pop culture
dahil sa mga sikat na pelikula, Korean novela, K-pop culture, at
mga kauri nito.
Ang lakas ng impluwensiya ng mga nabanggit ay makikita sa
pananamit, pagsasalita at pakikisalamuha ng maraming
Ito ay nakaagapay sa pagbibigay ng iba’t ibang uri kabataang Pilipino sa kasalukuyan.
ng serbisyo tulad ng e-mail. Napabibilis din nito ang pag- Kaalinsabay ng pag-usbong ng mga social networking
aaplay sa mga kompanya, pag-alam sa resulta ng sites tulad ng facebook, twitter, instagram at Myspace ay ang
pagsusulit sa kolehiyo at pamantasan, pagkuha ng pagbibigay kakanyahan sa mga ordinaryong mamamayan na
impormasyon at balita, pagbili ng produkto at serbisyo na ipahayag ang kanilang saloobin sa iba’t ibang paksa o usapin.
mas kilala sa tawag na e-commerce. Aktibo nang nakikibahagi ang mga netizen sa mga usaping
Kaugnay sa pagdami ng mobile phones at computer lubos na nakakaapekto sa kanila.
ay ang mabilis na pagdaloy ng mga ideya at konsepto
patungo sa iba’t ibang panig ng mundo dahil ang mga ito
ay nasa digitized form. Ang mga ideyang ito ay
nakapaloob sa iba’t ibang anyo tulad ng musika, pelikula,
videos, larawan, e-books at iba pa na makikita sa iba’t
ibang social networking sites at service provider.
(Nagbigay ng karagdagang impormasyon)
Netizen ang terminong ginagamit sa mga taong
gumagamit ng social networking site bilang midyum o
entablado ng pagpapahayag. Hindi na sila maituturing na
pasibong consumer lamang na tumatangkilik ng iba’t ibang
produkto at serbisyo.
Sa katunayan, ginagamit ng marami ang mga ito
upang maipakita nila ang talento at talino sa paglikha ng
mga music videos, documentaries at iba’t ibang digital art
forms. Maituturing silang prosumers na nangangahulugan
ng pagkonsumo ng isang bagay o ideya habang nagpo-
produce ng bagong ideya. (Nagbigay ng iba’t-ibang kasagutan ang mag-aaral)
Sa kabila ng mga positibong naidudulot, kaakibat din
nito ay mga suliraning may kinalaman sa pagkalat ng iba’t
ibang uri ng computer viruses at spam na sumisira ng
electronic files at minsan ay nagiging sanhi ng pagkalugi ng
mga namumuhunan.
Bukod dito nagkakaroon din ng mga pagkakataon na
Globalisasyong politikal na maituturing ang
makagawa ng intellectual dishonesty dahil sa madaling
mabilisang ugnayan sa pagitan ng mga bansa, samahang
pag-copy and paste ng mga impormasyon mula sa internet.
rehiyunal at maging ng pandaigdigang organisasyon na
Huwag ding kalilimutan ang isyu ng pambansang
kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan.
seguridad. Ginagamit ng ilang mga terorista at
Tulad ng nabanggit sa unang bahagi ng aralin.
masasamang loob ang internet bilang kasangkapan sa
pagpapalaganap ng takot at karahasan sa mga target nito.
May magandang dulot ang globalisasyong politikal kung ang
layunin nito ay tulungan ang mga bansa upang higit na
 Sang-ayon ka ba sa cyber crime law upang
maisakatuparan ang mga programa at proyektong mag-aangat
mabigyang-tugon ang suliranin ukol dito?
sa pamumuhay ng mga mamamayan nito ngunit maaari rin
Ipaliwanag ang iyong sagot.
itong maging sagabal sa pag-unlad ng isang bansa kung ang
kanilang interes ang bibigyang pansin.

Tulad ng nabanggit sa unang bahagi ng aralin, ang mga


Ngayon dumako naman tayo sa ikatlong anyo ng kasunduang bilateral at multilateral sa pagitan ng mga bansa
globalisasyon ang GLOBALISASYONG POLITIKAL. Anu ay nagbigay daan sa epektibo at episyenteng ugnayan ng mga
nga ba ang GLOBALISASYONG POLITIKAL? bansa na nagdulot naman ng mabilis na palitan ng mga
produkto, ideya, kahusayang teknikal at maging ng migrasyon
ng kani-kanilang mamamayan.
Ang ugnayang diplomatiko ng Pilipinas sa Australia, China,
Japan, South Korea, Thailand, US at iba pang mga bansa ay
nagdala ng mga oportunidad pang-ekonomiko at pangkultural
sa magkabilang panig. Halimbawa nito ang economic and
technical aid na ibinibigay ng ilang bansa sa Pilipinas. Nariyan
ang JICA Project ng Japan, BEST Project ng Australia, military
assistance ng US, at mga tulad nito.
Sa Timog-Silangang Asya naman halimbawa, kinakitaan ang
mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian
Nations (ASEAN) ng mas maigting na ugnayan sa nagdaang
mga taon na isa sa nagbigay daan sa mabilis na pag-angat ng
ekonomiya ng rehiyon. Kasalukuyang pinaghahandaan ng mga
bansang kaanib nito ang ASEAN Integration sa taong 2030 na
naglalayong mapaigting ang koordinasyon ng bawat isa upang
higit na maging maayos ang pamumuhunan, kalakalan, at
pagtutulungang politikal.
(Nagbigay ng iba’t-ibang kasagutan ang mga mag-aaral)

(Nagbigay ng karagdagang impormasyon at halimbawa)

Kung tutuusin, hindi mapaghihiwalay ang


manipestasyong ekonomikal, politikal at kultural sa
usaping globalisasyon. Ang mga ito ay sabay-sabay
na nagpapabago ng buhay ng maraming tao hindi
lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

(Nagbigay ng iba’t-ibang kasagutan ang mga mag-aaral)


Hindi mapasusubalian ang impluwensiya ng
globalisasyon sa buhay ng tao. Nagdala ito ng mga
pagbabagong nagpabuti sa ilang aspeto ng ating buhay
ngunit kalakip din nito ang mga suliraning kailangang
harapin at bigyang katugunan.

Bilang mag-aaral, paano nga ba natin matugunan o


masulosyunan ang mga suliraning kinakaharap ng
globalisasyon?

Mahusay!!!
.
4. Aplikasyon
Panuto:Pagyamanin ang kaalaman tungkol sa paksang
a. Bilang mag-aaral, naaapektuhan kaba sa globalisasyong ekonomiko. Sagutan ang mga sumusunod.
pag-usbong ng globalisasyong ito (Sosyo-
kultural at teknolohikal at Globalisasyong 1. Paano nakakatulong ang Globalisasyong
Politikal? Sa anong paraan? Teknolohikal at sosyo-Kultural sa pamumuhay ng tao at
b. Mahalaga ba ang mga pagbabago o pag- sa pag unlad ng bansa. ipaliwanag
usbong ng globalisasyong ito sa pag-
unlad ng ating ekonomiya? 2. Paano nakakatulong ang Globalisasyong Politikal sa
pamumuhay ng tao at sa pag unlad ng bansa.
Ipaliwanag
5. Paglalahat
3. Ano-anong pagbabago ang naidudulot ng mga ito sa
ating bansa?
Hahatiin ko kayo sa 4 na pangkat, ang
gagawin ninyo ay aking ipapaskil sa pisara. 3. Sa pangkabuuan, nakabubuti o nakasasama ba ang
Basahin ng maliwanag at malakas ang panuto at mga pagbabagong nabanggit? Pangatwiranan.
ang inyon gagawin N.
Pamantayan sa Pangkatang Gawain:
Nilalaman/Ideya 4
Kawastuan 3
Kooperasyon 3
Kabuuan 10 puntos
(Ipinaliwanag ang pangkatang gawain.)
Bibigyan ko lamang kayo ng 10 minuto sa paggawa.
Pagkatapos ninyong masagutan ay pumili kayo ng
representanti sa inyong pangkat at iulat sa harap ng klase.
Ngunit bago iyan ay aalamin muna natin ang inyong
magiging pamantayan sa paggawa.
IV. Ebalwasyon

Panuto: Kumuha ng 1 buong papel at punan ang talahanayan ibaba tungkol sa Anyo ng
Globalisasyon.

GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT SOSYO-KULTURAL

Epekto/Implikasyon ng Globalisasyong Maaring Tugon/Solusyon sa Epekto ng


Teknolohikal at sosyo-kultural Globalisasyong Teknolohikal at sosyo-kultural
1. 1.

2. 2.

3. 3.

GLOBALISASYONG POLITIKAL

Epekto/Implikasyon ng Globalisasyong Politikal Maaring Tugon/Solusyon sa Epekto ng


Globalisasyong Politikal
1. 1.

2. 2.

3. 3.

V. Takdang-Aralin

Magsaliksik ng ilang solusyon sa pagharap ng hamon ng globalisasyon na


isinasakatuparan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

You might also like