You are on page 1of 12

Republika ng Pilipinas

PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS


Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro
MINDANAO
The Multicultural Education Hub
Prosperidad, Agusan del Sur

Paglinang ng Kasanayan: Paggamit ng Digital Apps ng mga Mag-


aaral ng BFE-II sa PNU-Mindanao

Proponents:
Jean Apple Batibut
Jescel De Asis
Gretel Galdiano
Krisha Mae Macabacyao
Emyka Rapal
Renzo Tudio

Research Adviser:
Dr. Fe S. Bermiso
Republika ng Pilipinas
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro
MINDANAO
The Multicultural Education Hub
Prosperidad, Agusan del Sur

I. INTRODUKSYON/MAIKLING DESKRIPSYON NG GAGAWING


PANANALIKSIK

Ang pag-usbong ng mga makabagong teknolohiya ay nakatutulong sa paglunsad ng


maraming estratehiya upang maiparating sa mga mag-aaral ang malawak na kaalaman tungkol
sa paksang tatalakayin. Mula sa tradisyunal na pagtuturo ng mga guro ay napalitan na ito ng
mga kagamitang digital na nakapagpapagaan sa buhay ng maraming guro. Ang pagkakaroon
ng mgamakabagong teknolohiya ay nakatutulong upang magkaroon ng isang integratibo at
interaktibong pag-aaral sa isang klase. Ang mga pangangalap ng impormasyon at iba pang mga
babasahin ay hindi na lamang mahahanap sa isang libro at magasin,nakikita na rin ito sa internet
na isang produkto ng makabagong teknolohiya.

Sa kasalukuyang henerasyon kung saan ang teknolohiya ay patuloy na umuunlad, isa


sa mga pangunahing aspeto ng pag-aaral ay ang paggamit ng digital apps. Partikular na sa
Pamantasang Normal ng Pilipinas-Mindanao (PNU-Mindanao), ang mga mag-aaral ng BFE-II
ay aktibong gumagamit ng iba't ibang digital apps upang mapalawak ang kanilang kaalaman at
kasanayan. Sa kontekstong ito, layon ng pananaliksik na ito na suriin at unawain ang karanasan
ng mga mag-aaral ng BFE-II sa PNU-Mindanao sa paggamit ng digital apps.

Ang paglinang ng kasanayan sa paggamit ng digital apps para sa mga mag-aaral ng


BFE-II sa PNU-Mindanao ay isang mahalagang aspeto ng modernisasyon at pag-unlad ng
edukasyon. Magkaroon ng regular na pagsusuri at pagtatasa sa paggamit ng digital apps sa pag-
aaral at makinig sa feedback ng mga mag-aaral at guro upang matukoy ang mga puwang at
magbigay ng oportunidad para sa patuloy na pagpapabuti ng pag-aaral.

Sa pamamagitan ng pagsusuri sa kanilang karanasan at paggamit ng digital apps,


layunin ng pananaliksik na ito na matukoy ang mga benepisyo, hamon, at oportunidad na dala
ng paggamit ng teknolohiya sa kanilang pag-aaral. Sa paglinang ng kanilang kasanayan sa
Republika ng Pilipinas
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro
MINDANAO
The Multicultural Education Hub
Prosperidad, Agusan del Sur

paggamit ng digital apps, naglalayon ang pananaliksik na ito na makapagbigay ng


impormasyon at rekomendasyon upang mapabuti pa ang kanilang karanasan sa pag-aaral sa
PNU-Mindanao.

II. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga sumusunod:


1. Para sa mga Mag-aaral. Upang sila ay magkaroon ng kasanayan sa paggamit ng mga
Ditigal apps na makakatulong sa kanilang pag-aaral.
2. Para sa mga Guro. Upang magkaroon sila ng ideya kung paano gamitin ang mga
Ditigal Apps lalong lalo na sa pagtuturo at paghikayat sa mga mag-aaral na maging
atentibo at kooperatiba sa loob ng klase.
3. Para sa mga Magulang. Upang malaman nila ang kahalagahan ng mga Digital Apps
na angkop at gamit ng mga anak nila sa pag-aaral at pag unawa ng mga aralin.

III. LAYUNIN
Ang pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito ay suriin at maunawaan ang
kabuuang epekto ng paggamit ng digital apps sa mga mag-aaral ng BFE-II sa kalidad ng
kagamitang pampagtuturo sa mga paaralan.
Upang matamo ang panlahat na layunin, isinasakatuparan ang mga tiyak na layunin
gaya ng mga sumusunod:
1. Tukuyin ang mga uri at kadalasang paggamit ng digital apps ng mga mag-aaral ng
BFE-II sa PNU-Mindanao.
2. Alamin ang antas ng kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng iba't
ibang digital apps para sa kanilang pang-araw-araw na pag-aaral.
3. Suriin ang mga salik na nakakaapekto sa pagiging epektibo ng paggamit ng digital apps
sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng BFE-II sa PNU-Mindanao.
Republika ng Pilipinas
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro
MINDANAO
The Multicultural Education Hub
Prosperidad, Agusan del Sur

IV. METODO
• Disenyo ng Pananaliksik: Ang pananaliksik na ito ay isang uri ng deskriptibong pag-
aaral na naglalayong malaman at maunawaan ang kabuuang epekto ng paggamit ng
digital apps sa mga mag—aaral ng BFE-II.

• Kalahok: Sa pagpili ng mga kalahok, gagamitin ang Purposive Sampling upang


maging kalahok sa pag-aaral ang BFE-II. Ang Purposive Sampling ay isang
pamamaraang pagpili ng mga kalahok na batay sa tiyak na mga kriterya o katangian na
may kaugnayan sa layunin. Masisiguro na ang mga kalahok ay may mga kaugnayang
kaalaman o karanasan sa paggamit ng digital apps, na magbibigay-daan sa mas malalim
na pag-unawa sa paggamit ng digital apps ng mga mag-aaral ng BFE-II.

• Instrumento ng Pananaliksik: Gagamit ng survey questionnaires dahil ito ay


makatulong upang maunawaan ang antas ng kaalaman at kasanayan ng mga mag-aara
mula sa BFE-II sa paggamit ng digital apps. Maaaring itanong ang kanilang mga
karanasan, pagkakaintindi, at paggamit ng mga digital apps para sa kanilang edukasyon.
Ang pagmamasid sa aktwal na paggamit ng digital apps ng mga mag-aaral sa loob ng
paaralan ay maaaring magbigay ng masusing kaalaman sa kanilang kasanayan at paraan
ng paggamit. Maaaring obserbahan ang kanilang interaksiyon sa mga apps, pag-unlad
sa paggamit, at mga hamong kanilang kinakaharap.
Ang pag-aaral ng mga datos mula sa mga eksisting na records, tulad ng mga marka sa
mga gawaing may kaugnayan sa paggamit ng digital apps, ay maaaring magbigay ng
impormasyon hinggil sa kalidad ng edukasyon at ang epekto ng paggamit ng digital
apps sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Sa pamamagitan ng mga pamamaraang ito, maaaring masuri at maunawaan ng mas
malalim ang mga kasanayan at kaalaman ng mga mag-aaral sa paggamit ng digital apps
ng mga mag-aaral ng BFE-II sa PNU-Mindanao, na magbibigay-daan sa pagpapaunlad
ng mga estratehiya sa pagtuturo at paglinang ng kasanayan upang mapalakas ang
kanilang edukasyon.
Republika ng Pilipinas
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro
MINDANAO
The Multicultural Education Hub
Prosperidad, Agusan del Sur

Kakayahang Komunikatibo sa Wikang Filipino: Pagsusuri sa mga Mag-


aaral sa Ikatlong-Taon ng PNU-Mindanao

Proponents:
Jean Apple Batibut
Jescel De Asis
Gretel Galdiano
Krisha Mae Macabacyao
Emyka Rapal
Renzo Tudio

Research Adviser:
Dr. Fe S. Bermiso
Republika ng Pilipinas
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro
MINDANAO
The Multicultural Education Hub
Prosperidad, Agusan del Sur

I. INTRODUKSYON/MAIKLING DESKRIPSYON NG GAGAWING PANANALIKSIK

Ang wikang Filipino ay may mahalagang papel na ginagampanan sa ating lipunan, ito
ang ating nagsisilbing wika sa pakikipagtalastasan at maging sa larangan ng edukasyon, at ito
ang nagdurugtong sa ating pagkakakilanlan bilang isang mamamayang Pilipino. Gayunpaman,
napakahalaga na maunawaan at malaman ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit
ng wikang Filipino lalong-lalo na sa larangan ng edukasyon. Samantala, Ang pananaliksik na
ito ay naglalayong matukoy ng lubos ang kakayahang komunikatibo sa paggamit ng wikang
Filipino ng mga nasa ikatlong-taon na mga mag-aaral ng Philippine Normal University-
Mindanao.

II. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

1. Para sa Pamantasan: Ang resulta ng pag-aaral ay nagsisilbing gabay sa pamantasan


para mas mapatibay o mapaunlad pa ang ating pangunahing wika sa larangan ng pang-
edukasyon. Sa pamamagitan ng malalim na pag-unawa sa antas ng kakayahan at sa mga
salik na nakakaimpluwensya sa kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral sa wikang
Filipino. Sa pananaliksik na ito, maaaring masuportahan ang sistema sa kurikulum para
matugunan ang pangangailangan ng bawat mag-aaral.

2. Para sa mga Guro at Fakulti: Ang mga guro sa larangan ng asignaturang Filipino ay
magkakaroon din ng benepisyo mula sa pag-aaral na ito. Ang resulta ng pag-aaral ay
makatutulong sa pagpapaunlad ng metodolohiya at estratehiya sa pagtuturo at sa buong
kurikulum. Ang pagtataya sa kasanayan ng mga mag-aaral ay naglalayon na mas
umunlad pa sa paggamit ng ating wikang Filipino.
Republika ng Pilipinas
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro
MINDANAO
The Multicultural Education Hub
Prosperidad, Agusan del Sur

3. Para sa mga Mag-aaral: Ang mga mag-aaral na lumahok sa pag-aaral na ito ay


makakukuha ng mahalagang kabatiran sa kanilang sariling antas ng kasanayan sa wika,
at mauunawaan nila ang mga salik na nagbibigay impluwensya sa kanilang kakayahang
pangkomunikatibo sa larangan ng Filipino. Sa pag-aaral na ito, ang kamalayan sa
kasanayan ay makapagpapatibay para sa paggawa ng sariling desisyon, paggawa ng
hakbang para paunlarin ang kanilang kakayahan sa wika. Sa ganitong paraan ay mas
mapaunlad pa ang kanilang pang-akademiko at personal na kakayahan.

III. LAYUNIN
Ang pangunahing layunin sa pag-aaral na ito ay suriin ang kakayahang komunikatibo sa
wikang Filipino ng mga mag-aaral sa Ikatlong-taon ng PNU-Mindanao. Kasama rin sa layunin
ng pag-aaral ay ang magbibigay ng impormasyon hinggil sa kasalukuyang antas ng kakayahang
komunikatibo sa Filipino ng mga mag-aaral sa ikatlong-taon ng PNU-Mindanao. Ito ay
makakatulong din sa pagbibigay-diin sa mga bahaging may kakulangan at pagpapahusay na
maaaring isagawa sa kurikulum at pagtuturo.

Para sa mga tiyak na layunin, narito ang mga sumusunod na nais matamo ng pag-aaral
na ito:

1. Alamin ang antas ng pag-unawa at paggamit ng wastong estruktura at bokabularyo sa


Filipino ng mga mag-aaral (Linguistic), paggamit ng wikang Filipino sa iba't ibang
konteksto at sitwasyon sa loob at labas ng paaralan (Sociolinguistic) at kakayahan ng
mga mag-aaral sa pagbuo at pag-unawa ng iba't ibang uri ng teksto at komunikasyon sa
Filipino, tulad ng pagtatalakay, paglalarawan, at pagbibigay ng mga instruksyon
(discourse).
2. Alamin ang mga salik na nakaimpluwensya sa kakayahang komunikatibo ng mga mag-
aaral sa wikang Filipino, kabilang ang kanilang karanasan sa paggamit ng wika, kalidad
ng kanilang kapaligiran sa pag-aaral, at ang kanilang personal na motibasyon sa pag-
aaral ng wika.
3. Alamin ang pananaw ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino tulad ng
pagsasalita at pagsusulat.
Republika ng Pilipinas
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro
MINDANAO
The Multicultural Education Hub
Prosperidad, Agusan del Sur

IV. METODO
• Disenyo ng Pananaliksik: Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng isang deskriptibong
uri ng pananaliksik upang ilarawan ng malinaw ang kakayahang komunikatibo sa
wikang Filipino ng mga mag-aaral sa ikatlong-taon ng Philippine Normal University-
Mindanao. Ang deskriptibong pananaliksik ay nagbibigay-daan para sa sistematikong
pagkalap at pagsusuri ng mga datos upang makakuha ng kaalaman ukol sa kalagayan
ng kanilang kasanayan. Ang disenyo na ito ay angkop para suriin ang mga linggwistiko,
sosyolinggwistiko at diskorsal na kakayahan ng mga kalahok sa paggamit ng wikang
Filipino.

• Kalahok: Gamit ang Quota sampling technique, pipiliin ang mga mag-aaral mula sa
Ikatlong-taon ng PNU-Mindanao na magiging mga respondente sa pag-aaral. Sa quota
sampling, tiyak na bilang ng mga mag-aaral mula sa bawat major course ang pipiliin
upang masiguro na may representasyon mula sa iba't ibang larangan ng pag-aaral.

• Instrumento ng Pananaliksik: Isasagawa ang interview upang mas lalong


maunawaan ang mga pananaw at karanasan ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang
Filipino. Ang mga interview ay nagbibigay-daan sa malalimang pag-uusap at
pagpapalitan ng ideya sa loob ng isang grupo. Susuriin din ang kaalaman ng wikang
Filipino ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga pagsusulit, gawain sa pagsasalita,
at iba pang mga pagtataya ng kanilang kasanayan sa wikang Filipino.
Republika ng Pilipinas
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro
MINDANAO
The Multicultural Education Hub
Prosperidad, Agusan del Sur

Mga Salik na Nakaaapekto sa Pananaw ng mga Mag-aaral sa Pagpili ng


Filipino bilang Medyor

Proponents:
Jean Apple Batibut
Jescel De Asis
Gretel Galdiano
Krisha Mae Macabacyao
Emyka Rapal
Renzo Tudio

Research Adviser:
Dr. Fe S. Bermiso
Republika ng Pilipinas
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro
MINDANAO
The Multicultural Education Hub
Prosperidad, Agusan del Sur

I. INTRODUKSYON/MAIKLING DESKRIPSYON NG GAGAWING PANANALIKSIK

Makikitang kalimitan sa mga mag-aaral na pumasok sa unibersidad ay nahihirapang


magdesisyon kung ano ang pipiliin nilang kurso o medyor. Marami sa kanila na kumukuha
lamang ng ibang Majoring Exam sa isang kurso sapagkat iyon din ang pinili ng kanilang
kaibigan, ang iba naman ay dahil sa kagustuhan ng kanilang magulang, at iilan lamang sa mga
mag-aaral ang segurado na sa kursong kanilang kukunin.

Ang pagpili ng Medyor ay hindi madali, kinakailangan itong paglaanan ng oras upang
hindi manghinayang sa Medjor na napili. Ngunit mababatid na sa Medyor na Filipino kakaunti
lamang ang interesado at pumipili nito. Hindi maipagkakailang mahirap maengganyo ang mga
mag-aaral na piliin ito at sa tingin ng iba mababa lamang ang kurso o medyor na ito.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang mga salik na nakaaapekto sa


pananaw ng mga mag-aaral na piliin ang Filipino bilang medyor. Nilalayon din nitong
matugunan ang mga miskonsepsyon na kumakalat patungkol sa Medyor na Filipino. Mabigyan
ng ideya ang mga guro sa mga salik na nakaaapekto sa pananaw ng mga mag-aaral at
magkaroon ng paraan upang maenganyo at makuha ang interes ng mga mag-aaral sa Filipino
hindi lang bilang asignatura kung hindi bilang Medyor.

II. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL


Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga sumusunod:
1. Mga Mag-aaral. Upang sila ay mabigyang linaw sa mga miskonsepsyon patungkol sa
pagpili ng Filipino bilang Medyor.
2. Mga Guro. Upang magkaroon sila ng ideya sa mga salik na nakakaapekto sa pananaw
ng mga mag-aaral sa pagpili ng Filipino bilang kanilang Medyor. Dagdag na rin
upang magagawa sila ng paraan kung paano maeenganyo o magkaroon ng interes ang
mga mag-aaral sa pagpili sa kursong Filipino.
Republika ng Pilipinas
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro
MINDANAO
The Multicultural Education Hub
Prosperidad, Agusan del Sur

3. Mga Magulang. Upang magabayan ang mga kanilang anak sa pagpili ng kurso na
kukunin sa tersarya at mabigyan ang kanilang anak ng payo sa pagpili ng kurso.

III. LAYUNIN
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang mga
pananaw ng mga mag-aaral sa OBTEC ng PNU Mindanao patungkol sa pagpili ng Filipino
Medyor. Layunin din nitong mabawasan o maitama ang mga miskonsepsyon na nakaaapekto
sa kanilang pananaw patungkol sa pagpili ng kursong Filipino.
Upang matamo ang panlahat na layunin, isinasakatuparan ang mga tiyak na layunin
gaya ng mga sumusunod:
1. Makapili ng mga respondante mula sa OBTEC gamit ang systematic sampling.
2. Malaman ang mga salik na nakaaapekto sa kanilang pananaw.
3. Makakalap ng mga tiyak na dahilan kung bakit ang mga salik na iyon ay nakaaapekto
sa kanilang pananaw sa pagpili ng kursong Filipino bilang Medyor.

IV. METODO
• Disenyo ng Pag-aaral: Ang pananaliksik na ito ay isang uri ng deskriptibong pag-aaral.
Ayon kay McCombes (2019), ang deskriptibong pananaliksik ay naaangkop gamitin sa
mga pag-aaral na may layunin na kilalanin ang mga katangian (characters), kalimitan
(frequencies), kalakaran (trends), ugnayan (correlation) at kategorya (category). Sa
pag-aaral na ito, sinusubukang mailahad ng mananaliksik ang mga salik na nakaaapekto
sa pananaw ng mga mag-aaral sa pagpili ng Filipino bilang Medyor. Dagdag na rin
upang malaman ang mga miskonsepsyon na kanilang nalaman patungkol sa Medyor na
Filipino.

• Kalahok: Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng systematic sampling na pamaraan sa


pagpili ng respondante mula sa OBTEC. Ang bawat ikaapat na mag-aaral ang napiling
maging kalahok ng pag-aaral na ito.
Republika ng Pilipinas
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro
MINDANAO
The Multicultural Education Hub
Prosperidad, Agusan del Sur

• Instrumento ng Pananaliksik: Sa pagkuha ng datos, ang mananaliksik ay gagamit ng


sarbey-kwestyoneyr at interbyu na pamaraan upang makuha ang persepsyon ng mga
kalahok. Ang sarbey-kwestyoneyr ay gagamit ng Likert-scale ni Rensis Likert. Ang
likert-scale ginagamit upang sukatin ang mga saloobin, halaga, at opinyon, para sa isang
tunay o hypothetical na sitwasyon sa ilalim ng pag-aaral. Gagamit ito ng scale na 1-5;
na kung saan ang 5 ay lubos na sumasang-ayon, 4-sumasang-ayon, 3-neutral, 2-hindi
sumasang-ayon, at ang 1 naman ay lubos na hindi sumasang-ayon.

You might also like