You are on page 1of 2

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON

The National Center for Teacher Education


The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

PANUKALANG PROYEKTO
I. Panukalang papel sa Filipino: Net-teach-quette: Pagtuturo ng tamang asal sa internet
Proponent: Jayson Steve M. Macugay
Beneficiaries: Mga mag-aaral mula sa PNU North Luzon
Venue: PNU North Luzon, Alicia, Isabela
II. Deskripsyon ng Proyekto
A. Panimula
Ang proyektong ito ay naglalayong turuan ang mga mag-aaral sa computer literacy. Sa nasabing
proyekto, matututunan ng mga mag-aaral ang mga Dos and Don’ts sa mundo ng internet.
Mahalagang maging maingat tayong mga mag-aaral ng PNUNL sa ating mga social media account dahil
tayo ay mga magiging tagapagturo na magdadala sa mga susunod na henerasyon sa tagumpay. Mahalagang
malaman nating mga magiging tagapagturo ang ating mga limitasyon sa mundo ng social media.

B. Rationale

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), Sa mga siyudad, ang mga Pilipinong 10 hanggang 64
taong gulang ay nag-surf sa internet sa pamamagitan ng social media (82.5%). Ang mga Pilipino ay
gumugugol ng average na apat na oras at 15 minuto araw-araw sa social media (We Are Social, 2021). Ayon
sa mga datos, ang Pilipinas ang nagunguna hindi lamang sa South-East Asia, ngunit pati narin sa buong
mundo sa paggamit ng internet. Ito ay malinaw na nagpapakita na ang mga Pilipino ay handa sa pag-unlad
sa lipunan gayundin sa pagsulong ng agham.

Maaaring alam ng mga Pinoy kung paano gamitin ang internet ngunit hindi nila alam kung paano
gamitin ito nang tama at ligtas. Ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng netiquette ay upang matiyak
ang maayos na komunikasyon at maiwasan ang hindi pagkakaunawaan. Kung walang malinaw na pag-
unawa sa kung ano ang netiquette, maaaring makita ng mga tao bilang mapang-abuso o maging isang
partido sa cyber-bullying. Nag-iiba-iba ang mga kultura sa mga heograpiya at tinanggal ng web ang mga
pisikal na distansya sa pagitan ng mga tao. Kaya naman ay dapat tayong matutong maging sensitibo sa
magkakaibang mga tao na nakaka-usap natin online.

C. Mga Layunin ng Proyekto

• Mabigyan ng sapat na ka-alaman ang mga mag-aaral ng wastong asal sa internet.


• Mabawasan ang kaso ng fake news, cyberbullying, at mga kaso ng depresyon na maiigunay sa
internet.
• Gawing isang ligtas na lugar ang internet para sa mga bata at magaaral.
D. Estratehiya
Isang sarbey ang isasagawa sa paaralan na susuriin ang oras na ginugugol ng mga respondente sa pag-
browse sa internet at paggamit nito bilang isang kagamitan sa komunikasyon. Ang sinumang gumugol ng
higit sa ilang oras sa internet ay pipiliin na maging kalahok ng proyekto. Pagkatapos ng survey, hihilingin sa
kanila na sumali sa isang seminar na magtuturo ng tamang etiquette para sa internet. Sa kalagitnaan ng
seminar ay magbibigay ang proponent ng mga meryenda sa mga kalahok upang maibsan ang kanilang pagod
at gutom sa pagdalo ng seminar. Pagkatapos ng seminar, magkakaroon ng post-test na titingin kung may
mga natutunan ba ang mga kalahok sa proyekto.
G. Budgeting Requirements

Presyo: Bilang: Total:


Pagkain:
Inumin 78 Php (isang kahon na 4 312 Php
may sampung piraso)
Bisuit 50 Php (isang pakete na 4 200 Php
may 10-12 na piraso)
Miscellaneous 500 Php

Total: 1012 Php


Ang badyet na kailangan para sa proyektong naglalayong turuan ang 20 hanggang 30 mag-aaral ay ipinakita
sa talahanayan sa itaas. Bibigyan sila ng pagkain at pampalamig. Para matugunan ang pangangailangan sa
badyet, gagawa ng Income Generation Program (IGP).
III. Pakinabang
Ang pagkakaroon ng pangunahing edukasyon tungkol sa etiketa sa internet ay maaaring gawing mas
maaasahan at maging mas propesyonal ang isang guro sa hinaharap. Magiging mas maunawain din ang mga
magaaral sa kanilang nakakausap sa kabilang panig ng computer. Bilang karagdagan, ang pagkakaroon ng
mahusay na pag-unawa sa netiquette ay makakatulong upang mapanatili ang mga relasyon sa buhay, mapa
negsyo man o personal. Tinuturuan ka ng netiquette na maging mabait sa lahat. Dapat mong ilapat ito sa
iyong sarili upang makilala ka ng ibang mga gumagamit ng internet bilang isang mabuting tao at
pahalagahan ang iyong mga opinyon.

You might also like