• Naisasalaysay ang buod ng mga pangyayari sa kuwentong napakinggan
• Natutukoy at naipapaliwanag ang kawastuhan/kamalian ng pangungusap batay sa kahulugan ng isang tiyak na salita PAKSA : Kuwento ni Solampid, Retorikal na pang-ugnay at Elemento ng Maikling Kuwento Anong mahalagang seremonya ng mga kristiyano ang nakikita sa larawan? Sa inyong palagay bakit ito isinasagawa? TALASALITAAN: Tukuyin at ipaliwanag ang kawastuhan o kamalian ng pangungusap batay sa kahulugan ng isang tiyak na salita. Isulat sa kahon sa kaliwa kung ang panungusap ay wasto o mali batay sa kahulugan ng salitang may diin sa bawat bilang. Sa nakalaang patlang ay ipaliwanag kung bakit wasto o mali ang iyong sagot.
_____________1. Napasugod ang lalaki sa tahanan nang malamang nanganak na ang
kanyang maybahay. Paliwanag : ____________________________________ _____________2. Marahas na inalalayan ng lalaki ang kanyang asawa pabalik sa kama matapos nitong makapanganak upang hindi ito masaktan. Paliwanag : ____________________________________ _____________3. Sa sobrang tuwa ay nasumpa ng mag-asawa ang isa’t isa nang sila’y mabiyayaan ng isang malusog na anak. Paliwanag : ____________________________________ _____________4. Nasaksihan ko ang lahat ng seremonyang naranasan ng aking anak mula nang siya’y isilang hanggang sa kanyang pagpapakasal kaya’t wala siyang malilingid sa akin _____________5. Abot-abot ang pasasalamat ng mag-asawa sa mga bisita at kakilalang lumiban sa seremonya ng penggunting sa kanilang anak. P1 Pagkamatay/Iniwan ng mahal sa buhay P2 Hinadlangang pag-ibig P3 Pagiging mahigpit ng magulang sa anak na nauwi sa pagrerebelde P4 Maagang pag-aasawa/pag-bubuntis ng mga magulang na nagdulot ng masamang epekto sa kanilang mga anak (Broken Family)