You are on page 1of 7

PRIMALS 7–10

Pedagogical Retooling in Mathematics, Languages,


and Science for Grades 7–10 Teachers

Session 7
PAGTUKOY SA pANGUNAHING
kaisipan

Learning Action Cell Session Guide


Filipino 7–10

Inihanda nina:
Jocelyn DR. Canlas, Rehiyon III
Brenda A. Escopete, NCR
Mga Layunin:

Sa pagtatapos ng sesyon inaasahang ang mga guro ay:

1. natutukoy ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa genre

( video , napakinggan at nabasang teksto ) gamit ang iba’t ibang estratehiya

2. naipapaliwanag ang mahahalagang kaisipan gamit ang iba’t ibang estratehiya

3. nagagamit ang angkop na estratehiya sa pagtukoy ng mahalagang


kaisipan/ideya

Susing Kaisipan

1. Ang pangunahin o mahalagang kaisipan ang pinakasentrong


mensahe na nais ipabatid ng may-akda sa isang katha.
2. Gamit ang iba’t ibang estratehiya magiging madali ang
pagtukoy sa mahalagang kaisipan ng isang genre.

Mga Kagamitan Takdang-oras


2 oras
 LAC session video
 Powerpoint presentation sa Kaakmaan sa PPST
pagtalaMga babasahing teksto
 Lunsarang Video Domain 1:Content,Knowledge and
 metacards Pedagogy
 Manila paper
Strand 1:1
 Permanent marker
 Masking tape

Sanggunian:

htpps://www.google.com.ph/searh?
q=masdan+mo+ang+mga+song&oq=MASDAN+&aqs=chrome.0.69i
59j012j69i57j012.3976j0j8&sourceid=chrome&ie=UTF-8

2
Pamamaraan

Magandang umaga sa inyong lahat.Ako si Bb.Jocelyn DR, Canlas. Masayang


pag- aaaral at pakikinig sa ating LAC Sesyon bilang 7.Ito ay pinamagatang
“Pagtukoy sa Pangunahing Kaisipan”, ito ang tatalakayin natin sa oras na ito. Bilang
guro naniniwala ako na “Hindi natin maibibigay sa iba ang kaalamang wala tayo”.
Gamit ang Makrong Kasanayan at Iba’t Ibang Estratehiya maibibigay natin ang
pinakamainam na paraan upang muling mapukaw ang interes ng mga mag-aaral
na matukoy ang mahalagang kaisipan ng iba’t ibang genre.

Activity (15 minuto)

Panimulang Gawain:

1. Pagpaparinig at pagpapanood ng isang awitin na may lyrics.”Masdan Mo Ang


Mga Bata” (ASIN)

2. Iproseso ang awitin sa pamamagitan ng mga patnubay na tanong.

a. Tungkol saan ang awit?


b. Ano-anong impormasyong ang makukuha mo sa awit na ito?
Sa tulong ng word association-itala ang mga kaisipan o ideyang may
kaugnayan sa mga bata,Gamit ang Manila Paper at metacard,

c. Mag-isip ng salitang maaring maglarawan sa awit.


Isulat sa metacard ang sagot at idikit sa manila paper.

Sa tulong ng Clustering- pagkaklaster ng mga salitang magkakaugnay


Bumuo ng kaisipan mula sa mga magkakaugnay na salita.
At mula sa nabuong pangungusap bumuo naman ng isang mahalagang
ideya .

Para sa Tagapagdaloy:
(Maaaring sabayan ng mga kalahok ang awitin habang
pinakikikinggan.Ipaalala ang gawaing isasagawa matapos pakinggan ang awit .Suriin natin!)

Analysis (_25_ minuto)

1 Ano ang naramdaman ninyo habang pinapakinggan ang awit?


2 Paano kayo nakakuha ng mga kaisipan at mga salitang may kaugnayan sa
MGA BATA?
3 Ano ang nakatulong sa inyo upang mai-cluster ang mga salitang
magkakaugnay?
4 Nakatulong ba ang prosesong ginawa ninyo upang makuha ninyo ang
pinakamahalagang kaisipan ?

Para sa Tagapagdaloy

3
Alam nyo bang mayroon pang iba’t ibang estratehiya sa pagkuha ng
pangunahin o mahalagang kaisipan sa isang genre. Bukod sa Word Association at
Clustering.Narito pa ang iba’t ibang estratehiya na makakatulong sa ating mag-aaral
upang matukoy ang pangunahin o mahalagang kaisipan o ideya .

Abstraction (_25__ minuto)

Pangunahing Kaisipan
- ito ay ang pinakasentrong mensahe na nais ipabatid ng may-akda sa isang katha

Estratehiya
-tawag sa mga kagamitan at gawaing ginagamit sa bawat hakbang ng pagtuturo

Iba’t ibang estratehiya sa pagtukoy ng pangunahing kaisipan

1.Grapikong Representasyon ng Kaisipan

2.Habi ng Kaisipan

3.SAG (Sketch Appropriate Graphics)

4.Pagbubuod o Paglalagom

5.Concept Map

6.Balangkas sa Pangungusap

Para sa Tagapagdaloy:

Alinman sa nabanggit na estratehiya ay maaring gamitin, ang


mahalaga ay nauunawaan kung paano ito gagamitin upang matukoy ang
pangunahing kaisipan ng isang akda.

Application (_25___ minutes)

Tutukuyin mula sa tekstong babasahin ang mahahalagang kaisipan gaya ng


pangunahing kaisipan at pantulong na kaisipan gamit ang iba’t ibang estratehiya

Tagapagdaloy
Ipaliwanag muna ang Rubrics bago isagawa ang Gawain.

Rubrics

4
Kraytirya 4 3 2 1
Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan
pa ng sapat na
pagsasanay
Pangunahing
Kaisipan
Pantulong ng
Kaisipa

Angkop na
Estratehiya
Kabuuan

( Maaaring bumuo ng rubrics ang guro kasama ng kanyang mga mag-aaral)

Narito ang tekstong susuriin.

Binigyang diin sa Ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong


Duterte ang mga isyu tungkol sa pagmimina,rebelyon, independent foreign policy at
ang pagbabalik ng death penalty kontra illegal na droga at kriminalidad.

Tumagal ng dalawang oras at 10 minuto ang Ikalawang SONA ni Duterte na


pinalakpakan ng ng 73 beses.

Nanawagan ang palasyo sa publiko na manood at makinig sa SONA para malaman


kung saan papunta ang bansa sa ilalim ng Duterte Administration.

Narito ang ilang highlights ng SONA 2017 .


1. War on Drugs- binanggit ng pangulo na ang tanging mga option para sa mga
drug traffickers ay alinman ang sa kulungan o impyerno.
2. Death Penalty-sinabi ng pangulo na ang mga kaparusahan ay”eye for an eye,
a tooth for a tooth.”
3. Pagmimina-sisingilin ng mas mataas na buwis ang mga mining company
kung hindi sila gagastos para sa rehabilitasyon ng kanilang pinagmiminahan.
4. Reproductive Health Law- Nagdagdag ng dalawang taong temporary
restraining order sa contraceptives implants.
5. K-12 Education- pananatili nito sa sistemang pang-edukasyon.
6. National Land Use Act (NALUA)-Inaapila ng pangulo sa lehislatura na ipasa
kaagad ang NALUA para magkaroon ng rasyonal at mas maayos na
paggamit sa lahat ng kalupaan para sa food security, housing,businesses and
environmental conservation ng bansa.
7. Cabinet Cluster on Climate Change Adaptation and Disaster Pisk
Management- Inatasan ng Pangulo ang organisasyon na ito na mabilis
rumespunde kasama ang mga nangangailangan ng LGUs, private sector at
lahat ng apektadong komunidad.

8. Overseas Filipinos Workers- tinawag ng pangulong mga bayani ang mga

5
OFW. Sinabi rin niyang malaki ang parte sa ekonomiya ng mga remittances
ng mga OFW. Tinaasan ng pangulo ang assistance sa kanila na mula 400
million na ngayon ay 1 billion na.

Para sa Tagapagdaloy:

Papangkatin ang mga kalahok sa 5 pangkat. Bibigyan ng sipi o kopya ang


mga kalahok para sa tektong babasahin,Matapos unawain at basahin, lalapatan ng
estratehiya ang pagsusuri upang tukuyin ang pangunahing kaisipan.Ilalahad ng lider
ng pangkat ang kanilang kasagutan.

Narito ang pangkat na magbibigay marka at feedback sa ginawa ng kanilang


kamag-aral gamit ang rubrics.

Pangkat 1- Pangkat 2
Pangkat 2-Pangkat 3
Pangkat 3-Pangkat 4
Pangkat 4-Pangkat 5
Pangkat 5-pangkat 1

(Maaring itakda o pamiliin ang bawat lider ng pangkat ng angkop na estratehiya )

Pangkatang Gawain

Unang Pangkat: Grapikong Representasyon ng Kaisipan

Ikalawang Pangkat:Habi ng Kaisipan

IKatlong Pangkat:Pagbubuod o Paglalagom ng Kaisipan

Ikaapat ng Pangkat:Sketch Appropriate Graphic

Ikalimang Pangkat:Concept Map

Para sa Tagapagdaloy:

Bawat pangkat ay bibigyan ng pentel pen ,metacards at Manila paper.


Mga kagamitan sa pagsusuri na gagamitin ng mga kalahok sa bawat
pangkat.Inaasahan na pinapatnubayan ng Tagapagdaloy ang bawat pangkat para
sa isasagawang gawin .Matapos ang itinakdang oras sa pangkatang
Gawain..Ilalahad ng lider ang naging kasagutan ng kanilang pangkat gamit ang
napiling estratehiya.

Pagbabahaginan ng bawat pangkat sa isinagawang Gawain

6
Pagbibigay ng marka at feedback gamit ang rubrics sa inatasang
pangkat

Pagwawakas

“ Gabay ng gurong maalam, masining, at malikhain umaakay sa


pagkatuto ng mag-aaral natin”

JCanlas

You might also like