You are on page 1of 4

Mapang Politikal ng Pilipinas

MAPA = ay ang patag na representasyon ng daigdig o bahagi nito. Naglalaman ito ng mga simbolo na may katumbas na impormasyon (lokasyon,
pisikal na katangian o dami ng tao sa isang lugar) sa tunay na daigdig.

MAPANG POLITIKAL = ipinakikita nito ang hangganan ng mga lalawigan, rehiyon, at bansa.

PAGREREHIYON = ay ang pagpapangkat ng lupain ng Pilipinas sa mga rehiyon na isinasagawa upang mas mabuting mapamunuan ng
pamahalaan ang bansa.

REHIYON = ay may magkakatulad na katangiang pisikal at kultural. Ang mga sakop nitong lupain ay magkakalapit. Nagkakatulad naman sa wika at
paraan ng pamumuhay ang mga naninirahan dito.

LALAWIGAN o PROBINSIYA = ito ang mga mas maliliit pang yunit pampamahalaan na humahati sa rehiyon.

May 81 lalawigan sa Pilipinas.

Ang bawat lalawigan ay binubuo ng mga BAYAN(o munisipalidad) at LUNGSOD.

Kasalukuyang may 144 na lungsod at 1490 na bayan sa Pilipinas.

Nahahati pa ang mga lungsod o bayan sa mga mas maliliit na yunit -BARANGAY.

May 42,036 na barangay sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan may 18 rehiyon sa Pilipinas.


Ang unang batas sa pagrerehiyon ay itinakda noong 1972 sa pamumuno ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Binuo nito ang unang 11 rehiyon
sa bansa.

Mga Rehiyon sa Pilipinas

LUZON VISAYAS MINDANAO


Rehiyon I: ILOCOS REGION Rehiyon VI: WESTERN Rehiyon IX: ZAMBOANGA
VISAYAS PENINSULA
Rehiyon II : CAGAYAN Rehiyon VII: CENTRAL Rehiyon X: NORTHERN
VALLEY VISAYAS MINDANAO
Rehiyon III: CENTRAL Rehiyon VIII: EASTERN Rehiyon XI: DAVAO REGION
LUZON VISAYAS
Rehiyon IV-A : Rehiyon XVIII: NEGROS Rehiyon XII :
CALABARZON ISLAND REGION SOCCSKSARGEN
Rehiyon IV-B: MIMAROPA Rehiyon XIII: CARAGA
Rehiyon V : BICOL REGION Autonomous Region in Muslim
Mindanao (ARMM)
CORDILLERA
ADMINISTRATIVE
REGION (CAR)
NATIONAL CAPITAL
REGION (NCR)

Sa 18 rehiyon, naiiba ang NATIONAL CAPITAL REGION (NCR). Tinatawag din itong Metro Manila. Binubuo ito ng 16 lungsod at
isang bayan. Ang mga lungsod ditto ay Manila, Caloocan City, Las Pinas City, Malabon City, Mandaluyong City, Makati City, Marikina City,
Muntinlupa City, Navotas City, Pasay City, Paranaque City, Pasig city, Quezon City, San Juan City, Taguig City at Valenzuela City. Ang
Pateros ang natatanging munisipalidad sa rehiyon.
Ang NCR ang sentro ng pamahalaan, kabuhayan, kultura at edukasyon sa Pilipinas. Matatagpuan ang Malacanang Palace na opisyal na tirahan at
tanggapan ng pangulo. Makikita rin dito ang mga tanggapan ng mga kinatawan ng ibang bansa sa Pilipinas.

ARMM (Autonomous Region in Muslim Mindanao), natatangi ito sapagkat ito lamang ang rehiyon sa Pilipinas na may hiwalay na pamahalaang lokal.

Ginagamit ang mapa sa pag-aaral sa mga lalawigang bumubuo sa rehiyon. Ginagamit din ito sa pagtukoy sa relatibong lokasyon ng mga ito.

Makati City ang itinuturing na sentrong pampinansyal ng Pilipinas.

RELATIBONG LOKASYON = ay ang lokasyon ng isang lugar batay sa kalapit na mga lupain at katubigan nito.

Ang pagsikat at paglubog ng araw ay palatandaan ng direksyon. Ang direksyon kung saan sumisikat ang araw ay ang silangan. Ang direksyon naman
kung saan lumulubog ang araw ay ang kanluran.

COMPASS ROSE = ay ang simbolo sa mapa na nagpapakitang direksiyon. Ipinapakita nito ang mga pangunahin at pangalawang direksyon.

PANGUNAHING DIREKSIYON: Hilaga, Silangan, Timog, Kanluran

PANGALAWANG DIREKSIYON = matatagpuan ito sa pagitan ng mga pangunahing direksiyon. Ito ay ang hilagang-silangan, hilagang-
kanluran, timog-kanluran, at timog-silangan.

POINT OF REFERENCE = ginagamit din ito sa patukoy ng relatibong lokasyon ng mga lalawigan.

=ito ay ang lugar na gamit bilang batayan sa patukoy o paglalarawan ng lokasyon ng isang lugar.

Gamit ang Agusan del Sur bilang point of reference, matutukoy natin ang relatibong lokasyon ng Davao del Norte, Davao Oriental, at Bukidnon.
Ang Davao del Norte ay matatagpuan sa timog ng Agusan del Sur. Ang Davao Oriental ay nasa timog-silangan ng Agusan del Sur. Ang
Bukidnon naman ay nasa kanluran ng Agusan del Sur.

Gamit ang kabuoan ng Pilipinas bilang point of reference, masasabing ang Mindanao ay nasa timog na bahagi ng Pilipinas.

PANANDA = ay ang listahan ng mga simbolo sa mapa at ang kahulugan ng mga ito. Susi ang pananda upang maintindihan ang impormasyon sa
mapa.

Gamit ang mapa sa pag-aaral sa mga lalawigang bumubuo sa rehiyon.

Ipinakikita sa mapang political ang hangganan ng mga lalawigan at rehiyon.

Ang iba’t ibang simbolo sa mapa ay may katumbas na impormasyon sa tunay na daigdig. Ang kahulugan ng mga simbolong ginamit sa mapa ay makikita
sa pananda.
Natutukoy ang relatibong lokasyon ng mga lalawigan sa pamamagitan ng pagtukoy sa kalapit na mga kalupaan at katubigan nito.

You might also like