You are on page 1of 1

Pagkakaisa't Pagtutulungan sa Gitna ng Pandemya

"Kapit bisig sa Diyos ang pananalig, Pandemya'y 'di kailanma'y mananaig"


Isinulat ni Aldrich Kyle G. Agpalo ng 9 - BERNOULLI Araling Panlipunan Performance Week 2

Panahon na upang imulat ang ating mga mata, Kalimutan ang galit at poot na dinarama, pairalin
ang pagmamahal sa kapwa't makisama sa pagusbong at pagpapaunlad ng ating ekonomiya.

Matapos ang mahabang panahon nang pagkadapa ng ating bansa dulot ng pandemyang sumira sa
mga buhay ng mga tao, mga kabuhayang nalugi at nagapi nito, mga pagbabago nang ilang sistema ng
pamumuhay ng mga Pilipino, at pati na rin ang naidulot nitong pasakit sa buong mundo, patuloy pa rin
itong mangugulo sa ating buhay.

Huwag nang mag alinlangang sumoporta sa ating gobyerno, makilahok sa mga proyektong
pangkaunlaran dahil kung hindi tayo aaksyon ngayon, kailan pa? Sa sitwasyong hindi na natin
makakaya?, Sa sitwasyong malubha na? Paano at kailan nga ba?

Ito na ang oras upang tayo'y bumangon sa pagkakadapa, sumama sa muling pagsulong ng
pamumuhay ng ating Bansa, magkasanib na pwersa ang susi sa pagunlad, sa maliit na bagay na ating
magagawa tulad ng pagsunod sa batas pangkalusugan, pagbibigay ng kaunting tulong o pagtatayo ng
community pantry para sa mga lubos na naapektuhan, pagiging masipag at mapagkumbabang
mamamayan, pagbibigay respeto at pasasalamat sa mga frontliners gaya ng pagrespeto nila sa mga
natamaan, at pagiging malinis sa ating kapaligiran ay makatutulong sa ating bansa para sa pagunlad
nito.

#MakisamaParaSaMasa, makisama para sa bansa, huwag nang hintayin pang paramihin ang
nagkakasakit upang maging hudyat ng pagkasa, pagkasa ng balang ilalaban kung kailan mahirap na at
kaunti nalang ang makakalaban pa? O pagkasa ng bala sama sama sa una upang agad na maaksyonan na
ang krisis na tinatamasa?, Pagharap nang maaga sa ating paghihirap ang magiging daan upang tayo ay
makabangong muli, makapagtrabaho muli, maging maayos ang pamumuhay muli.

Sa pagtatapos at paglalapag ng konklusyon isang salita lamang, "MULI", muli tayong maghahawak
kamay, muli tayong babangon , muling aasenso ang ating pamumuhay, muling babalik ang panahon't
gawinf ating nakagisnan, panahong tayo'y hindi maghihirap, panahong sariwang hangin ang
malalanghap, panahong wala ng facemask at faceshield, panahong ating noon ay hinahanap-hanap ay
ating tatanawin na bukas.

You might also like