You are on page 1of 1

(Aldrich Kyle G Agpalo San Matias National High School)

Pagong nagpakitang gilas laban kay Kuneho


Sa kabila ng kabagalan, Nagapi ni Pagong si Kuneho sa kaniyang hamon matapos magdiwang ng
maaga itong si kuneho sa kanilang karerang labanan na naganap sa isang bulubundukin
kahapon.

Nagwagi ang kabagalan ni Pagong laban sa malakidlat na bilis ni Kuneho nang nagpakita ito ng
bilib sa sarili na siya ang mananalo sa hamon ni Pagong.

Sa una pa lamang ay wala ng pag-asang manalo si Pagong sa kanyang bagal na ipinakita, Si


kuneho naman ay nagpakita ng galing at bilis nito sa paglundag

Nagkaroon ng malaking agwat sa distansya ang dalawang manlalaro dahil sa unang minuto pa
lamang ay nasa paanan na ng bundok si kuneho.

Biglang nainip ang Kuneho dahil hindi niya nakikita si Pagong na nasa likod niya sa kalagitnaan
ng kanilang karera, umiral ang tiwala sa sarili ni Kuneho kaya siya ay nagpasiyang umidlip muna.

Ang mabagal na si Pagong ay hindi nagpatinag at sumuko sa laban, Patuloy niyang nilakad ang
buong bulubundukin.

Sa huli, Nadaanan niya na si Kuneho na natutulog sa isang tabi.

Nilampasan niya ito at nagpatuloy sa kaniyang pagtakbo hanggang sa siya ay nagwagi.

Si Kuneho naman ay labis na nagulat ng makita na si pagong ay naroroon na.

"Maaring mabagal nga ako maglakad,pero matibay ang katawan ko" wika ni Pagong.

Hindi nagpadaig ang Pagong sa pagiinsulto ng Kuneho sakaniya.

You might also like