You are on page 1of 1

UAAP, muling magbabalik sa 2022

Aldrich Kyle G Agpalo San Matias National High School Grade 9

CHED at DOH, Nagplanong muling buksan at ipagpatuloy ang mga laro ng UAAP sa Pebrero sa susunod
na taon pagkatapos ng pagsasara nito simula noong Abril 2020 dahil sa pandemyang ng mundo.

Ang Commission of Higher Education (CHED) at ang Department of Health (DOH) ay lumagda sa isang
joint memorandum circular noong Disyembre 13, 2021, upang payagan ang pagpapatuloy ng pagsasanay
para sa mga varsity team.

"I know the schools have been preparing for the resumption of the UAAP since the league was canceled.
Our signing of the joint memorandum with the DOH today is a significant event in our country today as
we try to return to the pre-pandemic days." ukol kay Prospero de Vera III .
Sinuri nila ng mabuti ang kalagayan at sitwasyon ng panahon para sa kalusugan ng mga manlalarong
lalahok sa pagbubukas nito .

Ang Pilipinas ay naglunsad ng kanilang pagbabakuna para sa mga estudyanteng atleta noong Oktubre
2021.

Ayon kay CHED Chairman Prospero de Vera III, 80 porsiyento na ng mga estudyanteng atleta ay
nabakunahan na noong ika-12 ng Disyembre 2021.

Inilahad na magsisimulang muli ang larong basketball sa UAAP sa darating na Pebrero 2022.

Susunod ang larangan ng volleyball events na magsisimula naman sa Abril 2022.

"Excited na ang Ateneo students para sa UAAP. Kailangan natin ng source of entertainment ngayong
may pandemic, and lalo na ako dahil nase-stress ako sa pagtuturo" komento ng Ateneo de Manila
University's Math Professor Randolph Vergara.

Ang pinakahuling laro na nangyari ay sa Season 82 na naganap noong March 8, 2020, nang ang UST
Golden Tigresses ay nilampaso ang FEU Lady Tamaraws sa isang volleyball match.

Naudlot din ang pang walumpu't tatlong season (83rd Season) sa kadahilanang dumarami ang kaso ng
nahahawahan sa naturang sakitkinakaharap.

Ang UST Growling Tigers ang nag haring overall champions ng huling season.

You might also like