You are on page 1of 3

DAVAO DEL NORTE STATE COLLEGE

Institute of Teacher Education

SYSTEM: You are currently listening BALITANG EXPOSE at 98.7 tatak DNSC!
ANCHOR 1: Magandang araw, Pilipinas!
ANCHOR 2: Magandang araw, Pilipino!
ANCHOR 1: Ako po ang inyung lingkod kababayan, (name)
ANCHOR 2: At ako naman po ang inyung lingkod kabalitaan (name)
ANCHOR 1: Andito na naman ang Teleradyong inaaabangan ninyu upang maghatid ng balitang
Pangkalusugan.
ANCHOR 2: Pangkapaligiran, at pangkabuhayan. Mapa weather forecast, Showbiz o Sports balita man,
kami ay inyung maaasahan.
ANCHOR 1: Eto ang “BALITANG EXPOSE”
ANCHOR 2: Tatak DNSC!
ANCHOR 1: Sa mga ulo ng mga nagbabagang balita!
[i-ingun ang mga headlines]
BALITA 1 PANGKALIKASAN
Problema sa basura sa gitna ng Pandemya [headline]
Ang lumalaking problema sa basura paano nga ba masusolusyunan sa gitna ng pandemya? Iyan ang
tanong ng mga kagaya ni Mang Garry Makiling, 46 years old at isang Trash Diver. Ang mga Trash Divers
na kagaya ni Mang Garry ay ang nagtagatanggal ng mga bara sa mga trash rake na sumasala sa basura
ng pumping station katulad na lamang ng nasa Maynila. Tila mas dumagdag pa ang dagok natin sa basura
sa pagsiklab ng pandemya dahil sa mga nagkalat na mga PPE gaya ng face mask, at face shield na
naging dahilan kung bakit lumala ang sitwasyon na nagresulta ng matinding pagkarumi ng mga pumping
station na nakapagdodoble sa mga trabaho nina Mang Garry. Samantala, dumami rin ang mga basura
dahil sa pagtangkilik ng ating mga kababayan sa mga deliveries at take out.
Sa walang tigil na pag tatapon ng mga plastic, diaper, basag na bote at iba pang klase nang basura ay
nakakaapekto na sa pangkalusugan sa pang araw-araw. Nakakabahala narin kung tutuusin ang mga
problemang dulot nito dahil nakokotamina ang mga katawang tubig na pwede sana nating gawing maiinom
at ang mas malaking epeko nito ay ang pagbabago ng ating panahon o Climate change. Walang ibang
panawagan ang gobyerno kundi ang maging responsible ang bawat Pilipino sa mga basurang itatapon at
dapat tumugon sa proper waste segeration. (Name), nagbabalita.
BALITA 2 PANGKALUSUGAN
Mga paaralan sa NCR lalahok na sa face-to-face classes; pag-iingat panawagan ni Gatchalian [headline]
Bagama't pabor si Senador Win Gatchalian sa pagpapalawig ng pilot implementation ng limited face-to-
face classes, binigyang diin niya na dapat paigtingin at ipagpatuloy ang pag-iingat lalo't patuloy na
tinututukan ang banta ng Omicron variant. Mahigit isang daan at pitumpung mga paaralan ang lumahok sa

Address: Davao del Norte State College Tel. No.: (084) 628-6341
Tadeco Road, New Visayas Website: www.dnsc.edu.ph
Panabo City, Davao del Norte 8105 Email: president@dnsc.edu.ph
DAVAO DEL NORTE STATE COLLEGE
Institute of Teacher Education

pilot run ng limited face-to-face classes. Sa National Capital Region (NCR), dalawampu't walong (28)
paaralan ang pinahintulutang lumahok sa pilot run.
Para kay Gatchalian, dapat kasabay ng unti-unting pagbubukas ng mga paaralan ang mas mabilis na
pagbabakuna ng mga guro at mga mag-aaral na nasa tamang edad. Dapat din aniyang ipagpatuloy ang
mahigpit na pagpapatupad ng minimum public health standards at simulan ang regular na COVID-19
testing para sa mga guro.
Bagama't hindi pa malinaw kung mas nakakahawa nga ang Omicron at nagdudulot ng mas malalang
pagkakasakit, nanindigan ang World Health Organization (WHO) na dapat ipagpatuloy ang pagpapatupad
ng mga hakbang tulad ng physical distancing, pagsusuot ng mga masks, paghuhugas ng mga kamay, at
pagbabakuna kontra COVID-19. Ayon sa isang pag-aaral ng mga siyentista mula sa South Africa, may
posibilidad na mas mataas ng tatlong beses ang reinfection ng Omicron kung ihahambing sa ibang mga
variants tulad ng Beta at Delta. Ang naturang pag-aaral ay naka-upload sa isang preprint server at hindi pa
dumaan sa peer review.
SHOWBIZ
Miss India is “Destined to the Crown” [Headline]
Tila “Destined to the Crown and to be the Queen” ang bansag ngayon kay Miss India na si Harnaaz
Sandhu. Sa katauhan ni Miss Universe 2000 Lara Dutta, matatandaan na huling nanalo ang India kung
kalian din ipinanganak ang Reigning Queen. Si Harnaaz ay 21 years old na model/actress at kumukuha ng
kursong Masters of Public Administration na nitong nakaraan nga lang kinoronahang Miss Universe 2021
sa ginanap na coronation night noong December 12, 2021 sa Eilat, Israel.
Sa Final round, napabilib ni ni Ms. India ang mga hurados at mga taong tumutok sa ibat-ibang panig ng
mundo sa kaniyang sagot sa final question kung ano ang kaniyang maipapayo sa sa mga kabataang
babae kung paano haharapin ang panggigipit o pressure na hinaharap at iyon ay ang pagkakaroon ng
tiwala at lakas ng loob sa sarili. Sa huli nga ay kinoronahan ngang Miss Universe si Miss India habang First
Runner Up naman ang si Ms. Paraguay Nadia Ferreira at Second Runner Up naman si Ms. South Africa
Lale Maswane.
Samantala tinawag namang “crowds favorite” si Ms. Philippines Beatrice Luigi Gomez na pasok sa Top 5
kasama si Ms. Columbia Valentina Espinosa Bolívar. Bigo man na makapasok at mai-uwi ang korona, ang
supurta at pagkahanga ay hindi nawala sa mga fans, kabilang sa mga bumati kay Bea ay ang mga dating
Miss Universe na sina Pia Wurtzbach (2015) at Catriona Gray (2018), simbolo ng malugod na pagtanggap
sa kung ano man ang nakamit ng ating pambato.
BALITA 3 PANGKABUHAYAN
-----
WEATHER FORECAST
Magandang araw sa inyong lahat! Narito po ako ngayon para iulat ang lagay ng panahon. Ngayong araw,
Base sa ulat ng PAGASA, inaasahan na magiging mainit ang panahon sa malaking bahagi ng ating bansa,
dahil sa paghina ng amihan, ngunit posibleng sa hapon ay makakaranas pa rin ang hilagang bahagi ng

Address: Davao del Norte State College Tel. No.: (084) 628-6341
Tadeco Road, New Visayas Website: www.dnsc.edu.ph
Panabo City, Davao del Norte 8105 Email: president@dnsc.edu.ph
DAVAO DEL NORTE STATE COLLEGE
Institute of Teacher Education

Luzon ng mga pag ulan dahil na rin dito sa Amihan, at ayon din sa PAGASA ay inaasahan rin na ito ay
lalakas pa sa sususnod na mga araw, samantalang ang ilang bahagi ng Mindanao ay posibleng
makakaranas ng maulap na panahon at mga panaka-nakang pag ulan lalo na sa sa SOCSARGEN, Davao
at Caraga Regions dahil ito sa ITCZ na maaaring mag dulot ng mga pagguho ng lupa at flashfloods, kaya
pinapayuhan ang mga residente na patuloy na mag ingat. Para sa ulat ng panahon, ako si (Reporter’s
name) nagsasabing ang buhay ay parang life kaya stay safe tayo mga kapatid! Ingat!

Address: Davao del Norte State College Tel. No.: (084) 628-6341
Tadeco Road, New Visayas Website: www.dnsc.edu.ph
Panabo City, Davao del Norte 8105 Email: president@dnsc.edu.ph

You might also like