You are on page 1of 5

BALITANG PAMBANSA

BAGYONG YOLANDA
Ang Bagyong Yolanda (Pagtatalagang pandaigdig: Bagyong Haiyan) ay isang malakas na bagyong nanalasa sa gitnang Pilipinas noong Nobyembre 2013. Ang Haiyan, na nangangahulugan na petrel sa Wikang Intsik () ay isa sa pinakamalakas na bagyong naitala sa daigdig,[1][2] at ang ikalawang pinakamalakas na bagyong naitalang tumama sa Pilipinas, na kumitil sa hindi bababa 3,976 katao.[3] Nagdulot ng malawakang pagkawasak ang bagyo sa Pilipinas, lalo na sa Pulo ng Samar at Leyte, kung saan tinaya ng gobernador na hindi bababa 10,000 katao ang nasawi sa lungsod pa lamang ng Tacloban.[4] Nagtalaga ang mga kinauukulan ng mga pulis sa Kabikulan bilang paghahanda sa bagyo.[5] Sa mga lalawigan ng Samar at Leyte, kinansela ang mga klase, at ang mga mamamayan na naninirahan malapit sa mga mabababang lugar at sa mga lugar na maaaring gumuho ang lupa ay sapilitang inilikas.[6] Ang ilang pook na nilindol sa Bohol ay dadaanan din ng bagyo.[7] Iminungkahi ng Pangulo ng Pilipinas na magpadala ng mga eroplano at helikopter sa mga rehiyong inaasahang maapektuhan ng bagyo.[8] Dahil sa mabilis na pagkilos ng bagyong Yolanda, nagtaas ng babala ang PAGASA sa iba't ibang lalawigan sa bansa. Tinatayang nasa 60 na lalawigan kabilang na ang Punong Rehiyon sa mga binigyan ng babala.[9]

Pork barrel scam


Ang pork barrel scam ang kontrobersiya na unang nabunyag noong Hulyo 2013 na kinasasangkutan ng 5 senador at mga 23 kinatawan na naglipat ng kanilang pork barrel funds na may kabuuang 10 bilyong piso sa mga pekeng nongovernment organizations (NGOs) para sa mga hindi umiiral na proyekto. [3] [4] Ayon sa Commission on Audit, ang paglilipat ng mga mambabatas ng mga pondo sa mga NGO ay ilegal.[5] Ang sinasabing utak ng pork barrel scam ayon sa whistleblower na si Benhur Luy ay si Janet Lim-Napoles na CEO at presidente ng JLN Corp. [3] Ang modus operandi ng scam ay si Napoles at ang isang mambabatas ay may kasunduan na ang pekeng NGO ni Napoles ang tatanggap ng pork barrel funds ng mambabatas kapalit ng mga kickback mula kay Napoles. Ang mambabatas ay magsusumite ng talaan sa Department of Budget and Management (DBM) ng mga proyektong ipapatupad. Ang DBM ay maglalabas ng Special Allotment Releases Order (SARO) sa mambabatas na mag-eendorso ng napili nitong NGO ni Napoles sa ahensiya ng pamahalaan na nagpapatupad ng proyekto. Ang kasabwat na ahensiyang nagpapatupad ng proyekto ay hindi magsasagawa ng public bidding para sa proyekto at sa halip ay papasok sa isang kasunduan sa NGO ni Napoles para sa pagpapatupad ng proyekto. Pagkatapos na makumpleto ang mga papeles, ang DBM ay naglalabas ng Notice of Cash Allocation (NCA) sa nagpapatupad na ahensiya. Sa pagtanggap ng NCA, ang ahensiyang nagpapatupad ay maglalabas ng tseke sa NGO ni Napoles na idedeposito sa account sa bangko ni Napoles ng mga empleyado ng JLN Corp.[6] Ang kickback na napupunta sa bulsa ng mambabatas ay 40-60 porsiyento[6] Ang hindi bababa sa 35 porsiyento ay napupunta sa bulsa ni Napoles, ang 10 porsiyento ay napupunta sa pinuno ng kasabwat na ahensiya ng pamahalaan na nagpapatupad ng mga pekeng proyekto, at ang natitirang porsiyento ay napupunta sa mga chief of staff ng mga mambabatas at mga pangulo ng mga NGO ni Napoles at mga incorporator nito. Kabilang sa mga kasabwat na ahensiya ng pamahalaan na kahati sa mga kickback ng scam ang National Livelihood Development Corporation (NLDC), National Business Corporation (NABCOR), Zamboanga Rubber Estate Corporation (ZREC) at Technology Resource Center (TRC).

ANG MISS WORLD 2013


Ang 23-year-old actress at TV host na si Megan Young ang kinoronahang Miss World sa 63rd edition ng international beauty pageant na ginanap ngayong gabi, September 28, sa Bali, Indonesia.Tinalo ni Megan ang 126 pang mga candidates mula sa iba't ibang panig ng mundo.Ang First Princess ay si Marine Lorphelin ng France.Second Princess ang kandidata ng Ghana na si Carranzer Naa Okailey Shooter.Ang iba pang mga nakapasok sa Top 6 ay ang mga kandidata mula sa Brazil, Spain, at ang Gibraltar matapos siyang gawaran ng People's Choice award.Si Megan ang kauna-unahang Pilipina na nanalong Miss World.Bago ang pagwawagi ni Megan ay naging mailap ang koronang Miss World sa Pilipinas.Bago nito, ang pinakamataas na puwesto na nakuha natin ay First Princess o 1st runner-up, na napanalunan nina Evangeline Pascual noong 1973 at Gwendoline Ruais noong 2011.Second Princess o 2nd runner-up naman ang puwesto ni Ruffa Gutierrez noong 1993.Si Megan din ang nanguna sa Top 10 semifinalists, matapos niyang makuha ang pinakamataas na iskor sa preliminary competitions.Kabilang na rito ang pangunguna niya sa Top Model competition.Pumuwesto rin si Megan sa Beach Fashion (5th) at Multimedia (4th).Ang iba pang mga nakapasok sa Top 10 semifinalists ay ang mga kandidata mula sa Australia, Nepal, England, Indonesia, at Jamaica.Sa huling bahagi ng competition ay tinanong isa-isa ang final six finalists kung bakit sila ang dapat manalong Miss World.Ang sagot ni Megan: "I treasure the core value of humanity and that guides her into understanding people, why they act the way that they do, how they're living their lives. And I will use these core values in my understanding, not only in helping others, but to show other people how they can understand others, to help others. So that, as one, together, we shall help society."Bukod sa pagiging aktres, matatawag na rin ang StarStruck alumna na si Megan Young bilang beauty queen. Kinoronahan kasi ito nitong Linggo sa Solaire Resort and Casino sa Pasay City bilang pinakabagong Miss World Philippines.Si Megan, 23, ang kakatawan sa Pilipinas sa prestihiyosong Miss World na idaraos ngayong Setyembre 28 sa Jakarta, Indonesia. Bukod sa titulo, inuwi rin ng aktres at ngayo'y beauty queen ang ilang special awards tulad ng Best in Fashion Runway, Miss Sports Fila, Miss Olay, at Miss Bench Body.

ANG K-12 ACT


Ang K to 12 Act ay bunga ng ating patuloy na pagsisikap na itulak ang makabuluhan at positibong reporma hindi lang sa sistemang pang-edukasyon sa ating bansa, kundi maging sa lahat ng sektor ng ating lipunan.Ito'y tagumpay na sumasalamin sa ating nagkakaisang hangarin na mamuhunan sa pinakamahalaga nating yaman-ang mamamayang Pilipino. Marami pa rin sa atin ang naguguluhan sa bagong sistemang ito ng edukasyon kahit ngayon ay ipinatutupad na ng pamahalaan. Ano ba talaga ang K-12? Marami sa atin partikular na ng mga magulang ang nagtatanong pa rin kung kani-kanino dahil hindi nila alam kung paano ang bagong sistemang ito. Alamin natin ang mga basikong impormasyon kung paano ba talaga kikilos at gagana ang bagong kurikulum na ito.Ano ang K-12?Sa pagpapalit ng bagong presidente (at panibagong Dep Ed secretary), nagbabago-bago ang sistema ng ating edukasyon. Noong si Presidente Arroyo pa lamang, BEC o Basic Education Curriculum ang ating gamit gamit. Ngunit, nang nagsimulang umupo ang bago nating presidenteng Aquino, nagbalak ito na baguhin ang kurikulum sa ating bansa. Ito ay tinawag nyang K+12 o Kinder patungong dalawampung taong basikong edukasyon.Ano ang layunin ng K+12?Dahil sa ibat-iba ang naging presidente natin, iba-iba rin ang hangarin nila para sa ibat-ibang aspeto ng lipunan. Nagkataong pina-implementa ni P-Noy ang kurikulum na ito dahil ang pangunahin niyang layunin ay ang pagiging globalisado ng buong kapuluan. Dahil sa layuning ito, ipinatupad nya ang K+12.Ang K+12 ay naglalayong ihanda ang mga bata sa mundo ng pagtatrabaho. Ibig sabihin, hindi mo na kailangang magaral pa sa kolehiyo para maging propesyonal. Mukhang mganda nga! Marahil mapapaisip ng ganito ang ilang mga mambabasa. Pero, wait! Theres more!Paano ang sistema ng K+12?Kapag tinanong kita ng ganito: Ano ang K-6-4-2? malamang magkompyut ka pa gamit ang kalkyuleytor mo. Pero mali ka! Hindi ito math problem o kung ano man. Ganito ang sistema ng K+12. K na nangangahulugang Kinder. Hindi tulad ng mga elementary schools dati na tumatanggap ng bata kahit hindi naman nag-kinder, iba na ang sistema ngayon! Ang mga batang papasok ay kailangang may angking kaalaman na sa pagbabasa at pagsusulat. Ang mga kasong ito ay ipinatutupad na ngayon. Ang tawag sa mga paaralang kinder na ito ay Universal Kindergarten na naglalayong makatulong sa mga magulang sa pamamagitan ng pampublikong kindergarten. Dito, tinuturuan na silang magbasa at magsulat bilang preparasyon sa elementarya.Pangalawa ay ang 6 (sa K-6-4-2), katulad ng dati, anim na taon pa rin ang elementarya, ang kaibahan lang ay sa susunod na lebel na meroong apat na taon. Ito ay tinatawag na Junior Highschool ito ay mula sa Grades 7-10. Samatalang ang Grades 11-12 naman ay tinatawag na Senior Highschool.

BALITANG PANLOKAL - tumatalakay sa mahahlagang pangyayaring naganap lamang sa isang tiyak na bahagi ng bansa. BALITANG PAMBASA - tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayaring nagaganap sa buong bansa BALITANG PANDAIGDIG - tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayaring nagaganap sa iba't ibang bansa sa daigdig BAHAGI NG BALITA 1. Pang-edukasyon 2. Pampulitika 3. Pampalakasan 4. Pantahanan 5. Pangkabuhayan 6. Panlibangan 7. Pangkapaligiran

You might also like