You are on page 1of 2

Group 3 Balitaan and Script

Thomas:
Higit 2M kabataan edad 5-11, target mabakunahan vs COVID-19 sa
Calabarzon
Michael Delizo, ABS-CBN News
Posted at Feb 04 2022 01:25 PM

Nasa higit 2.1 milyong bata na edad 5 hanggang 11 ang target mabakunahan kontra
COVID-19 sa Calabarzon na magsisimula sa Pebrero 7, ayon sa Department of
Health.

Ayon kay DOH-Calabarzon Regional Director Ariel Valencia, isasagawa ang


initial rollout ng bakuna sa Pebrero 7 sa Batangas Medical Center sa Batangas City
at Southern Tagalog Regional Hospital sa Bacoor City, Cavite. Sa inisyal na
impormasyon, nakatakdang pangunahan ni Health Secretary Francisco Duque III
ang pagbabakuna sa Batangas, kung saan nasa 20 hanggang 30 bata ang
inaasahang tatanggap ng unang dose. Si Interior Secretary Eduardo Año naman
ang nakatakdang dumalo sa pagbabakuna sa Cavite na may 50 hanggang 100
batang babakunahan. Sa Pebrero 14 naman magsisimula ang pagbabakuna sa Imus
City at Dasmariñas City. Mahigpit namang ipinaalala ng Noveleta Health Office
na kailangan munang magparehistro para makatanggap ng schedule sa
pagbabakuna.
“Kami ay nakikiusap na hintayin ang inyong schedule bago pumunta sa ating
vaccination site,” ayon sa city health office. Iyan ay sa kabila ng naunang pahayag
ni Health Undersecretary Myrna Cabojate na hindi naman na nire-require ng DOH
ang pagpapa-rehistro dahil may sapat na suplay ng bakuna. Samantala, pumalo na
sa higit 9 milyon, o katumbas ng 77 porsyentong target, ang fully vaccinated sa
Calabarzon. Pinakamarami dito ang galing sa Cavite kung saan higit 3 milyon, o
84 porsyento ng target, ang nakatanggap ng kumpletong dose ng bakuna. Higit 1.3
milyon naman ang nakatanggap ng booster shot sa buong rehiyon.

Thomas: SUSUNOD
Lebron:

ALAMIN: Paunang guidelines sa pagpapalawig ng face-to-face classes


ABS-CBN
Feb. 3, 2022
Pinayagan na ng Department of Education (DepEd) na mas maraming paaralan
ang magdaos ng face-to-face classes, na aarangkada sa magkakaibang araw sa
mga rehiyon. Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, binigyan na niya ng
hudyat ang pagsisimula ng "expansion" ng face-to-face classes sa mga pampubliko
at pribadong paaralan basta susunod sa itinakdang panuntunan ng DepEd.
Inilabas ngayong Huwebes ng DepEd ang kopya ng department order na
naglalaman ng ilang paunang patakaran sa expansion ng face-to-face classes.
Ayon sa DepEd, ang paaralang magsasagawa ng face-to-face classes ay dapat
compliant sa standards ng School Safety Assessment Tool (SSAT). Mga paaralang
nasa Alert Level 1 at 2 lang din ang puwedeng magdaos ng face-to-face classes.
Inoobliga rin ang mga paaralang makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para sa
kanilang operasyon. Kailangan ding lumagda sa written consent ang mga
magulang ng mga batang lalahok sa face-toface classes. Pinapayagan na ring
lumahok sa face-to-face classes ang mga estudyante sa Grade 4 hanggang 6 at
junior high school, kasunod ng Kindergarten hanggang Grade 3 at senior high
school na pinayagan noong pilot phase

Thomas: At ayun lamang ang mga balita para sa ngayon araw.


Lebron: Salamat sa pakikinig.

You might also like