You are on page 1of 2

Nov 3 sabayan sa buong bansa!

Bakuna
rollout sa 12M bata umpisa na ayon sa
DOH
Sisimulan na ng Department of Health sa November 3 ang
vaccination rollout sa lahat ng kabataang nasa edad 12 hanggang
17 years old. Nabatid sa Philippine Statistics Authority na may
12.7 milyon kabataan nasa edad 12 hanggang 17 years old
ngayong 2021.

Sa pinakahuling datos ng DOH, hanggang nitong October 26 ay


nasa 18,666 menor de edad na may comorbidities, ang inisyal
na tumanggap na ng kanilang 1st dose ng bakuna sa NCR.

“Pfizer and Moderna vaccines will still be used among children


during the nationwide rollout. Further details and the guidelines
with regard to the nationwide expansion, of pediatric
vaccination will be released once finalized,” ayon kay Health
Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Samantala, patuloy namang hinihikayat ng DOH ang adult


population, partikular ang mga nasa priority groups A2 at A3, na
magpabakuna laban sa COVID-19.

Ayon pa sa DOH, hindi lamang sarili nila ang mapoprotektahan


laban sa COVID, kundi maging ang mga nakapalibot sa kanila,
kapag nagpabakuna. Nag-uulat CJ Leal po

You might also like