You are on page 1of 2

Ayon sa Departamento ng Kalusugan, naitala na may 5,010 na bagong kaso ng HIV o

human immunodeficiency virus sa Pilipinas mula Enero hanggang Oktubre sa taong 2014. Araw-
araw, 16 na Filipino ang nagpopositibo sa HIV at ang karamihan sa mga ito ay nasa edad na 30
pababa. Ang Pilipinas ay mayroong gintong medalya pagdating sa pagtaas ng mga kaso ng HIV at
maagang pagbubuntis. Isang gintong medalya na hindi dapat ipagmalaki. Noong 2017 naman, 172
na tao ang naitalang namatay mula Enero hanggang Hunyo. Hindi lamang HIV ang impeksyon na
maaaring makuha mula sa pakikipagtalik. Nariyan din ang gonorrhea, genital warts, herpes,
syphilis, at iba pa. Ayon sa World Health Organization, halos araw araw, isang milyong tao sa
buong mundo ay nagkakaroon ng impeksyon mula sa pakikipagtalik tulad ng chlamydia,
gonorrhea, syphilis, at trichomoniasis. Sa isang pag-aaral, 665 na pasyenteng may syphilis, 2,053
na pasyenteng may HPV, at 977 pasyenteng may herpes ang ginamot sa Pilipinas mula 2011
hanggang 2018.
Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, mahalaga ang paglalagay ng sexuality education
lessons sa mga pangunahin at sekondaryang paaralan upang maiwasan ang mga kaso ng maagang
pagbubuntis, paglaki ng populasypm, at mga karamdaman mula sa pakikipagtalik. Kamakailan
lang, ang sekretarya ng edukasyon ay gumawa ng utos upang gumawa ng isang polisiya tungkol
sa sexuality education na sakop ang lahat ng impormasyon na kailangan upang maayos na maituro
sa kabataan ang responsableng pamamaraan ng pakikipagtalik. Mahalaga na magkaroon tayo ng
kalidad na edukasyon lalo na ang sex education dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga taong
nabibiktima ng mga sexually transmitted diseases at maagang pagbubuntis. Kung magkakaroon
ng sistema na makapagbibigay ng magandang sex education sa kabataan, malaki ang posibilidad
na bumaba ang mga nakakaalaramang numero na nabanggit at patuloy na gumanda ang kalagayan
ng kabataan ng ating bansa.

Mga pinagkunan:
https://www.philstar.com/other-sections/education-and-home/2018/08/09/1840820/deped-
comprehensive-sex-education-develop-responsible-youth
https://www.pna.gov.ph/articles/1066447
https://news.abs-cbn.com/spotlight/07/16/19/pinoy-doctor-hopes-to-shed-light-on-other-stds-
amid-rising-hiv-cases
https://cnnphilippines.com/news/2017/06/26/DOH-More-millennials-diagnosed-with-HIV.html
https://www.rappler.com/move-ph/76724-hiv-teen-pregnancy-philippines-youth-crisis

You might also like