You are on page 1of 2

Nagsimula na ngayong araw ang initial rollout ng pagbabakuna sa mga bata edad lima

hanggang labingisa sa Hiyas ng Bulacan Convention Center.

Sinimulan muna ang initial rollout sa mga anak ng mga healthcare workers ng mga
pampublikong ospital ng bulacan, partikular na sa bulacan medical center…

Target muna na mabakunahan ang nasa dalawandaang mga bata bilang pasimula ng
covid-19 pediatric vaccination sa probinsya.

Ayon kay Bulacan Governor DanielFfernando, nagisyu ng executive order, hindi


magkakaroon ng face to face classes ang probinsya kung hindi pa bakunado ang mga
bata, kaya hinihikayat ang mga magulang at bata na mabakunahan…

Pero kung may medical conditions ang mga bata, nasa desisyon na ng mga doktor
kung isasama ang mga bata sa face to face classes.

Samantala, hindi naman agad makakapasok kung sakali kung hindi bakunado ang
bata…

Sabi naman ni Vaccine Czar Carlito Galvez, “as much as possible” ay mabakunahan
ang mga bata para maisagawa ang face to face to classes.

Dagdag pa niya, nasa dahil nasa 1.2 bilyong mga bata na ang nabakunahan ng
Pfizer…

Noong mga panahon na mababa pa ang suplay ng bakuna sa pilipinas, voluntary ang
pagbabakuna… pero ngayong mataas na ang suplay, hinihikayat talaga na
mabakunahan sa lalong madaling panahon ang mga bata…

Nagsimula ang online registration dalawang linggo bago ang initial rollout ngayong
araw…

Kailangang may pahintulot ng magulang at dala ang birth certificate ng bata at ID ng


magulang bilang patunay na anak nila ang babakunahan…

Bago mabakunahan, masinsinang iniscreen muna ang mga bata at magulang, mula sa
timbang, bp, para malaman ang kondisyon ng babakunahan…

Bagamat parehong brand din ng bakuna para sa edad labindalawa pataas, mas
mababang vaccine dose naman ang ibibigay sa mga ito…

Ayon pa sa Provincial Health Office, ligtas ang bakuna sa mga kabataang may
karamdaman o comorbidities…

Nasa apatnaraang libong populasyon ng mga bata edad lima ang labingisa ang
probinsya.
Sa kabuuan nga ay nasa dalawanglibong pfizer doses na ang naibigay ng department
of health sa probinsya ng bulacan na gagamitin sa mga bata…

Sa tala ng provincial epidemiology and surveillance unit, nasa 1,604 ang mga aktibong
kaso ngayon ng covid-19 sa bulacan…

Umabot naman na sa isandaan at walong daang libo ang kabuuang bilang ng kaso ng
covid-19 sa probinsya…

Samantala, hinihikayat din ng probinsya ng Bulacan ang lahat ng kanilang mga


kababayan na magpabakuna sa itinakdang national vaccination day bukas at sa
biyernes, para mabigyan ng booster shots ang karamihan…

You might also like