You are on page 1of 10

GARANTISADONG PAMBATA

Ang Garantisadong Pambata ay ang serbisyong pangkalusugan na tradisyunal na ibinibigay sa mga batang nasa
anim na taon pababa sa buwan ng Abril at Oktubre pero ngayon ay ibinibigay na sa anumang buwan kada taon at
kasama dito ang angkop na serbisyo at promosyon kahit pa sa mga nag-aaral pa lamang na mga bata.

Ang GP ay may mataas na pagmumungkahi sa pangkalusugang- promosyon sa gawi o pag-uugali na kung saan
ang mga magulang, tagapangalaga (caregivers), mga guro, liders at mismong mga bata ay magawa ito ayon sa kanilang
respetadong saklaw ng kanilang impluwensiya. Ang DOH ay may layuning gawin ang GP na kagaya sa pangkalusugang
asal at gawi. Kabilang sa mga pag-uugaling naitataguyod ay ang pagpapasuso, pagkumpleto sa imunisasyon, regular na
suplementasyon ng Vitamin A at deworming, paghuhugas ng kamay, pagsisipilyo, wastong paggamit ng banyo, ang
pag-iiwas ng paninigarilyo sa bahay.

Ang GP ay nagsimula noong 1999 para tutukan ang mababang coverage rates sa imunisasyon at micro-
nutrient na suplementasyon. Mula noon, ang GP ay naging pivotal na kampanya ng DOH at local government para
himukin ang mga tagapangalaga na tutukan kritikal na interbensyong pangkalusugan para sa mga bata.

Ang National Statistics Office sa surbey noong taong 2008 ay ibinalitang apat sa limang mga bata na dalaang
taon pababa ay nakatanggap ng lahat ng kinakailangang bakuna para protektahan sila sa mga sakit at impeksyon gaya
ng tigdas, tetanus, polio, hepatitis at tuberculosis. Aabot ng 80 porsyento ng mga bata na limang taon pababa ay
nakatanggap ng suplemento ng Vitamin A dalawang beses sa isang taon para magbunsod o magsulong sa resistensya
ng mga bata. Gayundin, aabot naman ng 100 porsiyento sa mga bata na may edad na 1-5 at sa mga may edad na 6-12
na naka-enroll sa pampublikong paaralan ng elementarya ay dapat na makatanggap ng deworming na tablet kada
anim na buwan para bawasan ang prevalence ng parasitismo ng mga grupo ng mga edad na ito.

NEWBORN SCREENING

NEWBORN SCREENING

Ang newborn screening (NBS) ay ang simpleng prosidyur para malaman kung ang bagong panganak ay may
congenital metabolic na kapansanan o karamdaman na maaaring pamunuan ng mental na retardasyon o kaya
kamatayan kung hindi maaagapan o malulunasan. Karaniwan, ang senyales at simtomas ng metabolic na kakulangan o
kapansanang ito ay lumilitaw kung ang epekto ng sakit ay hindi na maaaring pawalang-bisa.

ISKEDYUL AT PAMAMARAAN NG SCREENING

Ang newborn screening ay karaniwang isinasagawa sa ika-48 na oras o kaya naman ay may 24 na oras mua sa
panganganak. Ilang mga kapansanan o karamdaman ay hindi matutuklasan kung ang eksaminasyon ay isinagawa nang
mas maaga sa 24 na oras pagkatapos ng panganganak. Ang screening ay kinakailangang isagawa ulit sa sanggol
pagkatapos ng dalawang linggo para sa mas tamang resulta.

Ginagamitan ito ng heel prick na pamamaraan kung saan ang ilang patak ng dugo ay kinukuha mula sa heel o
taking ng sanggol at nakasikante (blotted) sa espesyal na absorbent filter card. Ang dugo ay tuyo sa loob ng apat na
oras at ipinapadala sa Newborn Screening Laboratory (NBS Lab). Ang bayad para sa NBS ay umaabot sa Php 750- Php
550. Ang DOH Adsvisory Committee sa Newborn Screening ay pinagtibay ang pinakamataas na pinahihintulutang
bayad na P50 para sa koleksyon ng mga halimbawa. Ang resulta ng Newborn Screening ay makukuha sa loob ng pitong
araw na may trabaho hanggang tatlong linggo pagkatapos matanggap at ma-eksamin ng NBS Lab ang mga
halimbawang ipinadala ng institusyon.

RESULTA
Ang negatibong screen ay nangangahulugan na ang resulta ng eksamin ay normal at ang sanggol ay hindi
nakararanas o nakararamdam ng anumang kapansanan o karamdaman mula sa mga sakit na kayang salain sa Newborn
Screening. Sa mga pagkakataong na positibo ang screen, ang koordineytor na nars ng NBS ay agad-agad na ipagbigay-
alam sa koordineytor ng institusyon kung saan nakolekta ang mga halimbawa para sa pagsasaalaala sa pasyente para
sa pagpapatibay o pagpapatunay sa eksaminasyon.

Ang NBS ay maaaring isagawa ng physician, nars, midwife o medical technologist sa mga institusyong may
partisipasyong pangkalusugan (ospital, lying-in, Rural Health Units at Health Centers). Kung ang sanggol ay
naipanganak sa bahay, ang sanggol ay maaaring dalhin sa pinakamalapit na institusyon na nag-aalok ng Newborn
Screening.

NEWBORN SCREENING PACKAGE

1. Congenital Hypothyroidism (CH)

a. ang resulta ng CH ay ang kakulangan o kawalan ng ng thyroid hormone, kung saan ay mahalaga sa
pagpapalaki ng utak at ng katawan.

b. kung ang kakulangan o karamdaman ay hindi natuklasan at ang paghalili ng hormone ay hindi
nasimulan sa loob ng apat na linggo, ang pisikal na paglaki ng sanggol ay nagiging puril (stunted), at maaaring siya’y
dumanas ng mental na retardasyon.

2. Congenital Adrenal Hyperplasia (CAH)

a. ang CAH ay ang karamdaman o kapansanan sa endocrine na nagiging dahilan ng malubhang


pagkawala ng asin (salt loss), pagkawala ng tubig o dehaydrasyon at hindi norma na mataas na lebel ng male sex
hormones sa kapwa babae at lalaki.

b. kung hindi natuklasan o naagapan nang maaga, ang sanggol ay maaaring mamatay sa loob ng 7-14
na araw.

3. Galactosemia (GAL)

a. ang GAL ay ang kondisyon kung saan ang katawan ay hindi maka-proseso ng galactose, ang asukal
na mayroon sa gatas.

b. ang akumulasyon nang labis na galactose sa katawan ay maaaring maging dahilan ng maraming
problema, kasama na ang pinsala sa atay, pinsala utak at cataract.

4. Phenylketonuria (PKU)

a. ang PKU ay ang metabolic na kapansanan kung saan ang katawan ay hindi nagagamit nang wasto
ang isa sa mga building block ng protina na tinatawag na phenylalanine.

b. ang labis na akumulasyon ng phenylalanine sa katawan ay nagiging dahilan ng pagkasira ng utak.

5. Glucose-6-Phosphate Dehydrogenase Deficiency (G6PD Def)

a. ang G6PD Dificiency ay ang kondisyon kung saan ang katawan ay kulang sa enzyme na tinatawag na
G6PD.
b. ang mga sanggol na may kakulangang ito ay maaaring may hemolytic anemia na nagreresulta mula
sa eksposyur sa tiyak na gamot, pagkain at kemikal.

c. ang mga sanggol na may positibong resulta ng NBS ay kailangang sumangguni minsan sa
pinakamalapit na ospital o specialist para sa confirmatory testing at karagdagang pamamahala.

INFANT ANG YOUNG CHILD FEEDING

CHILDHOOD MALNUTRITION

Ang malnutrisyon ay karaniwan sa mga bata. Ipinakikita ng 1998 FNRI na surbey na tatlo hanggang apat sa
sampung mga bata na may edad 0-10 ay kulang sa timbang at puril (stunted). Ang paglaganap ng mababang lebel ng
vitamin A serum at kakulangan sa vitamin A ay lalong nagpadagdag sa 1998 kung ikokompara sa 1996 na lebel na
ibinalita ng FNRI. Ang suplementasyon ng Vitamin A ay saklaw ang pag-abot ng higit pa sa 90 porsiyento. Gayunpaman,
ang pababang kalakaran ay maliwanag na nakita sa mga sumunod pang mga taon mula sa taas na 97% noong 1993 ay
naging 78% noong 1997.

Ang rate ng pagpapasuso ay 88% (NSO 2000 MCH Survey), na may porsiyentong mas mataas sa rural areas
(92%) kaysa sa urban areas (84%). Ang eksklusibong pagpapasuso ay tumaas mula 13.2% ay naging 20% sa mga batang
may edad 4-5 na buwan (NDHS).

ENHANCED CHILD GROWTH STRATEGY

Ang Enhanced Child Growth Strategy ay ang community-based na interbensyon na may layuning paunlarin ang
pangkalusugan at nutrisyunal na kalagayan ng mga bata sa pamamagitan ng pinabuting pagkainga at paghahanap ng
asal. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan matatag na pangkalusugan at nutrisyong posts sa buong bansa.

MOTHER ANG BABY-FRIENDLY HOSPITAL INITIATIVE

Ang pag-intindi o pag-unawa sa optimal maternal at pangkalusugang nutrisyon ng bata ay ang pinakaunang
inaalala ng Promotion of Breastfeeding Program. Kaya naman, ang eksklusibong pagpapasuso sa mga unang apat
hanggang anim na buwan pagkatapos ng panganganak ay hinihikayat gayundin ang pagpapatupad o pagpapagawa ng
legal na mandato. Ang Mother and Child Friendly Hospital Initiative (MBCFHI) ang pangunahing estratehiya para gawin
ang lahat ng ospital na may serbisyong maternity at newborn sa pasilidad na kung saan ganap ang proteksyon,
promosyon at suporta sa pagpapasuso at rooming-in practices (Jerome, 2006)

Para panatilihin ang pagkukusang ito, ang field health personel ay kailangang magbigay ng antenatal na tulong
at pagpapayo ukol sa pagpapasuso sa mga buntis at nagpapasuso gayundin ang mga grupong sumusuporta sa
pagpapasuso sa komunidad.

MGA GABAY

Sa mga responsibilidad ng physician sa ilalaim ng mga gabay ng MBFHI ay ang sumusunod:

1. payuhan ang mga buntis na kababaihan sa mga katangian ng pagpapasuso mula sa unang engkwentro, at
patibayin ito sa mga susunod pang dalaw o visits.

2. resetahan lamang ng mga non-human na gatas kung may sapat na medikal na rason o dahilan at may sapat
na impormasyon ukol sa likas na panganib at panganib sa non-human na gatas.
3. malakas na pagtataguyod sa adaptasyon ng mahahalagang pag-aalaga sa sanggol, rooming-in at ang
standard na pagpapasuso ay mandato ng batas.

Ang mga gabay ng MBFHI ay ipinagbabawal din ang mga physician sa sumusunod:

1. pagtanggap ng regalo o anumang materyal o pinansiyal na pang-akit mula sa tagagawa o maypagawaan ng


substitute o kapalit ng gatas ng ina at iba pang produkto na saklaw ng Milk Code;

2 pagtanggap ng mga halimbawa ng non-human na gatas o kaparehas sa produkto maliban na lamang kung
inaprobahan ng DOH, o magbigay ng mga halimbawa o regalo o anuman na galing sa mga kompanya ng gatas sa mga
buntis, ina at miyembro ng kanilang pamilya.

3. paglaladlad, pagtataguyod at pagpapamudmod ng non-human na gatas at iba pang substitute o kahalili ng


gatas ng ina sa kanilang opisina o klinika.

LEGAL BASIS

1. ang Milk Code of the Philippines (EO No. 51) at ang pagpapatupad ng patakaran at regulasyon nito (AO. No
2006-0012)

2. ang Rooming-in at Breastfeeding Act of 1992 (RA 7600) at ang pagpapatupad ng patakaran at regulasyon
nito.

3. ang National Policies on Young Child Feeding (AO. No. 2005-0014) at ang New Policies on Essential Newborn
Care (AO No. 2009-0025).

EXPANDED PROGRAM ON IMMUNIZATION

UNDER-IMMUNIATION

Isa sa dalawang pagkamatay ng ng bata sa umuunlad na bansa ay dahil sa limang nakahahawang sakit at
malnutrisyon (EIP/WHO, 1999).

 Malnutrisyon 54%
 Limang nakahahawang sakit
 Pneumonia 19%
 Diarrhea 15%
 Measles 8%
 Malaria 7%
 HIV/AIDS- 3%

GLOBAL BURDEN OF SELECTED DISEASES

BORNE BY CHILDREN UNDER 5 YEARS

Ang WHO Regional Office para sa Western Pacific/Child Health, Integrated Management of Childhood Illnesses
ay ipinakikita ang distribusyon ng mga piling sakit sa mga edad lima pababang mga bata:

1. Acute Respiratory Infections (ARI)- aabot ng 54 % ng pagkamatay ay nangyayari sa mga edad ng bata na 0-4
na may 46 na porsiyento ang nangyayari naman sa iba pang grupo ng edad o age bracket.
2 Diarrhea- 85% ng pagkamatay ay nangyayari sa mga edad ng bata na 0-4 habang 15% naman na pagkamatay
ay nangyayari sa iba pang grupo ng edad o age bracket.

3. Malaria- 79% ng pagkamatay ay nangyayari sa mga edad na 0-4 at 21% naman na pagkamatay ay nangyayari
sa iba pang grupo ng edad o age bracket.

4. Measles- 89% ng pagkamatay ay nangyayari sa mga edad na 0-4 at 21% naman na pagkamatay ay
nangyayari sa iba pang grupo ng edad o age bracket.

IMMUNIZABLE CHILDHOOD ILLNESS

1.Tuberculosis- itinuturing bilang pinakanakamamatay na sakit sa buong mundo; ang labis na talamak na
impeksiyon na sanhi ng tubercle bacilli; ika-anim na dahilan ng pagkakasakit at pagkakamatay sa Pilipinas (DOH, 2002)

a. Causative agents- M tuberculosis, M africanum

b. paraan ng transmisyon- airborne droplet

c. pinagmumulan o pinanggagalingan ng impeksiyon- pag-ubo, pagkanta, pagbahin

d. incubation period- 6-12 na buwan

e. period of communicability- hanggat ang tubercle bacilli ay nadiskarga sa sputum

2. Measles o Tigdas- isang talamak at malubhang komunikabol na impeksiyon; ang pagkamatay ay dahil sa mga
komplikasyon nito; kilala rin bilang rubeola

a. causative agents- paramyxoviridae morbilivirus measles virus

b. paraan ng transmisyon- pagkalat ng maliliit na patak (droplet), direktang kontak sa mula sa taong
may impeksyon, airborne sa ibang pagkakataon o instansiya.

c. pinagmumulan o pinanggagalingan ng impeksiyon- sekresyon mula sa ilong at lalamunan

d. incubation period- 10-12 na araw hanggang sa magkalagnat at 14 na araw hanggang sa paglitaw ng


mga rashes.

e. period of communicability- 9 na araw (4 na araw bago at 5 na araw pagkatapos ng paglitaw ng mga


rashes)

3. Chicken Pox-impeksiyon sa varicella

a. causative agents- varicella zoster o kaya ay human alpha herpes virus

b. paraan ng transmisyon- direkatang kontak, pagkalat ng maliliit na patak (droplet)

c. pinagmumulan o pinanggagalingan ng impeksiyon- sekresyon mula sa respiratory tract ng taong


may impeksiyon.

d. incubation period- 2-3 linggo, karaniwang 13-17 na araw

e. period of communicability- (1 araw pagkatapos at) 6 na araw pagkatapos ng paglitaw ng unang crop
ng vesicles.
4. Diphtheria- labis na febrile na impeksiyon sa lalamunan, tonsils, ilong, larynx, o isang sugat.

a. causative agents- Corynebacterium diphtheria

b. paraan ng transmisyon- kontak sa taong may impeksiyon, tagapagdala, soiled articles at


kontaminadong gatas

c. pinagmumulan o pinanggagalingan ng impeksiyon- pagdiskarga at sekresyon mula sa mucosal


surface ng ilong at nasopharynx, balat at iba pang lesions

d. incubation period- 2-5 na araw

e. period of communicability- dalawang linggo; bihira na sa apat na linggo

5. Mumps- epidemic parotitis; nakahahawang sakit na nangyayari sa anyo ng epidemya

a. causative agents- paramyxoviridae mumps virus

b. paraan ng transmisyon- direktang kontak sa taong may impeksiyon, kontaminadong articles, soiled
linens

c. pinagmumulan o pinanggagalingan ng impeksiyon- oral at nasal na sekresyon

d. incubation period- 12-26 na araw, kadalasan sa ika-18 na araw

e. period of communicability- hanggang sa ang parotid glands ay mamaga at manatiling infective


hanggang sa magkaroon ng kahit anong grandular na pamamaga.

6. Pertussis (whooping cough o mahalak/tuyong ubo)- isang labis na impeksiyon sa respiratory tract

a. causative agents- Bordetella pertussis, B parapertussis

b. paraan ng transmisyon- direktang pagkalat sa pamamagitan ng respiratory at salivary na kontak.

c. pinagmumulan o pinanggagalingan ng impeksiyon- pagdiskarga mula sa laryngeal at bronchial


mucus membranes.

d. incubation period- 7-10 na araw, hindi lalagpas sa sa 21 na araw

e. period of communicability- na araw pagkatapos ng eksposyur hanggang tatlong linggo pagkatapos


ng onset ng tipikal na paroxysms

7. Tetanus- kontaminasyon ng hindi pa gumagaling na stump ng umbilical cord

a. causative agents- clostridium tetani

b. paraan ng transmisyon- kontaminasyon ng hindi pa gumagaling na stump ng umbilical cord

c. pinagmumulan o pinanggagalingan ng impeksiyon- lupa, alikabok mula sa kalye, dumi ng tao at mga
hayop

d. incubation period- 3 araw hanggang isang buwan, na karaniwang 7-14 na araw

ISKEDYUL NG CHILDHOOD IMMUNIZATION


1. BCG- ang inisyal na dose ay ibinibigay pagkapanganak o anumang oras pagkatapos ng panganganak (0-1 na
edad)

a. ang inisyal na dose na 0.05 mL ID R/L deltoid bilang proteksyon sa posibilidad ng impeksiyon mula sa
ibang miyembro ng pamilya

b. ang booster dose naman sa pagsisimula ng pag-aaral (Unang Baitang) 0.1 mL ID R/L deltoid ay
ibinibigay sa lahat ng nag-aaral ng elementarya na hindi alintana ang presensiya o hindi ng peklat ng BCG

2. Measles- single dose na ibinibigay sa ika-9 hanggang 12 na buwan

a. 0.5 mL SQ sa panloob na aspeto ng itaas na braso, hita

b. 80% ng tigdas ay maaaring ay mapipigian o mahahadlangan

3. DPT- diphtheria, pertussis, tetanus

a. ang 3 doses ay ibinibigay sa ika-anim na linggo pagkatapos ng panganganak na mayroong kahit man
lamang apat na linggo na agwat sa pagitan ng mga doses

b. 0.5 mL IM sa deltoid, vastus lateralis, gluteus

c. ang maagang pagbibigay ng DPT ay binabawasan ang pagkakataon na magkaroon ng labis o


malubhang pertussis.

4. OPV- oral polio vaccine

a. ang 3 doses ay ibinibigay sa ika-anim na linggo pagkatapos ng panganganak na mayroong kahit man
lamang apat na linggo na agwat sa pagitan ng mga doses

b. 2-3 na patak sa bunganga

c. ang lawak ng proteksyon ay nadadagdagan kung mas maagang ibinibigay ang OPV

5. Hepatitis B- katulad o kaparehas sa iskedyul ng OPV at DPT

a. ang 3 doses ay ibinibigay sa ika-anim na linggo pagkatapos ng panganganak na mayroong kahit man
lamang apat na linggo na agwat sa pagitan ng mga doses

b. 0.5 mL IM sa deltoid, vastus lateralis, gluteus

c. ang maagang pagbibigay ng DPT ay binabawasan ang pagkakataon na magkaroon ng impeksyon at


maging tagapagdala nito.

MGA GABAY SA IMMUNIZATION

1. ang BCG na bakuna ay kaiangang ibigay sa lahat ng magsisimula sa pag-aaral na hindi alintana ang presensya
at hindi ng peklat ng BCG.

2. ang lagnat, mga lokal na sakit at rashes ay mga karaniwang epekto

3. ang Fully Immunized Child (FIC) ay kailangang nakatanggap ng ng isang dose ng BCG, 3 doses ng OPV, 3
doses ng DPT, 3 doses ng Hepa at isang dose ng AMV.
4. ang kontraindikasyon ay kasama ang:

a. Bigyan ng BCG na bakuna kung ang bata ay may clinical AIDS

b. bigyan ng DPT2 at DPT3 kung ang bata ay may combulsyon o pagkabigla sa loob ng tatlong araw ng
mga nakaraang dose liban lang kung ang pertussis component ng DPT na bakuna ay natanggal o nawala.

c. lahat ng seryosong kondisyon na nangangailangan ng pangangalaga ng ospital.

5. ang sumusunod ay ikinokonsiderang bilang kontraindikasyon:

a. ang katamtamang lagnat hanggang sa 38.9 degrees celcius, malnutrisyon, mild acute respiratory
infection (sipon/ubo), simpleng pagtatae at pagsusuka

i. huwag magbabad sa araw o magpa-araw

ii. huwag aplayan ng alcohol ang bahaging may impeksiyon

iii. ang epekto nito ay kasama ang local inflammatory reaction, superficial abscess, ulcer na
may pus kung minsan.

iv. kung walang epekto, ulitin ang BCG pagkatapos ng dalawang buwan.

v. Koch’s Phenomenon: nagsisimula pagkatapos ng 2-4 na araw gaya ng normal na reaksiyon;


walang espesyal na gamutan ang kinakailangan.

b. permanenteng pormasyon ng peklat: 2-12 na linggo pagkatapos

c. indolent ulceration: hindi maghihilom sa loob ng 12 na linggo- indikasyon ng presensya ng


pangalawang impeksiyon at maaaring gamutin ng local INH.

d. deep (subcutaneous) abscess- indikasyon ng maling teknik o pamaraan, ang SC dapat ay naging ID.
Ang gamutan ay kasama ang insisyon at paagusan (drainage) at local INH

COLD CHAIN CONSIDERATIONS

1. ang OPV at AMV ay mga pinakasensitibo sa init na may storage temperature na -15 degrees celcius
hanggang -25 degrees celcius

2. ang BCG, DPT, HBV, TT ay mga sensitibo sa init at nagyeyelo na may storage temperature na 2 degrees
celcius hanggang 8 degrees celcius; gumagamit ng cold packs tuwing ibinabyahe.

MAXIMUM STORAGE ANG TRANSPORT CONSIDERATION

1. RHO-PHO-DHO- 3 na buwan

2. RHU- isang buwan

3. ang maximum na transport period kung may cold packs- 5 na araw

DISCARDING UNUSED BIOLOGICALS


1. hindi bukas o hantad (exposed) na bakuna ay maaaring ilagay muli sa refrigerator o freezer dalawang beses
lamang; itapon o iwaksi sa ikatlong beses.

2. BCG: itapon pagkatapos ng apat na oras

3. HBV. DPT, OPV, AMV, TT: itapon pagkatapos ng walong oras

NURSING MANAGEMENT

Linisin ang balat ng bulak na binasa ng napakuluang tubig o sterile na tubig at huwag sa alcohol at hayaan ang
balat na matuyo bago turukan ng bakuna. Kung magkakaroon ng lagnat ang bata, ipaliwanag sa ina na ito ay normal at
hindi kailangan ng gamutan, payuhan lamang siya na bigyan ng patak ng antipyretic.

You might also like