You are on page 1of 1

Libreng Newborn screening,ibinigay sa mga sanggol sa Antipolo

Sumailalim ang mga sanggol sa libreng Newborn screening(NBS)Caravan ng Antipolo city Government
na isinagawa sa Barangay San Luis Health center.

Layunin ng nasabing caravan ang maagang pagtukoy kung mayroong congenital disorder ang mga
sanggol na may edad dalawa hanggang 14 araw.

"Napakahalaga po na malaman agad natin kung ang ating mga bagong silang na sanggol ay mayroong
ganitong kondisyon na kinakailangang gamutin upang maagapan", pahayag ni Mayor Jun Ynares.

Hangad din ng caravan na malaman ng mga magulang ang kahalagahan ng family


planning,complementary,breast feeding,Infant & Young Child Feeding at Integrated Management of
Children Illnesses.

Maliban sa Newborn screening caravan na idinadaos dalawang beses kada taon,libre rin sa mga health
center ang bakuna para sa sanggol gaya ng Bacillus Calmette-Guerin(BCG),Hepatitis B,Anti-
Tetanus,Measles at iba pa.

John Paul S. Penola

8-Antipolo

You might also like