You are on page 1of 5

Araling LEARNING ACTIVITY SHEET

Panlipunan 7 Quarter 4 Week 3


Kasanayang Pampagkatuto (MELC1): Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng
kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating
nila sa Silangan at Timog-Silangang Asya.

INAASAHAN
INAASAHANG LAYUNIN:
Naihambing ang mga karanasan sa Silangan at Timog-Silangang Asya sa ilalim ng
kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin.

.
PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ang Timog-Silangang Asya ay tinawag na___________, sapagkat ang maunlad na
pamayanan at imperyong umusbong dito ay karugtong ng dakilang kabihasnan ng India.
A. Greater India C. Little China
B. Greater China D. Little India
2. Tinagurian din ang Timog-Silangang Asya na _________, na tumutukoy sa pagiging
ekstensyon nito ng kabihasnang Tsino.
A. Greater India C. Little China
B. Greater China D. Little India
3. Sa panahon ng pamamahala ng mga __________ sa China tuluyang dumagsa ang mga
kanluranin sa China.
A. Macho C. Ming
B. Manchu D. Qing
4. Sa pagpasok ng ika-16 na siglo, dumating ang mga imperyalismong kanluranin sa Timog-
Silangang Asya. Pagkalipas ng 400 taon, nasakop ng mga dayuhang
kanluranin ang mga bansa sa naturang rehiyon maliban sa
A. Pilipinas C. Indonesia
B. Malaysia D. Thailand
5. Naganap ang imperyalismong kanluranin sa Silangang Asya sa panahon ng pamamahala
ng mga Manchu sa ilalim ng Dinastiyang _________.
A. Ming C. Yuan
B. Qin D. Song

1
ARALIN

Silangang Asya
Sa loob ng mahabang panahon ay mayroon nang ugnayan ang Silangang Asya sa mga
bansang kanluranin dahil sa mga sinaunang rutang pangkalakalan. Bunga nito, nabatid ng mga
kanluranin ang karangyaan ng mga bansa sa Silangang Asya. Bagama’t maraming naghangad na ito
ay masakop, hindi gaanong naapektuhan ang Silangang Asya ng unang yugto ng imperyalismong
kanluranin dahil na rin sa matatag na pamahalaan ng mga bansa ito.
Isa ang bansang Portugal sa mga kanluraning bansa na naghangad na magkaroon ng kolonya
sa Silangang Asya particular sa China. Nakuha ng Portugal ang mga daungan ng Macao sa China at
Formosa (Taiwan). Hindi nagtagal ay nilisan din ng Portugal ang mga nabanggit na himpilan.

Imperyalismo sa Silangang Asya


Naganap ang imperyalismomg kanluranin sa Silangang Asya sa panahon ng pamamahala ng
mga Manchu sa ilalim ng Dinastiyang Qin.
Ang Kawalan ng kakayahan ng mga pinunong Manchu na ipagtanggol ang imperyo laban sa
mga dayuhan ang nagpabago sa daloy ng kasaysayan ng China.

China sa Panahon ng Imperyalismo


Habang ang ibang bansa sa Asya ay naging kolonya ng mga kanluranin napanatili ng China
ang kanliang kalayaang political mula sa mga mananakop sa unang yugto ng kolonyalismo. Sa kabila
nito, hindi nakaligtas ang China sa pakikialam ng mga kanluranin sa aspektong pangkabuhayan dahil
sa matinding paghahangad ng Europe at Amerika, na mapalago ang kani-kanilang ekonomiya.
Sa panahon ng pamamahala ng mga Manchu sa China tuluyang dumagsa ang mga kanluranin
sa China. Ang layuning makipagkalakalan sa mga tsino ay nauwi sa pagkakaroon ng agresibong
hakbang upang maging makapangyarihan sa China. Napanatili man ng mga Manchu ang Kalayaan ng
imperyo, naging biktima ito ng imperyalismo ng mga kanluranin.

Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog-Silangang Asya

Katulad ng ibang rehiyon sa Asya, hindi nakaligtas ang Timog-Silangang Asya mula sa hagupit ng
kolonyalismo at imperyalismong kanluranin.
Sa pagpasok ng ika-16 na siglo, dumating ang mga imperyalismomg kanluranin sa Timog-
silangang Asya. Pagkalipas ng 400 taon, nasakop ng mga dayuhang kanluranin ang mga bansa sa
naturang rehiyon maliban sa Thailand.
Ang Timog-silangang Asya ay kilala sa ilang mga katawagan na may kaugnayan sa pisikla at
kultural na katangian nito. Tinawag itong “Greater India” sapagkat ang mauunlad na pamayanan at
imperyong umusbong dito ay karugtong ng dakilang kabihasnan ng India. Tinagurian din itong
“Little China” na tumutukoy sa pagiging ekstensyon nito ng kabihasnang Tsino.
Katulad ng ibang rehiyon sa Asya, hindi rin nakaligtas ang Timog-silangang Asya sa
pagkontrol at pananakop ng mga dayuhang kanluranin noong panahon ng kolonyalismo at
imperyalismo sa Asya. Sa katunayan, maituturing na naging malawak, matagalan at malalim ang
epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Timog-silangang Asya.

Bakit sinakop ng mga Kanluranin ang rehiyong ito?


Sagana ang Timog-silangang Asya sa likas na yaman. Ito ang naging mitsa sa paglaganap ng
kolonyalismong kanluranin sa rehiyon. Sa katunayan, sa unang yugto ng kolonyalismo sa Asya,
kalakalan ang sinasabing nakaakit sa mga kanluranin na magtungo sa timog-silangang Asya. Isa sa
mga lugar na ito ay ang Spice Islands.
Matatagpuan ang Spice Islands( kasalukuyang Moluccas) sa silangang Indonesia sa pagitan
ng Sulawesi at New Guinea. Dahil sa mga pampalasang makukuha sa lugar, maramimg Europeo ang

2
naghangad na makontrol ang moluccas. Nagtungo rito ang mga Portuguese, Dutch, British at iba
pang kanluranin.
Maliban sa aspektong pangkalakalan, naging salik din ang relihiyon upang magtungo ang
mga kanluranin sa timog-silangang Asya. Halimbawa nito ang pagtalaga ng Spain ng mga
misyonerong Espanyol upang ipalaganap ang Kristiyanismo sa rehiyon.
Kung ang Silangang Asya ay hindi gaanong naapektuhan, iba naman ang naging kapalaran ng
mga bansa sa Timog-silangang Asya noong unang yugto ng imperyalismong kanluranin. Karamihan
ng mga daungan sa rehiyong ito ay napasakamay ng mga kanluranin. Ang mataas na paghahangad na
makontrol ang kalakalan ng mga pampalasa at pagkuha ng ginto ang siyang nagtulak sa kanila na
sakupin ang Timog-Silangang Asya. Nauna ang mga bansang Portugal at Spain sa pananakop ng mga
lupain. Nang lumaya ang Netherlands mula sa pananakop ng Spain, nagtayo rin ito ng mga kolonya
sa Timog-silangang Asya. Hindi nagtagal sumunod din ang mga bansa ng England at France.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1: Pagbuo ng Wastong Pahayag


Panuto: Kompletuhin ang pangungusap upang makabuo ng wastong impormasyon.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang Thailand ay ______________________________________.


a. Nag-iisang bansa sa Timog-silangang Asya na hindi naging kolonya ng mga kanluranin.
b. Isang makapangyarihang bansang maihahalintulad sa mga bansang kanluranin.
c. Naging protektorado ng Great Britain at France.
2. Binansagang “Little China”ang timog-Silangang Asya___________.
a. Dahil mas malapit ang rehiyon sa China kaysa sa India.
b. Sapagkat ekstensiyon ito ng kabihasnang Tsino.
c. Katulad ng China na pinaghatian ng mga mananakop na kanluranin.
3. Naging mitsa sa paglaganap ng kolonyalismong kanluranin sa Timogsilangang Asya
__________________.
a. Maraming ruta ng daungan.
b. Walang matatag na relihiyon angTimog-silangang Asya.
c. Sagana ang rehiyon sa likas na yaman.
4. Naganap ang imperyalismong kanluranin sa Silangang Asya sa panahon ng
_____________________.
a. Pananakop ng mga kanluranin
b. Pamamahala ng mga Manchu sa ilalim ng Dinastiyang Qin.
c. Pamamahala ng mga emperador
5. Hindi gaanong naapektuhan ang Silangang Asya sa unang yugto ng imperyalismong
kanluranin dahil na rin sa______________________
a. Matatag na pamahalaan ng mga bansa ditto.
b. Kakampi sila ng mga bansang kanluranin
c. Malakas ang sandatahang lakas
6. Ano ang mahihinuha mo sa kalagayan ng pamumuhay ng mga Asyano sa ilalim ng mga
mananakop?
a. Ang pagsasaka ay kinontrol ng mga mananakop.
b. Mas napalago ng mga mananakop ang sektor ng agrikultura.
c. May Kalayaan ang mga bansang Asyano na pamunuan ang sariling bansa.
d. Ang mga Asyano ay lubos na binabantayan sa kanilang pagtatrabaho.

3
7. Naging mitsa sa paglaganap ng kolonyalismong kanluranin sa Timogsilangang Asya
__________________.
a. Maraming ruta ng daungan.
b. Walang matatag na relihiyon angTimog-silangang Asya.
c. Sagana ang rehiyon sa likas na yaman.
d. Mahina ang mga bansa dito.
8. Ang layuning makipagkalakalan sa mga tsino na mga Kanluranin ay nauwi sa:
a. pagkakaroon ng agresibong hakbang upang maging makapangyarihan sa
China.
b. Naging matalik na magkaibigan ang China at mga mananakop.
c. Naging makapangyarihan ang China
d. Naging sentro ang China ng kalakalan.
9. Maliban sa aspektong pangkalakalan, naging salik din ang relihiyon upang magtungo ang
mga kanluranin sa timog-silangang Asya. Alin sa mga pahayag ang nagpapatunay sa
pahayag na ito?
a. Ang pagtalaga ng Spain ng mga misyonerong Espanyol upang ipalaganap
ang Kristiyanismo sa rehiyon.
b. Nagtalaga ng mga banyagang kinatawan upang pamunuan ang
pakikipagkalakalan.
c. Nagpalabas ng mga kautusan upang mapasunod ang mga katutubong
Asyano.
d. Nagtatag ng mga ruta ng kalakalan.
10.Ang Kawalan ng kakayahan ng mga pinunong Manchu na ipagtanggol ang imperyo laban
sa mga dayuhan ang nagpabago sa:
a. Daloy ng kasaysayan ng China.
b. Daloy ng Kalakalan ng China.
c. Kalagayang political ng China
d. Kalagayang pangkabuhayan ng China.

Prepared by: Checked & Verified by:

GINA C. AVILA BEATRIZ G. DEGORIO


Master Teacher - I MT-II/Curriculum Implementation Head

Recommending Approval by: Approved by:

REMEDIOS D. TALUA BENITO P. AVORQUE


Head Teacher-I/ Language Dept. Head Principal - II

4
Paunang Pagsubok Balik-aral Pagsasanay 1 Panapos na Pagsusulit

1. A 1 1 .A 1 . A
2. B 2 2 .B 2 . C
3. B 3 3 .C 3 . A
4. D 4 4 .B 4 . A
5. B 5 5 .A 5 . A

You might also like