You are on page 1of 9

DAILY LESSON LOG Paaralan STO NINO Baitang/ Antas 7

(Pang-araw-araw na INTEGRATED SCHOOL


Tala sa Pagtuturo) Guro JANE D. ALCAZAREN Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Petsa/Oras MAY 24, 2023 Markahan Ikaapat
2:00-3:00 PM
IKALAWANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mabuting pagpapasya.

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
(Personal Mission Statement) batay sa mga hakbang sa mabuting pagpapasya.

C. Mga kasanayan sa Nasusuri ang ginawang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay kung ito ay may
Pagkatuto. Isulat ang code ng pagsasaalang-alang sa tama at matuwid na pagpapasya
bawat kasanayan a. Nakapagbibigay ng kahulugan sa mabuting pagpapasya
b. Nasusuri ang pasya ukol sa maikling kwento.EsP7-PB-IVc-14.2
II. Nilalaman Modyul 14: Ang Kahalagahan ng Pagpapasya sa Uri ng Buhay
A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG p. 68-84


Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang Modyul sa Edukasyon sa Pgpapakatao 7 LM p. 97-121


Pang-Mag-aaral

3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/883


mula sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturo Panturong Biswal: Manila paper, Pentel pen
III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin Balikan ang nakaraang aralin at sagutin ang tanong:
at pagsisimula ng bagong Ano ang kailangan mong gawin upang makabuo ng mabuting pagpapasya?
aralin. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

B. Paghahabi sa layunin ng aralin A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
at pagganyak Nasusuri ang ginawang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay kung ito ay may
pagsasaalang-alang sa tama at matuwid na pagpapasya
a. Nakapagbibigay ng kahulugan sa mabuting pagpapasya
b. Nasusuri ang pasya ukol sa maikling kuwento

B. Mula sa sitwasyon sa ibaba, magbigay ng dalawang alternatibong maaaring gawin at ang


resulta nito.Isulat ang kasagutan sa tsart. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Constructivist
Approach)

Sitwasyon Alternatibo Resulta


1. Hinikayat ka ng
kaklase mo na mag-
cutting class.
2. Sobra ang
naibigay na sukli ng
tindera sa binili mong
gamot.

C. Pag-uugnay ng mga Pumili ng mga mag-aaral at ipasadula ang kuwento tungkol kay Mark. (gawin sa loob ng 10
halimbawa sa bagong aralin minuto) (Collaborative/Constructivist Approach)

Hindi makalimutan ni Mark ang tinig ng ina nito sa telepono. “Bakit anak, bakit? Lahat
ng pagsisikap na ginagawa ko ay para sa iyo. Anong nangyari? Akala ko maayos ang lahat.
Akala ko darating ako sa Marso para mapanood ang pagmamartsa mo sa araw ng pagtatapos
mo sa haiskul…kami ng tatay mo…” Hindi na nito natapos pa ang sasabihin. Alam ni Mark na
umiiyak ito sa kabilang linya. Hindi na rin niya nakayanang marinig pa ang ibang sasabihin ng
ina kaya’t ibinaba na nito ang telepono.
Maayos nga ba ang lahat? Noon, noong narito pa sina Nanay at malakas pa si Tatay.
Noon wala siyang pakialam anuman ang sabihin ng ibang mga kamag-aral. Madalas man
siyang tuksuhin ng mga ito. Pagtawanan, hindi nya ito kailangang pansinin. Nagsisikap siya sa
pag-aaral para sa kanyang pamilya. Siya ang panganay kaya kailangan niyang makatapos
para makatulong sa Nanay at Tatay. Mahirap lang ang buhay nila. Madalas pumapasok
siyang wala ni singko sa bulsa. Pinagtatawanan nila ang sapatos niyang may butas sa
talampakan gayon din ang uniporme niyang puno na ng sulsi at medyo maiksi na para sa
kanya. Hindi sila makabili ng bago pero wala sa kanya iyon. Ang mahalaga’y nakakapag-aral
siya. Iyon ang laging sinasabi sa kanya ng kanyang nanay.
Ngunit nang magkasakit ang kanyang ama kinailangan ng kanyang ina ang magpunta
sa ibang bansa para maghanapbuhay. Katulong sa Hongkong ang nanay niya. Mabait daw
ang naging amo nito. Ilang taon na rin ang lumipas. Iba na ang lahat. May bagong telebisyon,
radyo, computer. Bago palagi ang uniporme ni Mark. Marami siyang pera sa bulsa. May bank
account pa nga siya. Sa kanya ipinangalan ng nanay niya ang bank account para sa
remittance nito. “Responsableng bata si Mark. Kaya niyang pamahalaan ang mga
pangangailangan ng ama at ng kapatid.” Sabi ng nanay niya sa tiyahin niya. Noon siguro yon.
“Mapilit kasi ang barkada ko tatay eh. Pwede ba akong maghanda sa birthday ko. At saka
pwede ba akong bumili ng beer? Konti lang naman, konting kasayahan lang.” Ayaw sana ni
Tatay, kaya lang sabi ni Nanay, hayaan na, minsan lang naman. Tutal malapit ng
magdisisiyete si Mark. Ang hindi alam ng nanay nya, madalas ang inuman ng barkada.
Nakakahiya kasi. Alam naman nilang may pera si Mark. Wala raw siyang pakikisama, yan ang
lagi nilang sinasabi kapag tumatanggi si Mark. Natatakot si Mark na mawala ang barkada.
Dati-rati kasi iniiwasan siya ng mga ito. Ngayon sikat na rin siya mula nang tanggapin siya ng
barkadahan. Maraming mga kaklaseng babae nila ay humahanga kay Mark. Masarap pala
ang pakiramdam ng napapansin ka at hinahangaan. Masarap ang maraming kaibigan.
Masaya ang kilala ka nang halos lahat ng mga mag-aaral sa paaralan.
Masyado kasing napadalas ang gimik ng barkada. Ayon bagsak tuloy si Mark sa tatlong
subject. Hindi siya gragraduate. “Okey lang yan pare, kami rin naman hindi mamartsa eh”
sabi ni Bok, ang lider ng kanilang grupo. “Ayaw mo nun matagal pa tayong magkakasama.
Tuloy ang ligaya.”
Dapat nga bang ikasiya iyon. Wari’y kinukurot ang kanyang puso tuwing maaalala ang
tinig ng ina. Minamasdan niya ang sarili sa salamin. Siya nga ba talaga ang repleksyon sa
salamin. Hindi pa huli ang lahat, wika niya sa sarili.

Sagutin ang sumusunod na katanungan:


1. Ano-ano ang mga mahahalagang pagpapasyang ginawa ng ina ni Mark kaugnay ng
kanilang pamilya? Tama ba ang kanyang naging mga pasya? Ipaliwanag.
2. Ano-anong mga pagpapasya ang ginawa ni Mark para sa kanyang sarili? Mabuti ba
ang kinahinatnan ng kanyang mga naging pagpapasya? Pangatuwiranan.
3. Ano ang ibinunga ng mga maling pagpapasya ng ina ni Mark? Pangatuwiranan.
4. Ano ang ibinunga ng mga naging pagpapasya ni Mark? Pangatuwiranan.

D. Pagtalakay ng bagong Pumili ng kapareha, sagutan ang tsart at ibahagi sa isa’t isa ang kasagutan. (gawin sa loob
konsepto at paglalahad ng ng 10 minuto) (Collaborative Approach)
bagong kasanayan #1

Mga Mga Naging Mga Maaaring Dahilan ng


Mahahalagang Pasya ni Kinahinatnan naging Pasya Pangyayari
sa Mark ng Pasya ni Pasya mo
Buhay ni Mark Mark

Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Mark, ano ang iyong magiging pasya?

E. Pagtalakay ng bagong Pumili ng 3 pares ng mag-aaral upang malikhaing magpamalas tungkol sa sinagutang tsart.
konsepto at paglalahad ng (gawin sa loob ng 8 minuto) (Reflective Approach)
bagong kasanayan #2
Rubric sa 3 2 1
Pagtataya ng Pinakatama Bahagyang Tama Mali
ginawang
pagsusuri:
Dimensyon
Posisyong pinili Natukoy nang Natutukoy ang posisyon Hindi malinaw
malinaw ang sa moral na dilemma ang posisyon sa
kalalabasan ng subalit may ilang moral dilema
posisyong pinili kalalabasan ng
posisyon ang hindi
malinaw
Batayan ng mga Ibinatay sa Likas naIbinatay sa kultura, Ibinatay sa
pahayag Batas at Moral kinagisnang paniniwala nararamdaman o
(Natural Moral Law) o instinct emosyon
Ibinatay ang Ibinatay ang Hindi ibinatay ang
posisyong pinili sa posisyong pinili sa posisyong pinili sa
tatlong palatandaan tatlong palatandaan ng tatlong palatandaan
moral
ng moral na kilos na kilos subalit ng moral na kilos
hindi naipahayag
nang maayos
Kaugnayan ng Ang mga pahayag ay May ilang pahayag na Ang mga pahayag ay
mga pahayag sa nagpapamalas ng walang kaugnayan sa nagpapamalas ng di
dilemma lubos na pagkaunawa dilemma pagkaunawa sa
sa dilemma dilemma
Paninindigan sa Matatag ang May kaunting Hindi napanindigan
posisyong pinili paninindigan agamagam sa ang posisyong pinili
sa posisyong posisyong
pinili pinili

F. Paglinang sa Kabihasahan Sagutin ang sumusunod na katanungan: (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
(Tungo sa Formative Approach)
Assessment) 1. Ano ang kahalagahan ng mabuting pagpapasya?
2. May masama o mabuti bang kahihinatnan ang pagpapasya? Pangatuwiranan.
3. Ano-ano ang magiging bunga ng maling pagpapasya?
G. Paglalapat sa aralin sa Bumuo ng islogan na may 10-15 salita tungkol sa pagpapasya. (gawin sa loob ng 7 minuto)
pangaraw-araw na buhay (Constructivist Approach)

Kraytirya:
a. Nilalaman – 50%
b. Kaangkupan – 30%
c. Pagkamalikhain – 20%

H. Paglalahat sa aralin Ang mabuting pagpapasya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng
isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay. Mahalaga ang prosesong ito sa ating
pagpili. Ang pagpili ay nangangailangan ng pagkakaroon ng pagtatangi o diskriminasyon. Kung
mahusay ang pagpapasya, mas malinaw ang mga pipiliing gagawin.

I. Pagtataya ng Aralin Gumawa ng isang poster tungkol sa mabuting pagpapasya. (gawin sa loob ng 10 minuto)
(Constructivist Approach)

J. Karagdagang gawain para sa Magsaliksik: (Maaaring sa internet o silid-aklatan ng inyong paaralan)


takdang-aralin at remediation 1. Ano ang ibig sabihin ng Personal Mission Statement o Pahayag ng Layunin sa Buhay?
2. Basahin ang Talambuhay ni Pacita Juan sa LM p. 310-311
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80%


sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan
ng iba pang gawain para sa remediation.

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng


mag-aaral na nakaunawa sa aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang
nakatulong nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasang
solusyunan sa tulong ng aking punungguro
at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Prepared by: Noted:

JANE D. ALCAZAREN MELCHOR A. ABSUELO, JR.


Teacher School Principal I

You might also like