You are on page 1of 14

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV- A CALABARZON
Pangsekundaryang Paaralan Sangay ng Lungsod ng Lipa
B. Morada St. Brgy 1 Lungsod ng Lipa

Edukasyon sa pagpapakatao 7

I. Mga Layunin
A.Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Standards)
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayang sa Pagganap
(Content Standards) (Performance Standards)
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- Naisasagawa ng mag-aaral ang
unawa sa kaugnayan ng konsiyensiya paglalapat ng wastong paraan upang
sa likas na Batas Moral. itama ang mga maling pasiya o kilos
bilang kabataan batay sa tamang
konsiyensiya.

B. Mga Kasanayan sa Pampagkatuto (Learning Competencies)


Nakikilala na natatangi sa tao ang likas na Batas Moral dahil
EsP7PS-IIc-6.1 ang pagtungo sa kabutihan ay may kamalayan at kalayaan.
Ang unang prinsipyo nito ay likas sa tao na dapat gawin ang
mga mabuti at iwasan ang masama.

EsP7PS-IIc-6.2 Nailalapat ang mga wastong paraan upang baguhin ang mga
pasya at kilos na taliwas sa unang prinsipyong likas na Batas
Moral
Nahihinuha na nalalaman agad ng tao ang mabuti at masama
EsP7PS-IId-6.3 sa kongkretong sitwasyon batay sa sinasabi ng konsiyensiya.
Ito ang likas na Batas Moral na itinanim ng Diyos sa isip at
puso ng tao.
Nakabubuo ng tamang pangangatwiran batay sa Likas na
EsP7PS-IId-6.4 Batas Moral upang magkaroon ng angkop na pagpapasiya at
kilos araw-araw.

C. Mga Layuning Pampagkatuto (Learning Objectives)

Pangkabatiran Naibibigay ang kahulugan ng Likas na Batas Moral.


Pandamdamin Nahihinuha ang kahalagahan ng Likas na Batas Moral ng tao
sa pang araw-araw na pagpapasiya.

Saykomotor Naipapakita ang pagsunod ng tao sa Likas na Batas Moral sa


ibat-ibang sitwasiyon.
II. Nilalaman
A. Paksa Batas Moral Batayan ng Tamang isip at mabuting gawa.

B.Kagamitan LED TV, laptop, activity cards, video clips, power point
presentation, activity cards, usb flashdrive, chips, gunting, tape

C. Mga sanggunian

1. Mga pahina
sa gabay ng pp.66-69
guro
2. Mga pahina
sa kagamitang Edukasyon sa pagpapakatao baitang 7, pp. 123-129
Pang mag-aaral
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Mga Panimulang Gawain
1. Pagbati

Magandang umaga sa inyong lahat! Magandang umaga rin po! Mabuhay!


2.Pagsisiyasat ng kalinisan at
kaayusan ng silid aralan.

Bago kayo magsiupo ay gawing muna


natin ang SMILE check! Ipakita sa mga
bata gamit ang ginawang power point
presentation.

T- tapikin ang katabi at sabihing


kamusta ka.
A- ayusin ang linya ng inyong mga
upuan.
M- maayos na pulutin ang anumang
basura.
A- aktibong makiisa sa mga gawin sa
diskusyon.
(Isasagawa ang mga nakasaad sa
“SMILE CHECK”)

Maari na kayong magsiupo


Maraming salamat po!
3. Pagtatala ng mga liban at
pumasok

Kalihim ng klase maari bang isulat mo


ang pangalan ng mga liban ngayong
aras sa isang maliit na papel?
Opo sir!

Maraming salamat!

4. Pagbabalik Aral
Lapit
Naaalala nyo pa ba ang paksa na huli
nating tinalakay?
Opo!
Ang dalawang dimension ng tao ito ay
ang esperitual na dimension at ang
material na dimensyon ng tao.

Mahusay! Ngaun may inihanda akung


gawain at tinawag ko itong Buuin mo
ako. May pangungusap na may blanko
kailangan nyo lang ilagay ang tamang
salita na tinutukoy o hinihingi sa
pangungusap.Pumili sa mga salitang
nakahanay sa ibaba ng pangungusap
Handa na ba kayo (Ipakita ang gawain
gamit ang power point presentation).

Opo sir!

Ang tao ay may _______dimensyon ito


ay ang _______na dimensyon at
________na dimensyon.Ang
___at_______ ang kambal na
kapangyarihang nagpapabukod-tangi
sa tao sa lahat ng nilalang.

Isip materyal
Espiritwal dalawang
Kilos-loob

Ang tao ay may dalawang dimensyon ito


ay ang espiritwal na dimensyon at
material na dimensyon.Ang isip at kilos-
loob ang kambal na kapangyarihang
nagpapabukod-tangi sa tao sa lahat ng
nilalang.

Magaling!

B. Yugto ng Pagkatuto
1. Aktibiti

Dadako na tayo sa panibago nating


aralin.

May inihanda akung maikling video


para sa inyo. Pero bago ang tandaan
habang nanood ng video.
Wag maingay
Wag patayp-tayo
Makinig

Tama! (Ipapakita ang inihandang video


gamit ang laptop na tatagal ng 3
minuto)
(3minuto panood)

Ano ang naramdaman nyo matapos


ninyong mapanood ang video? Medyo na lungkot po ako sa naging
desisyon ng bida sa video upang maging
sagot sa problema nila.

Nakarelate po ako sa sitwasyon na


meron ang bida sa video sa kanyang
pamilya. Naranasan kop o ang ilang
eksena nangyayare sa bahay.

Naranasan ko rin po sir na may naririnig


ako sa isip ko na may bumubulong kaya
po ako naguguluhan sa pagpapasya.

Nais kung marinig sa inyo ang gusto


ipahiwatig ng video at tungkol ito
knino? Ang video po ay tungkol kay Mines at sa
kanyang ina na may sakit.

Tungkol po sa isang bata na nagsisi sa


huli kasi nagging mali po ang desisyon
na ginawa nya sa paghanap ng solusyon
sa problema nilang mag ina

Dahil sa kulang ang gumagabay kay


Mines nagkamali sya ng pagpili ng
pasya.

Ano ang nagging suliranin na


kinakaharap ni Mines?

Nangangailangan po sila ng malaking


halaga para sa operasyon ng kanyang
ina.

Naguguluhan po sya sa kung ano ang


sulosyon sa problema nila mag ina.

Ang kabayaran sa ginawa niya po na


sulosyon sa pambayad sa operasyon ng
kanyang ina.

Ano ang nagging solusyon ni Mines sa


problema nilang mag-ina?

Nakinig po sya solsol ng kanyang mga


kaklase na magbenta ng ipinagbabawal
na gamot.

Mas pinili po ni Mines ang boses na


masamang sinasabi sa kanyang gawin.

Sa inyong palagay tama o mali ba ang


pinili ni Mines na solusyon sa
problema? Bakit?

Mali po kasi masama po ang magbenta


ng droga may iba pang paraan at
mabuting sulosyon ang pwedeng gawin.

Mali po dahil sa ginawa nya maari syang


makulong at makasira ng ibang buhay
ng dahil sa droga.

Mali po dapat mas nakinig sya sa


mabuting boses na bumubolong sa
kanyang isip upang naiwasan ang mas
Sa bandang huli ano ang ginawa ni malaking problema na kakaharapin nya.
mines upang maitama ang
pagkakamali?

Sinunood po ni Mines ang payo ng


kanyang ina na sumuko sa upang
maiwasan ang masamang pwede
mangyari sa kanya.

Mas pinili po ni Mines ang bulong ng


mabuting boses sa kanyang isipan para
mapabuti ang kanyang kalagayan.

Sa nangyare po ay tumibay ang


paniniwala nya sa tamang pagpili ng
mga bagay na dapat gawin at wag
padalos-dalos sa pag papasya.
Naranasan nyo na ba ang pagkakataon
na may naririnig kayong boses na
bumubulong sa ating isip?

Ano kaya ang tawag sa bumubulong Opo sir!


na boses na naririnig ng tao sa tuwing
may pagpapasya siyang ginagawa?

Mahusay! Ano ba ang konsiyensiya? Konsiyensiya po!


Maari ba kayong magbigay ng mga
salita na kaugnay ng konsiyensiya?

Pagpapasya
Tama o mali
Boses na nabulong sa isip
Paghusga
Ayon sa Batas moral
Mahusay! Bukod sa inyong nabangit
ang konsiyensiya ay nagmula sa sa
salitang Latin na “conscientia” na
nangangahulugan ng paglilitis sa sarili.
Ang konsiyensiya ay isa sa mga kilos
sa isip na nag-uutos o naghuhusga sa
mabuting dapat gawin o sa masamang
dapat iwasan.
2. Pagsusuri

Alamin naman natin ang dalawang uri


ng konsiyensya.

Kunin nyo ang inyong lecture


notebook. Nariro ang isang sitwasyon
kung saan pag –iisipan ninyong mabuti
kung ano ang inyong gagawin.

Naunawaan ba?
(Ipapakita ang sitwasyon gamit sa Opo sir!
power point presentation)

Naiwan kang mag-isa sa inyong silid


aralan. May nakita kang pitaka sa
lamesa. Nangtingnan mo naglalaman
ito ng dalawang libong piso naroon din
ang id ng may-ari na is among kaklase.
May sakit ang tatay mo at kinapos
kayo sa perang pambili ng kanyang
gamot.

May ibibigay ako na apat na maari


ninyong gawin sa sitwasyon. Suriin
kung tama o mali. (ipapakita gamit ang
power point). May talong minuto kayo
para sumagot.

1. Hahayaan ko lang ito sa mesa total ______Tama ______Mali


hindi naman ito sa akin.

2. Ibigay koi to sa kaklase ko na may ______Tama ______Mali


nagmamay-ari nito.

3. Kukunin ko to para may ipambili ______Tama ______Mali


kami ng gamut para sa tatay ko.

______Tama ______Mali
4. Ituturo ko ito sa kasama ko para siya
ang sabihin kung kumuha.

Ngayon ay pagtalakayan natin ang


inyong kasagutan.
Sa unang pagpipilian, ano ang inyong
nagging tugon? Mali po ang sagot kasi baka lalo pong
mawala ang pitaka at iba ang makakita
ibabalik ko po sa may-ari.

Tama po ang aking sagot dahil ang turo


sa akin wag makialam ng bagay na hindi
akin.

Magaling!
Ano naman ang nagging tugon ninyo
sa ikalawang pagpipilian? Tama po ang sagot ko na ibabalik ang
pitaka dahil hindi naman ito akin.

Sa ikatlong pagpipilian sino ang


gusting magbahagi ng kanyang tugon? Ako po! Mali po ang kasagutan dahil
masama po ang makialam ng gamit o
bagay na hindi kanila.

Mali rin po ang sagot ko ,may iba pang


paraan para magkaroon kami ng pambili
ng gamot.

Magaling!
Ikaapat na pagpipilian sino ang gusto
magbahagi ng kanyang nagging Ako po! Mali po ang sagot ko kasi pop
tugon? masama ang kumuha ng hindi sa sakin
at masama ang magbintang ng iba.

Mali po ang sagot ko katulad ng sinabi


po nila mali ang makialam ng bagay na
hindi sa akin.

Mahusay!

Naramdaman nyo ban a gumana ang


inyong konsiyensiya na nagsasabi ng Opo!
dapat nyong gawin.

3. Paghahalaw
Lahat sa inyo ay naging tama ang
ginawang pagpili ng gagawin sa
nabanggit na sitwasyon.
Ang paghuhusga ng ating konsiyensiya
ay maaring bago o pagtapos ng kilos o
aksiyon.

Sa mga pagpapasyang mdalas mong


ginagawa, paano naghuhusga ang
taglay mong konsiyensya? Bago o
pagkatpos ng kilos o aksyon?
Mas nauuna po sa akinang makinig sa
aking konsiyensiya bago gumawa ng
ano mang pagpapasya.

Minsan po mali po ang napipili kung


pagpapasya. Sa huli po ay nagsisi dahil
sa sinasabing aking konsensya na hindi
ko dapat ginawa ang bagay na iyon.

Mabuti ba na making tayo sa ating


konsiyensiya bago gumawa ng
anumang desisyon?
Nararapat po na making tayo sa ating
konsiyensiya dahil ito ang naghuhusga
kung tama o mali ang ating gagawing
kilos. Para maiwasan ang pasisi sa huli

Mahusay!

4. Paglalapat

Upang lubos pa nating maipakita ang


wastong paggamit ng konsiyensiya,
magkakaroon tayo ng isang
pangkatang gawain. Hahatiin ko ang
klase sa tatlong pangkat.

Asul
Pula
Berde

Bawat grupo ay bibigyan ko ng isang


sitwasyonna nakasulat sa papel na
inyong isasadula at ipakita ang inyong
gagawin sa nasabing sitwasyon meron
kayong dalawang minute para mag
usap usap at may 2 minuto para
isadula sa sitwasyon.
1. Bumili ka ng merienda sa canteen
nag abot ka ng bayad sa tindera at
inabot naman niya pabalik ang sukli
mo. Basta mo nalang nilagay sa iyong
bulsa ang sukli. Nung nasa silid aralan
ay naisip mong bilanging ang sukli
binigay sayo nalaman mong sobra ng
50 pesos ang sukli. Hindi pa kumakain
ang is among kaklase kasi walang
siyang baon. Ano ang iyong gagawin?

2. Nakita mo ang iyong bestfriend sa


klase nakatambay sa labas ng school.
Nagmamadali kang pumasok kasi
malapit ng magtime. Niyaya mo siya na
pumasok na sa loob pero ang sabi ay
may lakad sila ng iba nyang
kabarkada. Oras na ng klase tinanung
ka ng guro mo kung nakita mo ang
bestfriend mo at bakit siya liban. Ano
ang gagawin nyo?

3. Iniimbita ka ng iyong mga kabarkada


na dumalo sa isang pagpupulong ng
isang grupo ng kabataan. Nakasagot
kana na pupunta ka sa pagpupulong.
Kinabukasan nalaman mo na ito ay
isang fraternity na ipinagbabawal sa
inyong paaralan. Sinabi sa iyo ng iyong
kabarkada na nakalista kna sa mga
dadalo. Ano ang iyong gagawin?

Time starts now! (2minutong pag uusap ng grupo)

Dadako na tayo sa pagsasadula Pangkat asul ( 2minuto pagsasadula)


Pangkat pula (2minuto pagsasadula)
Pangkat berde (2 minuto pagsasadula)

Mahusay! Bigyan natin ang sarili natin


ng tatlong bagsak..
IV.Paglalahat ng aralin
Naririto ang isang graphic na ating
pupunan ng mga salita bilang
paglalahat sa ating tinalay.(ipakita
gamit ang laptop)

Ito ang mga salitang pagpipilian nyo


upang gamtinsa pagbuo n gating
ilustrasyon.

 Tama
 Mali
 Paghuhusga/pagpapasya
 Konsiyensiya
 Tamang gawain

Ngayon sino ang nais magpuno sa


ating graphic organizer?
Ako po sir!
(pupunan ng mga wastong salita ang
graphic organizer)

Mahusay! Sabay-sabay nating basahin


ang nasa graphic organizer. ISIP

KONSIYENSYA

TAMA MALI

Paghuhusga/
PAGPAPASYA
Tamang gawain

V.Pagtataya ng Aralin
Malinaw na ba kung ano ang ibig
sabihin ng konsiyensiya at kung ano
ang maitutulong nito?

Opo sir!

May inihanda akong maikling


pagsusulit para masukat natin ang
pag-kaunawa natin sa ating
konsiyensiya.

Kunahanin ang inyong lecture


notebook isulat ang tamang sagot.
(ipakita ang ginawang pagsusulit gamit
ang laptop) Opo sir!

Suriin ang mga sumusunod kung tama


o mali ang mga pangungusap. Isulat
ang letrang T kung tama at M kung
mali. Meron kayong 3minuto para
magsagot.
1. Ang konsiyensiya ay isa sa mga
kilos ng isip na nag-uutos o
naghuhusga sa mga mabuting gawin o
sa masamng dapat iwasan.
2. Ang konsiyensiya at galling sa
salitang latin na Cordensia.
3. May dalawang uri ang konsiyensiya
tama at mali.
4. Ang konsiyensiya ay boses na
naririnig natin minsan pag tayo ay
nagpapasya.
5.Maaring gumana ang inyong
konsiyensiya pagkatpos o bago
mangyari ang kilos o gawain.

Tapos na ang 3 minuto tingnan natin


kung tama nag inyong mga sagot

1.T
2. M
3. T
4. T
5. T

Mahusay karamihan sa inyo ay nakuha


nng matas na marka.
VI. Takdang-aralin
Sa inyong lecture note book, sumulat ng isang karansan na ginamitan ng
konsiyensiya.Tama o mali ba ang inyong pagpapasya? Bakit?
VII. Mga Tala

Sampaguita
Rose
Bluebell
Lavender
Rosal

Pagninilay
A. bilang ng mga mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya. Sampaguita
Rose
Bluebell
Lavender
Rosal
B. Bilang ng mga mag-aaral na Sampaguita
nangangailangan ng remedial. Rose
Bluebell
Lavender
Rosal

C. Anong estratehiyang panturo ang


lubos na nakatulong sa pagkatuto ng
mag-aaral.

D.Anong suliranin ang aking


naranasan na nasolusyunan sa tulong
ng aking gurong tagapagsanay?

E.Annong kagamitan panturo ang


aking nadibuho na nasi kong ibahagi
sa kapwa ko guro.

Inihanda ni:
RICHARD L.POTENCIA
Gurong Nagsasanay

Binigyang pansin ni:


VENUS R. DE PERALTA
Gurong Tagapagsanay

You might also like