You are on page 1of 4

1. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na nagkokontrol nang bahagya na larangang pangwika?

a. Nagkukwentuhan sa hapag-kainan ang pamilya Mondragon gamit ang kanilang wikang Ilocano.

b. Gumagawa ng papel-pananaliksik si Cassie para sa kaniyang asignaturang Filipino.

c. Bilang isang pastor, naimbitahan si Carlos na maging tagapagsalita sa isang pagtitipon ng kanilang
relihiyon.

d. Nakipagpulong si Romina sa kaniyang mga dayuhang kliyente sa wikang Ingles.

2. “Sa sobrang fake mo, even China denies making you,” ang sabi ni Marga kay Roxanne. Saang
larangang pangwika nabibilang ang pahayag na ito?

a. Nagkokontrol na larangang pangwika

b. Nagkokontrol nang bahagya na larangang pangwika

c. Di-nagkokontrol na larangang pangwika

d. Modernisadong wika

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng nagkokontrol na larangang pangwika?

a. Gumagamit ng istandardisado at/o intelektwalisadong wika

b. Tinatanggap ang fractured variety ng wika

c. Ginagamit sa matataas na antas ng karunungan

d. Tiyak at wasto ang gamit ng wika

4. Batay sa pananaw ni Sibayan, alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang intelektwalisadong
wika?

a. Nasusulat sa mga balon ng karunungan

b. Gumagamit ng code mixing at code switching

c. Wikang ginagamit sa tahanan

d. Lahat ng nabanggit
5. Ano ang pinagkaiba ng bansang Pilipinas sa mga karatig nitong bansa kung pagbabasehan ang paraan
intellectual tradition?

a. Ang mga nilikha ng ilan sa ating mga pantas ay pira-pirasong pag-aaral na hindi sumasaklaw sa
kabuuan ng problema.

b. Ang mga nilika ng ilan sa ating mga pantas ay isang buong pag-aaral na nagpapaisa sa kabuuan ng
problema.

c. pansin at importante ang pagtrato natin sa ilang problemang panlipunan.

d. Walang nakapag-aambag ng mahahalagang kontribusyon sa daigdig ng kaisipan.

6. Kung ating susuriin ang paraan o pamamalakad ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas, ano an gating
mahihinuha ayon kay Renato Constantino?

a. Ang mga Pilipino ay may sapat na kaalaman sa wika, sa paggamit nito, sa kultura at tradisyon, katulad
ng mga bansang Asyano.

b. Ang edukasyon ay naging negosyong pantubuan.

c. Sa edukasyon nahuhubog ang kaisipan, at nabubuo ang diwang pangmakabayan, hindi lamang sa
pansariling interes.

d. Ang mga edukado ay walang posibilidad na ayunan ang pangkasalukuyang sistema ng edukasyon o ng
lipunan.

7. Ano samga sumusuond ang epekto ng koloniyalismo sa paraan ng pag-iisip at pagdedesisyon ng mga
Pilipino?

a. Mas natututunan ng mga Pilipino ang wika, kultura at tradisyon ng mga kanluraning bansa,
nagdudulot ng inter-kultural na ugnayan ng mga Pilipino sa karatig nitong bansa.

b. Mas nababawasan ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa wikang Filipino bunsod ng pagpasok ng mga
kolonyal na kaisipan.

c. Nagiging prayoridad ng mga Pilipino ang pagkuha at pag-angkat ng mga produkto sa ibang bunsa,
bunga nito mas napapalalim ang pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino sa mga taga ibang bansa. Mas
malalim na pakikipag-ugnayan, mas maunlad na bansa.

d. Dahil sa pagtangkilik sa wikang banyaga, nagiging batayan ng mga Pilipino sa pagbuo ng kaisipan
ang ideyolohiya ng ibang bansa.

8. Dahil sa ang edukasyon ay tila mekanikal, ano ang epektong dulot nito sa mga Pilipinong mag-aaral?

a. Nagiging agresibo ang mga mag-aaral sa pagtuklas ng mga bagong ideyolohiya at pilosopiya mula sa
ibang banasa na maaring magamit sa pagbuo at pagkamit ng pambansang kaunlaran.
b. Nagiging matimbang ang wikang banyaga sa mga mag-aaral dahil sa madaling paggamit nito sa pag-
aaral, pakikipagtalastasan at komunikasyon.

c. Nakukuha ng mga mag-aaral ang pangkalahatang ideya ng isang aralin, at ito ay nagagamit nila ng
madali at makabuluhan.

d. Nagiging mababaw ang pag-iisip ng mga mag-aaral at walang masususing pang-unawa at at


malalim na pag-intindi.

1. Si Leo at si Kim ay pumunta sila sa bangko para magkaroon ng sariling atm card ngunit nung kinuha
nila ang application form. Napansin nila na may ibang salita sa Ingles na hindi naiintindihan sa form dahil
sanay sila sa nakagawian salitang Ingles na ginagamit sa pang araw-araw. Kaya, lagi silang nagtatanong
sa clerk upang gabayan at maproseso ang kanilang atm card. Anong kalagayan at hamon sa maka-
Pilipinong pananaliksik ang nababagay sa sitwasyon na ito?

A. Patakarang Pangwika sa Edukasyon

B. Ingles bilang Lehitimong Wika

C. Internasyonalisasyon ng Pananaliksik

D. Maka-Ingles na Pananaliksik sa Iba't ibang Larangan at Disiplina.

2. Si Tom ay isang estyudante sa isang sikat na pamantasan. Siya ay pangalawang taon na sa kolehiyo,
kinikilala siya sa angking galing sa mga akademikong patimpalak. Habang nagbabasa siya ng rebyuwer
para sa sasalihan niya sa General Information, siya ay nahirapan basahin o saulohin ang mga
informasyon sa ibang mga larangan na binabasa niya dahil walang kasikahulugan ang mga ito sa wikang
Filipino. Aling mga larangan ang hindi pa ginagamit sa panturo sa wikang Filipino?

A. Agham at Teknolohiya

B. Sipnayan

C. Medisina

D. Lahat ng nabanggit

3. Si Rizal ay nagsalita ng katagang


" Consummatum Est! " ibig sabihin ay

" natapos na " o " natupad na ang lahat " bago siya barilin ng mga Guardia Civil sa Bagumbayan. Anong
antas ng pag-unlad sa pag-iisip ni Dr. Hornedo ang nababagay sa sitwasyon na ito?

A. Vital Thought

B. Reflexive Thought

C. Moral thought

D. Wala sa nabanggit

1. Ang mga magasin na nakasulat sa wikang Filipino ay patuloy na tinatangkilik ng mga kabataan para ito
ay kanilang maging libangan. Saang domain ito nabibilang? Answer: C

A. Intellectually Modernized Language

B. Register

C. Popularized Modernized Language

2. Batay kay Sibayan, ang wika ba ay masasabi ng Intelektwalisado kung ito ay ginagamit sa mga dyaryo
o magasin? Answer: B.

A. Oo

B. Hindi

C. Wala akong ideya

3. Paggamit ng wikang Filipino sa mga eskwelahan, saang domain ito kabilang? Answer: C

A. Popularized Modernized Language

B. Register

C. Intellectually Modernized Language

4. Ito ay isa sa mga suliranin ng intelektwalisasyon na kung saan isinasaad na "hindi lang dapat mga
nasa unibersidad ang makinabang dito kundi pati na rin ang mga karaniwang mamamayan." Answer: C.

A. Ano ang Intelektwalisasyon

B. Saang domain ba talaga?

C. Para kanino ang intelektwalisasyon?

You might also like