You are on page 1of 2

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VIII

ARALIN 3.1: KONTEMPORARYONG PANITIKAN TUNGO SA KULTURA


AT PANITIKANG POPULAR

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, 75% sa mga mag-aaral ay inaasahang makatamo ng mga sumusunod:

A. (F8PT-IIIa-c-29) - Nailalahad ng maayos at mabisa ang nalikom na datos sa pananaliksik.


B. (F8PN- IIIa- c-28) - Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa:
- paksa
- ayon
- tono
- pananaw
- paraan ng pagkakasulat
- pagbuo ng salita
- pagbuo ng talata
- pagbuo ng pangungusap

II. Paksang Aaralin


A. Paksa: Panitikang Popular na Babasahin (Tabloid at Komiks).
B. Sanggunian: Batayang Aklat sa Filipino 8
C. Kagamitang Pampagtuturo: laptop, komiks, tabloid

III. Pamamaraan

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin (Mananalangin)

2. Pagbati

Magandang umaga sa inyo! Magandang umaga po Gng. Honrado!

3. Pag-uulat ng liban sa klase (Iuulat ng bawat pinuno ng pangkat kung may


lumiban)
4. Pagbabalik-aral

Ano ang kahalagahan ng Multimedia? Ang kahalagahan ng multimedia ay


nakakatulong ito sa pagunlad ng panitikang
Pilipino dahil mas makakapagpahayag tayo
ng pasalita o pasulat ng mga damdamin
nating mga Pilipino tungkol sa pamumuhay,
pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pang
pulitika at pananampalatayang niyayakap ng
mga Pilipino.
Mahusay!

B. Pagganyak

Hahatiin ang klase sa limang pangkat. Isasagawa ang pangkatang gawain


Bawat pangkat ay bibigyan ng salita at
gagawan nila ito ng hugot lines.

Palakpakan ang inyong mga sarili!

C. Paglalahad
Nahihinuha niyo na ba kung ano ang ating Ito po ay patungkol sa tabloid at komiks!
tatalakayin ngayong araw?

Mahusay ang inyong kasagutan!


D. Pagtatalakay
Bagamat nabasa at bahagyang natalakay
na ang paksa, ating pang palalalimin ang
inyong kaalaman.

E. Paglalapat
Pangkatang Gawain (sa iba’t ibang paraan)

Hahatiin sa dalawa ang klase. Pagpapa-ulat Isasagawa ang pangkatang gawain.


ng bawat pangkat hinggil sa kasunduang
pagpapasaliksik ng iba’t ibang babasahing
popular.

Unang pangkat
Pahayagan (Tabloid) – TV Patrol

Ikalawang pangkat
Komiks – Aksyon

RUBRIK Puntos
1. Presentasyon 20
2. Kooperasyon 15
3. Pagkamalikhain 15

F. Paglalahat
Bakit dapat pahalagahan ang mga Dapat pahalagahan ang mga popular na
popular na babasahin? babasahin dahil nagsisilbi itong behikulo sa
pagpapayaman at pagpapayabong ng
panitikang Pilipino.
Magaling!

IV. Pagtataya
Pagsulat ng repleksyon bakit nagkaroon ng transpormasyon ang tradisyonal na panitikang
Pilipino tungo sa panitikang popular ? Paano nakaapekto ang pagbabasa ng mga babasahing
popular lalo na sa mga kabataan? (10 pts.)

V. Kasunduan
Saliksikin o balikan ang antas ng wika.

1.Ano ang Pormal at di-pormal na antas ng wika?


2.Uri ng pormal at di-pormal na antas ng wika?

Inihanda ni:
MA. SELINA R. HONRADO, LPT

Inihanda para kay:


VILMA C. COLLADO
Ulongguro VI

You might also like