You are on page 1of 3

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VIII

ARALIN 3.1: KONTEMPORARYONG PANITIKAN TUNGO SA KULTURA


AT PANITIKANG POPULAR

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, 75% sa mga mag-aaral ay inaasahang makatamo ng mga sumusunod:

A. (F8PD-IIIa-c-29 ) - Naiuugnay ang tema ng tinalakay na panitikang popular sa temang


tinatalakay sa napanood na programang pantelebisyon o video clip.
B. (F8WG-IIIa-c-30) - Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa
impormal na komunikasyon (Balbal, Kolokyal, Banyaga).

II.Paksang Aaralin:
A. Paksa: Popular na Babasahin pahayagan (Kontemporaryong dagli at antas
ng wika)
B. Sanggunian: Pinagyaman Pluma 8, Pahina 337-366
C. Kagamitang Pampagtuturo: Babasahing teksto, kartolina istrip, larawan, aklat

III. Pamamaraan

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin (Mananalangin)

2. Pagbati

Magandang umaga sa inyo! Magandang umaga po Gng. Honrado!

3. Pag-uulat ng liban sa klase (Iuulat ng bawat pinuno ng pangkat kung may


lumiban)
4. Pagbabalik-aral

Ano ang kahalagahan ng komiks? Ang kahalagahan ng multimedia ay


nakakatulong ito sa pagunlad ng panitikang
Pilipino dahil mas makakapagpahayag tayo
ng pasalita o pasulat ng mga damdamin
nating mga Pilipino tungkol sa pamumuhay,
pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pang
pulitika at pananampalatayang niyayakap ng
mga Pilipino.
Mahusay!

B. Pagganyak
Lihim ng Mahiwagang Banga.

May mga nakasulat na tanong sa loob ng Isasagawa ang inatas na gawain


banga. Ipapasa ng mga mag-aaral ito habang
may kasamang tugtog.
Kapag huminto ang tugtog ang huling may
hawak ng banga ang siyang bubunot ng
tanong at sasagot nito.

Palakpakan ang inyong mga sarili!

C. Paglalahad
Nahihinuha niyo na ba kung ano ang ating Ito po ay patungkol sa dagli!
tatalakayin ngayong araw?

Mahusay ang inyong kasagutan!

D. Pagtatalakay
Magpapakita ng isang halimbawa ng dagli sa
pamamagitan ng pagpapanood ng video.

Gabay na tanong:

1. Ano ang dagli at ang kaibahan nito sa


ibang popular na babasahin?

2. Paano nakatulong ang antas ng wika sa


pagbuo ng dagli?

E. Paglalapat
Tukuyin kung Lalawiganin, Balbal, Kolokyal o
Banyaga ang mga salitang may salungguhit
sa bawat pangungusap.

1. Ang sarap ng nasi ninyo, mabango at


masarap kainin.
2. Ang ganda ng chidwai ng isang Ivatang
nakilala ko sa paaralan.
3. In-na-in talaga ang pagkuha ng kursong
may kinalaman sa teknolohiya sa ngayon.
4. Hanep ang sarap pala talagang mag-aral
gamit ang kompyuter.
5. Ewan ko bas a mga taong ayaw
tumanggap ng pagbabago.
6. High tech na ang pagdiriwang ng pista sa
amin.
7. Kilig to the bones ang saya ko nang binili
ako ng bagong Ipod ni tatay.
8. Dalawang order ng spaghetti ang binili ko
para sa ate mo.
9. Kumain tayo habang nanonood ng
videotape.
10. Sa bahay na tayo manood para hindi na
mapagalitan ni ermat.

F. Paglalahat
Bilang isang milenyals paano mo
mapananatiling buhay at dinamiko ang isang
wika?

Magaling!

IV. Pagtataya
Pangkatang Gawain (Drill)

Bawat pangkat ay pipili ng kanilang representante na siyang sasagot sa pisara ng mga araling
natalakay. Paramihan ng nalalaman ang bawat isa.

V. Takdang Aralin
Magdala ng halimbawa ng komiks, magasin, tabloid, kontemporaryong dagli, pag- aralan ang
pagbuo nito.

Inihanda ni:
MA. SELINA R. HONRADO, LPT

Inihanda para kay:


VILMA C. COLLADO
Ulongguro VI

You might also like