You are on page 1of 3

Petsa: Hunyo 29, 2022

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 11

I. MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. natutukoy ang kahulugan ng Komunikasyon at mga uri nito;
b. natatamo ang kahalagahan ng komunikasyon; at
c. nakapagsasaliksik ng iba pang modelo ng komunikasyon kaugnay ng tinalakay.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Komunikasyon
Kagamitan: Powerpoint, kagamitang biswal at laptop
Pagpapahalaga: Matamo ang kahalagahan ng Komunikasyon
Sanggunian: Akademikong Filipino para sa Kompetetibong Pilipino – G. Rolando A. Bernales

III. PAMAMARAAN
a. Panalangin
b. Paalala sa oras ng klase
c. Paalalang Pangkalusugan
d. Pagtatala ng Lumiban

IV. Balik-aral
Panuto: Obserbahan ang nasa larawan at tukuyin kung anong Teorya ng Wika ito.

1. 2. 3.

IV. Pagganyak
“Apat na larawan, isang kahulugan”
Panuto: Sa pamamagitan ng apat na larawan, tukuyin kung ano ang kahulugan o nais ipahiwatig nito.

Komunikasyon

V. Paglalahad: Ang guro ay tatalakayin ang mga sumusunod;


 Komunikasyon
- Ayon kay Greene at Petty, sa aklat nilang Developing Language Skills ang komunikasyon bilang
isang intensyonal o konsyus na paggamit ng ano mang simbolong tunog o ano mang uri ng
simbolo upang makapagpadala ng katotohanan, ideya, damdamin o emosyon mula sa isang
indibidwal tungo sa iba.
 Uri ng Komunikasyon
- Berbal - komunikasyong gumagamit ng wika, pasulat man o pasalita.
- Di-Berbal - komunikasyong di-gumagamit ng wika bilang kasangkapan ng pakikipag-ugnayan,
maaaring sa pamamagitan ng senyas, kilos o bagay (magarang damit, maraming tao, malaking
bahay).

 Modelo ni Aristotle batay sa kanyang Retorika, nagbigay ng 3 sangkap ng komunikasyon


1. Nagsasalita
2. Ang sinasabi
3. Ang nakikinig

 May
apat na elemento sa modelo ng komunikasyon ni Berlo
1.Pinagmumulan
2.Mensahe(nais sabihin)
3.Tsanel (ginamit na daluyan)
4.Tagatanggap

 Tipo ng Komunikasyon
- Pormal na komunikasyon
- Impormal na komunikasyon

VI. Paglalahat
Tanong: 1. Ano ang Komunikasyon?
2. Ano-ano ang uri ng Komunikasyon?
3. Ano ang kahalagahan ng Komunikasyon?

VII.Pagtataya
 Pangkatang Gawain
Panuto: Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa tatlong (3) pangkat at ang bawat pangkat ay narito ang
gagawin:
 Unang Pangkat
- Sa pamamagitan ng venn diagram ilahad ang pagkakaiba at pagkakatulad ng pormal at impormal
na komunikasyon. Ito ay tatawagin natin na “Venn diagram ng komunikayon.”
 Ikalawang Pangkat
- Sa pamamagitan ng isang dula ipakita ang modelo ni Aristotle na nagpapakita ng tagapag salita,
mensahe, tagapakinig. Ito ay tatawagin natin na “Dulaan ng modelo ni Aristotle.”
 Ikatlong Pangkat
- Bubunot ng mga bagay na maaaring isenyas sa kasama at ito ay huhulaan nila. Kinakailangan
nilang makahula sa loob ng 3 minuto. Ito ay tatawagin natin na “Senyas mo, hula ko.”

 Indibidwal na Gawain
Panuto: Ang mga mag-aaral ay tutukuyin ang tamang sagot sa mga sumusunod:
1-3. Ibigay ang tatlong sangkap ng komunikasyon ayon kay Aristotle.
4. Ito ay antas ng komunikasyon na gumagamit ng wika, pasulat man o pasalita.
5-6. Ibigay ang dalawang uri ng komunikasyon.
7-10. Modelo ng komunikasyon ayon kay Berlo.
 Takdang-aralin
Panuto: Magsaliksik sa aklat o internet hinggil sa iba pang modelo ng komunikasyon. Ilahad ang inyong
nasaliksik at ipapasa ito sa ating google classroom. (20 puntos)

VIII. Pagtatapos na Gawain


a. Paglilinaw kung may katanungan
b. Paalalang Pangkalusugan
c. Panalangin

Inihanda ni:

MARNEL JOY V. ALBANO, LPT


Guro sa Filipino

You might also like