You are on page 1of 18

ARALIN 8: Ang mga Konseptong Kaugnay ng Pananaliksik at Katangian ng

Pananaliksik
Unang Linggo (Araw 1 at 2)
F11KP – IVa – 102 - F11KP – IVa – 103
Mga Layunin: Kagamitan:
1. Nabibigyang kahulugan ang mga modyul, isang buong papel at panulat
konseptong kaugnay ng pananaliksik
(Halimbawa: balangkas konseptwal at Sanggunian:
balangkas teoretikal) Pinagyamang Pluma-Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
2. Napahahalagahan ang mga katangian ng ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
pananaliksik. Phoenix Publishing House (Pahina 25-27)
3. Nakagagawa ng konseptuwal na balangkas at
nakakapangalap ng datos ayon sa mga
katangian ng pananaliksik.

TAYO’y MAGSIMULA!
Masayang Araw! Tayo’y maghanda na sa ating tatalakayin ngayon. Inaasahan na
mabigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik, mapahalagahan ang
katangian ng pananaliksik at makagawa ng panayam bilang paghahanda sa pananaliksik.

TUKLAsin NATIn ANG IYONG


KAAlAMAN!
Alamin natin ang iyong kaalaman sa aralin
na ito.
Panuto: Isulat ang salitang nag-uugnay sa mga
salitang nasa loob ng bilohaba.

Alamin natin!
Ang PANANALIKSIK ay isang
sistematiko, kontrolado, empiriko, at kritikal na
pag-imbestiga sa haypotetikal na pahayag tungkol sa inaakalang relasyon o ugnayan ng mga
natural na penomenon
I. Mga Konseptong Kaugnay ng Pananaliksik
Ang Konseptwal na balangkas ay naglalaman ng konsepto ng mananaliksik hinggil sa pag-aaral na
isinasagawa. Ito ang pangunahing tema at panuntunan ng pagsisiyasat. Ang nasabing balangkas ay
ipinakikita sa isang presentasyon ng paradigma ng pananaliksik na kailangan maipaliwanag nang maayos.
Ito ay binubuo ng Paghahanda (input), Proseso (process) at Kinalabasan.
Ang Teoretikal na balangkas ang kailangan sa isang sulating pananaliksik ay tumutukoy sa set ng
magkakaugnay na konsepto, teorya, kahulugan at proporsyon na nagpapakita sa sistematikong pananaw ng
ponemena sa pamamagitan ng pagtukoy sa relasyon o kaugnayan ng mga baryabol sa paksang paaralan.
(Kerlinger 1973).
Ang Datos Empirical ay ang mga impormasyong nakalap mula sa kombinasyon ng dalawa o higit pang
metodo ng pananaliksik (obserbasyon, pakikipanayam, at/ o eksperimentasyon, atbp.) ito ay
dumaan sa pagsusuri at maaring mapatunayang totoo hindi, makabuluhan o hindi.
II. Katangian ng Pananaliksik
Upang higit pang mapagtibay ang iyong kaalaman ukol sa pananaliksik ay kailangan kilalanin mo
ang mga katangian nito. Ang pananaliksik ay:
 Obhetibo – naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galing sa opinyon o kuro-kurong pinapanigan
ng manunulat kundi nakabatay sa mga datos na sinaliksik, tinaya at sinuri.
 Sistematiko – ito ay sumusunod sa lohikal na mga hakbang o proseso patungo sa pagpapatunay ng
isang katanggap-tanggap na konklusyon.
 Napapanahon o Maiuugnay sa Kasalukuyan – nakabatay sa kasalukuyang panahon (tukoy nito ang
petsa at taon) nakakasagot sa suliraning kaugnay ng kasalukuyan, at ang kalalabasan ay maaaring

This document is a property of Top Link Global College, Inc.


All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means- electronic or
mechanical including photocopying- without written permission from Top Link Global College, Inc. Revised Edition 2021
maging basehan sa desisyong pangkasalukuyan.
 Empirical – ang konklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa tunay na naranasan at/o
naoobserbahan ng mananaliksik.
 Kritikal – maaaring masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik ang proseso at kinalabasan ng
pag-aaral dahil taglay nito ang maingat at tamang paghahabi at paghahatol ng mananaliksik.
 Masinop, Malinis, at Tumutugon sa Pamantayan – nararapat itong sumunod sa mga pamantayang
inilahad at kakikitaan ng pagiging masinop at malinis sa kabuuan.
 Dokumentado – nagmula sa mga materyales ang mga impormasyon at datos. Binigyan ng karampatang
pagkilala ang pinagmulan ng mga ito.
Tayo’y magsanay!
TAMA o MALI. A. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI kung hindi. Isulat ang
iyong sagot sa papel. (5 puntos)
1.Ang konseptuwal na balangkas ay ang mga impormasyong nakalap mula sa kombinasyon ng
dalawa o higit pang metodo.
2.Ang pagiging dokumentado ay ang pagsunod sa lohikal na hakbang.
3.Ang datos empirical ay ang mga impormasyong nakalap mula sa esperimiyento na dumaan sa pagsusuri at
maaaring mapatunayan o hindi.
4.Ang teoretikal na balangkas ay tumutukoy sa set ng magkakaugnay na konsepto.
5.Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyan ay maaaring maging basehan sa desisyong pangkasalukuyan.
B. Isulat ang katangian na tinutukoy ng pangungusap. (5 puntos)
1. Nakabatay sa nakalap na mga datos ang konklusyon.
2. Binibigyan ng karampatang pagkilala ang pinagmulan ng mga ito.
3. Taglay nito ang maingat at tamang paghahabi ng mananaliksik.
4. Sumusunod sa mga lohikal na hakbang.
5. Ang impormasyon ay hindi galing sa opinyon o kuro-kuro.

Palawakin natin!
Panuto: Sa pamamagitan ng venn diagram,
paghambingin ang konseptwal na balangkas, teoretikal
na balangkas at datos empirical. Gayahin at isulat ang
iyong sagot sa papel. (10 puntos)

B. Gumawa ng balangkas konseptual na nag-uugnay sa mga


napapanahong isyu sa ating bansa. Gayahin at isulat ang iyong
sagot sa papel. (10 puntos)

This document is a property of Top Link Global College, Inc.


All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means- electronic or
mechanical including photocopying- without written permission from Top Link Global College, Inc. Revised Edition 2021
Tayo’y maghanda!
Bilang paghahanda sa paggawa ng inyong Pamantayan
sa Pagganap, kapanayamin ang isang miyembro ng pamilya
tungkol sa maganda at hindi maganda nangyari sakaniya
noong taong 2021. Ang gawain na ito ay magsisilbing
pangangalap ng datos o kaalaman upang kahandaan sa paggawa ng
pananaliksik. Isulat ang iyong sagot sa papel. (20 puntos)

MAGANDA HINDI MAGANDA


KARANASAN PETSA KARANASAN PETSA

This document is a property of Top Link Global College, Inc.


All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means- electronic or
mechanical including photocopying- without written permission from Top Link Global College, Inc. Revised Edition 2021
ARALIN 9: Mga Uri ng Pananaliksik at Mga Hakbang Para sa Papel ng
Pananaliksik
Ikalawang Linggo (Araw 3 at 4)
F11UP – IVb – 104 - F11HP – IVb – 105
Mga Layunin: Kagamitan:
1. Natutukoy ang kahulugan ng mga uri ng modyul, isang buong papel at panulat
pananaliksik.
2. Natatamo ang kahalagahan ng mga uri ng Sanggunian:
pananaliksik. Pinagyamang Pluma-Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang
3. Nakaguguhit ng isang larawan na nagpapakita Teksto Tungo sa Pananaliksik
ng hakbang para sa papel ng pananaliksik. Phoenix Publishing House (Pahina 28-30)

TAYO’y MAGSIMULA!
Masayang Araw! Tayo’y maghanda na sa ating tatalakayin ngayon. Inaasahan na
mabigyang kahulugan ang mga uri ng pananaliksik, matamo ang kahalagahan ng mga uri ng
pananaliksik at ikaw ay gaganap bilang isang mananaliksik na mayroong hangarin na tumulong
sa iyong mga miyembro ng inyong pangkat na may kalituhan sa tatlong uri ng pananaliksik kaya
naman ikaw ay gagawa ng isang video lesson.
TUKLAsin NATIn ANG IYONG KAAlAMAN!
Alamin natin ang iyong kaalaman sa aralin na ito.
Panuto: Sa pamamagitan ng pagbilog, hanapin ang pinagkaiba ng larawan sa ibaba.

Alamin natin!
May iba’t ibang uri ng pananaliksik ayon sa layunin. maari itong mauri sa tatlong kategorya:
(1) Basic, (2) Action, at (3) Applied na pananaliksik.

This document is a property of Top Link Global College, Inc.


All rights reserved. No partBinabati
of this material may be reproduced
kita! Nasagutan mo ang ormgatransmitted
gawain.inBatid
any form or marami
ko na by any means- electronic orsa modyul n
kang natutunan
mechanical including photocopying- without Huwag
written permission from Top
magsasawang Link Global
pag-aralan angCollege,
FilipinoInc. Revised masaya
sapagkat Edition 2021
rito.
I. Mga Uri ng Pananaliksik
Ang resulta ng tinatawag na basic research ay agarang nagagamit para sa layunin nito.
Makatutulong rin ang resulta nito para makapagbigay pa ng karagdagang impormasyon sa isang kaalamang
umiiral na sa kasalukuyan.
Halimbawa ng basic research:
 Pananaliksik tungkol sa epekto ng haba ng oras na inilalaan ng mga kabataan sa paggamit ng
Facebook sa kanilang pakikitungo sa mga tao sa kanilang paligid.
Ang action research ay ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga espesipikong problema o
masagot ang mga espesipikong mga tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman sa kanyang larangan.
Ang resulta nito ay ginagamit ding batayan sa pagpapabuti ng bagay na siyang paksa ng pananaliksik.
Halimbawa ng action research:
 Pananaliksik sa pinaka-epektibong bilang ng mga miyembro tuwing may mga pangkatang gawain
ang inyong klase sa Filipino upang masigurong ang lahat ay tumutulong o nakikibahagi at natututo sa
mga Gawain.
Ang resulta naman ng applied research ay ginagamit o inilalapat sa majority ng populasyon.
Halimbawa ng applied research:
 Pananaliksik kung ano ang sanhi ng malaking achievement gap ng mga mag-aaral sa isang baiting
sa paaralan.
Pansinin ang mga resulta ng mga pananaliksik na ito ay maaaring ilapat sa mas malaking
populasyon tulad ng iba pang paaralan o barangay. Maaaring gamitin ng iba pang mga paaralan, barangay,
at komunidad ang mga resulta ng mga pananaliksik na ito kung hindi man ang metodong ginagamit ng mga
mananaliksik ay maaaring gayahin o i-modify ng kaunti ng iba pang mga mananaliksik upang magamit nila
sa pagresolba ng mga problema sa kanilang lugar.

II. Mga Hakbang ng Pananaliksik para sa Papel ng Pananaliksik


Tunay na mahalagang kasanayan ang pananaliksik na dapat malinang sa mga mag-aaral na tulad
mo upang maibanda ka sa tunay na buhay. Sa paglaganap ng teknolohiya inaakala natin na ang lahat ng
solusyon sa ating problema ay makukuha na natin sa internet, subalit marami pa ring mga tanong at suliranin
ang maihahanap natin ng solusyon sa pamamagitan ng pananaliksik. Hindi natin maikakaila na higit na
nagiging madali ang pananaliksik sa panahon ngayon sa tulong ng multimedia, ngunit hindi dapat isawalang
bahala ang masuri at maingat na pagsunod sa mga hakbang ng pananaliksik.
Sa kabanatang ito ay maisasakatuparan ang mga sumusunod na pamantayan: Pamantayang
Pangnilalaman: Nakakasunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop na pananaliksik; at pamantayan sa
pagganap: Nakakapagpamalas ng kasanayan sa pagsasaliksik sa Filipino batay sa kaalaman sa
oryentasyon, layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik.
Tayo’y magsanay!
PAGTUKOY. A. Isulat ang URI kung ang pahayag ay wasto at HAKBANG naman kung hindi. Isulat
ang iyong sagot sa papel. (10 puntos)
1. Ang action research solusyon sa mga espesipikong problema.
2. Ang appllied research inilalapat sa majority ng populasyon.
3. Ang applied research ay agarang nagagamit para sa layunin nito.
4. Ang action research ginagamit sa pangangalap ng datos sa isang action movie.
5. Ang action research ay ginagamit na batayan sa pagpapabuti ng bagay sa paksa ng pananaliksik.
6. Ang pananaliksik ay mayroong limang uri.
7. Ang action research masasagot ang mga espesipikong mga tanong ng isang mananaliksik.
8. Ang basic research ay agarang nagagamit para sa layunin nito.
9. Ang action research ay mabilisang pananaliksik para sa pangkalahatang solusyon sa problema.
10. Ang basic research makapagbigay pa ng karagdagang impormasyon sa isang kaalamang umiiral na sa
kasalukuyan.
B. Ayusin ang mga letrang gulo-gulo upang makita ang mga salitang nauugnay sa salitang PANANALIKSIK. (5
puntos)
1. S G A T P U K A L 2. G U S P U A R S I

This document is a property of Top Link Global College, Inc.


All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means- electronic or
mechanical including photocopying- without written permission from Top Link Global College, Inc. Revised Edition 2021
3. A H A H A N G P A P 5. G A P I S I S S A T A Y
4. G U G A D A P A L G

Palawakin natin!
PAGTUKOY. A. Tukuyin ang mga sumusunod kung ito ba ay BASIC, ACTION o APPLIED
research. Isulat ang iyong sagot sa papel. (10 puntos)
1. Pananaliksik kung paano nagaganap ang bullying sa isang paaralan
2. Pananaliksik tungkol sa fonts na ginamit ng mga vandal sa Metro Manila.
3. Pananaliksik kung bakit sumasali sa mga gang ang mga kabataan sa isang komunidad.
4. Pananaliksik tungkol sa epekto ng mga ekstra-kurikular na mga gawain ng mga estudyante sa kanilang
academic performance.
5. Pananaliksik kung may epekto ba ang pagkakaroon ng part time job sa pagkatuto ng mga estudyante sa
ikalabing-isang baiting sa inyong paaralan.
6. May epekto ba sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa ikalabing-isang baiting sa paaralan ng Top Link ang
hindi nila pagkain ng almusal?
7. Paano maaakit ang mga mag-aaral sa unang baiting ng inyong paaralan upang maging mahilig sa
pagbasa.
8. May epekto ba sa pag-uugali ng mgabatang mag-aaral sa kinder ang pagpaparinig sa kanila ng mga
tugtuging classical habang sila ay nasa recess?
9. Ano ang pananaw ng mga tao sa inyong barangay ukol sa mga taong nagpapa-tattoo?
10. Paano masusugpo ang cyberbullying sa inyong barangay?

B. Sa pamamagitan ng isang poster making, ipakita mo ang iyong ideya tungkol sa Mga Hakbang ng
Pananaliksik para sa Papel ng Pananaliksik na tinalakay. Ilagay ang iyong poster sa short bond paper. (10
puntos)

Tayo’y maghanda!
Bilang paghahanda sa paggawa ng inyong Pamantayan
sa Pagganap, ikaw ay isang mananaliksik na mayroong hangarin
na tulungan ang iyong mga miyembro sa inyong pangkat na
mayroong kalituhan sa tatlong uri ng pananaliksik kaya naman naisipan mo na
magsagawa ng isang video lesson na tumatalakay sa pagkakaiba-iba ng tatlong
uri ng pananaliksik at ikaw ay magbibigay ng mga halimbawa upang lubos
nilang maunawaan ang mga ito at nang mas makatulong sakanila. Tatayain ang
iyong video lesson sa tulong ng pamantayan pangnilalaman. (20 puntos)

Pamantayan Pangnilalaman:
Nilalaman Napaka Mahusay Katamtaman Nangangailangan Hindi
husay (4) (3) ng pagsasanay pinagtuunan
(5) (2) ng pansin
(1)
Kapupulutan ng impormasyon
ang ginawang video lesson.
Maayos ang tindig at galaw ng
katawan.
Wastong gamit ng mga salita
Maayos ang pagbigkas ng mga
salita.
Kabuuan:
20

This document is a property of Top Link Global College, Inc.


All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means- electronic or
mechanical including photocopying- without written permission from Top Link Global College, Inc. Revised Edition 2021
ARALIN 10: Mga Batayan ng Pananaliksik at Pagpili ng Paksa sa
Pananaliksik
Ikatlong Linggo (Araw 5 at 6)
F11PB – IVc – 106 - F11PP – IVc – 107
Mga Layunin: Kagamitan:
1. Natutukoy ang mga paraan at tamang modyul, isang buong papel at panulat
proseso ng pagsulat ng isang pananaliksik sa
Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at Sanggunian:
etika ng Pinagyamang Pluma-Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang
pananaliksik. Teksto Tungo sa Pananaliksik
2. Napahahalagahan ang pagpili ng paksa sa Phoenix Publishing House (Pahina 41-50)
pananaliksik. https://justkabataanthings.wordpress.com/blogpostparaan-
3. Nasusuri ang isang halimbawang pananaliksik para-maging-matagumpay-sa-paaralan/
sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at
etika sa pananaliksik.

TAYO’y MAGSIMULA!
Masayang Araw! Tayo’y maghanda na sa ating tatalakayin ngayon. Inaasahan na
matukoy ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang pananaliksik, mapahalagahan
ang pagpili ng paksa sa pananaliksik at makasuri ng isang pananaliksik batay sa layunin, gamit,
metodo at etika ng pananaliksik.
TUKLAsin NATIn ANG IYONG KAAlAMAN!
Alamin natin ang iyong kaalaman sa aralin na ito.
Ano ang pumapasok sa iyong isipan kapag naririnig ang salitang “BATAYAN?”

Alamin natin!
Ang BATAYAN ay pangunahing sangkap o panimulang gawain upang mabuo ang isang
bagay, lalo na ng isang idea o argumento
I. Mga Batayan ng Pananaliksik
 Layunin - ay isang tiyak na intensyon ng isang tao sa pagsasagawa ng isang kilos o layon na gusto
niyang isakatuparan. Ito ang iyong intensyon kung bakit mo isinagawa ang pananaliksik.
 Gamit – ito ay tumutukoy kung para saan ang gagawin mong pananaliksik.
 Metodo - ito ang tawag sa panlahat na pagplano para sa isang sistematikong at epektibong
pamamaraan ng pananaliksik.
 Etika o palaasalan - ang pangkalahatang termino na madalas inilalarawan na "agham ng
moralidad". Sa pilosopiya, ang etikal na pag-uugali ay ang "kabutihan". Ito ang isa sa tatlong
pangunahing paksa ng pagsasaliksik sa pilosopiya, kasama ang metapisika at lohika.
II. Pagpili ng Paksa sa Pananaliksik

Alam mo ba?

Ang pagpili ng paksa ay isa sa pinakamapanghamong bahagi sa pagsusulat ng pananaliksik.


Madalas mga paksang palasak o lagi nang ginagamit ang pinipili ng mga mananaliksik dahil ang mga ito ang
laging nakikita sa kapaligiran at sa iba’t ibang uri ng media. Subalit kung mag-iisip at magiging mapanuri ang
mga mananaliksik ay marami pang maaaring mapagkunan ng paksa, isang bago at naiibang paksa. Makikita

This document is a property of Top Link Global College, Inc.


All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means- electronic or
mechanical including photocopying- without written permission from Top Link Global College, Inc. Revised Edition 2021
sa ibaba ang ilan sa mga ito:
 Internet at Social Media – sa kasalukuyang panahon, ang internet at social media ay bahagi na ng
buhay ng tao. Sa marami, ito ang unang tinitignan pag gising sa umaga at huling silip bago matulog
sa gabi. Napakaraming impormasyong taglay ang internet at kung magiging mapanuri ka baka
nariyan lang at hinihintay ang isang kakaiba at bagong paksang maaari mong gamitin para sa iyong
pananaliksik.
 Telebisyon – maliban sa internet, ang telebisyon ay isa pa sa uri ng media na laganap lalo na sa
panahong cable at digital television. Sa panonood mo ng mga balita, mga programang pangtanghali,
teleserye, talk shows, at iba pa ay baka matuon ang pansin mo sa isang paksang maaari mong
gawan ng pananaliksik.
 Diyaryo at Magasin – pumunta ka sa aklatan at ilatag ang iba’t ibang diyaryo sa isang mesa. Mula
sa mga ito’y pag-ukulan ng pansin ang mga nangungunang balita, maging ang opinyon, editoryal, at
artikulo. Gawin mo rin ito sa mga magasin naman. Suriin at baka naririto lang ang paksang aakit sa
iyong atensiyon.
 Mga Pangyayari sa Iyong Paligid - kung magiging mapanuri ka ay may mga pangyayari o mga
bagong kalakaran sa paligid na mapagtutuunan mo ng pansin at maaaring maging paksa ng iyong
pananaliksik.
 Sa Sarili - baka may mga tanong ka, naghahanap ng kasagutan subalit hindi mo naman basta
maihanap ng kasagutan. O kaya’y baka may interes ka o mga bagay na curious ka at gusto mo pang
mapalawak ang iyong kaalaman kaugnay nito. Ang mga paksang nagmula sa mga bagay na
interesado ang mananaliksik ay karaniwang humahantong sa isang tagumpay na sulating
pananaliksik sapagkat nailalagay niya na hindi lang ang kanyang isipan kung hindi ang buong puso
at damdamin para sa gawaing sa una pa lang ay gusto nya o interesado siya.

Tayo’y magsanay!
PAGTUKOY. Tukuyin kung anong batayan ng pananaliksik ang mga sumusunod. Isulat ang iyong
sagot sa papel. (10 puntos)
1. Ito ang iyong intensyon kung bakit mo isinagawa ang pananaliksik.
2. Ito ang tawag sa panlahat na pagplano para sa isang sistematikong at epektibong
pamamaraan ng pananaliksik.
3. Ito ay pangunahing sangkap o panimulang gawain upang mabuo ang isang bagay, lalo na ng isang idea o
argumento.
4. Ito ang isa sa tatlong pangunahing paksa ng pagsasaliksik sa pilosopiya, kasama ang metapisika at
lohika.
5. Ito ay tumutukoy kung para saan ang gagawin mong pananaliksik.

Palawakin natin!
PAG-AAYOS. A. Ayusin ang mga letrang gulo-gulo at ito ay iyong ipaliwanag. Isulat ang iyong
sagot sa papel. (10 puntos)
1. O T E D M O –
2. Y N L A U N I –
3. A K T E I –
4. T M G I A -

B. Magbigay ng mga paksa na pangkaraniwang ginagamit sa pananaliksik. Isulat ang iyong sagot sa papel. (10
puntos)
Pagmumulan ng Paksa Paksa
Internet at Social Media

Telebisyon

Diyaryo at Magasin

Mga Pangyayari sa Iyong Paligid

This document is a property of Top Link Global College, Inc.


All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means- electronic or
mechanical including photocopying- without written permission from Top Link Global College, Inc. Revised Edition 2021
Sa Sarili

Tayo’y maghanda!
Bilang paghahanda sa paggawa ng inyong Pamantayan sa Pagganap, ikaw ay magsusuri
ng isang pananaliksik o pag-aaral at iisa-isahin ang mga batayan na ginamit dito. Upang masuri at
malaman ang mga batayan, may mga katanungan na kinakailangang sagutin. Basahin ang nasa
ibaba at suriin ito. Isulat ang iyong sagot sa papel. (20 puntos)

PARAAN PARA MAGING MATAGUMPAY SA PAARALAN


Anong salita ang kalimitang ginagamit mo sa paglalarawan ng pag-aaral? Maaaring nakakatamad
o nakakapagbigay ng inspirasyon. Maaaring nakakapagod o nakaka-aliw. Kung ang persepsyon mo sa
pag-aaral ay negatibo. Ano ang maaari mong gawin dito? Kung ito naman ay positibo paano mo pa
mabibihasa ang iyong pag-aaral.
Ito ay ilan lamang sa mga gabay para maging isang matagumpay na mag-aaral.
Magkaroon ng motibasyon. Isipin mo ang kahalagahan ng pag-aaral at ika’y maging praktikal sa
buhay. Makakatulong ito upang magkaroon ka ng kaalaman. At kapag ika’y nagkaroon ng mabuting
edukasyon ito ay magsisilbing proteksyon mo sa lahat ng bagay. Magkakaroon ka ng thinking capacity
na makakapagbigay sayo ng common sense at sound judgment. Ang pagkakaroon ng ganitong
kakayahan ay makakatulong sayo upang masolusyunan ang iyong problema sa halip na palagi kang
humihingi ng tulong sa iba. Magkakaroon ka rin ng social skills o pakikisalamuha sa ibang tao. Dahil sa
paaralan marami kang makakasalamuha at ito ay makakahubog ng mabubuting katangian gaya ng
pagrespeto sa kapwa tao, pagiging matulungin, pagiging masunurin at iba pang mabubuting katangian.
Ang edukasyon ay nagtuturo ng kahalagahan upang ika’y magkaroon ng etika na makakatulong sayo
para makakita ka ng mabuting trabaho sa hinaharap. Magkakaroon ka rin ng dignidad at mas makikilala
mo ang iyong sarili. Sapagkat kailangan mo ng edukasyon, kailangan mo ng motibasyon para maging
matagumpay ang iyong pag-aaral.
Maging organisado. Kailangan mong gumawa ng talatakdaan upang hindi mo malimutan ang
bagay na ipinapagawa ng guro sa iyo. Kung maaari, ilista mo ang lahat ng mahahalagaang bagay sa
iyong journal para hindi malimutan at kung sakaling malimutan mo man, mayroon kang gabay. Iwasan
mo rin ang pagiging tamad at mas mainam kung gawin mo agad ang iyong takdang aralin pagdating
mo sa bahay bago manood ng telebisyon o maglaro. Panatilihin mo ring maayos ang iyong gamit para
hindi ka na mapagod sa paghahanap ng bagay at higit sa lahat hindi mo na malilimutan ang mga
gawain mo.
Humingi ng gabay sa iyong pamilya, guro o sa tingin mo na iyong maaasahan. Nakakatulong
rin sila upang ikaw ay magabayan at makapagbigay rin sila ng suporta at lakas ng loob sa iyong pag-
aaral upang ikaw ay maging matagumpay.
Maging malusog at masagana. Kailangan mong maging malusog at dapat ingatan mo ang iyong
sarili para ikaw ay makapag-aral ng mabuti. Kailangan mo ng pahinga upang maiwasan mo ang
depresyon at para hindi ka agad mapagod. Kung maaari, matulog ka ng maaga. Kailangan mo rin ng
tamang nutrisyon at tamang ehersisyo. Kumain ng agahan upang ika’y magkaroon ng sapat na lakas at
mas lalo pang mapabuti ang iyong kosentrasyon at hindi ka kaagad nakakalimot. Nakakatulong ang
pagtulog ng maaga, pagkain ng masustansyang pagkain, pagkakaroon ng tamang ehersisyo para ika’y
maging matagumpay sa inyong pag-aaral.
At panghuli, magkaroon ng layunin. Ang pag-aaral ay magiging makabuluhan lamang kung
alam mo kung saan ka nito dadalhin. Ang pagkakaroon ng layunin sa buhay ay nakakatulong upang
ika’y maging pokus. Isipin mong mabuti kung ano ang gusto mong propesyon at mamili ka ng kurso na
nababagay sa iyo. Dahil ang mithiin sa iyong buhay, ang iyong edukasyon ay magkakaroon ng
direksyon at kabuluhan.

This document is a property of Top Link Global College, Inc.


All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means- electronic or
mechanical including photocopying- without written permission from Top Link Global College, Inc. Revised Edition 2021
Batay sa nabasa:
1. Ano ang layunin nito? 3. Ano ang metodo nito?
2. Ano ang gamit nito? 4. Ano ang etika na pananaliksik nito?

ARALIN 11: Mga Paalala o tip sa pagpili ng paksa sa Pananaliksik


Ika-apat na Linggo (Araw 7 at 8)
F11PT –IVd – 108
Mga Layunin: Kagamitan:
1. Natutukoy ang mga paalala o tip sa pagpili ng modyul, isang buong papel at panulat
paksa sa pananaliksik.
2. Natatamo ang kahalagahan ng mga paalala o tip Sanggunian:
sa pagpili ng paksa. Pinagyamang Pluma-Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
3. Nakagagawa ng paksa na naaangkop sa mga ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
paalala o tip sa pagpili ng paksa. Phoenix Publishing House (Pahina 59-65)

TAYO’y MAGSIMULA!
Masayang Araw! Tayo’y maghanda na sa ating tatalakayin ngayon. Inaasahan na
matukoy ang mga paalala o tip sa pagpili ng paksa sa pananaliksik, matamo ang kahalagahan
ng mg paalala o tip sa pagpili ng paksa at makagawa ng paksa na naaangkop sa mga paalala o
tip sa pagpili nito.

TUKLAsin NATIn ANG IYONG KAAlAMAN!


Alamin natin ang iyong kaalaman sa aralin na ito.
Obserbahan ang nasa larawan, tukuyin ang apat (4) na
larawan kung ano ang nais ipahiwatig nito.

_______________________________________

Alamin natin!
Ang paksa ay ang pangkalahatan o sentral ng
ideyang tinatalakay sa isang sulating pananaliksik. Napakalaking bahagi sa pagkakaroon ng
matagumpay na sulating pananaliksik ang pagkakaroon ng isang mahusay at lubos na pinag-
isipang paksa.
Mga Paalala o Tip sa Pagpili ng Paksa
Mahabang panahon ang ginugol sa pangangalap ng datos kaya naman, makabubuting na pag-isipang
mabuti ang paksang tatalakayin bago pa magkaroon ng pinal na desisyon. Ganoon pa man, kung sa proseso ng
pangangalap ay marami kang natuklasang impormasyon higit na makapagpapabuti sa iyong isinusulat kung
rerebisahin mo ng bahagya ang paksa, maaari mo ring gawin subalit huwag mo lang kalimutang konsultahin
muna ang iyong tagapayo o guro mula sa modipikasyong gagawin mo.
Mababasa sa ibaba ang ilang mahahalagang gabay sa pagpili ng pinaka naangkop na paksa:
Interesado ba o gusto mo ang paksang pipiliin mo? Mahaba o mabusisi ang proseso ng pagbuo ng sulating
pananaliksik. Kakain ito ng maraming iras mo at magiging mahalagang bahagi ng mga sumusunod na mga araw,
lingo, at buwan sa iyong buhay. Kaya naman mahalagang gusto mo o malapit sa iyong puso ang paksang pipiliin
mo upang mapanatili ang interes at pagpupunyagi mong matapos ang sinimulan mo gaano man ito kabusising
gawin. Kapag sinabing malapit sa puso mo o gusto mo, maaaring mapabilang ito sa alinman sa mga sumusunod:
 Paksang marami ka ng nalalaman – may mga kabutihan ang pagpili ng paksang may malawak ka ng
kaalaman sapagkat batid mo na kung saan ka kukuha ng mga gamit na kakailanganin mo sa pagbuo nito

This document is a property of Top Link Global College, Inc.


All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means- electronic or
mechanical including photocopying- without written permission from Top Link Global College, Inc. Revised Edition 2021
tulad ng mga aklat, datos, o mga taong eksperto sa nasabing paksa bago mo pa masimulan ang
pagsasaliksik. Maaari mong tignan ang mga hilig o interes mo tulad halimbawa ng pagsasayaw, isports
na nilalaro mo, social media na kasama mo sa halos bawat araw ng buhay mo, at iba pa.
 Paksang gusto mo pang higit na makilala o malaman – madalas may mga tao kang higit na gusto
pang makilala o mga bagay na hindi gaano alam at gustong gusto mo sanang higit pang malaman o
makilala. Magiging makabuluhan ang pananaliksik mo sa mga ito sapagkat higit mong mapapalawak ang
iyong kaalaman at interes batay sa mga matutuklasan mo sa iyong pananaliksik. Tiyak na marami rin
ang mababago sa iyong pananaw o paniniwala habang lumalawak ang iyong nalalaman ukol sa mga
bagong paksang ito.

 Paksang napapanahon – maraming kabutihang maidudulot ang pagpili ng paksang napapanahon.


Magiging makabuluhan ang anumang magiging resulta ng iyong pananaliksik sapagkat magagamit ito ng
karamihan dahil angkop o tumutugma ito sa kasalukuyang pangangailangan.
Mahalagang maging bago o naiiba (unique) at hindi kapareho ng mapipiling paksa ng mga kaibigan mo.
Malaking bagay kung bago o naiiba ang mapipili mong paksa para maging kapaki-pakinabang ang mga bagong
kaalamang ilalahad mo mula sa iyong mga bagong matutuklasan sa halip na pag-uulit lang sa kung anuman ang
natuklasan ng ibang mananaliksik. Isa pa, kung may limampung mag-aaral sa inyong antas at ang bubuuin mo
ay katulad lang ng bubuuin din ng sampu o higit pa sa kanila, hindi maiiwasang maikompara ang iyong papel sa
papel na binuo nila. Magiging mas mahirap din ang paghanap ng mga kagamitan kung mas maraming mag-aaral
ang mag-uunahan sa paghiram ng magkakaparehong aklat. Kung mangangailangan ka naman ng taong
makakapanayam ay magiging mas madaling mapapayag ang taong ito kung iisang beses lang siyang
kakapanayamin kaysa kung may sampung mag-aaral na hihiling din sa kanya ng panayam para sa
magkakaparehong paksa.
May mapagkukunan ng malawak at sapat na impormasyon. Tulad ng naunang nabanggit, sa pagbuo ng
sulating pananaliksik ay hindi dapat sa aklatan o sa intrernet lang mangalap ng kagamitan at impormasyon.
Habang pumipili pa lang ng paksa ay pag-isipan na kaagad kung saan-saan o kung sino-sino ang
panggagalingan ng mga impormasyong isasama sa bubuuin. Makakabuting matiyak na ang resources (tao man
o bagay) ay nariyan at maaaring magamit sa oras o panahong kailanganin mo para sa gawain.
Maaaring matapos sa takdang panahong nakalaan. Gaano man kaganda ang paksang napili mo kung hindi
naman ito matatapos sa takdang panahon ay nawawalan din ng kabuluhan. Nararapat na alam ng mananaliksik
ang haba ng panahong nakalaan para sa kabuuan ng gawain at saka niya ito hati-hatiin sa bawat bahagi upang
matagumpay na matapos at maisumite ang gawain sa takdang araw ng pagpasa. Dito rin papasok ang paalalang
ang paksa ay dapat angkop sa kakayahan ng mananaliksik. Tandaan, habang binubuo mo ang sulating
pananaliksik sa isang asignaturang mangangailangan din ng iyong panahon at atensiyon kaya mahalagang
umiwas sa masyadong malalawak na paksang aabutin ng taon bago matapos.
Tayo’y magsanay!
Panuto: Magtala ng sampo (10) o higit pang mga ideyang malapit sa iyong puso o mga bagay na
interesado ka na maaaring pagmulan ng mga tentatibong paksa para sa iyong sulating
pananaliksik. Gayahin at isulat sa papel ang iyong sagot. (10 puntos)

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

This document is a property of Top Link Global College, Inc.


All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means- electronic or
mechanical including photocopying- without written permission from Top Link Global College, Inc. Revised Edition 2021
Palawakin natin!
Panuto: Isulat muli sa unang hanay ang mga ideyang isinulat mo sa papel na nasa Tayo’y
Magsanay. Pagkatapos, lagyan ng tsek (√) ang mga kahon sa kanan nito kung tumutugon ito
sa mga naglalarawang parirala na nasa heading at ekis (x) naman kung hindi. Gayahin at isulat
sa papel ang iyong sagot. (20 puntos)

Maraming
Mga Ideyang Itinala Gusto Ko o Madaling Mapagkukunan Matatapos sa Bago o
Ko Malapit sa Maiugnay sa ng Oras na Naiiba
Aking Puso Layunin Impormasyon Nakalaan

1.
2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

Tayo’y maghanda!
Panuto: Pumili ng isa sa mga ideyang isinulat mo sa mga nakaraang gawain at sabihin kung
saan ito naaangkop sa mga paalala o tip sa pagpili ng paksa. Maaari itong maangkop sa isa o
higit pang paalala o tip. Ipaliwanag ang magiging sagot sa pamamagitan ng tatlo (3)
hanggang limang (5) pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa papel. (20 puntos)

This document is a property of Top Link Global College, Inc.


All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means- electronic or
mechanical including photocopying- without written permission from Top Link Global College, Inc. Revised Edition 2021
This document is a property of Top Link Global College, Inc.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means- electronic or
mechanical including photocopying- without written permission from Top Link Global College, Inc. Revised Edition 2021
ARALIN 12: Mga Hakbang sa Pagpili ng Paksa
Ikalimang Linggo (Araw 9 at 10)
F11HP – IVe – 38
Mga Layunin: Kagamitan:
1.Natutukoy ang mga hakbang sa pagpili ng paksa. modyul, isang buong papel at panulat
2.Napapahalagahan ang pagsunod sa mga hakbang
sa pagpili ng paksa sa paggawa ng sulating Sanggunian:
pananaliksik. Pinagyamang Pluma-Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
3.Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
napapanahon ang paksa. Phoenix Publishing House (Pahina 70-75)

TAYO’y MAGSIMULA!
Masayang Araw! Tayo’y maghanda na sa ating tatalakayin ngayon. Inaasahan na
maunawaan ang mga hakbang sa pagpili ng paksa, mapahalagahan ang pagsunod sa mga
hakbang sa pagpili ng paksa sa paggawa ng sulating pananaliksik at ikaw ay mag-aaral na
nagsasagawa ng isang pananaliksik tungkol sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, nais mong
malaman kung bakit nangyayari ito sa ating lipunan ngayon sapagkat nakikita mo na nahihirapan
ang iyong mga magulang na tustusan ang inyong pangangailangan sa araw-araw kaya naman
naisipan mo na ito ang maging paksa ng iyong ginagawang pananaliksik.
TUKLAsin NATIn ANG IYONG KAAlAMAN!
Alamin natin ang iyong kaalaman sa aralin na ito.
Panuto: Hanapin ang mga sumusunod na salita sa loob ng kahon.
Paksa Pananaliksik Hakbang
H R T H J K S V H U O L
S A Y P E Z V B I K P I
Q A K G N E T G J L A Z
D V N B Q W E P A K S A
W E R T A T Q A X C N H
W V B G H N E W Q A Z Y
D E W Q A C G T R E W T
E Q A D F H T R E S V M
W E F G D C V K R W A D
D E G M L E N A P A H N
M J G T R G R O S P W Q
P A N A N A L I K S I K

ALAMIN NAtIN!
Mga Hakbang sa Pagpili ng Paksa
1. Alamin kung ano ang inaasahan o layunin sa sulatin.
Bago pa man simulan ang pagpili ng iyong paksa ay mahalagang malaman mo
muna ang layunin ng pagbuo ng sulating pananaliksik para maihanay o maiugnay mo sa mga layuning
ito ang mga gagawin.
Halimbawa ay ito ang layuning sasabihin ng inyong guro:
 Ang layunin ng gawaing ito ay mapamalas mo ang kasanayan sa pananalisik sa Filipino batay sa
kaalaman sa oryentasyon, layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik patungkol sa mga paksa.
Mula sa layuning ito ay mag-isip ka ng paksa na tutugma rito. Hindi dapat lumayo ang iyong
paksa sapagkat may dahilan ang guro sa pagpili ng layuning pagmumulan ng sulating pananaliksik ng
kanyang mga mag-aaral.
2. Pagtatala ng mga posibleng magiging paksa para sa sulating pananaliksik.
May mga gurong nagbibigay ng mga paksang maaaring pagpilian ng mga mag-aaral. Ang mga
paksang ito ay nakaugnay sa mga layunin. Kung sakaling wala kang magustuhan sa mga paksang
ibinigay upang pagpilian ay maaari mong kausapin ang iyong guro upang mabigyan ka ng

This document is a property of Top Link Global College, Inc.


All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means- electronic or
mechanical including photocopying- without written permission from Top Link Global College, Inc. Revised Edition 2021
pagkakataong pumili ng ibang paksang malapit sa iyong puso at interes. Mahalagang lagi kang
nakikipag-ugnayan sa iyong guro para makuha ang pananaw niya sa mungkahi mong paksa bago ito
simulan upang maiwasang masayang ang oras mo kung may ibang suhestiyon pa ang iyong guro
kaugnay nito.
Kung sakaling walang ibibigay na paksang pagpipilian ang guro at ikaw ay mabibigyan ng
pagkakataong pumili ng sarili mong paksa, isa itong maganda subalit mapanahong gawain. Maaari kang
maupo at mag-isip ng lahat ng mga posibleng paksa. Pag-isipan ang paksang malapit sa puso mo na
tutugma sa layuning ibinigay ng guro. Maging mapagmasid at maghanap ka sa mga maaaring
pagkunan ng paksa. Isulat mo ang lahat ng ideyang papasok sa isipan mo para mas marami kang
pagpilian. Huwag mong limitahan ang mga isusulat at iwasang i-edit ang sarili mo. Pagkatapos mong
maisulat ang mga posibleng pagmulan ng iyong paksa ay iwan mo muna ito upang maging higit kang
handa sa susunod na hakbang.
3. Pagsusuri sa mga naitalang ideya
Muling balikan at isa-isang basahin ang mga isinulat mong ideya. Suriin mabuti ang bawat isa
gamit ang mga sumusunod na tanong:
 Alin-alin sa mga ito ang magiging kawili-wiling gawin o saliksikin para sa iyo?
 Bakit ka interesado rito?
 Alin ang posibleng makatulong sa iba kapag nakahanap ito ng kasagutan?
 Alin ang alam na alam mo na? Alin ang gusto mo pang lalong makilala o mapalawak ang iyong
kaalaman?
 Alin ang maaaring mahirap ihanap ng kagamitang pagkukuhanan ng impormasyon?
 Alin ang masyadong malawak at mahirap gawan ng pananaliksik.
 Alin naman ang masyadong limitado o maliit ang sakop?
 Alin ang angkop sa iyong antas at kakayanin mong tapusin sa itinakdang panahon?
4. Pagbuo ng tentatibong paksa
Mula sa mga sagot mo sa mga tanong na ito ay matutukoy mo kung alin sa mga nakatala sa
iyong papel ang maaari mong ipursige bilang paksa ng iyong sulating pananaliksik. Lagyan ng tsek (/)
ang mga ito gamit ang mga naunang tanong bilang gabay. Muli, suriing mabuti ang mga napili mo.
Magdesisyon ka at itanong sa sarili:
Alin kaya sa mga ito ang pinakagusto ko o malapit sa aking puso, pinaka madali kong maihanap
ng kasagutan, pinakamadaling maiugnay sa layunin, at tiyak na matatapos ko sa limitadong oras na
ibinigay sa akin para tapusin ang gawain?
Batay sa mga sagot na ibibigay mo sa tanong na ito ay mapipili mo na ang iyong tentatibong
paksa.
5. Paglilimita sa paksa
Maaaring sa una’y malawak ang paksang mabubuo mo kaya’t kailangan mong limitahan ito
upang magkaroon ng pokus ang gagawin mong pananaliksik. Tandaang hindi dapat maging masyadong
malawak o masaklaw ang paksa sa dami nitong impormasyon na gustong patunayan ay hindi na
matatapos sa takdang panahon at hindi maihahanap ng angkop na kasagutan. Makikita sa ibaba ang
ilang halimbawa ng paglilimita sa isang malawak o pangkalahatang paksa:
Malawak
Malawak o o Pangkalahatang
Pangkalahatang Paksa:
Paksa:
 Persepsyon sa mga
Labis at Madalas na taong may tattoo
Pagpupuyat sa katawan
ng mga Mag-aaral
Nilimitahang Paksa:
Nilimitahang Paksa:
 Persepsyon
Mga Dahilanngsakabataan
Labis atsa mga taong
Madalas may tattoo sang
na Pagpupuyat katawan
mga Mag-aaral at ang Epekto nito sa
Lalo Pang Nilimitahang Paksa:
Kanilang Gawaing Akademiko.
 Persepsyon ng kabataangPaksa:
Lalo Pang Nilimitahang nasa edad 13-19 sa mga taong may tattoo sa katawan
 Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral sa Ikasampung Baitang ng
Heneral Gregorio Del Pilar High School at ang Epekto nito sa Kanilang Gawaing Akademiko.
Sa paglilimita sa iyong paksa, iwasang maging lubha naman itong limitado na halos wala ka ng
pagkakataon upang mabuo ito bilang isang sulating pananaliksik. Kung masyadong limitado ang paksa ay
maaaring magkulang ang mga gamit na kailanganin mo para rito. Dito mangangailangan ka ng modipikasyon
o bahagyang pagpapalawak sa iyong paksa upang mas maging makabuluhan ang iyong pag-aaral.

Tayo’y magsanay!
Panuto: Sa mga sumusunod na kahon ay mababasa mo ang ilang malawak o

This document is a property of Top Link Global College, Inc.


All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means- electronic or
mechanical including photocopying- without written permission from Top Link Global College, Inc. Revised Edition 2021
pangkalahatang paksa. Limitahan mo ang mga paksa upang mas madaling matugunan ang sulating
pananaliksik. Gayahin at isulat ang iyong sagot sa papel. (10 puntos)

Malawak o Pangkalahatang Paksa:


Madalas na paglalaro ng video games ng mga mag-aaral
Nilimitahang Paksa:
Lalo pang Nilimitahang Paksa:

Malawak o Pangkalahatang Paksa:


Epekto ng social media sa mga mag-aaral
Nilimitahang Paksa:
Lalo pang Nilimitahang Paksa:

Malawak o Pangkalahatang Paksa:


Ang paggamit ng e-book (electronic book) ng mga batang mag-aaral
Nilimitahang Paksa:
Lalo pang Nilimitahang Paksa:

Palawakin natin!
Panuto: Napakahalaga ng pagpili ng
pinakaangkop na paksa sa pagbuo ng
sulating pananaliksik. Ano-ano nga ba ang
hakbang, paraan, o proseso sa pagpili ng
wastong paksa. Punan ang bawat kahon at lagyan ng
maikling paliwanag ang mga isasagot na hakbang.
(Sariling ideya mula sa mga natapos na leksyon.) Gayahin
at isulat ang sagot sa papel. (20 puntos)

Tayo’y maghanda!
Bilang paghahanda sa paggawa ng
inyong Pamantayan sa Pagganap, ikaw ay mag-
aaral na nagsasagawa ng isang pananaliksik
tungkol sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin,
nais mong malaman kung bakit nangyayari ito sa ating lipunan
ngayon sapagkat nakikita mo na nahihirapan ang iyong mga
magulang na tustusan ang inyong pangangailangan sa araw-
araw kaya naman naisipan mo na ito ang maging paksa ng
iyong ginagawang pananaliksik. Tatayain ang pananaliksik sa
tulong ng pamantayan pangnilalaman. Isulat ang iyong sagot sa
papel. (20 puntos)

Pamantayang Pangnilalaman:
Pamantayan Pagmamarka Puntos Iskor
Maayos na nailahad ang mga impormasyon sa pag-aaral. 3
Kaayusan Wastong gamit ng mga gramatika at angkop ang mga salita. 3

This document is a property of Top Link Global College, Inc.


All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means- electronic or
mechanical including photocopying- without written permission from Top Link Global College, Inc. Revised Edition 2021
Nagpakita ng estilo at pagsunod sa mga tinalakay na gabay. 3

Makatutulong sa mga mambabasa ang pananaliksik. 3


Nilalaman Hindi tinipid sa mga impormasyon ang pag-aaral. 3
Naipasa ang pananaliksik sa tamang oras. 3
Presentasyon
Maayos ang pananaliksik. 2
Kabuuan 20

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: PANANALIKSIK


Mga Layunin:
1.Natutukoy ang pinagmulan ng paksang sinaliksik.
2. Napapahalagahan ang pagsunod sa mga hakbang sa pagsulat ng pananaliksik.
3.Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na napapanahon ang paksa.

Panuto: Sumulat ng isang historical research ng napapanahong paksa (Covid19) na ating nararanasan ngayon.
Gawing gabay ang pamantayang pangnilalaman.

Pamantayan Pagmamarka Iskor


Puntos

Maayos na nailahad ang mga impormasyon sa pag-aaral. 15


Kaayusan
Wastong gamit ng mga gramatika at angkop ang mga salita. 15

Nagpakita ng estilo at pagsunod sa mga tinalakay na gabay. 15

Makatutulong sa mga mambabasa ang pananaliksik. 15


Nilalaman
Hindi tinipid sa mga impormasyon ang pag-aaral. 15

Naipasa ang pananaliksik sa tamang oras. 15


Presentasyon
Maayos ang pananaliksik. 10

Kabuuan 100

Goal-Makabuo ng isang pananaliksik tungkol sa napapanahong paksa na Covid-19.

Role-Ang mga mag-aaral ay magiging isang mananaliksik ng isang kompanya ng gamot na nais makagawa ng
vaccine sa sakit na Covid-19 at malaman kung ano at saan nagmula ang sakit na ito.

Audience-Ang ginawang pag-aaral ay ibabahagi at ipakikita sa grupo ng mga dalubhasang siyentipiko sa mga
gamot.

Situation-Ang mga mananaliksik ay aalamin ang kasaysayan ng Covid-19 at sila ay bubuo ng isang vaccine na
makatutulong sa mga tinamaan ng sakit.

Product-Ang mabubuong pananaliksik na napapanahon ay magpapakita ng isinagawang pag-aaral.. (Research


findings)

Standard-Inaasahan na ang mga mananaliksik ay susunod sa pamantayan ng pananaliksik upang maging wasto
ang pag-aaral.

This document is a property of Top Link Global College, Inc.


All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means- electronic or
mechanical including photocopying- without written permission from Top Link Global College, Inc. Revised Edition 2021
This document is a property of Top Link Global College, Inc.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means- electronic or
mechanical including photocopying- without written permission from Top Link Global College, Inc. Revised Edition 2021

You might also like