You are on page 1of 6
Ang mga Uri ng Pagtataya 1. Pagtatayang Pormal Tanong: Ano na ang alam mo? Mga Pormat a) Tama-mali b) Multiple Choice Question/maraming pagpipiliang tanong c) Pagtatapat-tapat @) Paglalahad e) Standardized f) _Nerm-referenced 9) Criterion-referenced Mga Layunin Karaniwang lapis at papel na pagsusulit, tinutulungan ang mga guro sa: a) Sumusukat sa natatamong kaalaman ng mga mag-aaral at inihahambing ang natamong ito sa kapwa mag-aaral at sa iba pang mag-aaral sa district, division,rehiyon o bansa Ulat sa natamo ng mga mag-aaral para sa mga magulang at administrador. ©) Ang resulta ng pagsusulit ay ginagamit para sa pagbuo ng mga polisi at paggawa ng mga desisyon sa pagtuturo at pagkatuto. = 2. Alternatibong Pagtataya Tanong: Ano ang magagawa mo? Mga Layunin ‘Ang mga gawain ay halos malapit sa aktwal na mga sitwason ng buhay; nakatutulong sa mga guro upang a) Makabuo ng isang komprehensibong paglalarawan ng bawat mag-aaral bilang problem solver, critical thinker at acquirer of knowledge. b) Mataya ang pagsulong at pag-unlad ng isang mag-aaral sa loob ng isang panahong itinakda (isang araw o lingo o di kaya nama'y ilang buwan). Mga Gawain a) Awtentiko (Tuwirang pagtataya sa mga gawaing mag-aaral na malapit sa mga tunay na karanasan) b) Ang pagtatayang Producto performance * Inaasahan na makabubuo/makapaglahad ang mga mag- aaral ng isang totoo o tunay na produkto o di kaya ay pagsasagawa o pagganap na magpakita ng kanilang pagka-unawa sa mga kasanayan o konseptong nilinang. * Nakapokus sa natapos na produkto sa halip na sa mga proseso, gawi o istratehiya na ginamit sa pagbuo nito. * Ang pagtataya ay nakabatay sa paghuhusga at obserbasyon gamit ang ilang pamantayan o krayterya. Mga Uri ng Evaluation Criteria na Ginagamit sa Alternatibong Pagtataya « Rubric Peer at self- ¢ Iskala evaluation Tseklist Mga halimbawa ng Product at Performance na maipagawa sa klase * Scripts, dialogues * Children’s book « Audiotapes, «© Exhibits videotapes * Research papers * Charts, maps, * Book or movie graphs reviews « Games, puzzles * Questionnaires; « Puppet shows surveys * Plays, skits, talent © Print or TV ads shows « Poems, riddles, « Interviews, debates jokes, songs * Role playing * Murals, collages * Dances * Scale, model, * Mock trials dioramas * Cooking or sports- © Terrarium demonstrations * Scrapbook * Recipes, menus * Speech . Slide shows Pagtiyak Upang Mapagtagumpayan ang Gawain * Maglaan ng tala ng mga opsyunal na mga product at performance * Turuan ang mga mag-aaral na gumawa ng proposal para maging pokus ang gawain. * Paghandain ang mga mag-aaral ng action plans at task sheets. * Hayaang pumili ang mga mag-aaral ng kanilang sistema ng paggawa. Pagtataya ng Pag-unlad ng mga Gawain * Hingan ang mga estudyante ng progress report « Bumuo ng pamantayan/krayterya sa pagtataya gaya ng rubric. * sama ang peer review bilang bahagi ng proseso sa pagtataya. * Pagawain din sila ng self-assessment sa bawat yugto ng proseso ng pagtataya. c) Proseso/Process Assessment: Pagmamasid Habang Isinasagawa ang Pagkatuto * Pagmamasid habang ginagawa ang pagkatuto * Pagmamasid kung paano ginagawa ang pag-iisip * Pagmamasid habang gumagawa ng task o gawain * Inaasahan na magpapakita o ibabahagi ng mga mag-aaral ang kanilang mga kilos, gawi, istratehiya, mapanuring pag-iisip habang inuunawa ang nalilinang na mga kasanayan at konsepto. * Nakapokus ang atensyon ng guro sa proseso, kilos,o gawi, at mga istratehiya sa halip na bunga ng pagkatuto. « Batay sa paghuhusga at pagmamasid sa tulong ng mga pamantayan at krayterya. Mga Uri ng Evaluation Criteria na Maaring Gamitin ¢ Rubrics + Pormal na mga iskala at tseklist * Mga talang anecdotal * Pagmamasid « Pagtatayang pansarili d) « Pagtataya ng kaklase Mga Halimbawa ng mga Proseso Inilalahad sa ibaba ang ilang proseso na maaring bigyang-pansin ng guro habang nagmamasid sa kakanyahan ng mga mag-aaral na mailapat ang HOTS: + Mga istratehiya sa pagbasa na gamit nga mag-aaral sa pagpapakahulugan ng teksto Kilos 0 gawi kung may peer review Mga patunay ng mga inilaan na oras sa gawain Kakayahan sa pakikilahok sa mga pangkatang gawain Mga draft habang gumagawa ng sulatin/komposisyon Pakikilahok sa mga talakayang pangklase Pagsangguni upang mapabuti ang gawain Bumuo ng personal na krayterya o pamantayan cc ee ee Pagtatayang Portfolio «Isang may layuning kalipunan/koleksiyon ng mga gawa ng isang mag-aaral at nagpapakita ng kanyang panlahat na sigasig, pag-unlad, at mga natutuhan sa loob ng isang panahon. «Isang magandang paglalarawan ng pag-iisip ng pagtuturo at pagtataya. Makikita sa koleksiyong ito ang paano at ano ang pagkatuto ng isang mag-aaral © Ito'y masusing pinili at hindi lahatan o catch allng mga gawa ng mag-aaral. * Ito'y kombinasyon ng process at product assessment na may ibayong din sa ebalwasyong pansarili at ebalwasyon ng kapwa mag-aaral. Mga Uri ng Evaluation Criteria Gamit sa Pagtatayang Portfolio * Imbentaryo « Iskala at Tseklist * Talangmga * Talang anecdotal komperensya « Obserbasyon « Rubrics « Peer evaluation Mga Maaring Nilalaman ng Isang Portfolio * Photographs © Ulat * Dyornal * Mga + Suring basa sulatin/komposisyo «© Sketch/drawings n Mga Uri ng Portfolio 1. Ang Working Portfolio Layunin: Naipapakita ang tala/koleksiyon ng mga ginawa ng mag-aaral sa isang particular na klase. ‘Ang working portfolio ay naglalaman ng koleksiyon ng mga produkto, performance at resulta ng mga pagsusulit sa loob ng isang takdang panahon. Kadalasan, ang working portfolio ay hanguan para sa isang showcase portfolio. 2. Ang Showcase Portfolio o Best Work Layunin: Naipapakita ang pinakatampok ng mga gawa ng mag- aaral. Ang showcase portfolio ay kalipunan ng pinakamagagaling na gawa ng mag-aaral, kasama na ang mga produkto at performance na maaring labas na sa pagsusumikap sa mga pagsusulit na lapis at papel. Kadalasan na ang nakapaloob dito ay tumutugon sa mga inilatag na ng mga layunin sa pagkatuto at mga kraytirya. Ang Process Portfolio Layunin:Naipapakita ang gawa/produkto ng mag-aaral sa iba’t ibang yugto ng pagbuo nito. Sa isang process portfolio ay ang koleksiyon ng lahat ng impormasyon tungkol sa isang patuloy isinasagawang proyekto, maaring kasama sa koleksiyon ang mga dokumento sa pagpaplano, mga draf, resulta ng mga konsultasyon, mga repleksiyon sa mga yugto ng pagbuo ng gawain at ang pinal na produkto 0 performance. 4, Ang Cummulative Portfolio o Archival Layunin: Naipapakita ang pinakatampok na mga gawa ng mag-aaral sa loob ng mahabang panahon. ‘Ang cumulative portfolio o archival ay pagpapakita ng pagsulong at pag-unlad ng isang mag-aaral sa loob ng isang mahabang panahon. Karaniwang nakapaloob ditto ang mga halimbawang hinugot mula sa isang showcase portfolio. Kailangan din sa ganitong portfolio ang pana-panahong pagtanaw sa mga koleksiyon upang hindi ito sumabog. Sanggunian: Badayos, Paquito B. (2008). Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto ng/sa Filipino : Mga Teorya, Simulain at Istratehiya. Nirebisang Edisyon. Valenzuela City: Mutya Publishing House.

You might also like