You are on page 1of 1

Kahalagahan ng wika

1. Ang wika ay behikulo ng kaisipan.


2. Ang wika ay daan tungo sa puso ng isang tao.
3. Ang wika ay nagbibigay ng mga kautusan o nagpapakilala sa tungkulin at
katayuan sa lipunan ng nagsasalita.
4. Ang wika ay kasasalaminan ng kultura ng isang lahi maging ng kanilang
karanasan.
5. Ang wika ay pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupong gumagamit ng
kakaibang mga salitang hindi laganap.
6. Ang wika ay luklukan ng panitikan sa kanang artistikong gamit.
7. Ang wika ay kasangkapan sap ag-aaral ng kultura ng ibang lahi.
8. Ang wika ay tagapagbigkis ng lipunan.

Anong lugkot ng mundo kung wala ang wika. Nakabibinging katahimikan ang
mararanasan ng bawat nilalang kung sila ay nagtitinginan lamang. Malaking kapaguran
at katatawanan kung ang lahat ng tao ay nagkukumpasan ng kamay at nagpapagalaw
ng buong katawang bilang paraan ng komunikasyon. Anong bagal ng pag-unlad ng tao
sa ganitong senaryo! Ang mga nabanggit sa itaas na kahalagahan ng wika ang siyang
mapapainog ng mundo ng mga tao kaya patuloy ang pagbabago at pag-uunlad.
Ang sab inga ni Hoebel, kung wala ang wika, ang kultura ng bawat tao ay wala rin. Pag
namatay ang wikang gamit ngisang tao, kasabay nito ang pagkamatay ng kanayang
kultura at higit sa lahat ng kanayang identidad. Kapag wala kanga lam sa iyong sariling
wikang Filipino, wala na rin ang kulturang Filipino na nasa dugo mo. Ikaw ngayon ay
hindi matatawag na Filipino.

You might also like