You are on page 1of 17

Mga Miyembro:

-Matthew Andrei Valencia


-John Romson Erazo

KOMIKS -Allyn Antiporda


-Alan Cleo Sitaca
-Chris Arvin Gamosa
-Franz Jenylle Faculin
-Jezette Corazon Talledo
Group 5 -Tim Jason Gonzales
Ang komiks ay isang
Ano ang grapikong midyum na ang
mga salita at larawan ay
Komiks? ginagamit upang ihatid ang
isang salaysay o kuwento.
Maaaring maglaman ang komiks
ng kaunting diyalogo sapagkat
binubuo ito ng isa o higit pang
mga larawan, na maaaring
maglarawan o maghambing ng
pagkakaiba ng teksto upang
higit na makaapekto nang may
lalim.
Bagaman palagiang paksang
katatawanan ang komiks, sa
kasaysayan, lumawak na ang sakop
ng anyo ng sining na ito na
kinabibilangan ng lahat ng mga uri
(genre), hinahayaan ang mga
artistang tuklasin ang kanilang
sariling ekspresyon.
MGA BAHAGI
NG KOMIKS
Kuwadro
Naglalaman
ng isang Pamagat
tagpo sa ng
kuwento kuwento
(frame)

Larawang guhit
ng mga tauhan sa
kuwento

Kahon ng Salaysay-
Pinagsusulatan ng maikling
salaysay tungkol sa tagpo Lobo ng Usapan
Pinagsusulatan ng usapan ng mga tauhan; may ibat ibang
anyo ito batay sa inilalarawan ng dibuhista.
a. ) Kahon ng Salaysay
sinusulatan ng mga maikling salaysay tungkol sa
tagpo.
b. ) Pamagat
Pamagat ng komiks , pangalan ng komiks
c. ) Lobo ng usapan
Kinasusulatan ng usapan ng mga tauhan. May
Ibat't ibang anyo ito batay sa inilalarawan ng
dibuhista.
d. ) Kuwadro
Naglalaman ng isang tagpo sa kwento (Frame)
e. ) Larawang guhit ng mga tauhan sa kwento
mga guhit ng tauhan na binibigyan ng kwento .
Sinasabing ang komiks ay inilarawan
bilang isang makulay at popular na
babasahin na nagbigay-aliw sa
mambabasa, nagturo ng ibat ibang
kaalaman at nagsulong ng kulturang
Pilipino. Ang kultura ng komiks ay
binubuo ng mga manunulat at
dibuhista ng imahinasyon.
Sa Pilipinas, siansabing ang
bayaning si JOSE RIZAL ang kauna-
unahang Pilipino na gumawa ng
komiks. Noong 1884 ay inilathala sa
magasing Trubners Record sa
Europa ang komiks strip niya na
Pagong at Matsing. Ito ay halaw
ng bayani mula sa isang popular na
pabula sa Asya.
Makulay ang pinagdaanan ng
komiks sa Pilipinas magmula nang
lumabas ito sa mga magasing bilang
page filler sa entertainment section
nito noong 1920. Magmula dito,
nagsulputan na ang mga regular na
serye ng Halakhak Komiks nooong
1946, Filipino Komiks, Tagalog
Klasiks noong 1949 at Silangang
Komiks noong 1950.
Sinasabing sa pagpasok ng dekada
otsenta unti-unting humina ang benta ng
komiks dahil sa ipinatanggal ang ilang sa
nilalaman at ipinag-utos ang paggamit
ng murang papel. Naapektuhan nito ang
kalidad at itsura ng komiks. Nag resulta
ito nang pag-alis ng mga dibuhista ng
komiks sa Pilipinas para magtrabaho sa
Amerika sa parehong industriya, ang
komiks. Kabilang dito sina Alfredo Alcala,
Mar Amongo, Alex Nino at iba pa.
Pagkatapos ng Martial Law muling
namuhunan ang industriya ng
komiks. Sa panahong ito sumikat
ang manunulat na sina Pablo S.
Gomez, Elena Patron at Nerissa
Cabral. Ang pagbabalik interes ng
mambabasa sa komiks ay tumagal
lamang hanggang ngsimula ng 1990
dahil nahumaling ang mga tao sa
ibat ibang anyo ng paglilibang.
Sa kasalukuyan, marami pa rin ang
nagnanais na muling buhayin ang
industriya sa bansa. Isa na rito ay
ang kilalang direktor na si Carlo J.
Caparas. Noong taong 2007
tinangka niyang buhayin at
pasiglahin and tradisyunal na komiks
sa sirkulasyon sa pamamagitan ng
mga ginawa nilang komiks caravan
sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas.
Hindi lamang sa Pilipinas
nakilala ang galing at husay
ng mga manlilikha ng komiks
kundi maging sa ibang bansa.
Ayon sa blog ni Fermin
Salvador, world-class ang
kakayahan ng mga Pilipino sa
paglikha ng komiks.
Kinilala ang galing at husay ng mga
Pinoy sa larangan ng sining at
malilikhaing pagsulat sa lokal man o
internasyonal na komunidad.
Kabilang sa mga komikerong
Pilipino na kilala sa labas ng Pilipinas
sina Gerry Alanguilan, Whilce
Portacio, Philip Tan, Alfredo
Alcantara, at marami pang iba.
Tunay na hanggang sa ngayon ay
popular na babasahin pa rin ang
komiks. Ayon nga kay Prof. Joey
Baquiran ng UP, sa PASKO SA
KOMIKS. Hindi mamamatay ang
komiks dahil may kakanyahan ito.
Ang katangiang biswal at teksto.
Isang kakanyahang hindi-hindi
mamamatay sa kulturang Pilipino
hanggat ang mga Pilipino ay may
mga mata para makakita at bibig
para makabasa magpapatuloy ang
eksistensya ng komiks.

You might also like