Professional Documents
Culture Documents
Tsapter IV A Komiks
Tsapter IV A Komiks
Ang Komiks at
Pahayagan
Ikaapat na Grupo
Layunin
• Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang ang mga
mag-aaral ay:
• Naisaisip ang kahulugan at lahat ng sektor ng komiks; •
Naisapuso ang kahulugan at lahat ng sektor ng komiks; at
• Nakasulat ng repleksyon patungkol sa komiks.
KOMIKS
• Ito ay isang grapikong midyum.
• Maaaring maglaman ito ng kaunting diyalogo.
• Ito ay inihahanay bilang isang kulturang popular.
• Inilalarawan ito bilang isang makulay at popular na babasahin.
KASAYSAYAN AT PINAG-UGATAN
• Sinasabing ang bayaning si Jose Rizal ang kauna-unahang Filipino
na gumawa ng komiks.
• Mula 1896 hanggang 1898, habang ang Pilipinas ay dumadaan sa
yugto ng rebolusyon, ilang magasin ang lumabas sa Maynila na
may nakaimprentang cartoons.
• Noong 1907, inilathala ang “Lipang Kalabaw”, isang magasin na
nasa ilalim ng pangangasiwa ni Lope K. Santos.
• Ang mga unang serye ng Filipino komiks ay lumabas sa simula ng
1920 bilang page filler sa mga magasing ito ay ang “Telembang”
at ang muling binuhay na “Lipang Kalabaw”.
KASAYSAYAN AT PINAG-UGATAN
• Noong 1946, lumabas ang unang regular na nailathalang magasin ng
komiks, ang Halakhak Komiks.
• Noong 1947, lumabas ang Pilipino Komiks, sa ilalim ng pamamahala ni
Tony Velasquez.
• Tagalog Klasiks noong 1949, at Silangan Komiks noong 1950.
• Isang linggo matapos ilabas ang unang komiks ng Silangan, inilathala ang
Aksiyon Komiks ng Arcade Publications.
• Naging editor nito si Eriberto Tablan, at sina Alfredo Alcala at Virgilio
Redondo ang mga punong ilustrador. Sumunod sa mga ito ang Bituin
Komiks (Abril 1950), Bulaklak Komiks (Agosto 1950), Pantastik
Komiks (Oktubre 1950), Hiwaga Komiks (1950), Espesyal Komiks
(1952), Manila Klasiks (1952), at Extra Komiks (1953).
KASAYSAYAN AT PINAG-UGATAN
• Noong 1950s, kumuha ng inspirasyon ang komiks mula sa ibang
anyo ng literatura tulad ng komedya, alamat, mga paniniwala at
maging sa mitolohiyang Pilipino.
• Sa mga komiks ng Amerika, tulad ng Kulafu at Og (Tarzan),
Darna (Wonder Woman o Superman), at D.I. Trecy (Dick
Tracy).
• Sa panahon ng Martial Law, ipinatanggal ang ilan sa mga
nilalaman ng komiks.
• Nagresulta ito sa pag-alis ng mga ilustrador ng komiks sa Pilipinas
para magtrabaho sa parehong industriya sa Amerika.
KASAYSAYAN AT PINAG-UGATAN
• Drama ang naging usong tema na komiks, sa pagpapasikat ng mga
manunulat na sina Pablo S. Gome, Elena Patron, at Nerissa Cabral.
• Ang pagbabalik ng interes sa komiks ay tumagal lamang hanggang sa
simula ng 1990s.
• Maraming gumagawa ng komiks ang nagtipid sa produksyon, binawasan
ang sweldo ng mga manunulat at dibuhista, gumamit ng murang papel,
at dinamihan anag mga pahinang nakatuon sa showbiz kaysa sa komiks.
• Ang mga manggagawa sa industriya ng komiks ay nawalan na ng gana
sa paggawa ng mga bagong istorya.
KASAYSAYAN AT PINAG-UGATAN
• Napilitang ulitin na lamang ang mga lumang kuwento, at ang guhit
ng mga ilustrador ay pangkaraniwan na lamang.
• Hindi na nito nasasalamin ang mayamang tradisyon ng komiks na
nasimulan noon.
• Sa taong 2005, wala ng kahit anong kumpanya o malaking
tagalimbag ng komiks sa Pilipinas.
ANG KOMIKON
• Ang komikon ay isang kaganapan kung saan ang mga
manlilikha ng
komiks ay nagsasamasama. ang komikon ay palaging
ginaganap sa "The bahay ng Alumni" sa UP Diliman.
• Ito ay naglalayong maipakilala ang mga Pilipinong
manlilikha ng komiks
• Mas maipakita ang pagpapahalaga para sa sining ng
komiks sa lahat
ANG NILALAMAN, MGA ANYO AT
GAMPANIN NG KOMIKS
•Maaaring maglaman ang komiks ng kaunti o
walang salita.
•Binubuo ng isa o higit pang mga larawan.
•Lumawak ang sakop ng anyo ng sining na
kinabibilangan ang lahat ng mga uri (genre).
Mga Uri ng Komiks
1. Alternativecomic books
2. Horror
3. Manga
4. Action
5. Romance/adult
6. Sciencefiction/fantasy
•Bahagi ng komiks
a) Pamagat
b) Lobo ng usapan
c) Kuwadro
d) Larawang guhit ng mga
tauhan
sa kwento
ANG NILALAMAN, MGA ANYO AT
GAMPANIN NG KOMIKS
•Gampanin ng komiks
•Nakakaintriga, nakakaaliw, at minsan ay kritikal na
salamin ng lipunan.
•Representasyon ng komiks sa mundo
ANG PARAAN O PAG-UNAWA SA KOMIKS
1. Pagbasa
• ito ay isang proseso ng pagkuha, pagkilala, at pag-unawa ng
mga nakaimbak na o nakasulat na impormasyon o datos.
• Ayon kay Gray, W.S. (1950), ang kinikilalang “Ama ng
Pagbasa”, ang pagbabasa ay may apat na proseso o hakbang;
1. Persepsyon
2. Komprehensyon
3. Reaksyon
4. Integrasyon