You are on page 1of 35

Panitikan

• Pang- + titik + -an


• Pangtitikan
• Pantitikan
• Panitikan

• Kahulugan ng Panitikan
• Anyo ng Panitikan
• Genre
LIT 1-Sosyedad at Literatura
• Ang SOSLIT ay isang kurso sa pag-aaral at paglikha
ng panitikang Filipino na nakatuon sa kabuluhang
panlipunan ng mga tekstong literari sa iba’t ibang
bahagi ng kasaysayan ng bansang Pilipinas.
Sinasaklaw nito ang mga isyung panlipunan na
tinalakay ng mga akdang Filipino tulad ng
kahirapan, malawak na agwat ng mayayaman at
mahirap, reporma sa lupa, globalisasyon,
pagsasamantala sa mga manggagawa, karapatang
pantao, isyung pangkasarian, sitwasyon ng mga
pangkat minorya at/o marhinalisado, at iba pa.
• Ang sining ay nagmula sa salitang Latin na
nangangahulugang kakayahan o kasanayan
• Nakapaloob sa sining ang iba’t ibang saklaw
at lawak ng pagkamalikhain na naglalayong
matuklasan ang kagandahan sa tulong ng
paggamit ng iba’t ibang uri ng pandama.
Nasasakasihan ang sining sa pamamagitan ng
sining biswal, musika, sayaw at higit sa lahat,
panitikan.
• Naipahahayag ang sining sa pamamagitan
ng paggamit ng imahinasyon. Tulad ng mga
makata, manunulat, kompositor,pintor, at
iskultor ay nababalutan ng imahinasyon ang
kanilang mga likhang-sining na gamit na
puhunan ang kanilang talino, damdamin,
kakayahan at karanasan.
• Ang anumang gawaing pansining o likhang-
sining ay kinapapalooban ng pagtatangka,
pagbabalak, paghahanda, pagsasakatuparan
at paggamit ng imahinasyon, gayundin ng
sining na nakapaloob dito.
• Panunuring Pampanitikan
• Isang uri ng pagtalakay na nagbibigay-buhay at
diwa sa isang nilikhang sining, Ito ay isang
kaisipang hindi tapos ( Ramos, Mendiola)
• Ang anumang gawaing pansining o likhang-
sining ay kinapapalooban ng pagtatangka,
pagbabalak, paghahanda, pagsasakatuparan
at paggamit ng imahinasyon, gayundin ng
sining na nakapaloob dito.
• Ibinibilang bilang isang agham ng teksto. Ito’y
iniuugnay nila sa isang gawain ng mga kritiko
na may pinaghahanguang iba’t ibang teorya
• Ito’y ginagawang esensyal na gawain sa
pagsasanay na ginugugulan ng maraming oras
at panahon sa pagsusulat ng mapanuring
pagpapahayag.
Liham sa Kabataaan ng Taong 2070 ni Genoveva Edroza Matute

• Pagtalakay sa kahulugan ng Kilates


• Katangian ng isang akdang pampanitikan
• Panonood ng video
• Katangian ng Isang Mahusay na Akdang
Pampanitikan.mp4
• Maipahayag ang mga isyung
panlipunan na kasalukuyang
pinapaksa sa mga akdang
pampanitikan
Pagtalakay sa Sanaysay
• Liham sa Kabataaan ng Taong 2070 ni
Genoveva Edroza Matute
Panitikan ng Kahirapan
Efren Abueg
Mabangis na Lungsod
ni Efren Abueg
Kailan isinulat ni Efren Abueg ang kuwento?
Sino ang namumuno ng pamahalaan ng Pilipinas noong
panahong ito ay isulat?
Ano ang kalagayan ng bansa ng panahong iyon?
Anong mga isyung panlipunan mayroon sa panahong iyon?
Ano ang sinasalamin ng ng kalagayan ng bayan sa kuwento ni
Efren Abueg?
Anong problema o suliranin mayroon ang kuwento.
http://filipinoeinsteinirakhads.blogspot.com/2013/02/maban
gis-na-lungsod-ni-efren-r-abueg.html (dito sumangguni
para sa kopya ng maikling kwento)
• Ilarawan si Adong, Si Bruno at si nanay Ebeng.
• Ano ang kinakatawan ni Adong sa Kuwento?
Ni Bruno sa lipunan?
• Ilarawan nang masinsinan ang tagpuan sa
kuwento?
• Ano-anong pahayag ang nagpapatingkad sa
paksa ng kuwento?
• Anong tunggalian mayroon sa kuwento?
• Ano-anong simbolo ang ginamit sa kuwento?
• Paano nagpatingkad sa kuwento ang tono,
himig, simbolo, at mga tayutay sa kuwento?
• Masasabi bang isang klasiko ang akda ni Efren
Abueg?
• Sumasalamin pa ba sa kasalukuyan ang mga
pangyayari sa akda?
Eli, Eli Lama Sabachthani
ni
Dominador Mirasol
"Eli, Eli, Lama Sabachthani"-
Serye ng kawalang-pag-asa sa buhay ni Elias. Nakulong
dahil sa pagpatay nang ipinagtanggol si Celia sa
manggagahasa; mala-hayop ang pagtrato sa
bilanggong menor-de-edad sa Welfareville; lupit na
buhay sa bilangguan dahil sa pagkain, sanidad, at
siksikang espasyo; at ang iniihiang pagkain para sa
mga preso. Nakapatay muli si Elias at inilipat naman
sa Deathrow. Sa pagbitay, nagkaroon ng bagong pag-
asa si Elias: sa pagbabanyuhay.
• "Mga Aso sa Lagarian"-Pinakamalagim at
masining sa akda ni Mirasol. May pagkakahawig
sa "Sa Mga Kuko ng Liwanag": sakiting si Tata
Ando na may tisis, ganid na kontratistang si Mr.
Limpak, "paglalangis" sa operator ng derik,
panghuhuthot ng kontratista. Walang seguro ang
mga manggagawa, at wala silang makakapitan
kahit abutan man ng kamatayan. Mainam ang
pagkakagamit ng imahen ng matatabang aso para
ilarawan ang inhustisya sa lagarian.

"Ang Biktima"-Kasaysayan ng binatang
mamamatay-pulis na si Totoy Kikil, labing-apat na
taon. Naging rebelde sa pulisya dahil na rin sa
brutalidad ng mga pulis (pinatay ng mga ina ang
ama niya noong bata pa siya). Naging siga sa
bilanggunan si Totoy Kikil at lumawak ang
impluwensiya. Sa bisa ng inspector (na siyang
tagapagsalaysay), napanumbalik niya ang halaga
ng paggalang at pagkaama sa kabataan.
• "Makina"-Tulad ng mga aso ng lagarian,
inihahatid nito ang mensahe ng kalunos-lunos
na lagay ng mga manggagawa. Lamang, lunan
nito'y sa imprenta. Waring bilanggo sa gusali
ang manggagawang si Alipio. Walang seguro,
walang proteksiyon, nabutas ang baga niya sa
imprenta. Trahedya ang kaniyang kinasapitan.
Kailangan na niyang mamahinga ngunit paano
naman siya mabubuhay?
• "Isang Ina sa Panahon ng Trahedya"-
Kuwentong maihahalintulad sa Panunuluyan.
Sa paghahanap ni Aling Marta ng katarungan
sa pagpatay sa kaisa-isa niyang anak,
naiparating sa mambabasa ang kabulukan ng
pamahalaan, ng pulisya, ng hustisya. Lamang,
hindi iginawad sa ina ang karapatang
magparusa kay Boy Jungle-bolo, kundi ng
isang malagim na aksidente na ikinasabog ng
ulo ng salarin.
• Ilarawan ang mga tauhan sa kuwento?
• Paano nagsimula ang kuwento?
• Ilarawan ang tagpuan?
• Ihanay ang mga pangyayari sa kuwento?
• Ano-anong mga pangyayari ang nagtulak sa
pangunahing TAUHAN upang humantong siya
sa ganoong kalagayan?
• Paano humantong sa loob ng bilangguan si
Elias?
• Ano-anong suliranin mayroon sa Kuwento?
• Nangyayari pa ba sa kasalukuyan ang mga
karanasang naranasan ni Elias?
• Paano masosolusyunan ang ganitong mga
pangyayari sa loob ng bilangguan?
• Paano mo mapapangangatwiranang si Elias ay
biktima ng mga pangyayari sa Lipunan?
• Langaw sa Isang Basong Gatas
ni Amado V. Henandez
• Amado V. Hernandez
• Si Amado V. Hernandez ay makata, nobelista, mandudula,
peryodista, at itinanghal na Orden ng mga Pambansang Alagad ng
Sining sa larangan ng panitikan. Nagsulat din siya sa ilalim ng mga
pangalang Herminia dela Riva, Amante Hernani at Julio Abril.
Isinilang siya noong 13 Setyembre 1903 sa Tundo, Maynila, at
supling nina Juan Hernandez at Clara Vera. Napangasawa niya si
Honorata "Atang" de la Rama na tinaguriang "Reyna ng Kundiman"
na napabilang din sa Orden ng Pambansang Alagad ng Sining. Nag-
aral si Hernandez sa Manila High School sa Gagalangin, Tundo,
Maynila; at sa American Correspondence School at doon niya
nakamit ang titulong batsilyer sa sining.
• Nagsimula bilang peryodista, at pagkaraan ay
naging editor, si Hernandez sa mga
pahayagang gaya ng Watawat, Pagkakaisa,
Makabayan, Sampaguita, at Mabuhay Extra.
Sumapi siya sa Akademya ng Wikang Tagalog
at Manila Press Club noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig; at naging tiktik para
isulong ang paghihimagsik.
• Nahirang siyang konsehal noong 1945, at
nahalal noong 1947. Nakilahok siya sa kilusang
manggagawa noong dekada 1940–1950, at
kinatawan ang mga mamamahayag sa
Congress of Labor Relations (CLO). Noong
1947, nahalal siyang pangulo ng CLO ngunit
nabilanggo naman siya noong 1951 dahil sa
paratang na pagiging subersibo. Pinalaya siya
noong 1956, at napawalang sala nang ganap
noong 1964
• . Muling pumalaot sa peryodismo si Hernandez,
at naging kolumnista sa Taliba noong 1962–1967,
at editor ng Ang Masa. Nahalal si Hernandez na
ikalawang pangulo ng Aklatang Bayan, ang
pinakamalaking samahan ng mga manunulat na
itinatag noong bago magkadigma; at pagkaraan
ay sumapi sa Ilaw at Panitik na samahan ng mga
kabataang makata at mangangatha.
Nakipagbalagtasan siya sa pahayagan at
kinalaban ang tarikang si Jose Corazon de Jesus.
• umanggap ng tinatayang 20 gawad at parangal
si Hernandez noong bago sumiklab ang
digmaan, at kabilang dito ang "Ang Makata ng
Ilaw at Panitik" (1925) na sumungkit ng
dalawang medalyang ginto para sa maikling
kuwento. Nagwagi rin siya ng Republic
Cultural Heritage Award para sa "'Isang Daang
Langit" (1962); Don Carlos Palanca Memorial
Awards for Literature (1958, 1961); Hagdan sa
Bahaghari (1959);
• National Press Club Journalism Award (1963–
1965); Patnubay ng Sining at Kalinangan Award
mula sa pamahalaang lokal ng Maynila (1964);
Balagtas Memorial Award mula sa Sentrong
Pangkultura ng Pilipinas (1969); Gawad Tanglaw
ng Lahi mula sa Ateneo de Manila University
(1970). Iginawad nang postumo sa kaniya ang
pagkilalang Pambansang Alagad ng Sining sa
Panitikan noong 1970.
• Posted by Arnel B. Mahilom at Thursday,
September 02, 2010
• Labels: Mga talambuhay
• Bakit pinamagatang Langaw sa tabi ng isang
basong gatas?
• Ilarawan ang mga tauhan at tagpuan ng
kuwento?
• Ano ang kalagayan ng lipunan nang isulat ito
ni AVH?
• Ano ang kaugnayan ng mga pangyayari sa
kuwento sa nangyari din noong panahong
iyon?
• Ano ang problema sa kuwento?
• Ano ang naging kalagayan ng mga tauhan sa
huling bahagi ng kuwento?
• May kaalaman ba ang mga tauhan hinggil sa
lupang kanilang tinitirikan/ tinitirahan/
• Ano ang simbolo ng Langaw? Ng gatas?
• Sa panahong iyon ba ay masasabi nating
classless society tulad ng paniniwala ni Karl
Marx? Pangatwiranan ang inyong kasagutan?
• Masisisi mo ba ang pangunahing tauhan kung
naging marahas siya sa kanyang pagkilos?

You might also like