You are on page 1of 21

Paghuli sa Adarna: Tungo sa

Isang Pamantayang Pangkultura


Nicanor C. Tiongson
• SULIRANIN: “Lumalala ang kalagayan ng
manunuring Pilipino”

• Dahilan: “Hindi pa rin siya nakatutuklas ng ng


PAMANTAYANG gagamitin niya sa pag-uuri ng ating
panitikan, dulaan, sining biswal, musika at sayaw.

• Dulot ng binanggit na dahilan: Di masilip o


mabanaag man lamang ang hugis o anyo ng
kulturang lantay ang Pagka-pilipino

• PUNO’T DULO: Pabago-bago ang ating


pamantayang pangkultura
Paghuli sa Ibong adarna= Pagtatamo ng
tiyak na pamantayang Pangkultura

May pagsubok, may nagtangka at dumulog sa hamon


ngunit…

• Mayroon ding hindi nagtangka… (Sila ang mga guro


0 kritikong ni ayaw harapin ang akda o likhang-sining sa
anyang sarili)
• Mayroon din namang aakyat-dadausdos sa
bundok… (Nakikipagtitigan sa estruktura ngunit
walang patumangga namang ipinagpipilitan ang
kaniyang SUBHEKTIBONG interpretasyon sa mga
likhang sining na ito)

• May nabigo at naging bato… (Mga naging


mistulang bato na lamang dahil sa ipot ng panunuring
pormalistiko… at kalauna’y baka tuluyan nang
humimlay dahil sa kakitiran ng batong isipan)
TATLONG DAHILAN NG PAGKABIGO NG
TATLONG NABIGO

-Katunggakan o karuwagan ang maniwlang


mawawala ang brasong dapat mong bunuin kung
ibabaling mo ang iyong tingin sa paligid nito

-Maliwanag na kung matimbang sa iyo ang sarili


mong impresyon, hindi panitik ang dapat mong
hawakan kundi salamin

-Kung Formalismo ang itatangi mong batayan ng


panunuri, higit na bagay sa iyo ang klase ng
anatomiya
Maga katanungang dapat maigpawan ng magiting
na kritiko (para mapaamo ang ibong mailap):

1. Ano ang nilalaman o ipinararating sa atin ng


likhang-sining?
2. Paano ito ipinararating?
3. Sino ang nagpaparating?
4. Saan at kailan sumupling ang likhang-sining
na ito?
5. Para kanino ang likhang-sining na ito?
• Ano
• Paano
• Sino
• Saan at Kailan
• Para Kanino

Subukan natin itong linawin sa


pamamagitan ng Noli Me Tangere ni
Rizal
Ano ang nilalaman o ipinararating sa atin ng
likhang-sining?

Ang katanungang ano ay masasagot lamang sa


pamamagitan ng pagbabasa ng mismong akda o
teksto o sa panonood ng pagtatanghal o
presentasyon ng isang likhang sining.
Ano ang nilalaman o ipinararating sa atin ng Noli
Me Tangere?

Ang nobelang ito ay naglalantad ng mga


kawalanghiyaan ng mga kastila noon sa mga
Pilipino. Makikita sa nobelang ito angmga
pangyayaring naghahayag ng mga katiwalian ng
mga kastilang namumuno sa Pilipinas noon.
Paano ito ipinararating?

Ang katanungang ito naman ay ang tanging tuon


ng pansin ng Formalistiko. Tumutukoy ito sa
paraan o teknik o artipisyongginamit ng
manunulat o artista upang maihatid ang
damdaming naturol sa unang katanungan.
Paano ipinararating ang mga nilalamang mensahe
ng Noli Me Tangere?

Ang mga nasabing isyu sa lipunan noon ay


ipinarating sa pamamagitan paglalahad ng mga
makatotohanan at madamdaming paglalarawan sa
mga tauhan at mga kuwento sa loob ng nobela,
nakatulong din ag mahusay na pagtatagni-tagni sa
mga ito. Gayundin, ipinarating din ang mga
inilalahad g nobela gamit ang mismong estruktura
nito: nobelistiko ang lawak ng kasaysayan at
daming tauhan.
Sino ang nagpaparating?

Malaking tulong sa isang kritiko ang pag-alam sa


“SINO” sapagkat makatutulong ito upang higit na
maunawaan ang ang isang likhang sining. Siya ba
ay mayaman o mahirap? Ano ang kaniyang
kasarian? Sino ang kaniyang pamilya, kaibigan,
kamag-anak, guro, estudyante at paano
nakaaapekt ang mga ito sa kaniya? Gayundin,
ano-ano ang mga kinabibilangan niyang
organisasyon—relihiyoso, sibiko, artistiko,
pampamahalaan.
Sino ang nagpaparating ng mga nilalamang
mensahe ng Noli Me Tangere?

Si Rizal ang sumulat nito kung kaya’t siya ang


nagpaparating ng mensahe.

Si Rizal ay isang ilustradong doktor na mula sa


angkan ng mayamang pamilya sa Laguna.
Nagtungo siya sa Espanya upang doon
ipagpatuloy ang pag-aaral at pang maiwasan na
rin ang pangingikil ng mga Espanyol sa Pilipinas.
Saan at kailan sumupling ang likhang-sining na
ito?

Maaaring makaimpluwensya sa isang likhang


sining ang lugar kung saan ginawa ang akda at ano
ang kondisyon nito sa panahon kung kailan ito
nabuo.
Saan at kailan sumupling ang Noli Me Tangere?

Ang nobelang ito ay isinulat sa iba’t ibang bayan sa


Europa noong 1884-1886. Sa mga panahong ito ay
matutunghayan ang paghihirap ng mga Pilipino, indio
man o ilustrado sa kamay ng mga Kastilang nasa
Pilipinas. Sa panahon ding ito, marami sa
mayayamang inuusig sa Pilipinas ang nagpunta sa
Espanya upang doon bumuo ng plano para sa
pagbabago. Supling namang matatawag ng Noli ang
mga impluwensyang pampanitikan na kumalatsa
Europa noong pangalawang hati ng siglo 19 (realismo
ang unang sumibol sa Pransiya)
Para kanino ang likhang-sining na ito?

Dito sinasagot ang tanong kung sino nga ba ang


iniisip ng awtor na paglalaanan ng kanyang
likhang sining.

Mahalaga sa bahaging ito ang pinaglalaanang


antas sa lipunan o uri o interes na
pinaglilingkuranng kaisipa’t damdaming
inihahayag ng isang likhang sining.
Para kanino ang Noli Me Tangere?

Ang nobelang ito ay nilikha ng isang ilustrado


hindi para sa mga kawawang indio kundi para sa
mga ilustrado sapagkat makikita rito ang pananaw
ng isang mayamang uri at ayon sa iba pang libro
ay para ito sa mga kastila sa Espanya upang
malaman ang kabaluktutang ginagawa ng mga
Espanyol sa Pilipinas. Gayundin, isang mahusay
na patunay sa teoryang ito ang wikang ginamit ni
Rizal sa pagsulat na tanging mga ilustrado at
espanyol lamang ang nakauunawa.
Sa limang katanungang dapat pagdaanan ng isang
kritiko, ang panghuliang siyang pinakamahalaga
niyang pagdaraanan sapagkat

-Dito lubos na mauunawaan at matitimbang ang


isang likhang-sining
-Dito mauunawaan ang nagawa ng akda para sa
ikabubuti ng higit na nakararami
Sa Noli Me Tanggere, masasabing MATIMBANG
ito sapagkat naipakita nito, sa unang pagkakataon
at sa masining na pamamaraan ng realistikong
nobela ang kabulukang nangyayari noon sa
lipunang pilipino

Ngunit nabawasan ang timbang nito dahil sa


katotohanang hindi ito para sa mga mahihirap at
para lamang ito sa mga ilustradong.
Iminumulat nito ang mga ilustrado sa mga
kamalian sa lipunan ngunit tila iniiwasan pa rin
nitong ipakita ang pangangailangan sa isang
himagsikan.

Inilalantad ni Rizal ang sakit ng lipunan ngunit


hindi niya matanggap na isang matapang at
masakit na gamot ang lunas para rito.

(Makikita ang pananaw niyang ito sa kabanata 50-Tinig ng mga Inuusig.


Matutunghayan dito ang pag-uusap nina Ibarra na nasa panig ng mayayaman
at ayaw ng himagsikan at ni Elias na nasa panig naman ng mahihirap at nais
ng himagsikan… Gayun pa man, magkaiba man ang pananaw na ito ay si Rizal
pa rin naman ang may akda kung kaya’t marahil ay naisip na rin naman niya
ang pangangailangang ito)
Sa matagumpay na pag-igpaw ng manunuri sa
limang katanungan nakasalalay ang pagkahuli
ng ibong adarna (pagtatamo ng tiyak na
pamantayang pangkultura). Aawit ang ibon sa
loob ng hawlang ginto at mag-iiba-iba ang kulay
ng kaniyang balahibo.

Subalit, tanging ang puso’t isip para sa kapwa at


may kakayahang magtiis ng hapdi at kirot ang
may kakayahang gawin ito.

You might also like