You are on page 1of 22

Aralin 1

Kalagayan ng Bansa sa
Panahon ng Pagsulat
ng Akda
Natutukoy ang tiyak na panahon
1
kung kailan isinulat ang akda

Layunin Nalalaman ang mga detalye mula


2 sa kasaysayan na may epekto sa
pagkakabuo ng nobela

Naiisa-isa ang mga pagkakatulad


3 ng sitwasyong panlipunan sa
panahon ng pagkakasulat akda sa
kasalukuyan
● Bakit mahalagang pangalagaan ang orihinal na
kopya ng mga akda ni Rizal?
● Ano ang kahalagahan ng Noli Me Tangere sa atin
bilang mga Filipino?
Pagganyak

● Ano ang salin ng Noli Me Tangere sa wikang Filipino?

● Bakit naging karapat-dapat is Rizal na maging


pambansang bayani?
Pagganyak

● Ano ang salin ng Noli Me Tangere sa wikang Filipino?


Huwag mo akong Salingin (Latin, San Juan 20:13-17)

● Bakit naging karapat-dapat is Rizal na maging


pambansang bayani?
Mahahalagang Tanong

● Ano ang pangunahing layunin sa pagsulat ni Rizal ng


Noli Me Tangere?

● Bakit itinuturing na isang obra maestra ang Noli Me


Tangere?

● Paano naging mahalaga ang Noli Me Tangere sa


kasalukuyang panahon?
Pagtalakay

• Layunin ng pagsulat ng nobela:

Pukawin ang kamalayan ng mga


Pilipino upang makita ang mga kanser
ng lipunan.
Pagtalakay

Kanser
ng
Lipunan
Pagtalakay

• Walang pantay na Karapatan sa pagkakaroon ng


mga kinatawang Pilipino sa pamahalaan at
simbahan
• Pagpapataw ng malaking buwis sa mga sakahang
pag-aari ng mga Pilipino.
• Kolonyal na mentalidad ng mga Pilipino.
• Paghahari-harian ng mga Espanyol sa bansa.
Pagtalakay

• Tumukoy ng tatlo o higit pang tauhan mula sa


nobelang Noli Me Tangere maliban kina Donya
Victorina at Maria Clara.
• Tukuyin ang katangian ng kanilang ginampanan sa
akda at ang kanilang naging representasyon sa
lipunang Pilipino sa panahong isinulat ang akda.
Pagtalakay

Pagsusuri para sa Gawain 1: Huwag Mo Silang Hawakan

● Bakit sila ang mga napili mong tauhan ng nobela?

● Bakit nilikha ni Rizal ang mga tauhang tinukoy?

● Bakit mahalagang kilalaning mabuti ang katangian ng


mga tauhan sa nobelang Noli me Tangere?
Pagtalakay

2. Nagsisilbi silang repleksyon ng mga Pilipino noon


at marahil ginawa sila ni Rizal upang mabigyang-
pansin ang mga kapintasan o suliraning taglay ng
mga tao sa lipunang nakadaragdag sa nararanasang
paghihirap ng bansa.
3. Mahalagang kilalaning mabuti ang mga tauhang
nilikha ni Rizal sa nobela sapagkat nagtataglay ang
mga ito ng simbolismong higit na magpapayaman sa
pag-unawa sa kalagayan ng lipunan sa panahong
isinulat ang akda.
Pagtalakay

Kalagayan ng Bansa sa Pagkakasulat ng Akda

NOON NGAYON
Pagtalakay

Panahon ng Pananakop ng
mga Kastila

● Katolisismo, Kayamanan, Karangalan


● Gobernador Heneral
● Pag-uuri: 1) peninsulares, 2) insulares
at creoles, 3) meztiso, principalia,
ilustrados, 4) indio
● Polo y Servicios
Pagtalakay

Kalagayang Panlipunan noong


Panahon ng Pananakop ng mga Kastila

● Inalipin at pinagmalupitan ng mga Espanyol ang mga


taal na Pilipino
● pag-alsa sa Cavite
● paggarote sa tatlong paring mártir na sina Padre
Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre Jacinto
Zamora
Mahahalagang Tanong
Paglalapat

● Bakit kinakailangang malaman ang mga kaalaman


kaugnay sa pagkakabuo ng isang akda?

● Paano makatutulong ang pagkilala nang lubos sa mga


tauhan sa pag-unawa sa akda?

● Paano nakatutulong ang kaalaman sa kasaysayan sa


pagsusuri ng isang akda?
Bakit sinasabing nagiging tulay ng nakaraan at
kasalukuyan ang panitikan?
Inaasahang Pagpapahalaga
Pangunahing layunin ni Rizal sa pagsulat ng Noli Me
Tangere ang maipakita sa kanyang mga kababayan
1 ang kaser o sakit ng lipunang laganap noong
panahong isinulat niya ang akda.

Itinuturing na isang obra maestra ang Noli Me Tangere


sapagkat nagawa niyang mailahad sa matapat at
2 matatag na paraan ang mga pangyayari noong
panahon ng Kastila sa pamamagitan ng malikhaing
paglalarawan at paggamit ng mga simbolo o
representasyon sa akda.
Inaasahang Pagpapahalaga

Mahalaga pa rin ang Noli Me Tangere sa kasalukuyang


panahon sapagkat patuloy nitong ipinakikita at
ipinaaalala sa atin ang mga sakit na mayroon tayo sa
3 ating lipunan. Ipinakikita nito na mula noon
hanggang ngayon, marami pa tayong kinakailangang
gawin upang mapagaling ang ating mga sarili sa sakit
na ito.
Paglalagom

● Tunay na ang panitikan ay salamin ng ating kasaysayan.


Ipinakikita nito sa atin ang mga pangyayari noong
panahong isinulat ang akda at nilalayong matuto tayo mula
sa mga ito.

● Mahalagang suriin at pahalagahan ang isang panitikan


nang may pagtanaw sa mga pangyayari at karanasan ng
manunulat dahil maaaring may epekto ito sa pagkakasulat
sa akda.
Paglalagom

● Napakahalagang panitikan ng Noli Me Tangere sapagkat


nailahad nito sa matapat at malinaw na paraan ang ating
lipunan noon at maging sa kasalukuyan. Mahalagang
patuloy itong basahin upang matuto mula rito at hindi na
maulit ang mga pagkakamali mula sa nakaraan.
Kasunduan

Sumipi ng limang mahahalagang suliranin o pangyayari sa


akdang Noli Me Tangere na masasalamin pa rin sa
kasalukuyang lipunan. Tukuyin ang pangyayari sa
kasalukuyan na kaangkop nito.

You might also like